Nang bumaba ang boses ni Madeline, unti-unting tumahimik ang paligid. Ang katotohanan tungkol sa insidenteng ito? Di ba sinabi na kanina ang katotohanan? Nagkatitigan ang lahat nang naguguluhan. Alam ni Meredith sa loob niya na siya ang may pakana, at sinabi ito bigla ni Madeline, di niya mapigilang ma-guilty. Nang isipin niya kung paano siya makakapalag, kaagad na lumapit si Eloise para depensahan siya. "Vera Quinn, isa ka talagang kasuklam-suklam na babae. Gusto mo lang talagang sirain ang pangalan ng anak ko!" Tinuro ni Eloise si Madeline nang may di mapigilang galit at sumagot. "Gumastos ka para kunin ang mga lalaking iyon para dakpiin si Meredith at pagdusahin siya nang ganoong pang-aabuso. Di lang yan, dinala mo pa ito sa internet para gumawa ng ingay, kaya nadungisan ang pangalan ni Meredith. Kukuha ako ng hustisya para sa anak ko ngayon!" "Mom…" Luhaang niyakap ni Meredith ang braso ni Eloise at nanghihina siyang sumandal dito. "Hayaan mo na yun Mom. Ayaw ko n
"Alam kong nabalitaan niyo na nakidnap ako nitong nakaraan. Oo, nakidnap ako at napagsamantalahan ng ilang mga lalaki. Ang may pakana ng insidenteng ito ay si Ms. Vera Quinn. Ayaw ko itong imbestigahan nung una, pero binaligtad niya ako at sinisiraan ako nang ganito. Di ko na talaga ito matiis." Kinagat ni Meredith ang kanyang labi at mabilis na tinuro si Madeline. "Vera Quinn, tutuligsain kita!" Nang marinig ang boses niya, kaagad na pinili ng mga bisita na kumampi kay Meredith. "Ms. Crawford, sinusuportahan ka namin." "Vera Quinn, napakasama mo!" "Ms. Meredith, wag kang mag-alala. Sinusuportahan ka naming lahat sa pagtuligsa sa babaeng ito!" "Vera Quinn, sa ugali mo, wag mong akalain na tatangkilikin pa ulit namin ang Miss L.ady sa hinaharap. Sa tingin ko di magtatagal bago malugi ang Miss L.ady!" "Manahimik kayong lahat!" Sa gitna ng madla, isang malamig na boses ang narinig nang malakas, pinutol ang mga galit na salitang binabato kay Madeline. Hindi mapigilang m
Nagsalita si Madeline nang ilabas niya ang kanyang cellphone at pinakita ang phone number sa kanyang screen. Tumingin ang lahat, at nabigla si Meredith nang makita niya ang ilang mga numerong pinapakita sa screen. Hindi niya ito naintindihan nung una, pero matapos panoorin ng ilang segundo, naging kulay berde ang kanyang mukha at kumurap-kurap ang mga mata niya. Nang makita siyang natataranta, ngumiti si Madeline. "Ms. Crawford, bakit di ka nagsasalita? Pamilyar ba sa'yo ang mga numerong ito? Syempre kilal mo ito, kasi ito ang numero ng foster mother mo, si Rose Tanner." Ngumiti di Madeline at dahan-dahang naglakad palapit kay Meredith. Ang elegante at matikas na kilos ay kaagad na dumurog kay Meredith. "Ms. Crawford, talagang matalino ka. Natatakot ka na kapag nabunyag ang insidente, mapapahamak mo ang sarili mo, kaya ginamit mo ang cellphone ng foster mother mo para tawagan ang apat na hoodlum. Ngayon, hawak pa rin ng cellphone ang mga call record nung mga oras na yun. Ka
Kailanman di pa siya nagalit nang ganito sa harapan ng iba, pero ngayon, ginawa niya ito para kay Vera. Sinira niya ang kanyang karaniwang malahari at marangal na mukha. "Jeremy, narinig mo ang sinabi ni Rose. Si Meredith ang biktima. Inosente siya!" Biglang diniin ni Eloise. Mas gusto niyang paniwalaan ang paliwanag ni Rose kaysa sa kasamaan ni Meredith. "Di mo ba bibitawan ang babaeng yan? Paano naman si Meredith?" Syempre di pakakawalan ni Jeremy si Madeline. Sa halip, niyakap niya ito nang mas mahigpit nang tignan niya nang marahan ang babaeng hawak niya. "Di ko na pakakawalan ang babaeng ito sa buhay ko. At para naman sa anak mo, tinigil ko na ang engagement ko sa kanya. Wag mo nang ipaulit sa akin." Nang magsalita si Jeremy, niyakap niya si Madeline at humarap sa bahay. Tulalang pinanood ni Eloise ang eksena, habang nagkakaskasan ang kanyang mga ngipin sa galit. Nakakainis, napakasama, at nakakahiya ito para kay Meredith! Tuluyan nang itinanggi ni Jeremy ang kanil
