Nagmadali si Jeremy na pumunta sa lugar kung saan niya nakita ang puting anino. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya na parang tatalon ito palabas ng dibdib niya. 'Maddie! 'Ikaw ba yan, Maddie?' Paulit-ulit niyang isinigaw ang pangalan ni Madeline sa puso niya dahil sigurado siyang hindi siya namamalikmata. Subalit, pagdating niya sa libingan, walang tao doon. Tila ba panaginip lang ang nakita niya kanina. Nanlamig ang puso niya. Namamalikmata na ba siya kasi namimiss na niya ito nang sobra? Naisip ni Jeremy habang nanlulumo. Nang paalis na siya, nakita niya ang isang bakas ng usok na nangagaling sa puntod sa malapit. Naningkit siya at naglakad palapit. Lumapit siya sa puntod ni Len. Si Len ang lolo ni Madeline. Nakita niya ang isang buoquet ng white chrysanthemum sa harap ng puntod at isang kandila na may sindi. Talagang hindi siya namamalikmata kanina. May nagpunta dito para dalawin si Len! Sino pa bang dadalaw kay Len bukod kay Madeline? Muling bumilis ang t
Tumingala si Madeline at nagtagpo ang mata niya at ang manipis na mata ni Felipe. Mukhang mabait ang mga mata niya at binalot siya sa isang mainit na hangin. "Susuportahan kita sa lahat ng gagawin mo. Pero kung posible, ayaw ko talagang sa ganitong paraan mo gawin ang paghihiganti mo." Inunat ni Felipe ang kanyang kamay hanggang sa dumapo ang kanyang daliri sa kanyanh malambot na mukha. Nanginig si Madeline sa lamig ng daliri niya. Maraming lihim ang nakatago sa likod ng kanyang malalim na mata. Tila ba mahihigop ang kahit sino sa mata niya kapag tumingin sila sa mata nito nang matagal. Nang lalayo na si Madeline, lumapit si Felipe sa kanya. Lumapit ang gwapo niyang mukha sa harap niya, nagpapakita ng pagiging dominante at pagiging mapag-angkin "Hindi siya karapat-dapat na makuha ka mula noon hanggang ngayon." Naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso niya sa sandaling sinabi niya ito. Hindi niya alam ang gagawin niya. Nang mahimasmasan siya, nakita niya ang labi ni F
Hindi nila inasahan na ang taong pinagbabalakan nila ay biglang lilitaw sa harapan nila. Biglang natigil ang pagtawa ni Meredith at Rose. Ang napakapangit nilang mukha ay napuno ng pagkabigla nang titigan nila si Madeline na kakapasok lang. "Ikaw! Sinong nagsabi na pumasok ka? Kailan ka pa nakatayo diyan sa labas? Anong narinig mo?" Tumayo si Rose at tinuro si Madeline nang galit niya itong tanungin. Hindi nagsalita si Meredith. Nanlaki lang ang mga mata niya at tinignan si Madeline. Tumaas ang kilay ni Madeline at ngumiti. "Bakit? May sinabi ka ba na hindi mo dapat sinabi at natatakot ka na malaman ko?" "..." Nagbago ang mukha ni Rose. Bahagya niyang inalis ang tingin niya. "Ikaw…" "Kung di ako nagkakamali, ikaw siguro ang adoptive mother ni Madeline. Tsk tsk, talagang nahawaan ka na ng ampon may. Nagtataka ako kung paanong ang isang mahinhin at eleganteng babae na tulad ni Mrs. Montgomery ay nagkaroon ng isang napakapangit at napakasamang anak na tulad ni Meredith!" "A-An
"Vera Quinn, ang kapal ng mukha mong pag-initan ako, p*ta ka?!" Nagwala si Meredith. Ang mahina at mahinhing panlabas na anyo sa video ay tuluyan nang nawala. Tumingin siya nang masama at nagkaskasan ang mga ngipin niya nang kumuha siya ng isang fruit knife sa lamesa. Balak niyang hiwaan sa mukha si Madeline. Sa isang banda, hindi siya pinipigilan ni Rose. Umaasa siya na matuturuan ni Meredith ng leksyon ang nakakairitang babaeng ito. Nang makita niya na palapit sa kanya ang kutsilyo, naalala ni Madeline ang dalawang hiwa na iniwan ni Meredith sa mukha niya noon. Bumalik ang pangyayaring ito sa isipan niya na parang isang bangungot. Kaagad siyang nahimasmasan at nagmadaling iwasan ang kutsilyo. "Wag ka nang magtago p*ta ka!" Nag-aalab ang apoy ng galit sa dibdib ni Meredith. Itinaas niya ulit ang fruit knife. "Sasabihin ko sa'yo Vera Quinn. Ganito ko sinira ang mukha ni Madeline noon. Kapag naglakas ng loob ka pa na banggain ako, ipapatikim ko sa'yo ang sakit na naranasan niya!
