Kaagad na tumakbo ang dalawang lalaki papasok sa madilim na silid. Nangapa-ngapa sila dahil wala silang ilaw. Nang kukunin pa lang nila ang kanilang mga phone, nakita nila ang isang anino na dumaan sa kanilang tabi mula sa pader sa likod. Mabilis na lumingon ang dalawa. Gamit ang pagkakataong ito, binato ni Madeline ang bangko na kanyang hawak bago tumalikod at tumakbo papalabas. Pinansalag ng mga lalaki ang kanilang mga kamay para protektahan ang kanilang sarili. "P*ta! Andito nga ang babaeng 'yun!" "Hulihin niyo siya!" Dahil alam niyang hindi na siya makakapagtago, nagpasya si Madeline na hindi na siya maghihintay na mahanap pa nila. Gamit ang limitasyon ng kanilang paningin laban sa kanila, tumakbo si Madeline papalabas habang pumasok sila sa silid. Ngunit, walang epektibong paraan para hindi siya makita. Pagkatapos niyang lumabas sa madilim na silid, nakasalubong ni Madeline ang isang namumula at hubad na Meredith pati na rin ang dalawang lalaki na may magulong kasuotan.
"Pakasaya ka, Vera Quinn! Hindi na sila masama!" "Wala ka bang hiya sa katawan mo, Meredith Crawford?" "Hahaha… Siguro kung magmakaawa ka, baka pakawalan pa kita. Sayang naman, kung magmamatigas ka pa, eh di mamatay ka na lang!" Nanigas ang mga mata ni Meredith habang isang malagim na ngiti ang lumitaw sa kanyang nakabalot na mukha. Hindi na hahayaan ni Madeline na saktan pa siya ni Meredith, lalo na bago pa siya makapaghiganti sa lahat ng ginawa sa kanya ni Meredith noon. Habang pinapanood ang apat na lalaki na papalapit sa kanya, dahan-dahang tinaas ni Madeline ang kanyang mga kamao. Lalaban siya hanggang sa mamatay bago niya hayaan ang kanyang sarili na mahulog sa mga kamay ng mga lalaking ito. Nang makita niya ang isang patpat sa tabi ng pader, mabilis siyang tumakbo para pulutin ito bago pa may makapigil sa kanya. "Oh? Palaban ka. Gusto ko 'yan." Ngumiti ang lalaking may pilat habang hinihimas ang kanyang baba. Tinitigan niya ang patpat sa kamay ni Madeline. "Hindi a
Lumabo ang isipan ni Madeline sa ilalim ng epekto ng chloroform. Bahagya niyang naisip na May narinig siyang boses sa kanyang tainga, tinawag siya nitong Madeline at sinabihan siya magiging ayos na ang lahat. Nagpumilit si Madeline na buksan ang kanyang mga mata para makita niya kung sino ito, pero parang bumibigat ang kanyang talukap sa bawat segundo. Namaluktot siya sa lalaki na hindi siya binibitawan. Siguro dahil binigyan siya nito ng ligtas na pakiramdam. Ito siguro ang unang beses na naramdaman ni Madeline kung paano maprotektahan. Ang tanging naranasan niya lang sa mga nagdaang taon ay walang iba kundi pagpapahirap. Tuwing humihiling siya na may tumulong sa kanya, ang tanging natatanggap niya ay mas matindi pang sakit. Umabot na ito sa punto kung saan sumuko na siya at hindi na umasa pa dahil pagod na ang kanyang puso sa lahat ng pagkadismaya. Ngayon, nalaman na niya kung anong pakiramdam na may sumusuporta sa kanya at napakainit nito… Naramdaman ni Jeremy ang tao sa
Babawiin na sana ni Jeremy ang kanyang kamay nang umalingawngaw sa kanyang isipan ang mga siguradong salita nina Ava at Daniel. 'Siya si Maddie!'Hindi ako naniniwala na mayroong dalawang tao na magkamukhang magkamukha!' Paano sila nakakasiguro? Maliban na lang kung nakakita sila ng kung anong marka? Marka? Naalala ni Jeremy ang nunal sa itaas ng kaliwang dibdib ni Madeline. Naalala ni Jeremy kung paanong humigpit ang hawak ni Vera sa tuwalya nang lumabas siya sa banyo sa araw na nagpalipas siya ng gabi ng dahil kay Jackson. Hindi kaya ginawa niya iyon hindi dahil sa pagkahiya kundi sa takot na baka may mapansin siya? Bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy sa kanyang naisip. Habang tinititigan ang nahihimbing na si Madeline ay lumapag ang isa sa kanyang mga daliri sa butones ng kanyang hospital gown. Mabilis na bumukas ang una, pangalawa, at pangatlong butones. Klik. Bumukas ang pinto ng ward habang nakahawak pa rin ang kamay ni Jeremy sa damit ni Madeline. "Anong gi
