Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1671 - Kabanata 1680

2479 Kabanata

Kabanata 1671

Nagkatinginan sina Jeremy at madaling bago tumayo si Jeremy at naglakad papunta sa pinto. Maingat siyang sumilip sa peephole, pero wala siyang nakitang nakatayo roon. Pagkatapos, tumunog muli ang doorbell. Biglang binuksan ni Jeremy ang pinto, natakot ang tao sa labas na papatunugin sana muli ang doorbell at inatras ang kanyang kamay. "Ikaw na naman." Nang nakita ni Jeremy ang babaeng nakatayo malapit sa pader sa tabi ng pinto, napuno ng pagkamuhi ang kanyang mga mata. "Mas mabuti kung lumayo ka na. Hindi ka namin gustong makita ng asawa ko." Syempre, alam ni Ada na kinaaayawan siya ni Jeremy, pero sa pagkakataong ito, handa na siyang ibuhos ang lahat. Ayaw na rin naman sa kanya ni Camille, kaya kung gusto niyang lumaban para sa tyansang makapasok sa Gray family, kailangan niya na lang magplano papasok roon. Nang makita niya na isasara ni Jeremy ang pinto, mabilis niyang iniunat ang kanyang braso para pigilan siya. Sinong makakaalam na napakabrutal ni Jeremy? Nang walang
Magbasa pa

Kabanata 1672

Pinaghintay ni Ada sina Jeremy at Madeline at ngumiti siya. "Bago ninyo malaman kung paano kami nagkakilala ni Shirley, may dapat muna kayong malaman." Napuno ng pandidiri ang mga mata ni Jeremy nang makita niya si Ada na gumagawa ng palabas sa lahat ng ito. "Wala akong oras para makinig sa kalokohan mo. Sabihin mo na lang sa'min kung gusto mo. Kung gusto mo pang magsayang ng oras, umalis ka na lang dito kaagad." “...”Pagkatapos niyang matalo nang dalawang magkasunod na beses, hindi na nagpamisteryoso si Ada. Ngunit, nagdalawang isip siya sandali bago nagsalita na para bang may iniisip na kung anong bagay. "Si Carter ang nagbigay ng pangalan kay Shirley." 'Magkakilala sina Carter at Shirley?' Nagulat sina Madeline at Jeremy sa rebelasyon tungkol sa relasyon na iyon. Sa wakas ay naintindihan na ni Jeremy. Ang taong nagmamanipula kay Shirley ay si Carter. "Noong sampung taong gulang si Carter, dinala niya si Shirley pabalik sa Gray Manor. Simula noon, magkasama sil
Magbasa pa

Kabanata 1673

Hindi mapigilan ni Jeremy na mapahinto sandali. Pagkatapos, naglakad siya papunta kay Madeline. "Linnie, bakit mo ko tinitignan ng ganyan?" Parang tinatanong siya ng kanyang tingin. Maingat na tinignan ni Madeline si Jeremy nang hindi nagpapakita ng emosyon, at biglang ngumiti. "Hindi ko inaasahan na gagawa ng ganito ang asawa ko." Inisip ni Jeremy ay tinatanong ng siya ni Madeline sa mga nagawa niya kanina. Nang marinig niya ito ay ngumiti siya. "Hindi kasama sa usapan ang tiwala sa pakikisalamuha sa isang taong kagaya niya, pero magagamit nga natin ang impormasyong binigay niya." Ngumiti si Madeline at tumango sa pagsang-ayon, pagkatapos ay mabilis na bumalik sa seryosong ekspresyon. "Magkakilala sina Shirley at Carter at mayroon silang malapit na relasyon. Ibig sabihin nito ay sumusunod lang si Shirley sa mga utos ni Carter noong kumilos siya laban sa akin. Ginamit ni Shirley ang ganito para kontrolin ako, pero sa huli, lahat ng yon ay para makuha ka, Jeremy. Hindi ko ta
Magbasa pa

