'Meredith, ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam ng hindi ka pinagkakatiwalaan ng taong mahal mo.' 'Ang lahat ng ginawa ko ngayon ay hindi maikukumpara sa kahat ng kahihiyan at mga kasalanang ibinintang mo sakin.' 'Syempre, higit pa dun ang gusto kong ibalik sayo.' "Parang lagi kitang nasasaktan nitong mga nagdaang araw." Ang mahinang sinabi ni Jeremy. "Pero pangako ko na hindi na ulit 'to mangyayari." Tumingin si Madeline kay Jeremy at nagkataon namang tumingala ang lalaki. Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. Kasing lalim ng dagat ang kanyang mga mata na para bang may mga nakakahilong vortex sa loob nito. Ang lahat ng atensyon ni Madeline ay nakatuon lamang kay Jeremy. Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. Nakaramdam din siya ng init na kumalat mula sa kanyang mga taenga papunta sa kanyang mga pisngi. Nakatulala siya sa walang katulad na gwapong mukha sa kanyang harap at bumilis lalo ang tibok ng kanyang puso. Unti-unting nagkaroon ng mga alon sa malinaw at kaakit-
Habang tinitingnan niya si Jeremy, mukhang hindi talaga siya nagbibiro, ngunit wala nang balak na makipagrelasyon ulit kay Jeremy si Madeline. Noong gabi na magkasama sila sa April Hill, ginamit lang niya ang kalasingan ni Jeremy para lokohin siya. Hindi niya hahayaan na paglaruan siya ulit ng napakasamang lalaki na 'to. Gustong kumawala ni Madeline, ngunit unti-unti nang lumalabo ang kanyang isipan. Naramdaman din niya na unti-unting nagbabago ang kanyang katawan. Pinamanhid ng gamot ang pakiramdam ni Madeline, hindi niya namalayan na nakasandal na siya sa dibdib ni Jeremy. Malapit na siyang mawalan ng kontrol sa kanyang ulirat kasabay ng paglanghap niya sa amoy at init ng katawan ni Jeremy. Talagang binigay ni Meredith ang lahat ng meron siya. Kaunti lamang ang ininom ni Madeline at hindi niya inasahan na ganito katindi ang epekto ng gamot na nilagay ni Meredith sa wine. Nang maramdaman niya na binitbit siya ni Jeremy papunta sa kwarto, ginamit ni Madeline ang natitira ni
Iniunat ni Madeline ang kanyang braso para itulak siya, pero hindi siya binitawan ni Jeremy. Hinubad niya ang kanyang sapatos at pumasok sa bathtub habang yakap siya. Nagulat si Madeline na ginawa ito nu Jeremy. Malamig na tubig ang tumutulo sa shower. Kaagad nitong nabasa ang kanyang damit. Ngunit hindi siya gumagalaw na parang isang bato. Niyakap niya ito habang hinahayaang mabasa ng malamig na tubig ang katawan niya… Nang makalipas ang oras, si Jeremy na nakaupo sa likod ni Madeline ay onti-onti nang nawawalan ng pokus at tulalang nakatitig sa pamilyar na itsurang ito. Kusa niya itong niyakap nang mas mahigpit. "Madeline…" Hindi niya mapigilan na bumulong. Biglang idinilat ni Madeline ang magaganda niyang mata na nagkakamalay na. Tumulo ang malalamig na tubig mula sa kanyang pilikmata pababa sa likod ng kanyang kamay. Kahit na mahina ang boses ni Jeremy, narinig ito ni Madeline. Madeline. 'Napakalambing. Jeremy, hiniling ko dati na tatawagin mo ako nang ganyan. '
Kahit na nabigla siya, napanatili pa rin ni Madeline ang kanyang elegante at kalmadong ngiti. Itinaas niya ang kanyang kilay at nagpakita ng medyo naguguluhang ekspresyon. "May kakaibang marka ba sa katawan ko? Paanong di ko alam ito? Edi, ano pala ang nakita mo?" Kalmado siyang nagtanong, pero nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya. Ang malalim at madilim na mga mata nito ay tumingin sa kanya nang bumaluktot ang kanyang labi. "May maputlang kulay rosas na paru-paro sa likod ng baywang mo." Ang mababa at magaspang na boses niya ay may kasamang lungkot ng umaga. "Sa tingin ko isa itong balat." Tahimik na nakahinga nang maluwag si Madeline nang marinig ang kanyang sagot. Bumaluktot ang kanyang labi at ngumiti siya nang bahagya. "Isa nga itong balat." "Isang natatanging balat." "Ano ngayong kung natatangi ito? Iniwan pa rin ako ng mga tunay kong magulang." Tumingin sa baba si Madeline at tahimik na kumain ng almusal. Ang sinag ng araw ay pumasok sa salaming bintana at