Sa isang sandali, may narinig si Jeremy na tumawag sa kanyang 'Jez'. Napabalik siya nito sa realidad habang ang kanyang nalilitong tingin ay lumapag kay Madeline. Pinanood niya na kumunot ang kanyang noo at bumuka ang kanyang mapupulang labi na para bang nagsasalita siya sa kanyang pagtulog. "Bakit…" Mas lalong kumunot ang noo ni Madeline sa biglaang tanong. 'Bakit?''Bakit' ba ang sabi niya?' Mula sa nahihirapang itsura ni Madeline, lumapit si Jeremy para marinig siya nang maayos. "Bakit di ka maniwala…" Bang! Nang papalapit pa lang ang mukha ni Jeremy sa bibig ni Madeline, bumukas nang malakas ang pinto ng kwarto. Napigilan siya bago niya marinig ang buong sinabi ni Madeline. Kumunot ang noo ni Jeremy habang tinaas niya ang kanyang tingin na puno ng pagkainis. Biglang pumasok si Eloise sa kwarto. "Paano mo nagagawang maghintay dito sa tabi ng kama ng babaeng ito habang wala pa ring malay ang anak ko nang dahil sa'yo, Jeremy Whitman? Hindi lang 'yon, pero hindi
Ang kaninang malalabong alaala bago siya mawalan ng malay ay luminaw na rin sa wakas, at naalala niya kung paanong biglang lumitaw si Jeremy para iligtas siya. Naalala niya kung paano siya nito hinawakan nang mahigpit at pinatahan at pati na rin kung paano siya sumiksik sa kanyang yakap dahil sa kaligtasan na naramdaman niya mula sa kanya… Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline, pamilyar ang pulso sa kanyang dibdib. Kinagat niya ang kanyang labi at hinigpitan ang kanyang kamao. 'Hindi. Paano ako muling mahuhulog sa kanya? 'Ayaw ko sa kanya! 'Namatay na ang pag-ibig sa loob ko sa bawat isang tulak niya sa'kin papunta sa kamatayan. 'Katulad ito kung paanong hindi na lalapit sa dagat ang mga taong nakaligtas sa pagkalunod. 'Pero nangangako ako na ipapaalam ko sa'yo kung anong pakiramdam nang hindi makahinga, Jeremy.'… Bumalik si Eloise sa kwarto ni Meredith kung saan dumating rin si Jeremy. Mukhang tumaas ng tingin ni Eloise kanyang sarili sa pagdating ni Jeremy, in
Sa totoo lang, si Madeline lang ang tanging babae na nakita niya nang nakahubad. Naalala ni Jeremy ang dalawang beses na lasing na lasing siya at 'nabuntis' niya si Meredith. Dahil lang sa mga salita ni Meredith sa sumunod na umaga kaya niya nalaman na may nangyari sa kanilang dalawa. Pero ngayon, nandidiri siya sa malabong anino ni Meredith sa banyo. "Hu, huhu… Bakit, huhu…" narinig mula sa loob ang malungkot na iyak ni Meredith. Dahil dito, kinuha ni Jeremy ang kumot at pumasok sa banyo nang nakayuko. Binalot niya ito kay Meredith. "Labas."Nang hinila niya siya palabas ng banyo, napansin niya na ayos lang ang kanyang mga binti. Napuno ng inis ang kanyang malalamig na mga mata habang lumitaw ang galit sa pagitan ng kanyang mga kilay. "Jeremy!" Naglakad si Meredith at sumubsob sa dibdib ni Jeremy, ang kanyang mga braso ay nakasampay sa kanya na parang isang pugita. "Bakit, Jeremy? Bakit nangyari sa'kin 'to? Pinagsalit-salitan nila akong pinahirapan. Ang sakit. Bakit a
Sa kabila ng mga paliwanag niya, puno ng pagkadismaya at pagdududa ang mga mata ni Jeremy. “Jeremy…” "Hindi ka na gaya ng dati." Suminghal si Jeremy. "Hindi ko mapigilang isipin na hindi ikaw yung babaeng nakilala ko noong bata pa ako." Kinabahan si Meredith sa mga sinabi ni Jeremy. "Imposible yun! Ako ang Linnie mo, Jeremy!" "Linnie." Mahinahong tumingin si Jeremy kay Meredith nang sabihin niya iyon bago niya binawi ang braso niya sa pagkakahawak ni Meredith. "Iimbestigahan kong maigi ang kasong 'to. Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman sa nangyari." "..." Hindi makapagsalita si Meredith at napako siya sa kanyang kinatatayuan. Pinanood lamang niyang umalis si Jeremy. Tinikom niya ang kanyang bibig at nagdabog siya sa sobrang inis. Anuman ang mangyari, hindi pwedeng malaman ni Jeremy na may kinalaman siya sa pagdukot kay Vera! ...Pagkalipas ng dalawang araw, pinirmahan ni Madeline ang mga papeles para sa paglabas niya sa ospital. Pagkatapos nito dumaan siya sa si