Kabanata 1674

Lumingon si Madeline kay Karen at pinahayag ang kanyang pasasalamat. "Salamat sa tulong mo sa pag-aalaga sa nanay ko." Nararamdaman ni Karen ang sinseridad ni Madeline. Tinaas niya ang kanyang kamay at tinapik ang balikat ni Madeline. Ang kanyang mga mata ay napuno ng pagmamahal at kabaitan na wala siya noon. "Pamilya tayo. Hindi mo ko kailangang pasalamatan. Magaan na ang pakiramdam ko na nakabalik kayo nang ligtas. Magpahinga muna kayo ni Jeremy sa kwarto ninyo. Sa susunod na lang ang ibang bagay. At saka hindi mo kailangang mag-alala para sa nanay mo. Ako na ang mag-aalaga sa kanya." Nang marinig ang mga salita ni Karen ay naantig ang damdamin ni Madeline. Minsan, napakaganda talaga ng buhay. Kahit na papaano, hindi niya naisip na balang araw, magiging ganito ang relasyon niya kay Karen. Bumalik si Madeline at Jeremy sa kanilang kwarto. Kahit na ang tagal nilang hindi nakabalik, malinis na malinis ang kwarto at tinanggal ang lahat ng bakas ni Naomi. Pagkatapos humiga sa
Magbasa pa

Kabanata 1675

Sinubukan itong alalahanin ni Adam at bahagya siyang tumango. "Naaalala ko." Pero mas naguguluhan siya ngayon. "Sino ang taong to?" Sinabi ni Jeremy ang bawat detalyeng nakuha niya at hindi makapaniwala si Adam. "Malaki ang pinagmulan ng taong to. Paano siya nakilala ni Shirley?" "Sabi nila bigla na lang daw dumating ang kapatid mo sa Gray Manor higt sa sampung taon na ang nakakaraan. Simula noon, palaging kasama ng kapatid mo si Carter araw-gabi, pero umalis siya ng Gray Manor sa hindi malamang dahilan ilang taon ang nakakaraan," paliwanag ni Madeline. Nagsalubong ang mahahabang kilay ni Adam. Nagpakita ng kawalan ng pag-asa ang mga mata niya at nag-alinlangan siyang magsalita. Nakita ni Madeline ang pagbabago sa kanyang mga mata. "Adam, bakit umalis ng bahay ninyo ang kapatid mo noon? Malungkot na ngumiti si Adam habang umupo siya sa upuan nang parang nanghihina. "Mali siya ng pagkakaunawa. Inisip niya na hindi siya mahal ng mga magulang namin at walang lugar para sa kan
Magbasa pa

Kabanata 1676

Nakangiting lumapit si Cathy kay Madeline at nagsabing, "Evie, mukhang nakabalik ka na sa dati mong sarili. Nawala na ba ang hipnotismo?" Tumango si Madeline. "Lahat ng to ay dahil sa'yo, Cathy. Marami kayong naitulong ni Adam sa'min." Nang marinig niya ito ay tumingin si Cathy kay Adam. "Marami ring naitulong sa'kin si Adam," sabi niya nang may taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga mata. Nang makasalubong niya ang tingin ni Cathy, nginitian siya ni Adam nang malumanay at palakaibigan. "Gabing-gabi na, may maitutulong ba ako sa'yo?" "May naiwanan ako rito kaya dumaan ako para kunin to." Mabilis itong naintindihan ni Adam. "Hintayin mo ko." Pagkasabi niya nito, tumalikod siya at pumasok sa bahay. Isang sandali lang, lumabas siya na may hawak na teddy bear. "Nagpunta ka rito para rito, tama?" Ngumiti si Adam at inabot ito sa kanya. "Gustong-gusto ni Juan na matulog kasama ng laruang to. Magwawala siya kapag hindi niya kasama ang teddy bear na to." Nang marinig iyon ni
Magbasa pa

Kabanata 1677

Tumingin si Jeremy sa rear-view mirror at nakita niya si Cathy na kalmadong nakatingin sa kanya. "Binisita mo na ba si Felipe?" tanong niya. "Oo, nagpunta na ako para bisitahin siya," sabi ni Cathy, bahagyang dumilim ang kanyang mga mata. "Napagtanto niya na rin na anak niya ang dalawang bata." "Alam na ba niya?" Parehong nagulat sina Jeremy at Madeline sa kanyang mga salita. Hindi tumango o umiling si Cathy. Bumulong lang siya, "Kahit na hindi ko to aminin, sa tingin ko alam na niya." "Alam ko na makasarili ako para sabihin to, pero Cathy, ang dalawang batang yun ang natitirang pag-asa ni Felipe para umapela sa korte." Malumanay ang tono ni Jeremy at may bakas pa ng pakikiusap. Kahit na maraming sigalot sa pagitan nila ni Felipe, kamag-anak niya pa rin iyon at pamangkin pa rin siya ni Felipe. Dagdag pa roon, tapos na ang mga bagay na nangyari sa nakaraan. Wala na para sa kanila ang mga bagay na iyon. Yumuko si Cathy at pinaglaruan ang hawak niyang teddy bear. Mahina pa r
Magbasa pa

