Lumingon si Felipe kay Madeline, makikita ang pag-aalala niya sa maamo niyang mukha na lalong pinakisig ng mainit na sikat ng lumulubog na araw. "Gusto lang kitang tanungin sa huling pagkakataon, Vera. Sigurado ka ba na ito talaga ang gusto mo? Hindi madali na makawala sa mga kuko ng halimaw. Sigurado ka ba talaga na gusto mo nanamang makulong taong yun ulit?" Kasing init ng hangin sa tagsibol ang tono ng kanyang boses, ngunit may bakas ng kabagsikan sa kanyang mga mata. Nagdalawang-isip sandali si Madeline bago nag-alab ang paghihiganti sa kanyang mga mata. "Kaya kong tanggapin ang sakit at kahihiyan na binigay nila sakin, pero hinding-hindi ko mapapatawad ang dalawang yun sa pagsira nila sa mga abo ng pinakamamahal kong anak. Kailangan kong ipaghiganti ang pagkamatay ng anak ko!" Kinuyom ni Madeline ang kanyang mga kamao at makikita sa kanyang mukha ang matinding galit na kanyang nararamdaman. Matalim at puno ng lakas ng loob ang kanyang mga mata. Pagkatapos niyang mabuhay
Tumakbo si Madeline papunta kay Jackson, hindi niya iniisip kung gaano kadelikado ang sitwasyon. Kusang kumilos ang katawan niya upang protektahan si Jackson, kahit na ang ibig sabihin nito ay masasaktan siya sa pagprotekta sa bata. Habang yakap niya si Jackson, hindi na nagawa pang tumakbo ni Madeline. Inihanda niya ang kanyang sarili na masaktan habang palapit sa kanila ang sasakyan. Kasabay nito, may taong napasigaw, sa pag-aakalang may nangyaring malagim na aksidente. Subalit, biglang huminto ang sasakyan. Nagmura si Meredith habang nakatingin siya sa kanila mula sa malayo. Pinanalangin niya na mabangga at mapatay ng sasakyan sila Vera at Jackson para mawala na sila sa buhay niya! Pumreno ang sasakyan, at pakiramdam ni Madeline ay nanahimik ang kanyang mundo. Dahan-dahan niyang inunat ang kanyang mga braso upang tingnan ang batang lalaki na yakap-yakap niya. Hindi niya mapigilan ang biglang paghapdi ng kanyang mga mata. "Ayos na ang lahat, Jack. Di ba nangako si Ate V
Doon nagtapos ang video. “Vera.” Dalawang beses pinanood ni Jeremy ang video at lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Agad niyang sinuot ang kanyang blazer at tinawagan si Madeline.Walang sumagot sa tawag niya. Agad siyang nagmadali papunta kung saan naganap ang aksidente. Nakatanggap ng tawag si Jeremy bago pa man siya makarating sa pinangyarihan ng insidente. Huminahon ang puso ni Jeremy nang makita niya ang caller ID. Tinapik niya ang kanyang Bluetooth earphones at kabado niyang sinagot ang tawag. "Vera?" "Ako 'to."Narinig niya ang isang pamilyar na boses, na nagpakalma sa mga ugat ni Jeremy. Nagkita sila ni Madeline pagkalipas ng sampung minuto, sinuri niyang maigi si Madeline. Nagtanong siya, "Ayos ka lang ba talaga?" Mahinahong tumingin si Madeline sa galos sa kanyang binti. "Maliit na bagay lang 'to. Imbis na mag-alala ka sakin, Mr. Whitman, mas mabuti kung alalahanin mo ang anak mo." Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy. "Si Jackson?" "Oo. Matanong nga kit
Tumingin si Meredith kay Jeremy gamit ang mga mata niyang puno ng paghihinagpis at puno ng galit ang pagsasalita niya, "Jeremy, anak natin si Jack. Hindi ko siya hahayaang masaktan. Paano ko siya magagawang iwan?" Pagkatapos niyang sabihin yun, lumapit sa kanila sila Eloise at Jackson. Tumingin siya ng masama kay Madeline. "Ms. Quinn, ang dinig ko malapit ka nang ikasal sa tito ni Jeremy, kaya bakit umaaligid-aligid ka pa sa fiance ng anak ko? Hindi ka ba sinabihan ng magulang mo na nakakahiyang gawin mo 'to?" Ngumiti lamang ng mahinahon si Madeline sa kabila ng mga pang-iinsulto ni Eloise. "Maganda ang tanong mo Mrs. Montgomery. Hindi nila tinuro sakin yun kasi noong pinanganak ako, inuwi nila ang anak ng ibang tao at inabandona ang tunay nilang anak dahil sa kapabayaan nila." Noong binanggit ni Madeline ang naging karanasan niya sa buhay, biglang tumingin sa kanya si Jeremy. Nang makita niya ang eleganteng ngiti sa magandang mukha ni Madeline, nakaramdam siya ng kirot sa kany
