Napahinto sandali ang puso ni Jeremy sa biglaang paghinto Adam, pero mabilis siyang kumalma. "Marami na kaming pinagdaanan ni Linnie kaya wala kaming hindi kakayanin. Sabihin mo sa'kin kung anong susunod na mangyayari, Adam." "Nakausap ko si Shirley," sabi ni Adam. "Base sa sinabi niya at sa sintomas ni Eveline, maaaring magkakaiba ang sintomas sa bawat isang beses na gumana ang lason. Higit pa roon, baka lumala ito sa bawat beses na mangyayari ito." Baka lumala pa ito bawat isang beses. Parang mga mabibigat na bato ang mga salitang iyon na dumagan sa puso ni Jeremy. Nagsalubong nang maigi ang kanyang kilay habang tinignan niya si Madeline na ngayon ay nakatulog na… Natulog si Madeline buong hapon. Nang magising siya, nakita niya si Jeremy na nakatingin sa kanya nang malumanay. Alam na niya ang sitwasyon bago pa siya makatulog. Bago pa makapagsalita si Jeremy ay nagsalita na si Madeline at pinagaan ang loob niya, "Jeremy, wag kang mag-alala. Ayos lang ako." Pagkatapos mar
Ang bughaw na tubig at maalat na simoy ng dagat. Ito ang amoy ng April Hill buong taon. Ngunit ngayon, bumugso ang simoy ng dagat kasabay ng matinding lamig. Crash.Sumugod ang mga alon at paulit-ulit na bumangga sa buhangin at sa pampang. Sa walang lamang dagat, dalawang tao ang nakatayo nang harap-harapan. Sinadya ni Felipe na magbihis nang maayos ngayong araw na nagpabalik sa kanyang dating elegante at maginoong imahe. Tinignan niya ngayon ang tao sa kanyang harapan nang may lambing at pagmamahal hindi kagaya noon. Hindi na rin ganoon ang itsura noon ng taong nasa kanyang harapan. And dating malambing at matamis na mukha ni Cathy ay ngayo'y nababalutan ng isang kariktan na hindi pamilyar sa kanya. Wala na sa mga mata niya ang dalisay na paghanga para sa kanya; napalitan ito ng isang lebel ng pagkakalmado na makukuha lamang mula sa karanasan. Whoosh.Kahit na parang mga kutsilyo ang simoy ng dagat habang umihip ito sa kanila, hindi nilamig si Felipe, dahil ang kanya
Nagkatinginan sina Felipe at Cathy. Pagkatapos ng mahabang sandali, nahimasmasan si Cathy at kumawala sa hawak ni Felipe. "Ano bang gusto mong sabihin?" Tanong ni Cathy na para bang naiinip. "Kung hindi ka pa rin magsasalita, aalis na talaga ako." Nang makita ang determinasyon sa mga mata ni Cathy, hindi na nagtangkang magsayang ng oras si Felipe. Maingat siyang kumuha ng isang bagay mula sa kanyang bulsa, pagkatapos ay iniunat ang kanyang kamay papunta kay Cathy. Tumingin sa ibaba si Cathy. Nabigla siya nang makita niya ang pulang tali sa palad ni Felipe. "Patawad. Patawarin mo ko at nalaman ko lang ang kahalagahan mo pagkatapos mong mawala sa'kin. Patawarin mo ko at nalaman ko lang na ikaw pala ang batang babae na nasa isip ko nang higit sa sampung taon pagkatapos kong malaman ang kahalagahan mo." Nang marinig ni Cathy ang mga salita ni Felipe, bahagyang natulala ang kanyang ekspresyon nang ilang sandali at isang kakaibang emosyon ang lumitaw sa kanyang mga mata. "Anong
Nang marinig ang mga salita niya, ngumiti si Felipe nang bahagya at malumanay. "Sa susunod na buhay, Cath. Magkikita tayo sa susunod na buhay." Dumaan sa tainga ni Cathy ang kanyang magaan at mababaw na tono na para bang isang bugso ng hangin, bumagsak sa kanyang puso, at nag-iwan ng isang makahulugang marka. Tumulo ang mga luha ni Cathy mula sa kanyang mga mata nang labag sa kanyang loob. Sa susunod na buhay, sabi niya. Hindi pala talaga sila nakatadhanang magsama sa buhay na ito. Mabilis na sumakay si Felipe sa kotse ng pulis. Sa sandaling umandar and kotse, tumingin siya sa bintana ng kotse at napuno ng luha ang kanyang mga mata. 'Cath, makikita lang kita muli sa susunod na buhay. 'Sa susunod kong buhay, magiging isang kagalang-galang akong tao na sumusunod sa batas. Hindi na muli ako maliligaw ng landas at gagawa ng iligal na bagay. 'Cath, salamat at dumating ka sa buhay ko. Salamat, at paalam.' Inisip niya sa kanyang sarili bago nilayo ang kanyang tingin. Haban