Tinikom ni Madeline ang kanyang bibig at ngumiti, ang kanyang nakakaakit na dimple ay namumukadkad sa gilid ng kanyang labi. "Di ba gusto mong mahulog ako sa'yo? Ang totoo, mahal mo pa rin si Meredith diba?" Hinila niya ang kanyang necktie nang may bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. "Kyng ganon, aalis na ako at di mo na ako makikita ulit." Nagpanggap si Madeline na dismayado at binitawan ang necktie ni Jeremy. Sa sandaling bitawan ang kanyang necktie, naramdaman ni Jeremy na dumadaloy ang lambing paalis ng kanyang puso. Nang makita niya itong tumalikod nang dismayado sa harap niya, nanigas siya sa pagkakatulala. Pakiramdam niya na parang tinaga ng di nakikitang karayom ang puso niya. "Wag kang aalis." Hinawakan ni Jeremy ang braso ni Madeline. Si Madeline na hindi pa nakakahakbang ay biglang huminto. Sa likod kung saan di nakikita ni Jeremy, ngumiti siya nang matagumpay. Kaso hindi niya nalasap ang tagumpay na ito nang matagal bago bigla siyang hilahin ni Jeremy sa
"Old Master Whitman, alam kong mali ang pagkakaintindi mo sa akin, pero…" "Di mo na kailangang magpaliwanag sa akin. Alam na alam mo ang ginawa mo." "..." Walang masabi si Meredith. Sa sandaling iyon, lumuhod si Rose sa harap ni Old Master Whitman. "Old Master Whitman, ginawa ko ang lahat ng ito nang mag-isa. Wala talagang alam dito si Meredith. Nang malaman niya, siya mismo ang pumunta para paigilan ako. Yun ang dahilan kung bakit napahamak si Meredith. Ako yun. Ako ang nagpahamak kay Meredith." Sinisi niya ang kanyang sarili habang naluluha. "Old Master Whitman, kung may gusto kang sisihin, ako na lang ang sisihin mo. Ayos lang sa akin kung ipadala mo ako sa police station, pero si Meredith ay isang mabuting babae. Ayaw ko talagang sumama ang loob ni Jeremy sa kanya. Nagdusa na siya nang sobra. Di dapat durugin ni Jeremy ang puso niya sa pagkakataong ito." "Sa totoo lang, ang lahat ng mga pagkakamaling ito ay kasalanan ni Vera Quinn!" Pinasa ni Eloise ang lahat ng sisi ka
Nang sundan ang mga sinabi ni Madeline, biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Meredith. Nanigas ang buong mukha niya. Ano? Nagkamali ba ako ng dinig? Anong sinasabi ni Vera? Gusto lang niyang magpanggap na isang mapagmahal at mabait sa harap ni Jeremy at Old Master Whitman. Ayaw niyang mapunta sa kanya ang sisi para kay Rose! Nagpapanggap lang siya! Natulala din si Rose at Eloise. Di nila inakala na ganitong walang awa si Vera. Nang makitang mukhang gulat si Meredity, ngumiti si Madeline kay Jeremy. "Jeremy, kung ganon, pwede mo na akong samahan sa police station ngayon na." Sinulyapan ni Jeremy si Meredith na nakaluhod sa sahig nang may naguguluhang mukha at tumango. "Sige, sasamahan kita." Masayang ngumiti si Madeline at inabot ang kanyang kamay para hawakan ang braso ni Jeremy. Ang kanyang mayabang at magandang mata ay dumaan kay Meredith na nakaluhod pa rin. "Pandadakip para makapagngikil, kagustuhang saktan ang iba… kapag nasentensyahan sa mga krimeng ito, ilang t
Binitawan ni Madeline ang kamay ni Jeremy nang marinig ito. Ngumiti siya bago sabihing, "Hihintayin kita dito." "Okay." Tumango si Jeremy, tapos tumalikod at lumabas. Sumunod sa kanila si Rose at Eloise palabas ng gate. Nang makita si Meredith na naglalakad palayo kasama si Jeremy, masayang ngumiti si Madeline. 'Meredith, ang gusto kong ibalik sa'yo ay higit pa rito. 'Wag ka agad babagsak.' "Kapag si Madeline ay may kalahati ng tapang mo, di sana yumao ang batang yun nang basta na lang." Narinig mula sa likod ang buntong-hininga ni Old Master Whitman. Sumakit ang puso ni Madeline. Naramdaman niya ang init ng pagmamahal at pag-aasam. Ngumiti siya at lumingon para tignan si Old Master Whitman. "Kung ayos lang sa'yo Grandpa, pwede mong isipin na ako si Madeline." Tinignan nang maigi ni Old Master Whitman ang napakagandang mukha sa harapan niya at nanghihinayang na umiling. "Kahit gaano pa kayo magkamukha, pagkakapareho lang yun. Sa huli, di pa rin ikaw ang manugang k