Tahimik na ngumiti si Madeline, na noo'y hindi pa gaanong nakakalayo. Matagumpay ang ginawa niyang pag-atras para umabante, at nasiguro niya na siya ang mas pinahahalagahan ni Jeremy sa ngayon. Binuksan ni Jeremy ang pinto ng sasakyan para kay Madeline. Sumakay si Madeline sa kotse at nakita niyang nanggagalaiti sa galit si Meredith sa rearview mirror. Natuwa siya nang makita niya ito. Pagumandar ang makina ng sasakyan, nahihiyang nagsalita si Madeline, "Kahit na nangako ako sayo na hindi na ako magsasampa ng kaso sa pagpapakidnap sakin ni Meredith, mukhang ako naman ang kakasuhan nila? Isang kriminal na nagpapanggap na pulis. Hindi ko kayang palampasin 'to." "Hindi ko hahayaang mangyari yun." Nangako si Jeremy. Tumingin si Madeline kay Jeremy. "Talagang ginagawa mo ang lahat para kay Meredith." Nagdilim ang mga mata ni Jeremy nang marinig niya iyon. Gusto niya itong itanggi, ngunit sa huli, hindi na lang siya nagsalita. Paglipas ng ilang sandali ng katahimikan, tila ma
Noong marinig niya iyon, hindi nagalit si Meredith at sa halip ay ngumiti siya. "Vera Quinn, sa tingin ko talagang nababaliw ka na. Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo?" "Hindi ako mababaliw kahit na mabaliw ka," sumagot si Madeline, "Umabot na sa ganito ang lahat. Sa tingin mo ba ikaw pa rin ang pipiliin ni Jeremy?" "Bah! Mangarap ka na lang! Sa tingin mo ba pipiliin ka ni Jeremy kahit na hindi ako ang piliin niya?" Tinupi ni Meredith ang kanyang mga braso at mayabang na ngumisi, puno ng kompyansa ang kanyang mga mata, "Vera Quinn, sasabihin ko 'to sayo. Kahit na baguhin mo pa ang itsura mo, ako pa rin ang babaeng pinakamamahal ni Jeremy. Hindi niya ako mapapalitan!" Ngumiti si Madeline nang makita niya ang kampante at aroganteng itsura ni Meredith. "Hindi mapapalitan?" Inulit niya ang mga salitang iyon. Ngumiti siya at dinampot ang mamahaling red wine, nagsalin siya ng kaunti sa basong nasa harap niya. "Isang mapagpanggap, marumi, at napakasamang babae na gaya mo ay talagan
Biglang bumugso sa mga mata ni Meredith ang pagnanais niyang pumatay. Para bang gusto niyang sasaksakin ng libo-libong beses si Madeline. Kinuha niya ang gunting sa kabinet, tinutok niya ang talim nito kay Madeline, at sinugod niya si Madeline. Galit na galit si Meredith at sinubukan niyang turuan ng madugong leksyon si Madeline. Subalit, hindi natakot si Madeline. Umiwas lamang siya sa pagsugod ni Meredith.Inunat niya ang kanyang kamay, at hinablot niya kamay ni Meredith na may hawak sa gunting. Nanlaki ang mga mata ni Meredith. Inangat niya ang isa pa niyang kamay upang atakihin si Madeline, ngunit napansin ito ni Madeline. Habang pinipigilan niya si Meredith, bigla niyang tinapat ang kanyang kamay sa mukha ni Meredith at sinampal ito ng malakas. Napasigaw sa sakit si Meredith dahil sa sampal sa kanya. Hindi pa naghihilom ang sugat sa kanyang mukha at basang-basa pa siya ng red wine. Nakaramdam siya ng matinding sakit nang sampalin siya ni Madeline."Ang mukha ko!" Sum
Hindi inasahan ni Meredith na itutulak siya ni Jeremy. Natulala siya! Narinig niya na nag-aalalang tinawag ni Jeremy ang pangalan ni Vera. Malinaw na pagmamay-ari niya ang pag-aalala sa tono ng pagsasalita ni Jeremy!Subalit ngayon, binigay ito ni Jeremy sa ibang babae. Ang mas ikinagulat ni Meredith ay nang makita niya na nakaupo sa sahig si Madeline sa mga sandaling iyon na para bang inapi at sinaktan siya ng ibang tao. "Bakit ka nakaupo sa lapag?" Nagmadaling lumapit si Jeremy kay Madeline. Makikita sa mga mata niya ang kalungkutan at pag-aalala niya. Dahan-dahang tumingin si Madeline kay Jeremy at lumingon siya kay Meredith na nasa likuran ni Jeremy. "Kapag sinabi ko ba sayo na tinulak ako ni Ms. Crawford, maniniwala ka ba sakin?" Tumingin siya sa mga mata ni Jeremy. Noong marinig ito ni Meredith, kinuyom niya ang mga kamao niya at galit na galit na dinepensahan ang kanyang sarili. "Vera, anong sinasabi mo? Paano kita tinulak? Ikaw ang nang-away sakin at nanira sa dinn