Share

Kabanata 271

Ano?

Matapos narinig ang sinabi ni Jeremy, parang lobo na naubusan ng hangin si Meredith. Nanghina ang mga tuhod niya at napaatras siya.

Ang mga pagbabanta na sinabi niya kanina kay Vera ay kaagad na narinig niya sa kanyang isipan. 'Sasabihin ko sa'yo Vera Quinn, ganito ko sinira ang mukha ni Madeline noon. Kapag naglakas-loob ka pa na banggain ako, ipapatikim ko sa'yo ang sakit na naranasan niya!'

Lalong namutla ang mukha ni Meredith habang bumilis ang tibok ng puso niya.

Talagang sinabi niya ang mga salitang ito kanina.

Sobrang nainis siya kay Vera kaya lumabas ang tunay na ugali niya nang ibunyag niya ang mga ginawa niya dati.

Tinignan ni Jeremy ang pagbabago sa mata at mukha ni Meredith. Dismayado niyang sinabi, "Sinabi no sa akin na ang tatay mong si Sean ang kumuha ng tao para hiwaan ang mukha ni Madeline. Hindi pala yun ang totoo. Ikaw ang gumawa nun."

"H-Hindi, hindi yan totoo…" Hinawakan ni Meredith ang braso ni Jeremy. Umiling siya para itanggi ang lahat ng ito.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status