"Sige lang, Mr. Whitman." Kalmadong ngumiti si Madeline. "Gusto ko ding malaman kung ano ang sasabihin mo."Kinurba ni Jeremy ang maalindog niyang mga labi. "Malalaman mo din mamaya," Sinabi niya bago tignan si Felipe na nakatayo sa likod ni Madeline. Pagkatapos, tumalikod siya at humarap sa madla habang hawak ng media ang mga camera. Napagtanto ni Meredith na mukhang iaannounce ni Jeremy na ikakansela na niya ang engagement nila. Nagsimulang sumakit ang puso niya nang natataranta niyang hawakan ang braso ni Jeremy. "Jeremy, makinig ka sa akin. Peke ang video na yan. Wag kang maniwala diyan! Huwag mo nang gawin ang announcement para sa akin, please? Di ko kakayaning mawala ka. Pakiusap wag mo akong iwan…" Napakahina ng boses niya na halos di na ito marinig, pero malinaw siyang naririnig ni Jeremy. Pinakinggan ni Jeremy ang pagmamakaawa ni Meredith at ibinaba niya ang kanyang malalim at manipis na mata. "Di mo na kailangang magpaliwanag sa akin. Kung tungkol ito sa video na yun
Tumawa nang mahina si Madeline bago maglakad palapit. Nang makita ni Jeremy ang tao sa likod niya, napahinto siya sa paglalakad. Mukhang nagulat siya. "Bakit ka nandito?" "Ayaw mo ba akong makita Mr. Whitman?" Tanong ni Madeline habang may pekeng ngiti sa kanyang mukha. Pagkatapos, dagdag niya, "Sa totoo lang, nag-aalala ako. Pero hindi ako kay Meredith nag-aalala. Sa'yo ako nag-aalala." Nabigla si Jeremy. Tinignan niya ang babaeng nakangiti sa kanya sa ilalim ng madilim na ilaw. May isang mapagtangkang kinang sa kanyang mga mata nang maglakad siya sa harapan niya. "Sumunod ka sa akin." Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Madeline at naglakbay ang lamig ng kamay niya sa puso niya sa isang iglap. Hindi niya hinila palayo ang kanyang kamay, pero kasabay nito, hindi siya nagdalawang-isip na bumitaw di tulad ng noon. Dinala ni Jeremy si Madeline sa bubong ng ospital. Ngayong walang ibang tao dito, nagmukhang tahimik at nakakakilabot ang lugar. Kalat ang mga bituin sa langit n
Ang mainit niyang hininga ay kumalat sa pisngi ni Madeline. Nabigla siya, at ang lahat ng ginawa n Jeremy sa kanya noon ay lumitaw sa kanyang Isipan. Napakalupit niya at walang puso, kaya ginawa niya ang lahat ng pinakamalupit na bagay sa kanya. Hindi makaisip si Madeline ng bagay na hindi pa nito nagawa sa kanya. Habang nakatulala siya, napansin niyang palapit ang mukha ni Jeremy sa kanya. Nagsimulang bumilis ang tibok ni Madeline. Inakala niya na hahalikan siya ni Jeremy, kaya tatakbo na sana siya nang hilahin siya nito. Yumuko ito at sinubsob ang mukha nito sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. Mukha itong pagod. Sa yakap na ito, inilalabas nito ang lahat ng di malamang paghihirap at stress. Nagpakasawa siya sa yakap niyang ito. Nabigla si Madeline habang nakaipit sa yakap ni Jeremy. Hindi siya nakasuot ng makapal na damit, kaya nararamdaman niya ang init ni Jeremy sa tela ng kanyang damit dahil napakalapit nila sa isa't isa. Tumagos sa balat niya ang init nito at unt
Kakasimula pa lang niyang isagawa ang plano niyang paghihiganti, kaya di niya hahayaan ang kahit na ano na guluhin ito. Sinagot ni Jeremy ang tawag pero hindi niya binitawan si Madeline. Di siya makatakas kahit na gustuhin niya. Tinignan niya si Jeremy nang magsimula itong sumimangot. Pagkatapos, naging mas malamig ang tono niya. "Ano? Nawawala si Jackson?" Nang marinig ito ni Madeline, naramdaman niya na tumalon ang puso niya. 'Nawawala na naman si Jackson?' Nagsimula rin siyang mag-alala. Habang nakatulala siya, lumapit si Jeremy sa kanya nang nakakunot ang noo. "Nawawala na naman ang anak ko, pero tingin ko mahahanap mo siya." "Ako?" Nagulat si Madeline. Subalit, ayaw na niyang makipagtalo dito. Sinabi ng kumakabog niyang puso na gusto niya ring malaman kung nasaan si Jackson. "Pwede kitang tulungan na hanapin siya." "Tara na pala," Sinabi niya nang bumitaw ito. Pagkatapos, inilapag niya ang kanyang coat sa ibabaw ng manipis na coat ni Madeline. Nagulat si Madeline
May nunal sa kanyang kaliwang dibdib na magpapatunay na siya si Madeline. Isa itong marka na ayaw niyang sirain dahil tingin naman niya hindi magkakaroon si Jeremy ng pagkakataon na makita ang bahagi niyang ito matapos niyang 'mabuhay muli'. Nandito siya para maghiganti, hindi para makipagrelasyon sa kanya. Dahil dito hindi niya tinanggal ang nunal na nasa kanyang kaliwang dibdib. Nang mapansin niya ang titig ni Jeremy, hinila niya pataas ang kanyang tuwalya bago tumalikod kay Jeremy. "Bakit di ka kumakatok bago pumasok?" Naiinis niyang tinanong. Akala niya isasara ni Jeremy ang pinto at aalis, pero sa halip ay narinig niya ang palapit nitong hakbang. Huminto ito sa likod niya. "Bakit ka pumasok? Labas." Gusto siyang palayasin ni Madeline at nagsalita nang may malamig na tono. Hinawakan niya ang tuwalya nang mas malapit sa kanyang dibdib at naglakad palayo. Nakapaa lang siya. Subalit, sa sandaling humakbang siya paharap, hinablot ni Jeremy ang kanyang manipis na braso.
