May nunal sa kanyang kaliwang dibdib na magpapatunay na siya si Madeline. Isa itong marka na ayaw niyang sirain dahil tingin naman niya hindi magkakaroon si Jeremy ng pagkakataon na makita ang bahagi niyang ito matapos niyang 'mabuhay muli'. Nandito siya para maghiganti, hindi para makipagrelasyon sa kanya. Dahil dito hindi niya tinanggal ang nunal na nasa kanyang kaliwang dibdib. Nang mapansin niya ang titig ni Jeremy, hinila niya pataas ang kanyang tuwalya bago tumalikod kay Jeremy. "Bakit di ka kumakatok bago pumasok?" Naiinis niyang tinanong. Akala niya isasara ni Jeremy ang pinto at aalis, pero sa halip ay narinig niya ang palapit nitong hakbang. Huminto ito sa likod niya. "Bakit ka pumasok? Labas." Gusto siyang palayasin ni Madeline at nagsalita nang may malamig na tono. Hinawakan niya ang tuwalya nang mas malapit sa kanyang dibdib at naglakad palayo. Nakapaa lang siya. Subalit, sa sandaling humakbang siya paharap, hinablot ni Jeremy ang kanyang manipis na braso.
Tanong niya, habang nakakaramdam ng nakakapanghinang sakit sa kanyang puso. Nang maalala niya ang kawawang mukha ni Madeline noong luhaan siyang nagpapaliwanag, pakiramdam niya hindi na siya matutubos pa. Paano niya nagawang maging ganito kalupit sa isang babaeng minahal siya nang sobra? Paanong napagtanto lang niya na mahal na niya ito kung kailan huli na? Ngayon, nauunawaan na niya kung bakit tinanong ito ni Old Master Whitman sa kanya noong sinabi nito na gusto siya nitong hiwalayan. Tinanong siya ng old master kung nagtalik ba sila pagkatapos nilang ikasal. Syempre, ginawa niya. Maraming beses. Sinabi niya na nandidiri siya sa kanya, pero hindi niya pa rin mapigilan ang kanyang sarili na galawin ito. Lumalabas na hindi lang talaga niya mapigilan ang damdamin niya, ngunit nang malaman niya ito, huli na. Pinagtipon ni Jeremy ang mga naiisip niya at tinignan ang puntod. "Kamukhang-kamukha mo siya, kaya lagi akong nagkakaroon ng maling akala. Niyakap ko siya kagabi, p
Tinignan ni Madeline ang lalaking lumabas mula sa madla at naramdaman niyang lumalabas ng kanyang katawan ang kaluluwa niya. Ang tagal na niyang hindi nakita ito, pero ang taong nasa harap niya ay maliwanag pa rin ang mata at gwapo pa rin. Mas nag-mature na siyang tignan di gaya ng dati. Lumapit ito sa kanya, nakikita ang kanyang mukha sa itim na mata nito. May hindi maipaliwanag na ligaya sa mga ito. "Maddie, ikaw nga yan…" Tinitigan siya ni Daniel nang maigi, kasinhinahon at kasinlmbing ng simoy ng tagsibol ang kanyang boses. "Sorry. Di ako si Madeline Crawford." Tumaas ang kilay ni Madeline sa inis. "Kapag nandito lang kayo para makipagkita sa akin kasi kamukha ko si Madeline Crawford, pakiusap umalis na lang kayo. May negosyo akong kailangang patakbuhin," Seryoso niyang sinabi bago tumalikod. Nang wala na sa paningin niya si Daniel at Ava, yumuko siya. 'Ava, Dan. Patawad. Patawarin mo ang pagmamalupit ko.' "Maddie!" Di sumuko si Ava at hinawakan ang kamay ni Madeline. "
Hindi kumbinsido si Ava. Gusto niya pang makipagtalo pero matapos niyang marinig ang sinabi ni Jeremy, kaagad na nawala ang pag-asa niya. Tinignan niya si Madeline at nanlumo matapos makita ang kaakit-akit nitong mukha. 'Di ba talaga ito si Maddie? 'Hindi, imposible yun.' Galit na tinignan ni Ava si Jeremy bago magkaskasan ang kanyang mga ngipin. "Jeremy, siguro isa itong patibong. Sigurado akong siya si Maddie! Ikaw ang-" "Tama na." Sumingit si Madeline nang seryoso. "Wala akong pakialam kung anong nangyari sa pagitan niyo ni Madeline, pero wala itong kinalaman sa akin. Makinig kang maigi, hindi ako si Madeline Crawford." Pagkatapos niyang sabihin ito, itinaas niya ang magaganda niyang mata at tumingin kay Jeremy. "Magpapahinga muna ako ngayon. Pwede mo ba akong samahan Mr. Whitman?" Tumingin si Jeremy sa kanyang nakakahumaling na mata ay ngumiti. "Ikinalulugod ko." Pagkatapos niyang sabihin ito, hinawakan niya ang kamay ni Madeline. Nagbigay-daan ang lahat para sa k
