Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1641 - Kabanata 1650

2479 Kabanata

Kabanata 1641

Sumimangot si Carter nang marinig niya ang mga salitang ito. “Kung motibo ang pag-uusapan…”Itinaas niya ang tingin niya habang nakatingin nang diretso. Mukhang magsisimula na siyang magsalita, ngunit pinigilan niya ang sarili niya at ibinalik niya ang kanyang tingin sa mukha ni Madeline. “Sa ngayon, tingin ko malinaw na sa’yo ang status ko?”Kalmadong tumingin si Madeline sa mga mata ni Carter habang nakatitig nang diretso sa itim nitong mata. “Kung ganon, noble viscount, balak mo bang gamitin ang pagkatao mo para pahirapan kaming mag-asawa?”Narinig ni Carter ang panghahamak sa mga salita ni Madeline ngunit wala siyang pakialam dito. Sa halip ay nagpakita siya ng isang kakaibang ngiti. “Sa totoo lang, nagustuhan na rin kita paglipas ng mga araw. Isa kang matalinong babae, at kailangan ko ang isang babaeng matalinong tulad mo sa tabi ko, pero sayang na kahit kailan hindi nagin akin ang puso mo. Di kita mapasunod kahit gamit ang hipnotismo ko, kaya ang magagawa ko lang ay sumuko
Magbasa pa

Kabanata 1642

”Nasaan si Eveline? Nakuha niyo ba ang asawa niyang si Jeremy?”Tumango si Carter habang mukhang walang pakialam. “Nasa police station na sila. Maaaring ayos lang si Jeremy, pero si Eveline…”Huminto siya habang nakatingin sa isang umaasang Ada. Talagang hinihintay niyang may mangyaring masama kay Madeline. “Anong meron kay Eveline? Makukulong ba siya dahil sa pang-aapid?” Tanong ni Camille. Medyo gusto niya si Madeline sa totoo lang. Higit pa rito, bago ang kasal, nalaman na niya ang tunay na sitwasyon. Ayaw niyang ipagpatuloy ang kasal ngunit walang makakapigil kay Carter. Kahit na maaaring mapahiya dito si Carter, umasa pa rin siya, mula sa kailaliman ng puso niya na hindi mapapahamak si Madeline para sa pang-aapid. “Paanong sakto ang dating ng pulis?” Nagtatakang tanong ni Camille. Sa loob niya, gusto ni Ada na akuin ito. Kahit paano tinulungan niya si Carter na maibalik ang reputasyon nito. Habang iniisip niya kung sasabihin niya ba sa kanila, narinig niya si Carte
Magbasa pa

Kabanata 1643

Sa istasyon ng pulis. Kahit na nakakaabala sa mga pulis ang kinikilos ni Jeremy, hindi gaanong masama ang sitwasyon niya kaya nagawa niyang makalaya kaagad. Ngunit, nakatayo siya sa harapan ng pintuan ng istasyon ng pulis, mabagal ang kanyang mga hakbang, at hindi siya makahakbang ng isa pang beses. Nasa loob pa rin si Madeline. Mataas ang tyansa na makakasuhan siya ng bigamy. “Linnie.”Sinara ni Jeremy ang kanyang mga daliri, at isang matibay na determinasyon ang lumitaw sa kanyang mga mata. "Titiyakin ko na makakauwi ka nang ligtas. Hintayin mo ko." Nangako siya. Naniniwala rin siya na nararamdaman ni Madeline ang kanyang nararamdaman. Ilang sandali pagkatapos umalis ni Jeremy, isang magarang kotse ang huminto sa tapat ng pintuan. Kinuha ni Camille ang kanyang bag eleganteng bumaba ng kotse. Kakatapos lang ni Madeline sa kanyang pahayag at sinusundan ang pulis palabas ng interrogation room. Nang makarating siya sa pinto, sa kanyang gulat ay nakita niya si Camille n
Magbasa pa

