Nang makita niyang sumugod si Tanner, naisip ni Madeline ang lahat ng masasamang bagay na ginawa nito sa kanya. Pagkatapos ng isang sandali, nang kikilos na siya, isang bugso ng hangin ang biglang dumaan sa kanyang likuran. Mahigpit na hinawakan ng maiinit na palad ni Jeremy ang kanyang balikat at hinila siya sa gilid. Kaagad na napalibutan si Madeline ng isang pamilyar pero hindi rin pamilyar na mainit na hininga. Bago niya ito makita nang malinaw, nakita niya si Tanner na hinawi ang hangin bago tumama sa puno. Kasunod nito ay pinilipit siya ng kanang kamay ni Jeremy. Biglang sumigaw si Tanner, "Aray, aray!" Pero hindi siya tinigilan ni Jeremy. Tinaas niya ang kanyang paa sa tuhod ni Tanner sabay sinipa siya. Napaluhod si Tanner bago siya sinipang muli. Akala ni Madeline ay magpapatuloy si Jeremy na turuan ng leksyon si Tanner, pero bigla siya nitong niyakap nang mahigpit at puno ng pag-aalala. "Wag kang matakot, andito ako. Hindi ko na hahayaang may manakit pa sa'yo." S
Malamang si Meredith yung taong naghahanap kay Tanner. Alam na alam yun ni Madeline, pero tingin niya hindi ito alam ni Jeremy. Lagi siyang naniniwala kay Meredith. Dahil din sa pangungunsinti ni Jeremy kay Meredith nang paulit-ulit kaya nasaktan siya nang husto noon. Subalit, kung gusto niya talagang pagtakpan si Meredith, bakit siya nag-abalang pakiusapan si Madeline na magpanggap bilang kung sino siya noon para lang kumuha ng impormasyon mula kay Tanner? Inakala ni Madeline na aalis agad si Jeremy, ngunit hindi niya inasahan na susundan siya ni Jeremy hanggang sa pinto ng kanyang apartment. "Pwede ba 'kong pumasok?" Nagtanong si Jeremy na para bang nakikiusap siya. Gabing-gabi na. Ayaw sanang pumayag ni Madeline, kaso napatingin siya sa nahdurugong kamay ni Jeremy at nagdesisyon siya na buksan ang pinto para papasukin si Jeremy. "Pasok ka." Hindi siya nakakaramdam ng awa para kay Jeremy. Gusto lang niyang makakuha ng impormasyon mula sa kanya. Nilabas ni Madeline a
Nang marinig niya ang boses ni Madeline, agad na naalis ang pagkakayakap ni Jeremy kay Madeline. Napuno ng kalungkutan ang kanyang puso. Tila kababalik lang niya mula sa isang mahabang panaginip. Nang makita niya ang reaksyon ni Madeline, napagtanto ni Jeremy na nawala siya sa kanyang sarili. Naipakita niya kay Madeline ang kalungkutan at paghihinagpis niya na walang sinuman ang nakakaalam. Bukod dito, hinahanap niya ang yakap ni Madeline, at hiling niya na kaawaan siya nito at yakapin siya ng mahigpit⌠Hindi pa ito nangyari noon. Subalit alam niya na nagkakaganito lamang siya dahil sa mukha ni Vera. Ang mukha ni Vera na katulad na katulad ng kay Madeline. "Di ba sabi mo bukas ka pa dadating? Bakit biglaan ata pagbalik mo?" Natauhan si Jeremy nang marinig niya ang masayang boses ni Madeline. Doon lamang niya napagtanto at naalala ang sinabi ni Madeline. 'Nandito na ang fiance ko.' FiancÊ?"May bisita ba tayo?" Maririnig ang boses ng isang lalaki. Sumimangot si Jere
Umiling si Madeline. "Hindi ganun kaganda ang ginawa ko. Kung nagawa ko ng maayos ang lahat, hindi sana siya maghihinala na ako ang namatay niyang ex-wife." May dalang pait ang dalawang huling salita na sinabi ni Madeline, pero agad niyang nginitian si Felipe. "Huwag mo 'kong alalahanin. Hindi na ako yung mahina at uto-utong Madeline Crawford. Hindi ko sisirain ang panibagong buhay na binigay mo sakin." Ngumiti si Felipe. May nakatagong misteryo sa makislap at malalim niyang mga mata.Tinulungan siya ni Madeline na tanggalin ang kanyang coat na nabasa ng ulan at inihanda ang pampaligo niya. Naligo siya at nagsuot ng puting bathrobe, pinusan niya ang basa niyang buhok gamit ng isang tuwalya. Pumasok siya sa silid ni Madeline. Nang makita niya na tulog na si Lily, yumuko si Felipe at hinalikan si Lily sa pisngi. "Nalinis ko na yung kwarto, Felipe." Lumingon si Felipe at naglakad palapit sa kanya. "Dalawang araw na lang babalik na ako sa Whitman Manor. Sumama ka sakin." "