Kabanata 1678

Ngayon, ang taong pinakainaaalala ni Madeline ay si Lillian. Maliban sa dalawang salitang 'Daddy' at 'Mommy', hindi pa rin siya makapagsalita. Pagkatapos kumain ng agahan, inayos ni Madeline ang damit ng dalawang bata at hinawakan ang kanilang kamay para ihatid sila sa pinto kung saan nila hihintayin ang kanilang sundo. Habang naglalakad, may nalaglag mula sa kamay ni Lillian. Kaagad siyang huminto, bumitaw sa hawak ni Madeline, at naglakad pabalik. Pagkatapos, yumuko siya at may pinulot na kung anong bagay. Lumapit si Madeline para tumingin sa pagtataka, at nakita niya ang batang babae na hawak ang isang piraso ng candy sa kanyang kaaya-ayang mga kamay. Mukhang luma na ang balot ng candy na para bang expired na ito. "Lily, gusto mo bang kumain ng candy? Bibilhan kita. Mukhang hindi mo na pwedeng kainin ang candy na to," malumanay na pakiusap ni Madeline. Kumurap si Lillian at bahagyang umiling. Tumingin ang batang babae kay Madeline na para bang may gusto siyang sabihin,
Magbasa pa

Kabanata 1679

Nang marinig ng tao sa kabilang linya ang mga salita ni Madeline, pabalang siyang sumagot, "Sino si Fabian? Walang Fabian dito! Wag mo na kong tawagan!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba niya ang phone. Narinig na lang ni Madeline ang tunog disconnect tone. Nabigla siya. Nang tatawag sana siya ulit, napansin niya na hindi na kumokonekta ang tawag niya. Ang tanging posibilidad ay na-block ang numero niya. Tinaas ni Madeline ang kanyang mga mata para tignan ang nanny van na umandar papalayo. Nang maisip niya ang kinilos ni Lilian kanina, bahagya siyang kinabahan. Naiisip niya na baka may espesyal na posisyon si Fabian sa puso ng kanyang pinakamamahal na anak. Noong niligtas ni Fabian and munting prinsesa mula kay Felipe, nagkaroon sila ng isang uri ng ugnayan sa hindi malamang paraan. Tinignan ni Madeline ang phone number na nang-block sa kanya at mayroong mga tanong sa puso niya na hindi masagot. Biglang umalis si Fabian. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang dahi
Magbasa pa

Kabanata 1680

"Hindi ko inaasahan na makikita kita ulit." Binasag niya ang katahimikan sa magaan na paraan, pero hindi na nakakaakit ang ngiti niya at sa halip ay mukha na itong malungkot. "Nagpasya ka na ba talaga na hindi umapela?" Dumiretso si Jeremy sa usapan. "May pagkakataon kang umapela at tutulungan kitang maghanap ng abogado para kahit papaano hindi ka masentensyahan ng kamatayan." "Hindi ko na kailangan yun," desididong tumanggi si Felipe. "Masyado akong nahumaling sa loob ng napakaraming taon at ang resulta, lahat ng iyon para lang sa wala. May nararamdaman ako para sa isang babae sa napakaraming taon, pero sa huli, ako mismo ang nagdala sa kanya sa kasawian…" Huminto siya sa pagsasalita, ang kanyang kilay ay nagsalubong nang may walang hanggang kalungkutan. "Dapat ba nating tapusin to rito." "Hinihintay ka pa rin ni Lolo." Sa mga salita ni Jeremy, mayroong bahagyang pagbabago sa ekspresyon ni Felipe. Nakikita ni Jeremy na nag-aalangan pa rin si Felipe na umalis sa mundong ito
Magbasa pa
PREV
1
...
166167168169170
...
248
DMCA.com Protection Status