Share

Kabanata 301

Ngumisi si Madeline, makikita ang sama ng loob niya sa kanyang mga mata.

'Paano mo nasasabi yan, Jeremy Whitman?'

'Maging ako man si Madeline o si Vera, ano bang ginawa ko para apihin ako ni Meredith?'

'Lahat ba ng gawin ni Meredith tama para sa mga mata mo?'

Humigpit ang hawak ni Madeline sa baso habang si Jeremy naman ay nanatiling tahimik at tila malalim ang iniisip. Paglipas ng ilang sandali, tumingin siya kay Madeline.

"Utang ko yun sa kanya." Ang sagot ni Jeremy.

Napasimangot si Madeline at naguluhan siya sa sagot ni Jeremy. "Anong utang mo sa kanya?"

Habang nakatingin siya sa makinang na mga mata ni Madeline, bumaling ang tingin ni Jeremy sa dagat na nasa harap nila.

"Hindi ko natupad yung pangako ko sa kanya. Kaya naisip ko na, baka pwede akong bumawi sa kanya sa ibang paraan."

Napasinghal si Madeline sa sagot ni Jeremy.

'Hindi mo natupad yung pangako mo kay Meredith, kaya ngayon, sinusubukan mong bumawi sa kanya?'

'Pero Jeremy, kailan mo pa tinupad yung mg
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status