"Iwan mo kami." Malamig na pinutol ni Jeremy si Rose. Habang nakatingin sa tahimik na Meredith, pinunasan ni Rose ang kanyang pekeng luha sa gilid ng kanyang mga mata. "Aasahan ko na aalagaan mo si Meredith. Hindi na siya pwede pang malungkot." Pagkatapos, tumalikod siya at umalis, sinara niya ang pinto sa kanyang likuran. Naglakad si Jeremy papunta kay Meredith na tahimik na nakahiga sa kama. Umarteng nakakaawa si Meredith, pinikit niya ang kanyang mga mata at lumingon papalayo kay Jeremy. "Kumuha na ako ng pinakamagaling na doctor para gamutin ka. Gagaling din ang binti mo," kalmado niyang sabi. "Kung hindi mo ko gustong makita, aalis na ako." Nang marinig niya iyon, mabilis na lumingon si Meredith at hinablot ang kamay ni Jeremy. "Wag kang umalis, Jeremy!" Tinitigan niya ang lalaki nang may pagmamahal habang malungkot na tumulo ang mga luhang pinilit niyang ilabas. "Ayaw mo na sa'kin, hindi ba, Jeremy? Ayaw mo na rin akong makita, di ba?" Mahina ang kanyang boses a
Nagsalubong ang kilay ni Jeremy. "Anong sabi mo?" "Kailan ka titigil, Jeremy? Kapag namatay na si Madeline? Ganoon ba katinding kasalanan ang mahalin ka? Sabihin mo sa'kin, saan mo siya dinala?" Sa kanyang mabilis na pagtatanong, mas naging malinaw at totoo ang pag-aalala at kaba ni Daniel. Pero patay na si Madeline. Ito ang katotohanan kahit na anong gawing iwas niya rito. Hindi nagtagal, naisip niya si Vera Quinn. Si Vera lang ang posibleng dahilan kung bakit naniniwala si Daniel na buhay si Madeline. May nangyari kay Vera? Nanlumo ang kanyang puso habang lumitaw ang kaba sa kanyang kalooban. Kaagad na kumawala si Jeremy sa hawak ni Meredith at tumalikod. Napahinto si Meredith nang dalawang segundo at sa oras na tumingala siya ay nakaalis na si Jeremy mula sa kwarto. "Jeremy! Jeremy, saan ka pupunta?" Natataranta niyang tanong, pero hindi man lang siya sinilip ni Jeremy, maski lumingon man lang. Kaagad na binuksan ni Rose ang pinto at pumasok para lang makita na u
"Eh ikaw? Nakalimutan mo na ba ang tacos na masaya niyong pinagsaluhan sa tabi ng daan, Daniel? Hinatid mo pa siya pauwi. Ang bait mo naman. Nakalimutan mo rin ba na hinalikan mo siya sa katirikan ng araw?" Malamig na pagtatanong ni Jeremy, wala na ang ngiti sa kanyang mukha at sa halip ay napalitan ito ng lamig na mapipilitan kang lumayo ng tingin. "Sinasabi ko sa'yo, Daniel. Akin si Madeline kahit na anong mangyari. Kahit sa kamatayan, akin ang mga abo niya! Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang ilusyunadong homewrecker na sinubukang agawin ang isang babae mula sa kanyang asawa." Tumawa rito si Daniel. "Isang homewrecker? Alam mo rin pala ang salitang iyon. Siguro hindi mapapagbintangan nang paulit-ulit si Madeline ng homewrecker na Meredith na 'yun kung hindi ka palaging nagbulagbulagan! Kasabwat ka rito!" Isang emosyon ang umalon sa kalmadong itsura ni Jeremy. Hindi niya maitatanggi na siya ang gumanap na kasabwat pagdating sa paghihirap na naranasan ni Madeline. Siya an
Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline at kinakabahan siya. Base sa tunog, nakarating na ang mga lalaki sa pinto. Wala nang ibang paraan si Madeline. Kailangan na niyang kumilos. Habang tinitiis ang sakit mula sa kanyang nagdudugong mga kamay, ginalaw ni Madeline ang isang abandonadong bangko. Hawak na ng mga lalaki sa labas ang kandado. Pagkatapos kumuha ng bato sa lapag ay umapak si Madeline sa bangko. "P*ta! Hindi ba binuksan niyo yung pinto kanina? Paano niyo nawala ang susi? Hanapin niyo, dali!" Narinig sa labas ang isang galit na boses. Nang marinig sila ni Madeline, napagtanto niya na isa itong malaking pagkakataon para sa kanya. Habang nakatingin sa sirang bintana sa kanyang harapan, tinaas niya ang bato para batuhin ito. Klang! Kaagad na nabasag ang salamin. Kaagad na nanahimik ang mga tao sa may pintuan nang ilang segundo bago biglang may sumigaw. "Bw*sit! Baka tumakas na ang babaeng 'yun!" "Ano? Nakatakas siya?" Narinig ang galit na boses ng isang babae a