Hinawakan ni Meredith ang mukha niya sa takot. Nang makaramdam siya ng mainit at malagkit na likido pababa ng pisngi niya, nanlaki ang mga mata niya. "Dugo! Snf daming dugo! Ang mukha ko!" Tinignan niya ang madugo niyang palad at tumili. Mas maputla na ang mukha niya ngayon at patuloy siyang nauubusan ng dugo. Tumingala si Madeline at nakita niya ang nahiwaang laman sa kanang pisngi ni Meredith. Nagulat siya, pero kasabay nito, pakiramdam niya nakakatawa ito. Ngumiti siya sa nakita niya. Hindi niya inakala na balang araw si Meredith ang masisiraan ng mukha. Karma ba ito? "Mer, Mer, wag kang matakot. Nandito si Jeremy. Hindi niya hahayaang may mangyari sa inyo!" Tumakbo si Rose palapit sa kanya para pagaanin ang loob niya. Kasabay nito, hindi niya nakalimutan na idamay si Jeremy dito. "Jeremy, dalhin mo si Mer sa doktor para magamot ang sugat niya. Kung hindi, magkakapeklat siya sa mukha niya. Masama kapag nangyari yun," Nagmamadaling sinabi ni Rose habang tinutulak si Mered
'Pero di mo man lang ako binigyan ng kahit isang butil ng lambing noon. 'Alam mo ba kung gaano kasakit nung tinaga mo ako sa puso? 'Wala kang alam…' Dinala ni Jeremy si Madeline sa doktor. Matapos siguraduhin na hindi siya napuruhan, gumaan na ang pakiramdam niya. Sa kabila ng pagtanggi ni Madeline, nagpumilit si Jeremy na ihatid siya pauwi sa apartment. Mukhang mas gumaan ang pakiramdam ni Jeremy nang makita niya na wala si Felipe. Napagpasyahan ni Madeline na palabasin siya dahil nag-aalala siya na may mapansin siya. "Mr. Whitman, dapat mong puntahan ang asawa mo sa ospital " "Sinabi ko na sa'yo, di ko na siya fiancée," Seryoso niyang sinabi. Tumingin siya sa mga mata ni Madeline at isang kakaibang kinang ang lumitaw. "Wag mo akong tawaging Mr. Whitman sa susunod na pagkikita natin. Pwede mo akong tawagin sa pangalan ko." Gulat na tumingin sa kanya si Madeline. Nang magsasalita na siya, tumunog ang cellphone ni Jeremy. Tinignan niya ang screen at kaagad na nanlumo a
Ano? Matapos narinig ang sinabi ni Jeremy, parang lobo na naubusan ng hangin si Meredith. Nanghina ang mga tuhod niya at napaatras siya. Ang mga pagbabanta na sinabi niya kanina kay Vera ay kaagad na narinig niya sa kanyang isipan. 'Sasabihin ko sa'yo Vera Quinn, ganito ko sinira ang mukha ni Madeline noon. Kapag naglakas-loob ka pa na banggain ako, ipapatikim ko sa'yo ang sakit na naranasan niya!' Lalong namutla ang mukha ni Meredith habang bumilis ang tibok ng puso niya. Talagang sinabi niya ang mga salitang ito kanina. Sobrang nainis siya kay Vera kaya lumabas ang tunay na ugali niya nang ibunyag niya ang mga ginawa niya dati. Tinignan ni Jeremy ang pagbabago sa mata at mukha ni Meredith. Dismayado niyang sinabi, "Sinabi no sa akin na ang tatay mong si Sean ang kumuha ng tao para hiwaan ang mukha ni Madeline. Hindi pala yun ang totoo. Ikaw ang gumawa nun." "H-Hindi, hindi yan totoo…" Hinawakan ni Meredith ang braso ni Jeremy. Umiling siya para itanggi ang lahat ng ito.
Narinig ni Rose ang usapan ni Jeremy at Meredith kanina, pero di niya inasahan na mabilis itong mabubunyag. Pinagaan niya ang loob ni Meredith at sinabi, "Mer, di ka pa pwedeng sumuko. Kailangan mong makuha ang posisyon ng Mrs. Whitman! Hindi lamang ito isang simbolo ng mataas na katayuan, bibigyan ka pa nito ng walang hanggang kayamanan!" Napuno ng kasakiman ang mga mata ni Rose. May bakas ng pagkaganid sa mga mata niya. "Ako ang bahala sa Vera Quinn na yan." Pagkatapos maglabas ng sama ng loob, hinawakan ni Meredith ang sugatan niyang mukha habang nagkakaskasan ang mga ngipin niya. "Syempre, di ako basta susuko! Papatayin ko ang kahit na sinong maglalakas-loob na agawin ang lalaki ko!" Puno ng kamandag ang mga mata niya. Nagsimulang lumitaw sa mga mata niya ang masasamang balak. "Hmph, Vera Quinn, hahayaan ko ang nanay ko na turuan ka ng lesksyon. Pero hindi ikaw, Mom. Si Eloise!" … Bumiyahe paalis ng ospital si Jeremy at nakarating siya sa isang lugar. Habang nagma