Nahimasmasan siya at nakita niya si Felipe na naglalakad palapit sa kanya. Naglakad si Madeline palagpas sa kanya, at ang mahinang amoy niya ay nanatili sa kanyang ilong. Ang tamis ng amoy niya at mayroon siyang kakaibang amoy. "Jeremy." Nang makita ni Felipe si Jeremy, natural niya itong binati. Noon pa siya matikas at maayos tignan, mukhang maginoo sa bawat kilos niya. Tinignan ni Jeremy silang dalawa nang maghawak-kamay sila. Naiinis niyang sinulyapan ang dalawang ito. Tumingin si Madeline kay Jeremy at tumalikod para ngitian si Felipe. "Felipe, pasok na tayo." "Okay." Malumanay na sinabi ni Felipe habang hawak ang kamay ni Madeline nang dalhin niya ito sa sala. May tinatawagan ang nanay ni Jeremy. Nang makita niya si Madeline at Jeremy na naglalakad palapit nang magkahawak-kamay, umirap siya sa inis bago ibaba ang linya. "Oh Felipe, nandito ka," Sinabi ng nanay ni Jeremy nang may kakaibang boses. Pagkatapos, tinignan niya si Madeline mula sa sulok ng mga mata niya.
Dumapo kay Jeremy ang titig ng lahat nang bigla niyang sabihin ang opinyon niya. May yelo na nakabalot sa kanyang gwapong mukha at ang mata niya ay mukhang matatalim na icepick. "Jeremy, pakakasalan ko si Vera kahit anong mangyari," Kalmadong sinabi ni Felipe pero matikas ang tono niya. "Hindi ko hahayaan na ikasal kayong dalawa." Bumangga sa kanya ang kalmado at mabagal na sagot ni Jeremy. Mas matikas pa ang tono niya kaysa kay Felipe. Sumimangot si Madeline. "Anong ibig-sabihin mo nito, Mr. Whitman? Sino ka para kontrahin ang kasal namin?" Tinikom niya ang bibig niya nang dumapo ang malamig niyang titig sa mukha ni Madeline. Ang mga mata niya ay puno ng panghihimasok. "Hindi kita papayagan na maging tita ko dahil sa mukha mo." Dominante ang kanyang toni habang ang mukha niya ay seryoso at sigurado. Tumawa si Madeline. "Hindi ko pwedeng pakasalan ang tito mo dahil kamukha ko ang dati mong asawa? Kung ganon, tingin mo ba na ayos lang kung pakakasalan ko ang isang taong
Mag-isang pumunta si Madeline sa ospital kung nasaan si Meredith. Mayroong isang malaking grupo ng tao na nagkakagulo sa tapat ng ospital. Ang lahat ay nakatingin sa pinakamataas na palapag ng building. Nang makita ito ni Madeline ay tumingala rin siya. Nakakita siya ng isang puting anyo na nakaupo sa bakod. Base sa kanyang mukha, si Meredith nga talaga iyon. Kaagad siyang sumakay ng elevator papaakyat. Inakala niya na naroon na si Jeremy, pero walang tao roon. Hindi niya nakita si Jeremy. Pero mukha siyang nag-aalala kanina. Hindi ba siya nag-aalala kay Meredith? Bakit siya nagmamadaling tumakbo? Habang pinag-iisipan niya ito, narinig niya si Eloise na umiiyak at sumisigaw sa kalungkutan sa kanyang harapan. "Mer, 'wag mong gawin 'to. Nagmamakaawa ako sa'yo. Pwede bang bumaba ka na?" Namamaos na ang boses ni Eloise sa kaiiyak. Malinaw kung gaano siya nag-aalala para kay Meredith. Hinigpitan ni Madeline ang kanyang mga kamao. Tumingin siya sa kanyang harapan at nakita niya
Pagkatapos sabihin iyon ni Madeline ay kaagad na nanlamig ang ere sa paligid nila. Ang tanging tunog na maririnig ay ang hangin ng taglagas na bumubugso sa bubong. Paulit-ulit itong humahaplos sa kanilang mga mukha. Nagbago ang ekspresyon ni Eloise habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Madeline. "A-Anong sabi mo? Anong sinabi mo?" Lumapit si Sean kay Madeline sa sandaling ito. Nakatingin siya sa kanya ng may nagtatanong na mga mata. "Anong kalokohan ang sinasabi mo? Buhay siya! Bakit mo siya sinusumpa at sinabing namatay siya tatlong taon na ang nakakaraan?!" Ngumiti lang si Madeline bago binitawan ang kamay ni Eloise. "Hindi ko sinusumpa ang anak mo. Inulit ko lang ang sinabi niya," kalmado niyang sabi habang nakaturo kay Rose. "Narinig kong sinabi niya iyon gamit ng dalawang tainga mo. Ang sabi niya patay na raw ang anak ninyo tatlong taon na ang nakakaraan." "Ano?" Hindi makapaniwalang tumingin sina Eloise at Sean kay Rose. "Kalokohan!" pagtanggi ni Rose. Kahit na
