Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1661 - Kabanata 1670

2479 Kabanata

Kabanata 1661

Nang makita ni Madeline si Shirley sa harapan niya, napagtanto niyang hindi nagkataong nakasalubong niya ito. Ang lahat ng ito ay sinasadya. Isang malamig na hangin ang umihip nang biglaan at kaagad naramdaman ni Madeline na giniginaw ang katawan niya. Di lang yan, nagsimula ding sumakit ang puso niya. Nang makita ni Shirley na nakasimangot si Madeline, ngumiti ito nang bahagya. “Tatawagin ko itong AXT69. Ito ang pinakabagong anti-toxoid test reagent. Nagdagdag ako ng ilang sangkap na magpapahirap sa mga tao nang higit pa sa orihinal na sangkap.” Nang sabihin niya ito, lumapit siya kay Madeline. “Tulad ngayon, nakakaramdam ka ng matinding sakit sa puso mo. Bukod sa nahihirapan kang huminga, mararamdaman mo rin na parang nakalubog sa malamig na tubig ang katawan mo. Bawat bahagi ng balat mo ay makakaramdam ng lamig na parang hinihiwa ng kutsilyo.” Pagkatapos marinig ang sinabi ni Shirley, tuluyang naunawaan ni Madeline. Hindi na niya ito kinumpirma pa. Ngayon, siguradong-s
Magbasa pa

Kabanata 1662

Kaagad niyang inalis ang kanyang coat at inilapag ito kay Madeline. Ngunit mukhang hindi umiigi ang pakiramdam ni Madeline. “Linnie, anong nangyari sa’yo? Saan ang masakit sa’yo?” “Jeremy, walang kwenta kahit gaano pa karaming coat ang ibigay mo sa kanya. Mararamdaman pa rin niya ang lamig, at mamimilipit pa rin siya ng sobra sa sakit na hindi siya makakahinga ng maayos.” Biglang itinaas ni Jeremy ang kanyang tingin. Ang malamig niyang mata ay nakatutok nang diretso kay Shirley. “Anong sinabi mo? Anong ibig-sabihin mo?” Umihip nang matagal si Shirley sa kanyang sigarilyo. “Jeremy, ang talino mo pero di mo pa rin matukoy kung anong nangyayari sa asawa mo?” Nanlaki ang mata ni Jeremy at nakita niya ang anti-toxoid test reagent sa kamay ni Shirley. “Talagang ikaw yun. Shirley Brown, anong binabalak mo?” “Wala. Gusto ko lang mag-eksperimento.” Tumawa nang bahagya si Shirley. “Para sa kapakanan mo, ituring mo na lang ito bilang regalo para sa pagsasama natin. Sa susunod maar
Magbasa pa

Kabanata 1663

Malamig na nagtanong si Jeremy. Pagkatapos niyang makakuha ng sagot mula sa taong nasa kabilang linya, naglakad siya diretso sa pinto. "Hintayin mo ko. Pupunta ako diyan kaagad!" Sabi niya nang may pautos na tono pero kaagad na nagbago ang kanyang ekspresyon pagkatapos ibaba ang tawag. Tumalikod si Jeremy at malumanay na tinignan ang natutulog na si Madeline bago binuksan ang pinto para umalis. Nang makalabas siya ng hotel, napansin ni Jeremy na umuulan ng niyebe ngayon. Samantala, si Shirley, na nakasuot ng pulang coat, ay nakatayo at naninigarilyo sa ilalim ng isang puno hindi malayo sa pintuan. Nagmadaling naglakad si Jeremy. Kalmadong lumingon si Shirley nang marinig niya ang nagmamadaling mga yabag sa likuran niya. "Ang bilis mo talaga. Totoo nga na may mahalagang posisyon si Eveline sa puso mo. Pinapatunayan nito na hindi mali ang pinili kong target." Ngumiti siya at naglakas papunta kay Jeremy habang naninigarilyo. Bumagsak ang niyebe sa balikat ng kanyang pulang c
Magbasa pa

