Nanlaki ang mga mata ni Jeremy. "Ibig mong sabihin, kagabi, may…" Tumango si Madeline bago pa man siya matapos sa pagsasalita. Agad na namroblema si Jeremy. Aminado siya na may gusto siya sa babaeng kaharap niya, ngunit alam din niya na nagkagusto lang siya kay Vera dahil sa pangungulila niya kay Madeline. Totoo yung sinabi niya na gusto niyang pakasalan si Vera, ngunit hindi niya binalak na may mangyari sa pagitan niya at ng ibang babae. Lumapit siya kay Vera dahil sa pansarili niyang kapakanan. Gusto niyang pagmasdan ang mukha ng isang tao na kamukhang-kamukha ni Madeline, para lang mabawasan ang pagsisising nararamdaman niya. Ngunit ngayon… Pakiramdam niya ay napaka g*go niya. Sinabi niya na mahal niya si Madeline, ngunit hindi niya natiis ang alindog ng ibang babae noong nalasing siya. "Tingnan mong sarili mo. Mukhang namroblema ka ata. Bakit? Dahil ba kamukha ko ang ex-wife mo na ayaw na ayaw mo? Nandidiri ka siguro at pakiramdam mo ang dumi mo." Natauhan siya
Natahimik ang dalawa at naging kakaiba ang pakiramdam nila sa paligid. 500 yarda ang layo ng pagamutan mula sa April Hill. Inabot ng tatlong minuto si Jeremy at Madeline bago sila makarating sa pagamutan. 20 taon na ang lumipas pero nandoon pa rin ang pagamutan, kahit na iba na ang itsura nito ngayon. Hindi inasahan ng dalawa na makikita nila ang parehong doktor, na kahit na nasa retirement age na siya ngayon at namumuti na ang kanyang buhok, ay nagpatuloy pa rin sa kanyang propesyon dahil sa pagmamahal niya sa kanyang trabaho. Nakilala niya agad si Jeremy pagpasok pa lang niya sa pagamutan habang bitbit niya si Madeline. "Natatandaan kita, iho. Madaling matandaan ang itsura mo." Ngumiti ang doktor habang ginagamot niya ang sugat ni Madeline. Nagpasalamat si Madeline. "Thank you, Doctor." "Walang anuman." Tiningnan niya ng maigi si Madeline at inayos ang kanyang salamin. "Sabi ko na nga ba magkakatuluyan kayong dalawa." Nagulat si Madeline. Hindi niya pinahalata ang kan
Nagulat si Meredith at medyo nataranta. "Bakit bigla mong tinanong sakin yan, Jeremy?" "Nawala mo ba yun?" Muling nagtanong si Jeremy. "Hindi! Paano ko maiwawala yun?!" Agad na siniguro iyon ni Meredith, "Ikaw ang nagbigay sakin nun, kaya siniguro kong itatabi ko yun ng maayos." Tinitigan ni Jeremy si Meredith ng puno ng pagdududa ang kanyang mga mata. "Nasaan na yun?" "..." Napahinto si Meredith bago siya ngumiti. "Iniisip mo ba kung nangulila ako sayo noong mga panahon na magkalayo tayo? Syempre naman. Yung ang dahilan kung bakit lahat ng binigay mo sakin ay itinabi kong maigi. Pwede kong ilabas yun ngayon kung hindi ka naniniwala sakin!" Pagkasabi niya nun, tumakbo siya palabas ng pinto. Pagkalipas ng kalahating oras, bumalik si Meredith dala ang isang maliit na bookmark na gawa sa isang dahon. Tunay ang dahon, at naka-laminate ito sa pagitan ng dalawang piraso ng plastic. Buo pa rin ito pagkalipas ng maraming taon. "Tingnan mo, Jeremy." Inabot ni Meredith kay Jeremy
Lumingon si Felipe kay Madeline, makikita ang pag-aalala niya sa maamo niyang mukha na lalong pinakisig ng mainit na sikat ng lumulubog na araw. "Gusto lang kitang tanungin sa huling pagkakataon, Vera. Sigurado ka ba na ito talaga ang gusto mo? Hindi madali na makawala sa mga kuko ng halimaw. Sigurado ka ba talaga na gusto mo nanamang makulong taong yun ulit?" Kasing init ng hangin sa tagsibol ang tono ng kanyang boses, ngunit may bakas ng kabagsikan sa kanyang mga mata. Nagdalawang-isip sandali si Madeline bago nag-alab ang paghihiganti sa kanyang mga mata. "Kaya kong tanggapin ang sakit at kahihiyan na binigay nila sakin, pero hinding-hindi ko mapapatawad ang dalawang yun sa pagsira nila sa mga abo ng pinakamamahal kong anak. Kailangan kong ipaghiganti ang pagkamatay ng anak ko!" Kinuyom ni Madeline ang kanyang mga kamao at makikita sa kanyang mukha ang matinding galit na kanyang nararamdaman. Matalim at puno ng lakas ng loob ang kanyang mga mata. Pagkatapos niyang mabuhay
