Habang nakatitig siya sa malalim at komplikadong mga mata ni Jeremy, binawi ni Madeline ang kanyang braso sa pagkakahawak ni Jeremy bago siya bumaba sa kotse. Napangiti si Madeline nang maramdaman niya na bumaba rin ng sasakyan si Jeremy. 'Nakikita mo na ba ang tunay at napakapangit na pagkatao ni Meredith, Jeremy?' 'Kaso, huli na ang lahat.''Huling-huli ka na, baka hindi na maghilom ang mga sugat ko. Pwede mong gamitin ang pagkatao ko ngayon para mabawasan ang pagsisising nararamdaman mo, kaya hayaan mong ako ang magtulak sayo sa katapusan mo.' … Niliko ni Jeremy ang kanyang sasakyan matapos niyang panoorin na unti-unting mawala sa kanyang paningin si Madeline. Bumili siya ng bouquet ng 88 na rosas at pumunta siya sa sementeryo. Marami siyang gustong sabihin, ngunit ngayong nakatayo na siya da tapat ng puntod ni Madeline, nilunok niya itong lahat. Pagkalipas ng ilang sandali, nagsalita siya. "Siguro dadalhin ko siya dito para magkakilala kayo kapag may pagkakataon. S
May narinig siyang boses mula sa banyo. Dinepensahan ng taong iyon si Meredith. Tumingin ng masama si Jeremy sa pinanggagalingan ng boses. "Hahayaan niyo siyang tumira dito?" "Anong problema kung titira dito si Meredith? Fiance mo siya, at may anak na din kayo, si Jack. Pamilya kayong tatlo! Anong masama na magkakasama sa iisang bahay ang isang pamilya?" Kampanteng nagsalita si Mrs. Whitman, lalong lumakas ang kanyang loob. Hindi niya napapansin ang pagbabago sa ekspresyon ni Jeremy. "Pagkatapos ng pinagdaanan ni Meredith, tungkulin mo bilang fiance niya ang alagaan at samahan siya. Hindi mo dapat inaaksaya ang oras mo sa bruhang yun!" Tinapik ni Mrs. Whitman ang balikat ni Meredith habang nagsasalita siya, lalo siyang nagmatigas habang tinitingnan niya si Jeremy. "Alam ko na may sarili kang opinyon, Jeremy, pero kailangan mong makinig sakin sa pagkakataong 'to. Nanay mo ako! Layuan mo si Vera Quinn. Puro problema lang ang dala niya. Imposibleng wala siyang kinalaman sa nan
Sumakay sa kotse si Madeline, at humarurot ang kotse papuntang April Hill. Palubog na ang araw at umihip ang maalat na hangin mula sa dagat. Isa itong alaala ng nakaraan, ngunit gaya ng camphor tree na maliit lang ang pinagbago sa paglipas ng panahon, hindi na ito gaya ng dati. Inayawan na ni Madeline ang April Hill mula noong huling beses na dinala ni Jeremy si Meredith dito. Naaalala pa niya ang mga salitang sinabi ni Meredith kay Jeremy, kung paano nilarawan ni Meredith ang unang pagkikita nila, na katulad na katulad ng unang pagkikita nilang dalawa ni Jeremy. Nagkataon lang ba yun, o isa nanaman 'tong biro na madalas gawin ng tadhana? Habang tahimik siyang nag-iisip, lumingon siya at nakita niya na nagbubukas ng isang bote ng red wine si Jeremy. "Anong problema mo? Para bumyahe ka ng ganito kalayo, siguro espesyal sayo ang lugar na 'to 'no?" Lumapit sa kanya si Madeline, sinadya niyang magkunwari na nagtataka siya. "Posible bang dito kayo nagkakilala ni Meredith?"
