Hinawakan ni Meredith ang mukha niya sa takot. Nang makaramdam siya ng mainit at malagkit na likido pababa ng pisngi niya, nanlaki ang mga mata niya. "Dugo! Snf daming dugo! Ang mukha ko!" Tinignan niya ang madugo niyang palad at tumili. Mas maputla na ang mukha niya ngayon at patuloy siyang nauubusan ng dugo. Tumingala si Madeline at nakita niya ang nahiwaang laman sa kanang pisngi ni Meredith. Nagulat siya, pero kasabay nito, pakiramdam niya nakakatawa ito. Ngumiti siya sa nakita niya. Hindi niya inakala na balang araw si Meredith ang masisiraan ng mukha. Karma ba ito? "Mer, Mer, wag kang matakot. Nandito si Jeremy. Hindi niya hahayaang may mangyari sa inyo!" Tumakbo si Rose palapit sa kanya para pagaanin ang loob niya. Kasabay nito, hindi niya nakalimutan na idamay si Jeremy dito. "Jeremy, dalhin mo si Mer sa doktor para magamot ang sugat niya. Kung hindi, magkakapeklat siya sa mukha niya. Masama kapag nangyari yun," Nagmamadaling sinabi ni Rose habang tinutulak si Mered
'Pero di mo man lang ako binigyan ng kahit isang butil ng lambing noon. 'Alam mo ba kung gaano kasakit nung tinaga mo ako sa puso? 'Wala kang alam…' Dinala ni Jeremy si Madeline sa doktor. Matapos siguraduhin na hindi siya napuruhan, gumaan na ang pakiramdam niya. Sa kabila ng pagtanggi ni Madeline, nagpumilit si Jeremy na ihatid siya pauwi sa apartment. Mukhang mas gumaan ang pakiramdam ni Jeremy nang makita niya na wala si Felipe. Napagpasyahan ni Madeline na palabasin siya dahil nag-aalala siya na may mapansin siya. "Mr. Whitman, dapat mong puntahan ang asawa mo sa ospital " "Sinabi ko na sa'yo, di ko na siya fiancée," Seryoso niyang sinabi. Tumingin siya sa mga mata ni Madeline at isang kakaibang kinang ang lumitaw. "Wag mo akong tawaging Mr. Whitman sa susunod na pagkikita natin. Pwede mo akong tawagin sa pangalan ko." Gulat na tumingin sa kanya si Madeline. Nang magsasalita na siya, tumunog ang cellphone ni Jeremy. Tinignan niya ang screen at kaagad na nanlumo a
Ano? Matapos narinig ang sinabi ni Jeremy, parang lobo na naubusan ng hangin si Meredith. Nanghina ang mga tuhod niya at napaatras siya. Ang mga pagbabanta na sinabi niya kanina kay Vera ay kaagad na narinig niya sa kanyang isipan. 'Sasabihin ko sa'yo Vera Quinn, ganito ko sinira ang mukha ni Madeline noon. Kapag naglakas-loob ka pa na banggain ako, ipapatikim ko sa'yo ang sakit na naranasan niya!' Lalong namutla ang mukha ni Meredith habang bumilis ang tibok ng puso niya. Talagang sinabi niya ang mga salitang ito kanina. Sobrang nainis siya kay Vera kaya lumabas ang tunay na ugali niya nang ibunyag niya ang mga ginawa niya dati. Tinignan ni Jeremy ang pagbabago sa mata at mukha ni Meredith. Dismayado niyang sinabi, "Sinabi no sa akin na ang tatay mong si Sean ang kumuha ng tao para hiwaan ang mukha ni Madeline. Hindi pala yun ang totoo. Ikaw ang gumawa nun." "H-Hindi, hindi yan totoo…" Hinawakan ni Meredith ang braso ni Jeremy. Umiling siya para itanggi ang lahat ng ito.