Akala ni Jeremy ay kalmado siya, pero ngayon, sobra siyang naiinis.Sinusukuan ni Felipe ang kanyang sarili. Bilang pamangkin niya, sobrang nag-aalala si Jeremy. Alam ni Jeremy na kung gugustuhin ni Felipe, tiyak na maiiwasan ni Felipe ang bitay. Ngunit, mukhang natanggap na niya ang kanyang kapalaran. Inakala niya rin na pagkatapos makita ni Felipe si Cathy at malaman na mayroon siyang dalawang anak, tiyak na gugustuhin niyang magpatuloy na mabuhay. Sa halip, mas pinatibay lang nito ang kanyang determinasyon na maglakad papunta sa kanyang kamatayan. "Felipe, napag-isipan mo na ba talaga to?" Tinanong siya ulit ni Jeremy. "Isang beses ka lang mabubuhay. Hindi ka na makakaatras." Pagkatapos pakinggan ang paalala ni Jeremy, mukhang nag-iisip nang malalim si Felipe. Pagkatapos nang mahabang oras, tinaas ni Felipe ang kanyang malumanay na mga mata. "Jeremy, kailangan ko ang tulong mo sa pinakahuling beses." "Sabihin mo sa'kin." "Sana mabuhay nang masaya at walang alalahan
Maliban sa damayan si Cathy, hindi alam ni Madeline kung ano pang magagawa niya sa sandaling ito. Kalahating oras ang nakalipas, nagmaneho si Jeremy pabalik sa tabing-dagat ng April Hill. Nang makita niya si Jeremy, nagmadaling lumapit si Cathy para tanungin siya. "Jez, nakausap mo ba siya?" Hinarap ni Jeremy si Cathy, na mayroong umaasang ekspresyon sa kanyang mukha, at bahagyang tumango. "Oo." "Anong… Anong pinag-usapan ninyo?" Nang maalala niya ang pakiusap ni Felipe bago siya umalis, huminto sandali si Jeremy bago nagsalita. "Hinihiling niya na mabubuhay ka nang masaya." Ang biglaang pahayag na iyon ay parang isang malamig na espadang tumusok sa puso ni Cathy. Ang kinang ng pag-asa sa kanyang mga mata ay unti-unting nadurog hanggang sa tinangay ng hangin ang piraso ng kanyang nabasag na pag-asa at tuluyang naglaho ang ilaw sa kanyang mga mata. Sa sandaling naihatid nila si Cathy pauwi, dinala ni Jeremy si Madeline sa bahay ni Adam. Kasalukuyang nasa ospital si
Tinitigan ni Shirley ang kalendaryo ng mga ilang sandali, pagkatapos ay biglang lumingon at umalis ng may malamig na ekspresyon.Sila Madeline at Jeremy naman ay nag[alitan ng tingin at pagkatapos ay binaling ang kanilang mga tingin sa kalendaryo. Yung araw na yun?Anong araw ang tinutukoy ni Shirley?Sa isang sementeryo sa labas ng siyudad.Sa buong maghapon na yun, nakaupo lang si Adam sa harapan ng isang puntod na kung saan may dalawang tao na nakalibing doon. Ang totoo ay kailangan niyang pumunta sa ospital ng tanghali para sa mga kosulatasyon, pero masyadong mahalaga ang araw na ito. Mag-isang nakaupo si Adam sa may gilid ng harang na nasa harapan ng puntod. tahimik siyang nakaharap sa puntod at bumulong ng may ngiti. “Isang taon nanaman ang lumipas. Ang bilis ng takbo ng oras. Gusto ko sanang pumunta dito ng mas maaga, pero biglang sumama ang pakiramdam ng kaibigan ko, kaya medyo natagalan ako ng dating.” Paliwanag ni Adam sa puntod. “Nadismaya ka siguro, hindi ba? Ak
Binigyang diin ito ni Adam, at pagkatapos ay nagpaliwanag siya ng maayos.“Shirley, palagi mong iniisip na matalino ka, pero napaka tanga mo pagdating sa ganitong mga bagay! Palagi mong iniisip na hindi ka mahal ng mga magulang natin at hindi ka mahalaga sa kanila. Kahit noong pinadala ka nila sa St. Piaf para pag-ibayuhin ang iyong pag-aaral, inisip mo pa rin na inabandona ka nila. Sinasabi ko sayo, masyado ka lang mayabang!”“Tumahimik ka!” Pinigilan ni Shirley si Adam, medyo naiinis na siya.“Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan? Binabalaan kita, Adam. tigilan mo na ang pangingialam sa pagitan namin nila Eveline at Jeremy. Kapag kinalaban mo pa ako sa pamamagitan ng pagtulong na gumawa ng isang anti-toxoid reagent muli, naghahanap ka lang ng gulo!” “Gulo? Kapag sinabi mong gulo, ang ibig mo bang sabihin ay si Carter Gray? Ang lalakeng susundin mo ang bawat pinag-uutos nito, tama ba?” Nang mabanggit ni Adam si Carter, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Shirley.