Kabanata 1664

Kumuha siya ng pabango at naglagay sa buo niyang katawan bago nagmumog ng mouthwash. Nag-aalala siya na baka mag-iwan ng masamang impresyon sa mga tao sa loob ng bahay ang amoy ng sigarilyo sa kanyang katawan. Pagkatapos niyang maghanda, umupo si Shirley sa kotse nang ilang sandali bago lumabas. Mas lumakas na ang pag-ulan ng niyebe ngayon, pero hindi siya nilalamig. Uminit ang buo niyang katawan sa bilis ng tibok ng puso niya at sa kaba. Kararating niya lang sa pinto nang pinigilan siya ng bodyguard na nakabantay sa pinto nang may seryosong mukha. "Ma'am, hindi pwedeng pumasok ang kahit na sino rito. Kung wala kayong reservation o invitation card, maaari na po kayong umalis," sinabihan siya ng bodyguard na umalis. "Nandito ako para kay Mr. Carter. Sabihin mo sa kanyang na ako si Miss… Shirley." Nang sinabi niya ang huling salita, bigla niyang napansin na wala siyang karapatan na tawagin ang kanyang sarili gamit ng totoo niyang pangalan. Tinawag niya na lang ang sarili niya
Magbasa pa

Kabanata 1665

Hindi siya makapaniwala na totoo ang anyo na kanyang nakikita. Mabagal niyang tinaas ang kanyang kamay para buksan ang pinto. Mas luminaw ang anyo sa kanyang mga mata kaya sigurado siya na hindi siya namamalik-mata. Sa isang iglap, uminit ang niyebe sa kanyang balikat. Marahang sinara ni Shirley ang pinto, at nang may sasabihin sana siya, biglang lumingon ang lalaking nakatayo sa harapan ng bintana. Takipsilim noon at umuulan ng niyebe kaya madilim ang kwarto, pero pakiramdam ni Shirley ay mayroong napakagandang ilaw na bumabalot sa lalaking nasa kanyang harapan. "Dahil nagtangka kang hanapin ako nang ganito, ibig sabihin ay nagtagumpay ka na, tama?" Tanong ni Carter ng may nagyeyelong tono. Naglakad siya papunta sa mesa. Pagkatapos ay kusa niyang nilapag sa mesa ang larawan na hawak niya. Diretsong naglakad si Shirley papunta sa kanya. "Tapos na. Pumayag na si Jeremy na isali ako sa ZF sa Glendale." "Hindi na masama," kusang papuri ni Carter. "Pero, kapag nakagawa ang ka
Magbasa pa

Kabanata 1666

Nang sasagutin pa lang niya ang tanong ni Carter, narinig ang tunog ng mabibilis na yabag sa labas ng study. Pagkatapos, kaagad na pumasok si Camille sa study nang may nagmamadaling ekspresyon. Halatang nagbago ang ekspresyon ni Camille nang makita niya si Shirley, pero mabilis itong napalitan ng isang ngiti. "Jenny, nagbalik ka nga talaga! Ang tagal na nating di nagkikita. Marami akong ikekwento sa'yo. Pumunta ka muna sa kwarto ko." Lumingon si Shirley kay Carter na tumango nang mabagal bilang sagot. Pagkatapos, tumalikod siya at sinundan si Camille. Sa sandaling makapasok siya sa kwarto ni Camille, malamig na nag-utos si Camille. "Isara mo ang pinto." Masunuring sinara ni Shirley ang pinto. Pagkasara ng pinto, narinig ang nagtatanong na boses ni Camille na puno ng inis. "Shirley, ikaw nga talaga yan. Anong ginagawa mo at bumalik ka rito?" Nabigla si Shirley sa biglang pagbabago ng ugali. Naaalala niya na kinagigiliwan siya ni Camille noon. Inisip pa niya na mangungulila
Magbasa pa

Kabanata 1667

Walong taon. Ibig sabihin ng numero nito ay mahabang pagdurusa para sa kanya. Sa kabila ng walong taon, hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya sa sandaling ito. Nagpakita ng maliliit na pagbabago ang kalmadong mukha ni Carter. Kinuha niya ang kanyang phone para tumawag… Lumakas ang hangin at niyebe, at mas lalong nagdilim ang gabi. Sa kabila nito, nanatiling nakatayo si Shirley sa iisang pwesto, ang kanyang mga mata ay nakatingin sa study na nananatiling nakapatay ang ilaw. Bigla na lang, nakarinig siya ng lumalangitngit na tunog ng yabag na papalapit sa kanya. Iyon ay ang magandang butler. May hawak siyang payong habang humakbang siya sa manipis na niyebe para makarating sa kanyang tabi. Pagkatapos ay pinayungan niya siya."Ms. Jenny, lumalakas na ang niyebe. Bakit di ka na lang bumalik?" payo ng matandang butler, ang kanyang mga mata ay napupuno ng awa. Umiling si Shirley, lumipad ang niyebe sa kanyang buhok at tahimik na bumagsak. "Ayos lang ako. Gusto ko lang m
Magbasa pa