Ngumisi si Madeline, makikita ang sama ng loob niya sa kanyang mga mata.'Paano mo nasasabi yan, Jeremy Whitman?' 'Maging ako man si Madeline o si Vera, ano bang ginawa ko para apihin ako ni Meredith?' 'Lahat ba ng gawin ni Meredith tama para sa mga mata mo?' Humigpit ang hawak ni Madeline sa baso habang si Jeremy naman ay nanatiling tahimik at tila malalim ang iniisip. Paglipas ng ilang sandali, tumingin siya kay Madeline. "Utang ko yun sa kanya." Ang sagot ni Jeremy. Napasimangot si Madeline at naguluhan siya sa sagot ni Jeremy. "Anong utang mo sa kanya?" Habang nakatingin siya sa makinang na mga mata ni Madeline, bumaling ang tingin ni Jeremy sa dagat na nasa harap nila. "Hindi ko natupad yung pangako ko sa kanya. Kaya naisip ko na, baka pwede akong bumawi sa kanya sa ibang paraan." Napasinghal si Madeline sa sagot ni Jeremy. 'Hindi mo natupad yung pangako mo kay Meredith, kaya ngayon, sinusubukan mong bumawi sa kanya?' 'Pero Jeremy, kailan mo pa tinupad yung mg
"Gusto mo 'ko, tama ba?" Umalingawngaw sa kanyang taenga ang mapang-akit na boses ni Jeremy. "Ramdam ko na may gusto ka sakin." Disidido ang kanyang tono, at puno ng lakas ng loob ang mga mata niya. Hindi agad nakapagsalita si Madeline dahil masyadong malapit sa kanya si Jeremy at dahil na rin sa mga sinabi nito. "Lasing ka na." Mahinahong sumagot si Madeline, kahit na mahahalata sa mga mata niya ang kanyang pagdududa. Lasing ba talaga siya, o nagpapanggap lang siya? "Mabuti nang lasing ako. At least kapag lasing ako, nakikita ko siya…" Ngumiti siya, halos hindi marinig ni Madeline kung sino ang tinutukoy ni Jeremy. Umihip ang hangin, at tinangay nito ang kanyang bangs. Malumanay ang kanyang mga mata, bakas dito ang tuwa at pagmamahal na kailan man ay hindi pa nakita ni Madeline. Tumingin siya kay Madeline, at lalo lamang siyang lumapit. Naamoy ni Madeline ang amoy ng alak sa paghinga ni Jeremy."Na-miss kita ng sobra…" Ang bigla niyang sinabi habang nakatingin kay Madel
Nanlaki ang mga mata ni Jeremy. "Ibig mong sabihin, kagabi, may…" Tumango si Madeline bago pa man siya matapos sa pagsasalita. Agad na namroblema si Jeremy. Aminado siya na may gusto siya sa babaeng kaharap niya, ngunit alam din niya na nagkagusto lang siya kay Vera dahil sa pangungulila niya kay Madeline. Totoo yung sinabi niya na gusto niyang pakasalan si Vera, ngunit hindi niya binalak na may mangyari sa pagitan niya at ng ibang babae. Lumapit siya kay Vera dahil sa pansarili niyang kapakanan. Gusto niyang pagmasdan ang mukha ng isang tao na kamukhang-kamukha ni Madeline, para lang mabawasan ang pagsisising nararamdaman niya. Ngunit ngayon… Pakiramdam niya ay napaka g*go niya. Sinabi niya na mahal niya si Madeline, ngunit hindi niya natiis ang alindog ng ibang babae noong nalasing siya. "Tingnan mong sarili mo. Mukhang namroblema ka ata. Bakit? Dahil ba kamukha ko ang ex-wife mo na ayaw na ayaw mo? Nandidiri ka siguro at pakiramdam mo ang dumi mo." Natauhan siya
Natahimik ang dalawa at naging kakaiba ang pakiramdam nila sa paligid. 500 yarda ang layo ng pagamutan mula sa April Hill. Inabot ng tatlong minuto si Jeremy at Madeline bago sila makarating sa pagamutan. 20 taon na ang lumipas pero nandoon pa rin ang pagamutan, kahit na iba na ang itsura nito ngayon. Hindi inasahan ng dalawa na makikita nila ang parehong doktor, na kahit na nasa retirement age na siya ngayon at namumuti na ang kanyang buhok, ay nagpatuloy pa rin sa kanyang propesyon dahil sa pagmamahal niya sa kanyang trabaho. Nakilala niya agad si Jeremy pagpasok pa lang niya sa pagamutan habang bitbit niya si Madeline. "Natatandaan kita, iho. Madaling matandaan ang itsura mo." Ngumiti ang doktor habang ginagamot niya ang sugat ni Madeline. Nagpasalamat si Madeline. "Thank you, Doctor." "Walang anuman." Tiningnan niya ng maigi si Madeline at inayos ang kanyang salamin. "Sabi ko na nga ba magkakatuluyan kayong dalawa." Nagulat si Madeline. Hindi niya pinahalata ang kan
Nagulat si Meredith at medyo nataranta. "Bakit bigla mong tinanong sakin yan, Jeremy?" "Nawala mo ba yun?" Muling nagtanong si Jeremy. "Hindi! Paano ko maiwawala yun?!" Agad na siniguro iyon ni Meredith, "Ikaw ang nagbigay sakin nun, kaya siniguro kong itatabi ko yun ng maayos." Tinitigan ni Jeremy si Meredith ng puno ng pagdududa ang kanyang mga mata. "Nasaan na yun?" "..." Napahinto si Meredith bago siya ngumiti. "Iniisip mo ba kung nangulila ako sayo noong mga panahon na magkalayo tayo? Syempre naman. Yung ang dahilan kung bakit lahat ng binigay mo sakin ay itinabi kong maigi. Pwede kong ilabas yun ngayon kung hindi ka naniniwala sakin!" Pagkasabi niya nun, tumakbo siya palabas ng pinto. Pagkalipas ng kalahating oras, bumalik si Meredith dala ang isang maliit na bookmark na gawa sa isang dahon. Tunay ang dahon, at naka-laminate ito sa pagitan ng dalawang piraso ng plastic. Buo pa rin ito pagkalipas ng maraming taon. "Tingnan mo, Jeremy." Inabot ni Meredith kay Jeremy