Sa susunod na segundo, lumabas mula sa kotse si Jeremy habang napapalibutan nang isang malamig na aura. Napakalamig ng kanyang mukha nang makita niya silang hinablot ang mga kamay ni Madeline. Tinaas niya ang kanyang kilay bago hinila si Madeline sa kanyang tabi at papalayo sa mga pulis. "Aksidente lang ang pagkalaglag ni Meredith. Wala siyang kinalaman dito. Mag-imbestiga kayo nang maayos bago kayo mang-aresto." Malamig ang kanyang tono habang ang kanyang mga mata ay naniningkit. Pagkatapos nito, hinawakan niya ang balikat ni Madeline at binuksan ang pinto ng kotse. "Sakay." Kumpara sa kotse ng mga pulis, mas gugustuhin pa ni Madeline na sumakay sa kotse ni Jeremy. Sa ilang segundo lang, dinala siya ni Jeremy sa isang tahimik at walang taong lugar. Nang makalabas si Madeline sa kotse ay diretso siyang nagtanong, "Ako ang dahilan kung bakit tumalon ang babaeng pinakamamahal mo mula sa isang building. Bakit mo pa rin ako tinutulungan?" Tinignan siya ni Jeremy nang may peke
"Pfft." Natawa si Madeline. "Ang babaeng pinakamamahal mo ay ang ex-wife mo, si Madeline? Mr. Whitman, hindi nakakatawa ang biro mo." Tumawa si Madeline, pero mayroong mapurol na kirot sa kanyang puso. Nasasaktan pa rin siya ng dahil sa madugong sugat na iyon at hindi mukhang hindi ito hihinto. Nang maalala niya ang mga pangyayaring iyon sa nakaraan, tanging dugo at luha lamang ang naroon. Pero, anong sabi niya? Sinabi ba niya na mahal niya siya? Kung ang kabaliktaran ng pagmamahal ay pagkamuhi, ibig sabihin 'minahal' nga niya talaga siya. 'Minahal' niya siya hanggang sa ikamatay niya!Nang makita ni Jeremy ang sarkastikong ngiti sa mukha ni Madeline ay pilit siyang ngumiti. "Tama ka. Nagbibiro lang ako." Tinawanan niya ang kanyang sarili, pero sa loob niya, napakasakit ng kanyang puso na para ba itong hiniwa ng isang kutsilyo. Para nga talaga itong isang biro. Sa sobrang nakakatawa nito ay halos hindi siya makapaniwala sa kanyang sarili. Ngunit, ito talaga ang hindi mai
Ngunit, dahil nasa paligid si Jackson, kailangang kontrolin ni Eloise ang kanyang galit. "Vera." Tinaas ni Jackson ang kanyang ulo para batiin si Vera. Mayroong isang pambihirang ngiti sa kanyang malinis at mahamis na mukha. Ngumiti pabalik si Madeline. "Jack, kumusta ka?" Nang makita ito ni Eloise ay bumagsak ang mukha niya. "Jack, anong tinawag mo sa kanya? Kilala mo siya? Paano mo nakilala ang masamang babaeng ito?" "Hindi masama si Vera." Nagsalubong ang kilay ni Jackson. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha habang nalungkot na naman siyang muli. "Masama siyang tao! Siya ang dahilan kung bakit naospital ang nanay mo!" Naging masama ang Toni ni Eloise. Tinignan niya nang masama si Madeline. "Vera Quinn, lumayo ka sa pamilya ko. Babawian kita sa ginawa mo kay Mer!" "Pretty Grandma, bakit mo sinisigawan ang mommy ko?" Sabi ni Lilian. Ang kanyang tono ay parang kasing lambot ng bulak. Nakita ni Eloise ang maliit na bata na mukhang nasa dalawa o tatlong taong gula
Nalaman ni Daniel kung saan nakatira si Madeline. Nang pumunta siya roon para makita kung kumusta na siya ngayon, hindi niya inaasahang makita ang ganitong eksena sa kanyang harapan. "Maddie!" Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya pinansin ang lahat at tinapakan ang accelerator para sundan ang kotse na dumakip kay Madeline. Ngunit, masyadong mabilis ang kotse at hindi man lang humihinto sa pulang ilaw ng traffic light. Hindi gusto ni Daniel na mawala ang kotse kaya hindi niya rin pinansin ang stoplight. Ngunit sa sandaling ito, mayroong dalawang babaeng nakauniporme na tumatawid sa kalsada. Kaagad na inapakan ni Daniel ang preno. Nagawa niyang mapigilan ang aksidente na mangyari, pero nawala naman sa kanyang paningin ang kotse. Naisip niya kung anong mangyayari kay Madeline mamaya at kaagad siyang tumawag ng pulis. Pagkatapos, may minanipula siya at nakuha niya ang camera footage. Isang beses na siyang nawala sa kanya tatlong taon na ang nakakaraan. Pero ngayon, hin
