Tahimik na ngumiti si Madeline, na noo'y hindi pa gaanong nakakalayo. Matagumpay ang ginawa niyang pag-atras para umabante, at nasiguro niya na siya ang mas pinahahalagahan ni Jeremy sa ngayon. Binuksan ni Jeremy ang pinto ng sasakyan para kay Madeline. Sumakay si Madeline sa kotse at nakita niyang nanggagalaiti sa galit si Meredith sa rearview mirror. Natuwa siya nang makita niya ito. Pagumandar ang makina ng sasakyan, nahihiyang nagsalita si Madeline, "Kahit na nangako ako sayo na hindi na ako magsasampa ng kaso sa pagpapakidnap sakin ni Meredith, mukhang ako naman ang kakasuhan nila? Isang kriminal na nagpapanggap na pulis. Hindi ko kayang palampasin 'to." "Hindi ko hahayaang mangyari yun." Nangako si Jeremy. Tumingin si Madeline kay Jeremy. "Talagang ginagawa mo ang lahat para kay Meredith." Nagdilim ang mga mata ni Jeremy nang marinig niya iyon. Gusto niya itong itanggi, ngunit sa huli, hindi na lang siya nagsalita. Paglipas ng ilang sandali ng katahimikan, tila ma
Noong marinig niya iyon, hindi nagalit si Meredith at sa halip ay ngumiti siya. "Vera Quinn, sa tingin ko talagang nababaliw ka na. Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo?" "Hindi ako mababaliw kahit na mabaliw ka," sumagot si Madeline, "Umabot na sa ganito ang lahat. Sa tingin mo ba ikaw pa rin ang pipiliin ni Jeremy?" "Bah! Mangarap ka na lang! Sa tingin mo ba pipiliin ka ni Jeremy kahit na hindi ako ang piliin niya?" Tinupi ni Meredith ang kanyang mga braso at mayabang na ngumisi, puno ng kompyansa ang kanyang mga mata, "Vera Quinn, sasabihin ko 'to sayo. Kahit na baguhin mo pa ang itsura mo, ako pa rin ang babaeng pinakamamahal ni Jeremy. Hindi niya ako mapapalitan!" Ngumiti si Madeline nang makita niya ang kampante at aroganteng itsura ni Meredith. "Hindi mapapalitan?" Inulit niya ang mga salitang iyon. Ngumiti siya at dinampot ang mamahaling red wine, nagsalin siya ng kaunti sa basong nasa harap niya. "Isang mapagpanggap, marumi, at napakasamang babae na gaya mo ay talagan
Biglang bumugso sa mga mata ni Meredith ang pagnanais niyang pumatay. Para bang gusto niyang sasaksakin ng libo-libong beses si Madeline. Kinuha niya ang gunting sa kabinet, tinutok niya ang talim nito kay Madeline, at sinugod niya si Madeline. Galit na galit si Meredith at sinubukan niyang turuan ng madugong leksyon si Madeline. Subalit, hindi natakot si Madeline. Umiwas lamang siya sa pagsugod ni Meredith.Inunat niya ang kanyang kamay, at hinablot niya kamay ni Meredith na may hawak sa gunting. Nanlaki ang mga mata ni Meredith. Inangat niya ang isa pa niyang kamay upang atakihin si Madeline, ngunit napansin ito ni Madeline. Habang pinipigilan niya si Meredith, bigla niyang tinapat ang kanyang kamay sa mukha ni Meredith at sinampal ito ng malakas. Napasigaw sa sakit si Meredith dahil sa sampal sa kanya. Hindi pa naghihilom ang sugat sa kanyang mukha at basang-basa pa siya ng red wine. Nakaramdam siya ng matinding sakit nang sampalin siya ni Madeline."Ang mukha ko!" Sum
Hindi inasahan ni Meredith na itutulak siya ni Jeremy. Natulala siya! Narinig niya na nag-aalalang tinawag ni Jeremy ang pangalan ni Vera. Malinaw na pagmamay-ari niya ang pag-aalala sa tono ng pagsasalita ni Jeremy!Subalit ngayon, binigay ito ni Jeremy sa ibang babae. Ang mas ikinagulat ni Meredith ay nang makita niya na nakaupo sa sahig si Madeline sa mga sandaling iyon na para bang inapi at sinaktan siya ng ibang tao. "Bakit ka nakaupo sa lapag?" Nagmadaling lumapit si Jeremy kay Madeline. Makikita sa mga mata niya ang kalungkutan at pag-aalala niya. Dahan-dahang tumingin si Madeline kay Jeremy at lumingon siya kay Meredith na nasa likuran ni Jeremy. "Kapag sinabi ko ba sayo na tinulak ako ni Ms. Crawford, maniniwala ka ba sakin?" Tumingin siya sa mga mata ni Jeremy. Noong marinig ito ni Meredith, kinuyom niya ang mga kamao niya at galit na galit na dinepensahan ang kanyang sarili. "Vera, anong sinasabi mo? Paano kita tinulak? Ikaw ang nang-away sakin at nanira sa dinn