Sa karamihan ng tao, bigla niyang narinig ang isang napaka pamilyar na boses. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. Ngunit, walang anumang reaksyon ang kanyang mukha. Naglakad siya palapit kay Jeremy na walang kahit anong reaksyon. "Mr. Whitman, sinadya mo ba 'kong dalhin dito para lang mag-agahan?" Ngumiti siya, nasinagan ng araw ang kanyang magandang mukha. Tila tumingin si Jeremy sa ibang direksyon at tumango. "Hindi ba pwedeng yayain na kumain ang future aunt-in-law ko sa isang pampublikong lugar? O nag-aalala ka na baka magselos si Uncle Felipe?" "Bakit naman magseselos si Felipe ng dahil lang dito?* Mahinahong ngumiti si Madeline, ngunit mabilis pa rin ang pagtibok ng kanyang puso. Naririnig pa rin niya ang pamilyar na boses na paulit-ulit na tumatawag ng 'Maddie'. Palapit nang palapit ang boses na iyon kasabay ng tunog ng mabibilis na mga yabag. Subalit, mahinahon lamang niyang sinundan si Jeremy papunta sa breakfast shop. âMaddie!âSa wakas, habang pap
Ngumisi si Jeremy, nakatitig siya sa likod ni Madeline. "Tingin mo talaga siya si Madeline?" "Kalokohan! Syempre, siya si Maddie!" Siniguro yun ni Ava sa kanya. "Jeremy, sinasabi ko sayo, huwag na huwag mo nang sasaktan si Maddie. Kapag sinaktan mo ulit si Maddie, makikipagpatayan talaga sa pagkakataong 'to!" Noong marinig niya ang babala ni Ava, biglang napangiti si Jeremy at natawa sa kanyang sarili. Isang kaibigan na makikipagpatayan para kay Madeline. Paano naman yung asawa niya? Hindi nagsalita pa si Jeremy. Sumakay siya sa kotse at pinaandar ang makina. Nakaupo sa loob ng kotse si Madeline. Nasilip niya ang malungkot na itsura ni Ava. Unti-unting lumiit ang repleksyon niya sa rear-view mirror, at lalong kumirot ang kanyang puso. 'Sorry, Ava.' 'Hindi pa ngayon ang panahon para magkita tayo.' 'Hihingi ako ng tawad sayo pagkatapos kong makapaghiganti.' Hindi na ito inisip pa ni Madeline. Noong mapadaan sa isang intersection ang kotse, nagsalita siya. "Ihinto mo a
Agad na hinablot ni Jeremy ang braso ni Madeline at hinila siya palapit sa kanya bago pa man may maganap na aksidente.Dumaan sa tabi ni Madeline ang sasakyan na muntik makasagasa sa kanya. Dahil masyadong malakas ang pagkakahila ni Jeremy kay Madeline, nawalan siya ng balanse at natumba siya palikod. Natumba kasama niya si Madeline na noo'y yakap niya sa kanyang mga bisig. "Huwag kang matakot, ligtas ka na."Narinig ni Madeline ang sinabi ni Jeremy. Gusto niya sanang tumayo kaso mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Jeremy. Nakahawak ang kanang kamay ni Jeremy sa ulo ni Madeline at prinotektahan ito. Nakahiga lamang si Madeline sa katawan ni Jeremy. Nalanghap niya ang amoy ng katawan ni Jeremy. Isa itong pamilyar na amoy sa kanyang alaala. Naramdaman niya na bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa gulat na naramdaman niya nang muntik na siyang mabangga ng sasakyan. Noong umihip ang malakas na hangin, nahimasmasan si Madeline. "Mr. Whitman,
Agad na pumayag si Meredith. "Huwag kang mag-alala, Jeremy. Pupunta ako bukas ng gabi kasama ng mga magulang ko." "Mabuti, kung ganun." Binaba ni Jeremy ang phone pagkatapos niyang sabihin yung huling tatlong salita na yun. Tiningnan niya ang screen ng kanyang phone, makikita sa mga mata niya na may binabalak siya. Bumalik si Madeline sa kanyang apartment. Pagpasok niya sa bahay, nakita niya na gising na si Felipe. Nakaupo siya sa mesa sa tapat ng bintana, nakasuot siya ng ordinaryong damit. Pinapanood niya ang balita sa kanyang phone habang kumakain ng agahan. Noong makita niyang nakabalik na si Madeline, nginitian niya siya. "Maganda ang benta ng Miss L.ady. Sumikat ang bawat isang jewelry na dinisenyo mo. Tingin ko malaki ang tsansa mo na manalo sa GMA International Jewelry Design Competition ngayong taon.""Tsaka, dala ko yung mga materyales na kailangan mo. Maipagpapatuloy mo ang mga pangarap mo at career mo dito ng maayos." Nagpasalamat si Madeline habang pinapakingg