Tanong niya, habang nakakaramdam ng nakakapanghinang sakit sa kanyang puso. Nang maalala niya ang kawawang mukha ni Madeline noong luhaan siyang nagpapaliwanag, pakiramdam niya hindi na siya matutubos pa. Paano niya nagawang maging ganito kalupit sa isang babaeng minahal siya nang sobra? Paanong napagtanto lang niya na mahal na niya ito kung kailan huli na? Ngayon, nauunawaan na niya kung bakit tinanong ito ni Old Master Whitman sa kanya noong sinabi nito na gusto siya nitong hiwalayan. Tinanong siya ng old master kung nagtalik ba sila pagkatapos nilang ikasal. Syempre, ginawa niya. Maraming beses. Sinabi niya na nandidiri siya sa kanya, pero hindi niya pa rin mapigilan ang kanyang sarili na galawin ito. Lumalabas na hindi lang talaga niya mapigilan ang damdamin niya, ngunit nang malaman niya ito, huli na. Pinagtipon ni Jeremy ang mga naiisip niya at tinignan ang puntod. "Kamukhang-kamukha mo siya, kaya lagi akong nagkakaroon ng maling akala. Niyakap ko siya kagabi, p
Tinignan ni Madeline ang lalaking lumabas mula sa madla at naramdaman niyang lumalabas ng kanyang katawan ang kaluluwa niya. Ang tagal na niyang hindi nakita ito, pero ang taong nasa harap niya ay maliwanag pa rin ang mata at gwapo pa rin. Mas nag-mature na siyang tignan di gaya ng dati. Lumapit ito sa kanya, nakikita ang kanyang mukha sa itim na mata nito. May hindi maipaliwanag na ligaya sa mga ito. "Maddie, ikaw nga yan…" Tinitigan siya ni Daniel nang maigi, kasinhinahon at kasinlmbing ng simoy ng tagsibol ang kanyang boses. "Sorry. Di ako si Madeline Crawford." Tumaas ang kilay ni Madeline sa inis. "Kapag nandito lang kayo para makipagkita sa akin kasi kamukha ko si Madeline Crawford, pakiusap umalis na lang kayo. May negosyo akong kailangang patakbuhin," Seryoso niyang sinabi bago tumalikod. Nang wala na sa paningin niya si Daniel at Ava, yumuko siya. 'Ava, Dan. Patawad. Patawarin mo ang pagmamalupit ko.' "Maddie!" Di sumuko si Ava at hinawakan ang kamay ni Madeline. "
Hindi kumbinsido si Ava. Gusto niya pang makipagtalo pero matapos niyang marinig ang sinabi ni Jeremy, kaagad na nawala ang pag-asa niya. Tinignan niya si Madeline at nanlumo matapos makita ang kaakit-akit nitong mukha. 'Di ba talaga ito si Maddie? 'Hindi, imposible yun.' Galit na tinignan ni Ava si Jeremy bago magkaskasan ang kanyang mga ngipin. "Jeremy, siguro isa itong patibong. Sigurado akong siya si Maddie! Ikaw ang-" "Tama na." Sumingit si Madeline nang seryoso. "Wala akong pakialam kung anong nangyari sa pagitan niyo ni Madeline, pero wala itong kinalaman sa akin. Makinig kang maigi, hindi ako si Madeline Crawford." Pagkatapos niyang sabihin ito, itinaas niya ang magaganda niyang mata at tumingin kay Jeremy. "Magpapahinga muna ako ngayon. Pwede mo ba akong samahan Mr. Whitman?" Tumingin si Jeremy sa kanyang nakakahumaling na mata ay ngumiti. "Ikinalulugod ko." Pagkatapos niyang sabihin ito, hinawakan niya ang kamay ni Madeline. Nagbigay-daan ang lahat para sa k