Tumakbo si Madeline papunta kay Jackson, hindi niya iniisip kung gaano kadelikado ang sitwasyon. Kusang kumilos ang katawan niya upang protektahan si Jackson, kahit na ang ibig sabihin nito ay masasaktan siya sa pagprotekta sa bata. Habang yakap niya si Jackson, hindi na nagawa pang tumakbo ni Madeline. Inihanda niya ang kanyang sarili na masaktan habang palapit sa kanila ang sasakyan. Kasabay nito, may taong napasigaw, sa pag-aakalang may nangyaring malagim na aksidente. Subalit, biglang huminto ang sasakyan. Nagmura si Meredith habang nakatingin siya sa kanila mula sa malayo. Pinanalangin niya na mabangga at mapatay ng sasakyan sila Vera at Jackson para mawala na sila sa buhay niya! Pumreno ang sasakyan, at pakiramdam ni Madeline ay nanahimik ang kanyang mundo. Dahan-dahan niyang inunat ang kanyang mga braso upang tingnan ang batang lalaki na yakap-yakap niya. Hindi niya mapigilan ang biglang paghapdi ng kanyang mga mata. "Ayos na ang lahat, Jack. Di ba nangako si Ate V
Doon nagtapos ang video. “Vera.” Dalawang beses pinanood ni Jeremy ang video at lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Agad niyang sinuot ang kanyang blazer at tinawagan si Madeline.Walang sumagot sa tawag niya. Agad siyang nagmadali papunta kung saan naganap ang aksidente. Nakatanggap ng tawag si Jeremy bago pa man siya makarating sa pinangyarihan ng insidente. Huminahon ang puso ni Jeremy nang makita niya ang caller ID. Tinapik niya ang kanyang Bluetooth earphones at kabado niyang sinagot ang tawag. "Vera?" "Ako 'to."Narinig niya ang isang pamilyar na boses, na nagpakalma sa mga ugat ni Jeremy. Nagkita sila ni Madeline pagkalipas ng sampung minuto, sinuri niyang maigi si Madeline. Nagtanong siya, "Ayos ka lang ba talaga?" Mahinahong tumingin si Madeline sa galos sa kanyang binti. "Maliit na bagay lang 'to. Imbis na mag-alala ka sakin, Mr. Whitman, mas mabuti kung alalahanin mo ang anak mo." Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy. "Si Jackson?" "Oo. Matanong nga kit
Tumingin si Meredith kay Jeremy gamit ang mga mata niyang puno ng paghihinagpis at puno ng galit ang pagsasalita niya, "Jeremy, anak natin si Jack. Hindi ko siya hahayaang masaktan. Paano ko siya magagawang iwan?" Pagkatapos niyang sabihin yun, lumapit sa kanila sila Eloise at Jackson. Tumingin siya ng masama kay Madeline. "Ms. Quinn, ang dinig ko malapit ka nang ikasal sa tito ni Jeremy, kaya bakit umaaligid-aligid ka pa sa fiance ng anak ko? Hindi ka ba sinabihan ng magulang mo na nakakahiyang gawin mo 'to?" Ngumiti lamang ng mahinahon si Madeline sa kabila ng mga pang-iinsulto ni Eloise. "Maganda ang tanong mo Mrs. Montgomery. Hindi nila tinuro sakin yun kasi noong pinanganak ako, inuwi nila ang anak ng ibang tao at inabandona ang tunay nilang anak dahil sa kapabayaan nila." Noong binanggit ni Madeline ang naging karanasan niya sa buhay, biglang tumingin sa kanya si Jeremy. Nang makita niya ang eleganteng ngiti sa magandang mukha ni Madeline, nakaramdam siya ng kirot sa kany
Tahimik na ngumiti si Madeline, na noo'y hindi pa gaanong nakakalayo. Matagumpay ang ginawa niyang pag-atras para umabante, at nasiguro niya na siya ang mas pinahahalagahan ni Jeremy sa ngayon. Binuksan ni Jeremy ang pinto ng sasakyan para kay Madeline. Sumakay si Madeline sa kotse at nakita niyang nanggagalaiti sa galit si Meredith sa rearview mirror. Natuwa siya nang makita niya ito. Pagumandar ang makina ng sasakyan, nahihiyang nagsalita si Madeline, "Kahit na nangako ako sayo na hindi na ako magsasampa ng kaso sa pagpapakidnap sakin ni Meredith, mukhang ako naman ang kakasuhan nila? Isang kriminal na nagpapanggap na pulis. Hindi ko kayang palampasin 'to." "Hindi ko hahayaang mangyari yun." Nangako si Jeremy. Tumingin si Madeline kay Jeremy. "Talagang ginagawa mo ang lahat para kay Meredith." Nagdilim ang mga mata ni Jeremy nang marinig niya iyon. Gusto niya itong itanggi, ngunit sa huli, hindi na lang siya nagsalita. Paglipas ng ilang sandali ng katahimikan, tila ma
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si