Narinig ni Rose ang usapan ni Jeremy at Meredith kanina, pero di niya inasahan na mabilis itong mabubunyag. Pinagaan niya ang loob ni Meredith at sinabi, "Mer, di ka pa pwedeng sumuko. Kailangan mong makuha ang posisyon ng Mrs. Whitman! Hindi lamang ito isang simbolo ng mataas na katayuan, bibigyan ka pa nito ng walang hanggang kayamanan!" Napuno ng kasakiman ang mga mata ni Rose. May bakas ng pagkaganid sa mga mata niya. "Ako ang bahala sa Vera Quinn na yan." Pagkatapos maglabas ng sama ng loob, hinawakan ni Meredith ang sugatan niyang mukha habang nagkakaskasan ang mga ngipin niya. "Syempre, di ako basta susuko! Papatayin ko ang kahit na sinong maglalakas-loob na agawin ang lalaki ko!" Puno ng kamandag ang mga mata niya. Nagsimulang lumitaw sa mga mata niya ang masasamang balak. "Hmph, Vera Quinn, hahayaan ko ang nanay ko na turuan ka ng lesksyon. Pero hindi ikaw, Mom. Si Eloise!" … Bumiyahe paalis ng ospital si Jeremy at nakarating siya sa isang lugar. Habang nagma
Habang pabalik na siya sa manor, naririnig pa rin niya ang sinabi sa kanya ng nanay niya kanina. Nang di niya nalalaman, nagsimula na pala siyang bilisan ang pagpapaandar at makalipas ang higit sampung minuto, nakarating na siya sa garahe ng manor. Pagbaba niya ng kotse, dumiretso siya sa sala. Nang nasa pinto na siya, nakita niya ang mukhang pinapangarap niya. Ang napakaganda at nakakahumalinh na mukhang ito ay naaaninag niya. Napahinto sa paglalakad si Jeremy nang bumilis ang tibok ng puso niya. Tumingala si Madeline at nakita niya si Jeremy. Nahihiya siyang nginitian nito, habang ang mga mata niya ay buhay na buhay na parang nakakausap siya nito. Napakaraming emosyon dito. "Akala ko si Felipe, ikaw lang pala Mr. Whitman." Bahagyang ngumiti si Madeline. Bumalik sa normal ang tibok ng puso ni Jeremy sa isang iglap. Naningkit ang mga mata niya habang nanatili ang ngiti niya. "Hinihintay mo ba si Felipe?" "Plano namin ni Felipe na pumunta dito nang magkasama, pero bigla s
Nahimasmasan siya at nakita niya si Felipe na naglalakad palapit sa kanya. Naglakad si Madeline palagpas sa kanya, at ang mahinang amoy niya ay nanatili sa kanyang ilong. Ang tamis ng amoy niya at mayroon siyang kakaibang amoy. "Jeremy." Nang makita ni Felipe si Jeremy, natural niya itong binati. Noon pa siya matikas at maayos tignan, mukhang maginoo sa bawat kilos niya. Tinignan ni Jeremy silang dalawa nang maghawak-kamay sila. Naiinis niyang sinulyapan ang dalawang ito. Tumingin si Madeline kay Jeremy at tumalikod para ngitian si Felipe. "Felipe, pasok na tayo." "Okay." Malumanay na sinabi ni Felipe habang hawak ang kamay ni Madeline nang dalhin niya ito sa sala. May tinatawagan ang nanay ni Jeremy. Nang makita niya si Madeline at Jeremy na naglalakad palapit nang magkahawak-kamay, umirap siya sa inis bago ibaba ang linya. "Oh Felipe, nandito ka," Sinabi ng nanay ni Jeremy nang may kakaibang boses. Pagkatapos, tinignan niya si Madeline mula sa sulok ng mga mata niya.
Dumapo kay Jeremy ang titig ng lahat nang bigla niyang sabihin ang opinyon niya. May yelo na nakabalot sa kanyang gwapong mukha at ang mata niya ay mukhang matatalim na icepick. "Jeremy, pakakasalan ko si Vera kahit anong mangyari," Kalmadong sinabi ni Felipe pero matikas ang tono niya. "Hindi ko hahayaan na ikasal kayong dalawa." Bumangga sa kanya ang kalmado at mabagal na sagot ni Jeremy. Mas matikas pa ang tono niya kaysa kay Felipe. Sumimangot si Madeline. "Anong ibig-sabihin mo nito, Mr. Whitman? Sino ka para kontrahin ang kasal namin?" Tinikom niya ang bibig niya nang dumapo ang malamig niyang titig sa mukha ni Madeline. Ang mga mata niya ay puno ng panghihimasok. "Hindi kita papayagan na maging tita ko dahil sa mukha mo." Dominante ang kanyang toni habang ang mukha niya ay seryoso at sigurado. Tumawa si Madeline. "Hindi ko pwedeng pakasalan ang tito mo dahil kamukha ko ang dati mong asawa? Kung ganon, tingin mo ba na ayos lang kung pakakasalan ko ang isang taong
Mag-isang pumunta si Madeline sa ospital kung nasaan si Meredith. Mayroong isang malaking grupo ng tao na nagkakagulo sa tapat ng ospital. Ang lahat ay nakatingin sa pinakamataas na palapag ng building. Nang makita ito ni Madeline ay tumingala rin siya. Nakakita siya ng isang puting anyo na nakaupo sa bakod. Base sa kanyang mukha, si Meredith nga talaga iyon. Kaagad siyang sumakay ng elevator papaakyat. Inakala niya na naroon na si Jeremy, pero walang tao roon. Hindi niya nakita si Jeremy. Pero mukha siyang nag-aalala kanina. Hindi ba siya nag-aalala kay Meredith? Bakit siya nagmamadaling tumakbo? Habang pinag-iisipan niya ito, narinig niya si Eloise na umiiyak at sumisigaw sa kalungkutan sa kanyang harapan. "Mer, 'wag mong gawin 'to. Nagmamakaawa ako sa'yo. Pwede bang bumaba ka na?" Namamaos na ang boses ni Eloise sa kaiiyak. Malinaw kung gaano siya nag-aalala para kay Meredith. Hinigpitan ni Madeline ang kanyang mga kamao. Tumingin siya sa kanyang harapan at nakita niya