"Iwan mo kami." Malamig na pinutol ni Jeremy si Rose. Habang nakatingin sa tahimik na Meredith, pinunasan ni Rose ang kanyang pekeng luha sa gilid ng kanyang mga mata. "Aasahan ko na aalagaan mo si Meredith. Hindi na siya pwede pang malungkot." Pagkatapos, tumalikod siya at umalis, sinara niya ang pinto sa kanyang likuran. Naglakad si Jeremy papunta kay Meredith na tahimik na nakahiga sa kama. Umarteng nakakaawa si Meredith, pinikit niya ang kanyang mga mata at lumingon papalayo kay Jeremy. "Kumuha na ako ng pinakamagaling na doctor para gamutin ka. Gagaling din ang binti mo," kalmado niyang sabi. "Kung hindi mo ko gustong makita, aalis na ako." Nang marinig niya iyon, mabilis na lumingon si Meredith at hinablot ang kamay ni Jeremy. "Wag kang umalis, Jeremy!" Tinitigan niya ang lalaki nang may pagmamahal habang malungkot na tumulo ang mga luhang pinilit niyang ilabas. "Ayaw mo na sa'kin, hindi ba, Jeremy? Ayaw mo na rin akong makita, di ba?" Mahina ang kanyang boses a
Nagsalubong ang kilay ni Jeremy. "Anong sabi mo?" "Kailan ka titigil, Jeremy? Kapag namatay na si Madeline? Ganoon ba katinding kasalanan ang mahalin ka? Sabihin mo sa'kin, saan mo siya dinala?" Sa kanyang mabilis na pagtatanong, mas naging malinaw at totoo ang pag-aalala at kaba ni Daniel. Pero patay na si Madeline. Ito ang katotohanan kahit na anong gawing iwas niya rito. Hindi nagtagal, naisip niya si Vera Quinn. Si Vera lang ang posibleng dahilan kung bakit naniniwala si Daniel na buhay si Madeline. May nangyari kay Vera? Nanlumo ang kanyang puso habang lumitaw ang kaba sa kanyang kalooban. Kaagad na kumawala si Jeremy sa hawak ni Meredith at tumalikod. Napahinto si Meredith nang dalawang segundo at sa oras na tumingala siya ay nakaalis na si Jeremy mula sa kwarto. "Jeremy! Jeremy, saan ka pupunta?" Natataranta niyang tanong, pero hindi man lang siya sinilip ni Jeremy, maski lumingon man lang. Kaagad na binuksan ni Rose ang pinto at pumasok para lang makita na u
"Eh ikaw? Nakalimutan mo na ba ang tacos na masaya niyong pinagsaluhan sa tabi ng daan, Daniel? Hinatid mo pa siya pauwi. Ang bait mo naman. Nakalimutan mo rin ba na hinalikan mo siya sa katirikan ng araw?" Malamig na pagtatanong ni Jeremy, wala na ang ngiti sa kanyang mukha at sa halip ay napalitan ito ng lamig na mapipilitan kang lumayo ng tingin. "Sinasabi ko sa'yo, Daniel. Akin si Madeline kahit na anong mangyari. Kahit sa kamatayan, akin ang mga abo niya! Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang ilusyunadong homewrecker na sinubukang agawin ang isang babae mula sa kanyang asawa." Tumawa rito si Daniel. "Isang homewrecker? Alam mo rin pala ang salitang iyon. Siguro hindi mapapagbintangan nang paulit-ulit si Madeline ng homewrecker na Meredith na 'yun kung hindi ka palaging nagbulagbulagan! Kasabwat ka rito!" Isang emosyon ang umalon sa kalmadong itsura ni Jeremy. Hindi niya maitatanggi na siya ang gumanap na kasabwat pagdating sa paghihirap na naranasan ni Madeline. Siya an
Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline at kinakabahan siya. Base sa tunog, nakarating na ang mga lalaki sa pinto. Wala nang ibang paraan si Madeline. Kailangan na niyang kumilos. Habang tinitiis ang sakit mula sa kanyang nagdudugong mga kamay, ginalaw ni Madeline ang isang abandonadong bangko. Hawak na ng mga lalaki sa labas ang kandado. Pagkatapos kumuha ng bato sa lapag ay umapak si Madeline sa bangko. "P*ta! Hindi ba binuksan niyo yung pinto kanina? Paano niyo nawala ang susi? Hanapin niyo, dali!" Narinig sa labas ang isang galit na boses. Nang marinig sila ni Madeline, napagtanto niya na isa itong malaking pagkakataon para sa kanya. Habang nakatingin sa sirang bintana sa kanyang harapan, tinaas niya ang bato para batuhin ito. Klang! Kaagad na nabasag ang salamin. Kaagad na nanahimik ang mga tao sa may pintuan nang ilang segundo bago biglang may sumigaw. "Bw*sit! Baka tumakas na ang babaeng 'yun!" "Ano? Nakatakas siya?" Narinig ang galit na boses ng isang babae a