Binigyang diin ito ni Adam, at pagkatapos ay nagpaliwanag siya ng maayos.“Shirley, palagi mong iniisip na matalino ka, pero napaka tanga mo pagdating sa ganitong mga bagay! Palagi mong iniisip na hindi ka mahal ng mga magulang natin at hindi ka mahalaga sa kanila. Kahit noong pinadala ka nila sa St. Piaf para pag-ibayuhin ang iyong pag-aaral, inisip mo pa rin na inabandona ka nila. Sinasabi ko sayo, masyado ka lang mayabang!”“Tumahimik ka!” Pinigilan ni Shirley si Adam, medyo naiinis na siya.“Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan? Binabalaan kita, Adam. tigilan mo na ang pangingialam sa pagitan namin nila Eveline at Jeremy. Kapag kinalaban mo pa ako sa pamamagitan ng pagtulong na gumawa ng isang anti-toxoid reagent muli, naghahanap ka lang ng gulo!” “Gulo? Kapag sinabi mong gulo, ang ibig mo bang sabihin ay si Carter Gray? Ang lalakeng susundin mo ang bawat pinag-uutos nito, tama ba?” Nang mabanggit ni Adam si Carter, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Shirley.
Hinawakan ni shirley ang kanto ng notebook, medyo nanginginig ang mga daliri nito. Nang makita niya ang pamilyar na sulat kamay, mukhang kaagad namasa ang mga kanto ng kanyang mga mata dahil sa malamig na hangin. Hindi alam kung ilang oras na ang lumipas bago tumayo si Shirley na may malamig ekspresyon sa mukha nito habang kagat kagat ang kabi nito at pisil-pisil ang kanto ng notebook. Ang kanyang mga mata ay napuno ng luha habang nakatitig sa nakaukit sa lapida na nasa kanyang harapan. Pagkatapos niyang manatili doon sa loob ng sampung segundo, lumingon si Shirley at umalis. Pagkalipas ng ilang araw, isang balita ang mabilis na kumalat sa internet. Ang balita ay tungkol sa sentensyang kamatayan para kay felipe. Nang maungkat ang lahat ng litrato, edukasyon, pinanggalingan, at lahat ng may kinalaman na impormasyon tungkol kay Felipe, marami ang naawa sa kanya, pero mas marami pa rin ang natuwa sa naging hatol sa kanya. Ang mga taong nakagawa ng isang krimen ay hindi dapa
HInawakan niya ang kamay ng bata at naglakad papasaok sa kulungan. sila Madeline at Jeremy ay naghihintay sa may pasukan habang magkahawak ng kamay. Ang mainit na araw sa taglamig ay maliwanag, pero hindi nito nagawang magbigay sa kanila ng init. Pagkatapos makapasok ni Cathy sa loob, nagpaliwanag siya sa guwardiya kung bakit siya naparoon. Dahil sa pambihirang kaso ni Felipe, sinabihan ng guwardiya si Cathy na maghintay muna sa labas. Habang naghihintay siya, labis na nag-alala si Cathy. Nagpabalik-balik ssiya sa may pasilyo, naghihintay sa isang hindi masyadong nakakapanghinayang na resulta. Hindi naman nagtagal bumalik din ang guwardiya, pero meron lang siyang sagot na nagpalamig sa puso ni Cathy.“Miss Jordan, sabi ni Felipe ay ayaw niyang makita ang kahit na sino, lalo na kayo.” Nagulantang si Cathy. ‘Lumalabas na ako ang tao na pinaka ayaw mong makita ngayon.’ Ngumiti siya. “Salamat.” Pagkatapos niyang magpasalamat, lumingon si Cathy pero muli siyang lumingon p
Iilang salita lang ang mga ito pero bumaon ito ng malalim sa puso ni Cathy. Kaagad din niyang naunawaan kung ano ang ibig sabihin nito.“Cathy, nakikinig ka pa rin ba?” Kaagad na bumalik sa sarili sib Cathy nang marinig niya na tinawag siya ni Jeremy.“Oo, nakikinig pa rin ako.” Sinubukan niyang pigilan ang kanyang emosyon at panatilihing kalmado ang kanyang sarili, pero hindi pa rin niya maitago ang panginginig ng kanyang boses. “Salamat sa pagsabi sa akin nito, Jeremy. Kung wala ka nang iba pang sasabihin, ibaba ko na ang tawag.” Mabilis na ibinaba ni Cathy ang tawag pagkatapos niyang magsalita. Wala siyang lakas ng loob na patuloy na makinig sa lahat ng sasabihin sa kanya ni Jeremy. Hindi nga rin niya matanggap kahit na isang salita. Ang ulan sa kanyang harapan ay palakas ng palakas. Ang makakapal na patak ng ulan ay mukhang bumabagsak sa kanyang puso, na nagdudulot ng matinding sakit para sa kanya. Ang mga dilaw na rosas na hawak niya ay mukhang nawalan ng kulay s