Kabanata 1644

Kinausap niya sandali ang pulis na nagpapasok sa kanya. Pagkatapos ay lumingon siya nang nakangiti nang malumanay kay Madeline. "Pinyansahan na kita. Pwede ka nang umalis sa lugar na to sa ngayon, pero hindi ka pwedeng umalis ng St. Piaf pansamantala." Hindi nakalimutan ni Madeline na hindi siya pwedeng magpiyansa dahil sinabi ito sa kanya kanina, pero ngayon ay makakaalis na siya sa presinto. Pagkatapos niyang lumabas ng istasyon ng pulis, hindi pa rin makapaniwala si Madeline na totoo ito. Maliban sa pasasalamat, hindi pa rin niya alam kung anong sasabihin. Pagkatapos tanggapin ang pasalamat ni Madeline, inabot ni Camille ang kanyang phone kay Madeline. "Pwede mong tawagan ang asawa mo para sunduin ka. Pero dapat muna kayong manatili sa St. Piaf pansamantala." Kinuha ni Madeline ang phone, pinasalamatan si Camille, at sumang-ayon. Binabalak na ni Jeremy na bumalik sa kung saan siya nanunuluyan. Hindi niya talaga inasahan na makatanggap ng tawag mula kay Madeline. Sampu
Magbasa pa

Kabanata 1645

Nang makita ni Camille ang inis sa mukha ni Carter, kalmado siyang umupo sa sofa. "Niloko mo ba talaga si Eveline na pirmahan ang marriage certificate? Mula sa umpisa, hindi ba nagpanggap lang siya kasama mo para tulungan kang paalisin si Ada?" "Noong pinirmahan ninyo ang marriage certificate sa engagement, pumayag lang siya at pinirmahan ang certificate dahil sinabi mo na formality lang yun, tama ba?" Sa harap ng mga tanong na ito mula kay Camille, hindi makasagot si Carter. Binigay kay Camille ng kanyang katahimikan ang pinakadirektang sagot. Ngunit medyo namroblema si Camille. "Carter, noon pa ay diretso at makatwiran ka kapag kumikilos ka at kinaaayawan mo ang mga ganitong gawain, pero ngayon…" "Ginawa ko yun dahil minsan, para makumpleto ang isang layunin at gawain, kailangan ng ilang mga kakayahan." "Pero ako, hindi kakayahan ang tawag dito. Pangmamanipula at pangkukulong ito. Baka pangwawasak pa nga ito. Sisirain mo si Eveline," makatwiran siyang tinama ni Camille.
Magbasa pa

Kabanata 1646

Natural na nanggaling ang salitang ito mula sa bibig ni Madeline, ngunit tumagos ito sa puso ni Jeremy. Hindi niya mapigilang maalala ang masama niyang nagawa.Mula noon pa ang tingin nito sa kanya ay ang taong pinakamamahal nito at asawa. Ngunit ayaw niyang tanggapin ang katayuan nito. Nang maisip niya ito, hindi alam ni Jeremy kung imahinasyon lang niya ito ngunit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang puso. Tapos isang pamilyar na sakit ang bumalot sa kanya. Nagsimula rin siyang mahirapang makahinga. Kaagad na napansin ni Madeline ang pagbabago sa mukha ni Jeremy. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso nito at tinanong, “Anong problema Jeremy?” Ayaw ni Jeremy na mag-alala si Madeline. Gusto niyang itago ang katotohanang napakasama ng pakiramdam niya, ngunit wala siyang lakas na magsalita dahil sa kapos niyang hininga. Nang makitang nagiging maputla si Jeremy, nagsimulang mataranta si Madeline. “Anong nangyari Jeremy? Anong nangyayari? Sabihin mo sa akin kung saan ang
Magbasa pa

Kabanata 1647

Ginamit ni Jeremy ang lahat ng lakas niya para yakapin nang mahigpit si Madeline. Nabigla si Madeline. Nararamdaman niyang nanginginig ang braso ni Jeremy habang nakayakap ito sa kanya. Nanginginig din ang kamay nito at ang buong katawan nito. “Jeremy…” Nagsimulang sumakit ang puso ni Madeline. Di niya alam kung nanginginig ba ito dahil labis itong nasasaktan o masyado itong nag-aalala sa kanya. “Jeremy, kailangan kong umalis. Walang kahit sino at kahit na ano ditong makakatulong sa’yo bukod sa anti-toxoid reagent kaya kailangan kong umalis…” “Mayroong taong makakatulong sa akin…” Nanghihinang sinabi ni Jeremy. Nabigla si Madeline nang marinig niya ito. “Sino?” “Si Shirley Brown.” Ang mukha nito ay kaagad na lumitaw sa isipan ni Madeline. “Si Shirley?” Tanong niya habang hindi makapaniwala. “Oo, siya.” Hinigpitan ni Jeremy ang pagkakayakap niya dito. “Di nagtagal pagkatapos kitang bilhan gn bagong damit, nakita ko siyang nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto nati
Magbasa pa

