Akala ni Jeremy ay kalmado siya, pero ngayon, sobra siyang naiinis.Sinusukuan ni Felipe ang kanyang sarili. Bilang pamangkin niya, sobrang nag-aalala si Jeremy. Alam ni Jeremy na kung gugustuhin ni Felipe, tiyak na maiiwasan ni Felipe ang bitay. Ngunit, mukhang natanggap na niya ang kanyang kapalaran. Inakala niya rin na pagkatapos makita ni Felipe si Cathy at malaman na mayroon siyang dalawang anak, tiyak na gugustuhin niyang magpatuloy na mabuhay. Sa halip, mas pinatibay lang nito ang kanyang determinasyon na maglakad papunta sa kanyang kamatayan. "Felipe, napag-isipan mo na ba talaga to?" Tinanong siya ulit ni Jeremy. "Isang beses ka lang mabubuhay. Hindi ka na makakaatras." Pagkatapos pakinggan ang paalala ni Jeremy, mukhang nag-iisip nang malalim si Felipe. Pagkatapos nang mahabang oras, tinaas ni Felipe ang kanyang malumanay na mga mata. "Jeremy, kailangan ko ang tulong mo sa pinakahuling beses." "Sabihin mo sa'kin." "Sana mabuhay nang masaya at walang alalahan
Maliban sa damayan si Cathy, hindi alam ni Madeline kung ano pang magagawa niya sa sandaling ito. Kalahating oras ang nakalipas, nagmaneho si Jeremy pabalik sa tabing-dagat ng April Hill. Nang makita niya si Jeremy, nagmadaling lumapit si Cathy para tanungin siya. "Jez, nakausap mo ba siya?" Hinarap ni Jeremy si Cathy, na mayroong umaasang ekspresyon sa kanyang mukha, at bahagyang tumango. "Oo." "Anong… Anong pinag-usapan ninyo?" Nang maalala niya ang pakiusap ni Felipe bago siya umalis, huminto sandali si Jeremy bago nagsalita. "Hinihiling niya na mabubuhay ka nang masaya." Ang biglaang pahayag na iyon ay parang isang malamig na espadang tumusok sa puso ni Cathy. Ang kinang ng pag-asa sa kanyang mga mata ay unti-unting nadurog hanggang sa tinangay ng hangin ang piraso ng kanyang nabasag na pag-asa at tuluyang naglaho ang ilaw sa kanyang mga mata. Sa sandaling naihatid nila si Cathy pauwi, dinala ni Jeremy si Madeline sa bahay ni Adam. Kasalukuyang nasa ospital si
Tinitigan ni Shirley ang kalendaryo ng mga ilang sandali, pagkatapos ay biglang lumingon at umalis ng may malamig na ekspresyon.Sila Madeline at Jeremy naman ay nag[alitan ng tingin at pagkatapos ay binaling ang kanilang mga tingin sa kalendaryo. Yung araw na yun?Anong araw ang tinutukoy ni Shirley?Sa isang sementeryo sa labas ng siyudad.Sa buong maghapon na yun, nakaupo lang si Adam sa harapan ng isang puntod na kung saan may dalawang tao na nakalibing doon. Ang totoo ay kailangan niyang pumunta sa ospital ng tanghali para sa mga kosulatasyon, pero masyadong mahalaga ang araw na ito. Mag-isang nakaupo si Adam sa may gilid ng harang na nasa harapan ng puntod. tahimik siyang nakaharap sa puntod at bumulong ng may ngiti. “Isang taon nanaman ang lumipas. Ang bilis ng takbo ng oras. Gusto ko sanang pumunta dito ng mas maaga, pero biglang sumama ang pakiramdam ng kaibigan ko, kaya medyo natagalan ako ng dating.” Paliwanag ni Adam sa puntod. “Nadismaya ka siguro, hindi ba? Ak
Binigyang diin ito ni Adam, at pagkatapos ay nagpaliwanag siya ng maayos.“Shirley, palagi mong iniisip na matalino ka, pero napaka tanga mo pagdating sa ganitong mga bagay! Palagi mong iniisip na hindi ka mahal ng mga magulang natin at hindi ka mahalaga sa kanila. Kahit noong pinadala ka nila sa St. Piaf para pag-ibayuhin ang iyong pag-aaral, inisip mo pa rin na inabandona ka nila. Sinasabi ko sayo, masyado ka lang mayabang!”“Tumahimik ka!” Pinigilan ni Shirley si Adam, medyo naiinis na siya.“Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan? Binabalaan kita, Adam. tigilan mo na ang pangingialam sa pagitan namin nila Eveline at Jeremy. Kapag kinalaban mo pa ako sa pamamagitan ng pagtulong na gumawa ng isang anti-toxoid reagent muli, naghahanap ka lang ng gulo!” “Gulo? Kapag sinabi mong gulo, ang ibig mo bang sabihin ay si Carter Gray? Ang lalakeng susundin mo ang bawat pinag-uutos nito, tama ba?” Nang mabanggit ni Adam si Carter, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Shirley.