“Sige.” Nakapagdesisyon na si Madeline. Kailangan niyang makita si Fabian. Sa sandaling nakapagdesisyon na siya, tumunog ang kanyang phone. Nung nakita niya na si Cathy ang tumatawag, tinignan ni Madeline si Jeremy. “Linnie, huwag mong kakalimutan ang huling sinabi sa atin ni Felipe.” “Alam ko,” Nangako si Madeline bago niya sinagot ang tawag. Inilagay niya sa speaker ang tawag ni Cathy. Bukod sa tunog ng ulan, tahimik sa kabilang linya ng tawag. “Cathy.” Si Madeline ang unang bumasag ng katahimikan. Nahuhulaan niya kung ano ang nararamdaman ni Cathy sa mga oras na yun. “Ako to, Evie,” Nagsalita na rin sa wakas si Cathy. “Evie, gusto kong malaman kung saan siya nakalibing.” Tinignan ni Madeline si Jeremy at kalmadong sinabi, “Gusto mo ba siyang makita?” “Ayaw niya akong makita sa huling pagkakataon pero gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon,” paliwanag ni Cathy. Naririnig ni Madeline ang kawalang pag-asa at sakit sa mga salita nito. Hindi na nagsalita pa mas
Humakbang ng dalawang beses paatras si Cathy bilang pag-iingat. Nagtataka siya kung sila ba ay ang mga taong gumawa noon ng gulo kay Felipe, pero mukhang hindi naman sila ang mga iyon. “Sino ba kayo?” NAgtanong siya uli at inilabas ang kanyang phone ng palihim para tawagan ang kanyang emergency contact. “Miss Jordan, huwag kang matakot. Wala kaming balak na masama sayo. Ang aming amo ay gusto lang na makasalo na uminom ng kape.” “Sino ang amo niyo?” Tanong ni Cathy at pinindot niya ang numero ng kanyang emergency contact. “Malalaman mo rin kung sino siya kapag sumama ka. Sana naman ay makikoopera ka sa amin. Huwag mo kaming pilitan na pwersahan kang isakay sa kotse,” sabi ng isa sa mga lalake na mukhang edukado na isang malalim na pamamaraan. Tinigil ni Cathy ang kanyang daliri sa pagpindot sa buton. Bago pa man siya makapagsalita, nilapitan na siya ng mga bodyguard. “Miss Jordan, pakiusap.” Hindi nagpakita ng takot o kahinaan si Cathy ng makita niya ang mga seryosong m
Bahagyang ngumiti si Carter habang elegante niyang inilapag ang tasang hawak niya. Nang wala nang sinabi pa, tumayo siya at umalis. Tumayo din si Cathy bilang tugon. “Carter Gray.” Tinawag niya ito, pero hindi ito pinansin ni Carter at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Naisip ni Cathy na habulin ito, pero saka niya nakita si Shirley na naglalakad at nilampasan si Carter at nilapitan siya. Nang makita niya ang magandang mukha nito, may mga alaala na lumitaw sa isipan ni Cathy. “Hindi ba’t ikaw ang kapatid na babae ni Adam?” Ngumiti si Shirley. Pagkatapos ay naglabas siya ng sigarilyo, at hinithit ito. “Adam? Akala ko ay sister-in-law na kita, pero mukhang hindi pa pala.” Kahit na alam ni Cathy kung ano ang tinutukoy ni Shirley, hindi siya nataranta. “Magkakilala ba kayo ni Carter? Bakit niyo ako dinala dito?” Hindi sinagot ni Shirley ang tanong ni Cathy. Naglabas siya uli ng isa pang sigarilyo at hinithit ito at saka nagtanong, “Ang taong mahal mo ay nagngangalang Fe
Ramdam ang lamig sa walang emosyong boses ni Shirley. Tinignan ni Adam si Shirley, at hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Cathy, at nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa pinto. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nila at muli nilang narinig ang boses ni Shirley mula sa kanilang likuran. “Adam, dinala ko siya dito nang sa gayon ay makontento na kayo sa kung anong meron kayo. Huwag niyo nang isipin na makakatapak kayo palabas ng pintuang yan.” Nang marinig niya ang mga salitang yun, kaagad itong naunawaan ni Cathy. Isa lamang siyang pain para mapapunta dito si Adam, na pupunta at hahanapin siya dito, na magdadala sa kanya sa patibong na ito. Tinikom ni Adam ang kanyang mga kamao habang lumingon siya sa kanyang likuran. Nang makita niya si Shirley na naninigarilyo na parang walang pakialam, napasimangot siya. “Shirley, nabasa mo naman na siguro ang notebook ni ama. Bakit mo pa rin ginagawa ang bagay na ito?” Naglakad si Shirley papunta kay Adam, walang buhay ang muk