Kabanata 1668

"..." Sandaling walang masabi ang bodyguard, pero hindi niya rin alam kung saan ilalapag si Shirley. Kaagad na sumenyas ang matandang butler. "Sumama ka sa'kin sa taas, sa kwarto ni Ms. Jenny." "Tumango ang bodyguard, dinala niya si Shirley paakyat ayon sa utos ng matandang butler. "Tigil." Pinahinto sila ni Carter nang may malamig na boses. "Naguguluhan ba kayo kung sino ang master ninyo? Kung naguguluhan kayo, pwede na kayong umalis kaagad." “...”“...”Parehong nabigla ang bodyguard at ang matandang butler. Naisip ng bodyguard na baka mawalan siya ng trabaho kapag hindi niya nilapag si Shirley ngayon din, kaya naglakad siya papunta sa sofa para iitsa si Shirley roon. Nang gagawin niya pa lang ito, nakita niya si Carter na papalapit sa kanya. "Mr. Carter, ibababa ko na ang babaeng to ngayon," paliwanag ng bodyguard. Isa siyang malaking tao na halos 1.9m ang taas, pero mukhang nanginginig siya sa takot sa harapan ni Carter. Walang sinabi si Carter, tinitigan niya lan
Magbasa pa

Kabanata 1669

Noon. Noon na naman. Tumama ang salitang iyon sa puso ni Shirley. "Shirley, alam mo ba kung gaano kita kinamumuhian ngayon?" Sinambit ni Carter ang mga salitang iyon sa pagitan ng kanyang nagngingitngit na ngipin habang humigpit ang kanyang hawak. Napangiwi si Shirley sa sakit at nagsalubong ang kanyang mga kilay. Kasabay ng lagnat, para ba siyang sasabog sa matinding sakit sa buo niyang katawan. Kahit na ganoon, hindi ganoon kalala ang sakit na ito. Marami na siyang pinagdaanang sakit sa mga nagdaang taon. Ang pinakamasakit na bagay para sa kanya ay ang abandonahin ng kanyang mga magulang at kamuhian ng lalaking minamahal niya. "Sasabihin ko to sa'yo, Shirley. Dapat lumayo ka na lang pagkatapos mong umalis noon. Dahil may tapang ka na bumalik dito, dapat handa kang pahirapan kita!" Ang mukha ni Carter na bihirang magpakita ng emosyon ay mayroong galit na galit na ekspresyon. Initsa niya si Shirley, na walang lakas para manlaban, papunta sa kama. Sa hindi inaasahan ni
Magbasa pa

Kabanata 1670

Sa kabilang linya, umalis si Shirley mula sa mahigpit na yakap ni Carter, taliwas sa kagustuhan ng kanyang mahinang katawan. Umugong ang kanyang phone sa sandaling makabangon siya. Habang nakaupo sa kama, huminga siya nang malalim bago kinuha ang kanyang coat. Umuugong pa rin ang phone. Nang makita niya ang nakasulat sa screen ay kumunot ang noo niya. Habang pinag-isipan niya kung sasagutin niya ang tawag ni Jeremy, isang malamig na palad ang biglang humawak sa kanyang braso, kasunog ng isang napakalamig na boses na umatake sa kanya mula sa likuran. "Talagang nahulog ka na para kay Jeremy. Gusto mo pang sagutin ang tawag niya sa oras na ito." Tumusok sa tainga ni Shirley ang malamig na boses ni Carter na nahahaluan ng inis. Bago siya makapagpaliwanag, inagaw ni Carter ang phone at malakas itong binato sa pader Kaagad na huminto sa pag-ugong ang phone; nabasag ang screen nito. Nanlulumong tinignan ni Shirley ang nabasag na phone habang nakaupo sa iisang pwesto nang nak
Magbasa pa
PREV
1
...
165166167168169
...
248
DMCA.com Protection Status