Share

Kabanata 303

Nanlaki ang mga mata ni Jeremy. "Ibig mong sabihin, kagabi, may…"

Tumango si Madeline bago pa man siya matapos sa pagsasalita.

Agad na namroblema si Jeremy.

Aminado siya na may gusto siya sa babaeng kaharap niya, ngunit alam din niya na nagkagusto lang siya kay Vera dahil sa pangungulila niya kay Madeline.

Totoo yung sinabi niya na gusto niyang pakasalan si Vera, ngunit hindi niya binalak na may mangyari sa pagitan niya at ng ibang babae.

Lumapit siya kay Vera dahil sa pansarili niyang kapakanan. Gusto niyang pagmasdan ang mukha ng isang tao na kamukhang-kamukha ni Madeline, para lang mabawasan ang pagsisising nararamdaman niya.

Ngunit ngayon…

Pakiramdam niya ay napaka g*go niya.

Sinabi niya na mahal niya si Madeline, ngunit hindi niya natiis ang alindog ng ibang babae noong nalasing siya.

"Tingnan mong sarili mo. Mukhang namroblema ka ata. Bakit? Dahil ba kamukha ko ang ex-wife mo na ayaw na ayaw mo? Nandidiri ka siguro at pakiramdam mo ang dumi mo."

Natauhan siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status