Share

Kabanata 1675

Sinubukan itong alalahanin ni Adam at bahagya siyang tumango. "Naaalala ko." Pero mas naguguluhan siya ngayon. "Sino ang taong to?"

Sinabi ni Jeremy ang bawat detalyeng nakuha niya at hindi makapaniwala si Adam. "Malaki ang pinagmulan ng taong to. Paano siya nakilala ni Shirley?"

"Sabi nila bigla na lang daw dumating ang kapatid mo sa Gray Manor higt sa sampung taon na ang nakakaraan. Simula noon, palaging kasama ng kapatid mo si Carter araw-gabi, pero umalis siya ng Gray Manor sa hindi malamang dahilan ilang taon ang nakakaraan," paliwanag ni Madeline.

Nagsalubong ang mahahabang kilay ni Adam. Nagpakita ng kawalan ng pag-asa ang mga mata niya at nag-alinlangan siyang magsalita.

Nakita ni Madeline ang pagbabago sa kanyang mga mata. "Adam, bakit umalis ng bahay ninyo ang kapatid mo noon?

Malungkot na ngumiti si Adam habang umupo siya sa upuan nang parang nanghihina.

"Mali siya ng pagkakaunawa. Inisip niya na hindi siya mahal ng mga magulang namin at walang lugar para sa kan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status