'Meredith, ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam ng hindi ka pinagkakatiwalaan ng taong mahal mo.' 'Ang lahat ng ginawa ko ngayon ay hindi maikukumpara sa kahat ng kahihiyan at mga kasalanang ibinintang mo sakin.' 'Syempre, higit pa dun ang gusto kong ibalik sayo.' "Parang lagi kitang nasasaktan nitong mga nagdaang araw." Ang mahinang sinabi ni Jeremy. "Pero pangako ko na hindi na ulit 'to mangyayari." Tumingin si Madeline kay Jeremy at nagkataon namang tumingala ang lalaki. Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. Kasing lalim ng dagat ang kanyang mga mata na para bang may mga nakakahilong vortex sa loob nito. Ang lahat ng atensyon ni Madeline ay nakatuon lamang kay Jeremy. Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. Nakaramdam din siya ng init na kumalat mula sa kanyang mga taenga papunta sa kanyang mga pisngi. Nakatulala siya sa walang katulad na gwapong mukha sa kanyang harap at bumilis lalo ang tibok ng kanyang puso. Unti-unting nagkaroon ng mga alon sa malinaw at kaakit-
Habang tinitingnan niya si Jeremy, mukhang hindi talaga siya nagbibiro, ngunit wala nang balak na makipagrelasyon ulit kay Jeremy si Madeline. Noong gabi na magkasama sila sa April Hill, ginamit lang niya ang kalasingan ni Jeremy para lokohin siya. Hindi niya hahayaan na paglaruan siya ulit ng napakasamang lalaki na 'to. Gustong kumawala ni Madeline, ngunit unti-unti nang lumalabo ang kanyang isipan. Naramdaman din niya na unti-unting nagbabago ang kanyang katawan. Pinamanhid ng gamot ang pakiramdam ni Madeline, hindi niya namalayan na nakasandal na siya sa dibdib ni Jeremy. Malapit na siyang mawalan ng kontrol sa kanyang ulirat kasabay ng paglanghap niya sa amoy at init ng katawan ni Jeremy. Talagang binigay ni Meredith ang lahat ng meron siya. Kaunti lamang ang ininom ni Madeline at hindi niya inasahan na ganito katindi ang epekto ng gamot na nilagay ni Meredith sa wine. Nang maramdaman niya na binitbit siya ni Jeremy papunta sa kwarto, ginamit ni Madeline ang natitira ni
Iniunat ni Madeline ang kanyang braso para itulak siya, pero hindi siya binitawan ni Jeremy. Hinubad niya ang kanyang sapatos at pumasok sa bathtub habang yakap siya. Nagulat si Madeline na ginawa ito nu Jeremy. Malamig na tubig ang tumutulo sa shower. Kaagad nitong nabasa ang kanyang damit. Ngunit hindi siya gumagalaw na parang isang bato. Niyakap niya ito habang hinahayaang mabasa ng malamig na tubig ang katawan niya… Nang makalipas ang oras, si Jeremy na nakaupo sa likod ni Madeline ay onti-onti nang nawawalan ng pokus at tulalang nakatitig sa pamilyar na itsurang ito. Kusa niya itong niyakap nang mas mahigpit. "Madeline…" Hindi niya mapigilan na bumulong. Biglang idinilat ni Madeline ang magaganda niyang mata na nagkakamalay na. Tumulo ang malalamig na tubig mula sa kanyang pilikmata pababa sa likod ng kanyang kamay. Kahit na mahina ang boses ni Jeremy, narinig ito ni Madeline. Madeline. 'Napakalambing. Jeremy, hiniling ko dati na tatawagin mo ako nang ganyan. '
Kahit na nabigla siya, napanatili pa rin ni Madeline ang kanyang elegante at kalmadong ngiti. Itinaas niya ang kanyang kilay at nagpakita ng medyo naguguluhang ekspresyon. "May kakaibang marka ba sa katawan ko? Paanong di ko alam ito? Edi, ano pala ang nakita mo?" Kalmado siyang nagtanong, pero nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya. Ang malalim at madilim na mga mata nito ay tumingin sa kanya nang bumaluktot ang kanyang labi. "May maputlang kulay rosas na paru-paro sa likod ng baywang mo." Ang mababa at magaspang na boses niya ay may kasamang lungkot ng umaga. "Sa tingin ko isa itong balat." Tahimik na nakahinga nang maluwag si Madeline nang marinig ang kanyang sagot. Bumaluktot ang kanyang labi at ngumiti siya nang bahagya. "Isa nga itong balat." "Isang natatanging balat." "Ano ngayong kung natatangi ito? Iniwan pa rin ako ng mga tunay kong magulang." Tumingin sa baba si Madeline at tahimik na kumain ng almusal. Ang sinag ng araw ay pumasok sa salaming bintana at