Kabanata 1648

Ayaw ni Madeline na magpaliguy-ligoy pa. Ngunit ayaw niyang malaman ni Jeremy na ang taong nakatayo sa tapat ng pinto ay si Carter. Lumapit siya kay Carter at sinara ang pinto. “Anong dahilan kung bakit mo ginagawa ito?” “Mamayang alas siyete ng gabi, maghihintay ako sa study ng Gray Manor. Sasabihin ko doon ang layunin ko.” Sumagot si Carter at muling binuksan ang palad nito. Dinampot nito ang anti-toxoid reagent at inalog ito sa harap ni Madeline. “Tingin ko wala ka namang dahilan para tanggihan ako diba? Kapag umepekto na naman ang lason na yan, higit isang daang beses yang mas malala kumpara sa inaakala mo.” Walang-dudang nabunyag ng salita ni Carter na alam na alam niya ang kalagayan ni Jeremy. Walang magawa si Madeline at sinabi, “Sige, mamayang alas siyete ng gabi, kikitain kita.” “Umaasa akong lalayuan mo si Jeremy sa abot ng makakaya mo. Wag mo na naman siyang hayaang makasunod. Para ito sa ikabubuti niyong dalawa.” Para bang pinapaalalahanan siya n Carter mula s
Magbasa pa

Kabanata 1649

Tumingin si Carter sa taong pumasok at dahan-dahang bumangon. “Anong maitutulong ko?” Magalang na tanong niya kay Camille. “Nandito ako para sabihan ka na tumigil ka na sa paghihintay. Di pupunta si Eveline,” Nagsalita si Camille at sinabi dito nang baralbal. Nanigas ang mukha ni Carter sa sagot ni Camille. Pagkatapos ang isang sandali, ngumiti siya. “Pumunta ka dito para lang tulungan siyang sabihin ito sa akin? Sige.” Ngumiti si Carter at sinabi ito. Tapos umupo siya pabalik sa upuan niya. Syempre nakikita ni Camille ang inis ni Carter. Dahan-dahan siyang lumapit sa lamesa at sinabi nang pursigido. “Carter, bukod-tangi ka na mula pa noong bata ka pa. Wag mo masyadong isipin ang iniisip ng tatay mo at maging masyadong malupit sa sarili mo para habulin ang mga bagay na ito. Mawawala ka lang sa sarili mo sa huli.” Pagkatapos marinig ni Carter ang sinabi ni Camille, nanatili siyang nakangiti. Ngunit mas nagkaroon ng ambisyon at pagnanasa sa mga mata niya. “Wag kang mag-al
Magbasa pa

Kabanata 1650

“Jeremy, anong nangyari? Anong tinitignan mo?” Nang marinig ni Jeremy ang nagtatakang boses ni Madeline, mukhang biglang nahimasmasan si Jeremy. Dumaan sa screen ang mahaba at manipis niyang daliri na para bang ayaw niyang may makita si Madeline. Kaagad niyang isinara ang kanyang phone at inilagay ito sa bulsa niya. Bumangon siya at lumapit kay Madeline nang may maamong ngiti. Tapos hinawakan niya nang marahan ang balikat nito. “Linnie, anong sinabi ni Mrs. Gray sa’yo?” Nang banggitin niya ito, ngumiti si Madeline. Lumitaw din ang puyo sa pisngi nito. “Hulaan mo.” Napagpasyahan niyang pahulain ito. Tumingin si Jeremy sa ngiti ni Madeline nang hindi kumukurap. Kusa niyang itinaas ang kanyang kamay para haplusin ang pisngi nito. Ang nakakahumaling at singkit niyang mata ay puno ng lungkot. “Ang tagal na mula noong nakita kitang ngumiti nang ganito.” Suminghal siya sa lungkot. Ang pahayag na ito ay may sari-saring komplikadong emosyon. Kaagad na naunawaan ni Madeline kung
Magbasa pa
PREV
1
...
163164165166167
...
248
DMCA.com Protection Status