Ang malalim at kaakit-akit niyang boses ay pumasok sa kanyang taenga bago dumapo sa kanyang puso. Hindi inasahan ni Madeline na itatanong ito ni Jeremy. Malinaw na nagulat siya. Sa kabila ng pagkabigla niya, kalmado pa rin siya. "Jeremy, alam mo ba ang sinasabi mo?" "Syempre, alam ko ang sinasabi ko." Binabaan niya ang boses niya para mas maging nakakahumaling ito pakinggan. "Malapit na akong ikasal kay Felipe, kaya bakit.kita magugustuhan?" Seryosong sinabi ni Madeline, habang itinutulak siya palayo. Subalit, basta lang hinawakan ni Jeremy ang kamay na dumapo sa kanyang balikat. "Hindi mo ba talaga ako gusto? Edi bakit mo ako pinuntahan sa ospital at sinabing nag-aalala ka sa akin?" Tanong niya, "May pake ka sa akin. Atsaka, tingin ko di mo naman masyadong gusto ang tito ko," Sinabi niya nang manatili ang madilim niyang mata sa mukha ni Madeline. Naramdaman niyang tumatalon ang kanyang puso. Kahit na pagkakaalam niya magkaibang tao sila, hindi pa rin niya mabalewala ang
'Hindi nakalimot si Ava. 'Kaya ako nagbabalik para maghiganti. Para sa sarili ko ito, pero lalong para sa anak ko.' Nang mapansin ni Ava na matagal na hindi nagsalita si Madeline, lumapit siya at hinila ang kamay niya. "Maddie, pakiusap, sumama ka na sa amin. Si Dan ang taong tunay na nagmamahal sa'yo. Huwag ka nang magpaloko sa basurang ito!" "Manahimik ka." Biglang sumingit si Madeline. "Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na hindi ako si Madeline Crawford. Atsaka, bakit di ko pwedeng makasama si Mr. Whitman? Anong kinalaman sa akin ng nakaraan niya? Alam ko lang na masaya akong makasama siya. Masaya din akong makasama sita. Kaya pakiusap, tigilan niyo na ako!" Natapos sa pagsasalita si Madeline nang may malamig na tono. Pagkatapos, itinulak niya palayo ang kamay ni Ava. Tumalikod siya at hinawakan ang kamay ni Jeremy, nagpanggap na malapit silang dalawa. "Jeremy, sa ibang lugar na lang tayo mag-usap. Nakakairita ang mga taong ito." "Sige." Walang emosyong sumagot si Jeremy.
Nagmadali si Jeremy na pumunta sa lugar kung saan niya nakita ang puting anino. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya na parang tatalon ito palabas ng dibdib niya. 'Maddie! 'Ikaw ba yan, Maddie?' Paulit-ulit niyang isinigaw ang pangalan ni Madeline sa puso niya dahil sigurado siyang hindi siya namamalikmata. Subalit, pagdating niya sa libingan, walang tao doon. Tila ba panaginip lang ang nakita niya kanina. Nanlamig ang puso niya. Namamalikmata na ba siya kasi namimiss na niya ito nang sobra? Naisip ni Jeremy habang nanlulumo. Nang paalis na siya, nakita niya ang isang bakas ng usok na nangagaling sa puntod sa malapit. Naningkit siya at naglakad palapit. Lumapit siya sa puntod ni Len. Si Len ang lolo ni Madeline. Nakita niya ang isang buoquet ng white chrysanthemum sa harap ng puntod at isang kandila na may sindi. Talagang hindi siya namamalikmata kanina. May nagpunta dito para dalawin si Len! Sino pa bang dadalaw kay Len bukod kay Madeline? Muling bumilis ang t
Tumingala si Madeline at nagtagpo ang mata niya at ang manipis na mata ni Felipe. Mukhang mabait ang mga mata niya at binalot siya sa isang mainit na hangin. "Susuportahan kita sa lahat ng gagawin mo. Pero kung posible, ayaw ko talagang sa ganitong paraan mo gawin ang paghihiganti mo." Inunat ni Felipe ang kanyang kamay hanggang sa dumapo ang kanyang daliri sa kanyanh malambot na mukha. Nanginig si Madeline sa lamig ng daliri niya. Maraming lihim ang nakatago sa likod ng kanyang malalim na mata. Tila ba mahihigop ang kahit sino sa mata niya kapag tumingin sila sa mata nito nang matagal. Nang lalayo na si Madeline, lumapit si Felipe sa kanya. Lumapit ang gwapo niyang mukha sa harap niya, nagpapakita ng pagiging dominante at pagiging mapag-angkin "Hindi siya karapat-dapat na makuha ka mula noon hanggang ngayon." Naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso niya sa sandaling sinabi niya ito. Hindi niya alam ang gagawin niya. Nang mahimasmasan siya, nakita niya ang labi ni F