Sa sandaling ito, isang text galing sa hindi kilalang tao ang lumitaw sa kanyang phone. 'West Waste Paper Factory. Naroon siya. Iligtas mo siya.' Kumislap ang mga mata ni Jeremy. Kaagad niyang sinubukang tawagan ang numero, pero hindi niya ito matawagan. Wala na siyang oras para mag-alala at magduda, niliko ni Jeremy ang kotse at humarurot papunta sa lokasyon na sinabi sa text. Sumapit ang gabi at napilitan si Madeline na manatili sa iisang lugar. Nagliwanag ang ilaw ng madilim na silid at nakikita niya si Meredith na naghihintay pa rin sa iisang lugar. Hindi nagtagal, bigong bumalik ang mga lalaki. Syempre, hindi nila naisip na nasa loob pa ng silid si Madeline at panggulo lang tela na iyon. Nagtagumpay ang plano niya. "Wala kayong kwenta! Lahat kayo!" Galit na galit si Meredith, dinuro niya ang mga lalaki habang pinapagalitan sila. Pagkatapos ay umalis siya, pero pinigilan siya ng lider na mayroong pilat sa kanyang mukha. "Oo nga, nakatakas siya, pero ginawa pa rin
Kaagad na tumakbo ang dalawang lalaki papasok sa madilim na silid. Nangapa-ngapa sila dahil wala silang ilaw. Nang kukunin pa lang nila ang kanilang mga phone, nakita nila ang isang anino na dumaan sa kanilang tabi mula sa pader sa likod. Mabilis na lumingon ang dalawa. Gamit ang pagkakataong ito, binato ni Madeline ang bangko na kanyang hawak bago tumalikod at tumakbo papalabas. Pinansalag ng mga lalaki ang kanilang mga kamay para protektahan ang kanilang sarili. "P*ta! Andito nga ang babaeng 'yun!" "Hulihin niyo siya!" Dahil alam niyang hindi na siya makakapagtago, nagpasya si Madeline na hindi na siya maghihintay na mahanap pa nila. Gamit ang limitasyon ng kanilang paningin laban sa kanila, tumakbo si Madeline papalabas habang pumasok sila sa silid. Ngunit, walang epektibong paraan para hindi siya makita. Pagkatapos niyang lumabas sa madilim na silid, nakasalubong ni Madeline ang isang namumula at hubad na Meredith pati na rin ang dalawang lalaki na may magulong kasuotan.
"Pakasaya ka, Vera Quinn! Hindi na sila masama!" "Wala ka bang hiya sa katawan mo, Meredith Crawford?" "Hahaha… Siguro kung magmakaawa ka, baka pakawalan pa kita. Sayang naman, kung magmamatigas ka pa, eh di mamatay ka na lang!" Nanigas ang mga mata ni Meredith habang isang malagim na ngiti ang lumitaw sa kanyang nakabalot na mukha. Hindi na hahayaan ni Madeline na saktan pa siya ni Meredith, lalo na bago pa siya makapaghiganti sa lahat ng ginawa sa kanya ni Meredith noon. Habang pinapanood ang apat na lalaki na papalapit sa kanya, dahan-dahang tinaas ni Madeline ang kanyang mga kamao. Lalaban siya hanggang sa mamatay bago niya hayaan ang kanyang sarili na mahulog sa mga kamay ng mga lalaking ito. Nang makita niya ang isang patpat sa tabi ng pader, mabilis siyang tumakbo para pulutin ito bago pa may makapigil sa kanya. "Oh? Palaban ka. Gusto ko 'yan." Ngumiti ang lalaking may pilat habang hinihimas ang kanyang baba. Tinitigan niya ang patpat sa kamay ni Madeline. "Hindi a
Lumabo ang isipan ni Madeline sa ilalim ng epekto ng chloroform. Bahagya niyang naisip na May narinig siyang boses sa kanyang tainga, tinawag siya nitong Madeline at sinabihan siya magiging ayos na ang lahat. Nagpumilit si Madeline na buksan ang kanyang mga mata para makita niya kung sino ito, pero parang bumibigat ang kanyang talukap sa bawat segundo. Namaluktot siya sa lalaki na hindi siya binibitawan. Siguro dahil binigyan siya nito ng ligtas na pakiramdam. Ito siguro ang unang beses na naramdaman ni Madeline kung paano maprotektahan. Ang tanging naranasan niya lang sa mga nagdaang taon ay walang iba kundi pagpapahirap. Tuwing humihiling siya na may tumulong sa kanya, ang tanging natatanggap niya ay mas matindi pang sakit. Umabot na ito sa punto kung saan sumuko na siya at hindi na umasa pa dahil pagod na ang kanyang puso sa lahat ng pagkadismaya. Ngayon, nalaman na niya kung anong pakiramdam na may sumusuporta sa kanya at napakainit nito… Naramdaman ni Jeremy ang tao sa