Hinawakan ni shirley ang kanto ng notebook, medyo nanginginig ang mga daliri nito. Nang makita niya ang pamilyar na sulat kamay, mukhang kaagad namasa ang mga kanto ng kanyang mga mata dahil sa malamig na hangin. Hindi alam kung ilang oras na ang lumipas bago tumayo si Shirley na may malamig ekspresyon sa mukha nito habang kagat kagat ang kabi nito at pisil-pisil ang kanto ng notebook. Ang kanyang mga mata ay napuno ng luha habang nakatitig sa nakaukit sa lapida na nasa kanyang harapan. Pagkatapos niyang manatili doon sa loob ng sampung segundo, lumingon si Shirley at umalis. Pagkalipas ng ilang araw, isang balita ang mabilis na kumalat sa internet. Ang balita ay tungkol sa sentensyang kamatayan para kay felipe. Nang maungkat ang lahat ng litrato, edukasyon, pinanggalingan, at lahat ng may kinalaman na impormasyon tungkol kay Felipe, marami ang naawa sa kanya, pero mas marami pa rin ang natuwa sa naging hatol sa kanya. Ang mga taong nakagawa ng isang krimen ay hindi dapa
HInawakan niya ang kamay ng bata at naglakad papasaok sa kulungan. sila Madeline at Jeremy ay naghihintay sa may pasukan habang magkahawak ng kamay. Ang mainit na araw sa taglamig ay maliwanag, pero hindi nito nagawang magbigay sa kanila ng init. Pagkatapos makapasok ni Cathy sa loob, nagpaliwanag siya sa guwardiya kung bakit siya naparoon. Dahil sa pambihirang kaso ni Felipe, sinabihan ng guwardiya si Cathy na maghintay muna sa labas. Habang naghihintay siya, labis na nag-alala si Cathy. Nagpabalik-balik ssiya sa may pasilyo, naghihintay sa isang hindi masyadong nakakapanghinayang na resulta. Hindi naman nagtagal bumalik din ang guwardiya, pero meron lang siyang sagot na nagpalamig sa puso ni Cathy.“Miss Jordan, sabi ni Felipe ay ayaw niyang makita ang kahit na sino, lalo na kayo.” Nagulantang si Cathy. ‘Lumalabas na ako ang tao na pinaka ayaw mong makita ngayon.’ Ngumiti siya. “Salamat.” Pagkatapos niyang magpasalamat, lumingon si Cathy pero muli siyang lumingon p
Iilang salita lang ang mga ito pero bumaon ito ng malalim sa puso ni Cathy. Kaagad din niyang naunawaan kung ano ang ibig sabihin nito.“Cathy, nakikinig ka pa rin ba?” Kaagad na bumalik sa sarili sib Cathy nang marinig niya na tinawag siya ni Jeremy.“Oo, nakikinig pa rin ako.” Sinubukan niyang pigilan ang kanyang emosyon at panatilihing kalmado ang kanyang sarili, pero hindi pa rin niya maitago ang panginginig ng kanyang boses. “Salamat sa pagsabi sa akin nito, Jeremy. Kung wala ka nang iba pang sasabihin, ibaba ko na ang tawag.” Mabilis na ibinaba ni Cathy ang tawag pagkatapos niyang magsalita. Wala siyang lakas ng loob na patuloy na makinig sa lahat ng sasabihin sa kanya ni Jeremy. Hindi nga rin niya matanggap kahit na isang salita. Ang ulan sa kanyang harapan ay palakas ng palakas. Ang makakapal na patak ng ulan ay mukhang bumabagsak sa kanyang puso, na nagdudulot ng matinding sakit para sa kanya. Ang mga dilaw na rosas na hawak niya ay mukhang nawalan ng kulay s
“Sige.” Nakapagdesisyon na si Madeline. Kailangan niyang makita si Fabian. Sa sandaling nakapagdesisyon na siya, tumunog ang kanyang phone. Nung nakita niya na si Cathy ang tumatawag, tinignan ni Madeline si Jeremy. “Linnie, huwag mong kakalimutan ang huling sinabi sa atin ni Felipe.” “Alam ko,” Nangako si Madeline bago niya sinagot ang tawag. Inilagay niya sa speaker ang tawag ni Cathy. Bukod sa tunog ng ulan, tahimik sa kabilang linya ng tawag. “Cathy.” Si Madeline ang unang bumasag ng katahimikan. Nahuhulaan niya kung ano ang nararamdaman ni Cathy sa mga oras na yun. “Ako to, Evie,” Nagsalita na rin sa wakas si Cathy. “Evie, gusto kong malaman kung saan siya nakalibing.” Tinignan ni Madeline si Jeremy at kalmadong sinabi, “Gusto mo ba siyang makita?” “Ayaw niya akong makita sa huling pagkakataon pero gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon,” paliwanag ni Cathy. Naririnig ni Madeline ang kawalang pag-asa at sakit sa mga salita nito. Hindi na nagsalita pa mas