Share

Kabanata 286

"Eh ikaw? Nakalimutan mo na ba ang tacos na masaya niyong pinagsaluhan sa tabi ng daan, Daniel? Hinatid mo pa siya pauwi. Ang bait mo naman. Nakalimutan mo rin ba na hinalikan mo siya sa katirikan ng araw?" Malamig na pagtatanong ni Jeremy, wala na ang ngiti sa kanyang mukha at sa halip ay napalitan ito ng lamig na mapipilitan kang lumayo ng tingin.

"Sinasabi ko sa'yo, Daniel. Akin si Madeline kahit na anong mangyari. Kahit sa kamatayan, akin ang mga abo niya! Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang ilusyunadong homewrecker na sinubukang agawin ang isang babae mula sa kanyang asawa."

Tumawa rito si Daniel.

"Isang homewrecker? Alam mo rin pala ang salitang iyon. Siguro hindi mapapagbintangan nang paulit-ulit si Madeline ng homewrecker na Meredith na 'yun kung hindi ka palaging nagbulagbulagan! Kasabwat ka rito!"

Isang emosyon ang umalon sa kalmadong itsura ni Jeremy.

Hindi niya maitatanggi na siya ang gumanap na kasabwat pagdating sa paghihirap na naranasan ni Madeline.

Siya an
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status