Sa kabilang banda, kumuha di Meredith ng mga tao para pagmatyagan ang villa ni Jeremy buong gabi. Sa kaalamang buong gabing nasa kwarto ni Jeremy si Madeline, habang lalo niya itong iniisip, lalo lang siyang nagagalit! Naalis na niya si Madeline matapos ang lahat ng gulo noong nakaraang tatlong taon, pero sinong mag-aakala na magkakaroon ng babaeng kamukhang-kamukha ni Madeline. Ang pinakaproblema ay ang babaeng ito ay hindi kasindaling sirain di tulad ni Madeline. Tumayo si Meredith sa harap ng salamin. Nang tignan ang peklat sa kanyang mukha, lalo siyang nainis. Nagamit na niya ang lahat ng paraang mayroon siya, pero lalo lang nagiging malupit si Jeremy sa kanya. Alam din niya na sa pamamagitan lang ng pagpapanggap na "Little Linnie" niya posibleng makuha pabalik si Jeremy. Unang-una, kailangan niyang gamutin ang sugat sa kanyang mukha. Nag-iisip si Meredith nang bigla siyang makaramdam ng kati sa likod ng kanyang kaliwang baywang. Kinamot niya ito nang kaunti at napansin
Nakasuot si Jeremy ng isang pinasadyang itim na suit, kitang-kita ang kanyang matikas na katawan. Ang kanyang mukha ay kumikinang habang ang kanyang matipuno at eleganteng ugali ay nakikita sa kanyang mga kilos. Ang parte na ito ni Jeremy ang gustong makuha ni Meredith noong una niya itong makita! Nakuha niya ito gamit ng panloloko sa loob ng maraming taon, pero hindi niya inasahan na ang perpektong lalaking ito ay hawak ang kamay ng ibang babae ngayon. Galit na tumingin si Meredith kay Vera na naglalakad sa tabi ni Jeremy. Ang hindi pa katanggap-tanggap dito ay akala niya ang evening dress na suot ni Vera ay binili ni Jeremy para sa kanya, pero lumalabas na binila niya pala ito para kay Vera! Inabangan niya ito para lang sa wala! Sa huli, sinampal siya nang malakas ng katotohanan! Noon pa man ay agaw-pansin na si Jeremy sa madla. Napansin ng mga panauhin sa hardin ang kanyang itsura, at kasabay nito, nakita nila si Madeline na katabi niya habang magkadikit ang kanilang b
Noon pa handang gawin ni Eloise ang lahat para sa kanyang anak, pero lalo siyang nabagabag nang sabihin ito ni Meredith. "Meredith, wag kang mag-alala. Di hahayaan ng nanay mo na basta ka na lang nilang apihin! Gusto kong makita ng lahat nang maayos si Young Master Whitman ngayon na ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang lalaki sa buong Glendale pero isang walang-pusong basura. At ang babaeng ito na pangalan ay Vera Quinn na isa ring kasuklam-suklam at walang kwentang babae!" Hala! Nabigla ang lahat sa mga sinabi ni Eloise. Nang marinig ito, mukhang nangingialam si Vera Quinn sa pagitan ng relasyon ni Jeremy at Meredith kaya naiwan si Meredith. "Mom, wag mong sabihin yan, wag mong sabihin yan! Kasalanan ko ito lahat. Walang kinalaman dito si Jeremy at Miss Vera. Umalis na tayo!" Lumuha si Meredith at mukhang nakakaawa na siya ay nanghihina at umiiyak. Maraming tao ang nagsimulang kumampi sa kanya. Dahil kaunti lang ang alam nila sa relasyon ni Meredith at Jeremy habang
Nang bumaba ang boses ni Madeline, unti-unting tumahimik ang paligid. Ang katotohanan tungkol sa insidenteng ito? Di ba sinabi na kanina ang katotohanan? Nagkatitigan ang lahat nang naguguluhan. Alam ni Meredith sa loob niya na siya ang may pakana, at sinabi ito bigla ni Madeline, di niya mapigilang ma-guilty. Nang isipin niya kung paano siya makakapalag, kaagad na lumapit si Eloise para depensahan siya. "Vera Quinn, isa ka talagang kasuklam-suklam na babae. Gusto mo lang talagang sirain ang pangalan ng anak ko!" Tinuro ni Eloise si Madeline nang may di mapigilang galit at sumagot. "Gumastos ka para kunin ang mga lalaking iyon para dakpiin si Meredith at pagdusahin siya nang ganoong pang-aabuso. Di lang yan, dinala mo pa ito sa internet para gumawa ng ingay, kaya nadungisan ang pangalan ni Meredith. Kukuha ako ng hustisya para sa anak ko ngayon!" "Mom…" Luhaang niyakap ni Meredith ang braso ni Eloise at nanghihina siyang sumandal dito. "Hayaan mo na yun Mom. Ayaw ko n