Share

Kabanata 296

Sa kabila ng mga paliwanag niya, puno ng pagkadismaya at pagdududa ang mga mata ni Jeremy.

“Jeremy…”

"Hindi ka na gaya ng dati." Suminghal si Jeremy. "Hindi ko mapigilang isipin na hindi ikaw yung babaeng nakilala ko noong bata pa ako."

Kinabahan si Meredith sa mga sinabi ni Jeremy. "Imposible yun! Ako ang Linnie mo, Jeremy!"

"Linnie." Mahinahong tumingin si Jeremy kay Meredith nang sabihin niya iyon bago niya binawi ang braso niya sa pagkakahawak ni Meredith. "Iimbestigahan kong maigi ang kasong 'to. Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman sa nangyari."

"..." Hindi makapagsalita si Meredith at napako siya sa kanyang kinatatayuan. Pinanood lamang niyang umalis si Jeremy. Tinikom niya ang kanyang bibig at nagdabog siya sa sobrang inis.

Anuman ang mangyari, hindi pwedeng malaman ni Jeremy na may kinalaman siya sa pagdukot kay Vera!

...

Pagkalipas ng dalawang araw, pinirmahan ni Madeline ang mga papeles para sa paglabas niya sa ospital. Pagkatapos nito dumaan siya sa si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status