"Kung bruha si Madeline, eh ano naman ang pinakamamahal ninyong anak?" Hindi mapigilan ni Madeline na suminghal. "Nakipagsabwatan siya sa isang estranghero para kidnapin ang kanyang sariling anak tapos sinisi si Madeline. Nalimutan niyo na ba 'yun? Para kaayawan ni Jeremy si Madeline, ninakaw niya ang bracelet ng iba at friname-up si Madeline. Nakalimutan niyo rin ba 'yun? Mrs. Montgomery, tanungin ninyo ang sarili niyo, sino ba ang tunay na bruha rito?""Ikaw…" hindi makapagsalita si Eloise pagkatapos niyang sumagot ng ganito. "Hindi. Hindi ko ginawa ang mga 'yun…" bulong ni Meredith habang umiiyak. Kinagat niya ang kanyang labi, kaawa-awa siyang tignan ngayon. "Vera Quinn, bakit mo ba ako sinisiraan? Nagawa mo na kaming guluhin ni Jeremy. At saka, sinira mo pa ang mukha ko. Matutuwa ka lang ba 'pag namatay ako? Sige, tutuparin ko ang hiling mo. Tatalon na ako!" "Wag, Mer!" "Mer!" Natataranta siyang pinigilan nina Eloise at Sean. Ngunit suminghal lang si Madeline. "Sige, da
"Mer! Meredith! Anak ko!" Nagwawalang sumisigaw si Eloise. Bigla na lang, bumigay ang kanyang mga binti at sumubsob sa mga braso ni Sean. Nawalan siya ng malay. Nang makita ito ni Madeline ay kumirot ang kanyang puso. Si Eloise pa rin ang kanyang tunay na ina. Kahit na hindi siya gusto ni Eloise, umaasa pa rin siya na magiging ayos lang sina Eloise at Sean. Ngunit, niloloko sila ni Meredith. Pakiramdam ni Madeline ay nakakatawa ang lahat ng ito. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang isipan, nakita niya si Jeremy na nakatayo sa lugar kung saan tumalon si Meredith ngayon-ngayon lang. Tumingin siya sa baba nang may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Pagkatapos ng dalawang segundo, tumalikod siya at naglakad pabalik. "Bumagsak lang siya sa balcony. Sa tingin ko magiging ayos rin siya." Kalmadong sagot ni Jeremy. Pero, nakita siya ni Madeline na nakahinga nang maluwag. Nag-aalala pa rin siya kay Meredith. Nag-aalala siya na baka patay na siya. Ngunit, inaasahan na ito ni
Sa susunod na segundo, lumabas mula sa kotse si Jeremy habang napapalibutan nang isang malamig na aura. Napakalamig ng kanyang mukha nang makita niya silang hinablot ang mga kamay ni Madeline. Tinaas niya ang kanyang kilay bago hinila si Madeline sa kanyang tabi at papalayo sa mga pulis. "Aksidente lang ang pagkalaglag ni Meredith. Wala siyang kinalaman dito. Mag-imbestiga kayo nang maayos bago kayo mang-aresto." Malamig ang kanyang tono habang ang kanyang mga mata ay naniningkit. Pagkatapos nito, hinawakan niya ang balikat ni Madeline at binuksan ang pinto ng kotse. "Sakay." Kumpara sa kotse ng mga pulis, mas gugustuhin pa ni Madeline na sumakay sa kotse ni Jeremy. Sa ilang segundo lang, dinala siya ni Jeremy sa isang tahimik at walang taong lugar. Nang makalabas si Madeline sa kotse ay diretso siyang nagtanong, "Ako ang dahilan kung bakit tumalon ang babaeng pinakamamahal mo mula sa isang building. Bakit mo pa rin ako tinutulungan?" Tinignan siya ni Jeremy nang may peke
"Pfft." Natawa si Madeline. "Ang babaeng pinakamamahal mo ay ang ex-wife mo, si Madeline? Mr. Whitman, hindi nakakatawa ang biro mo." Tumawa si Madeline, pero mayroong mapurol na kirot sa kanyang puso. Nasasaktan pa rin siya ng dahil sa madugong sugat na iyon at hindi mukhang hindi ito hihinto. Nang maalala niya ang mga pangyayaring iyon sa nakaraan, tanging dugo at luha lamang ang naroon. Pero, anong sabi niya? Sinabi ba niya na mahal niya siya? Kung ang kabaliktaran ng pagmamahal ay pagkamuhi, ibig sabihin 'minahal' nga niya talaga siya. 'Minahal' niya siya hanggang sa ikamatay niya!Nang makita ni Jeremy ang sarkastikong ngiti sa mukha ni Madeline ay pilit siyang ngumiti. "Tama ka. Nagbibiro lang ako." Tinawanan niya ang kanyang sarili, pero sa loob niya, napakasakit ng kanyang puso na para ba itong hiniwa ng isang kutsilyo. Para nga talaga itong isang biro. Sa sobrang nakakatawa nito ay halos hindi siya makapaniwala sa kanyang sarili. Ngunit, ito talaga ang hindi mai