Iilang salita lang ang mga ito pero bumaon ito ng malalim sa puso ni Cathy. Kaagad din niyang naunawaan kung ano ang ibig sabihin nito.“Cathy, nakikinig ka pa rin ba?” Kaagad na bumalik sa sarili sib Cathy nang marinig niya na tinawag siya ni Jeremy.“Oo, nakikinig pa rin ako.” Sinubukan niyang pigilan ang kanyang emosyon at panatilihing kalmado ang kanyang sarili, pero hindi pa rin niya maitago ang panginginig ng kanyang boses. “Salamat sa pagsabi sa akin nito, Jeremy. Kung wala ka nang iba pang sasabihin, ibaba ko na ang tawag.” Mabilis na ibinaba ni Cathy ang tawag pagkatapos niyang magsalita. Wala siyang lakas ng loob na patuloy na makinig sa lahat ng sasabihin sa kanya ni Jeremy. Hindi nga rin niya matanggap kahit na isang salita. Ang ulan sa kanyang harapan ay palakas ng palakas. Ang makakapal na patak ng ulan ay mukhang bumabagsak sa kanyang puso, na nagdudulot ng matinding sakit para sa kanya. Ang mga dilaw na rosas na hawak niya ay mukhang nawalan ng kulay s
“Sige.” Nakapagdesisyon na si Madeline. Kailangan niyang makita si Fabian. Sa sandaling nakapagdesisyon na siya, tumunog ang kanyang phone. Nung nakita niya na si Cathy ang tumatawag, tinignan ni Madeline si Jeremy. “Linnie, huwag mong kakalimutan ang huling sinabi sa atin ni Felipe.” “Alam ko,” Nangako si Madeline bago niya sinagot ang tawag. Inilagay niya sa speaker ang tawag ni Cathy. Bukod sa tunog ng ulan, tahimik sa kabilang linya ng tawag. “Cathy.” Si Madeline ang unang bumasag ng katahimikan. Nahuhulaan niya kung ano ang nararamdaman ni Cathy sa mga oras na yun. “Ako to, Evie,” Nagsalita na rin sa wakas si Cathy. “Evie, gusto kong malaman kung saan siya nakalibing.” Tinignan ni Madeline si Jeremy at kalmadong sinabi, “Gusto mo ba siyang makita?” “Ayaw niya akong makita sa huling pagkakataon pero gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon,” paliwanag ni Cathy. Naririnig ni Madeline ang kawalang pag-asa at sakit sa mga salita nito. Hindi na nagsalita pa mas
Humakbang ng dalawang beses paatras si Cathy bilang pag-iingat. Nagtataka siya kung sila ba ay ang mga taong gumawa noon ng gulo kay Felipe, pero mukhang hindi naman sila ang mga iyon. “Sino ba kayo?” NAgtanong siya uli at inilabas ang kanyang phone ng palihim para tawagan ang kanyang emergency contact. “Miss Jordan, huwag kang matakot. Wala kaming balak na masama sayo. Ang aming amo ay gusto lang na makasalo na uminom ng kape.” “Sino ang amo niyo?” Tanong ni Cathy at pinindot niya ang numero ng kanyang emergency contact. “Malalaman mo rin kung sino siya kapag sumama ka. Sana naman ay makikoopera ka sa amin. Huwag mo kaming pilitan na pwersahan kang isakay sa kotse,” sabi ng isa sa mga lalake na mukhang edukado na isang malalim na pamamaraan. Tinigil ni Cathy ang kanyang daliri sa pagpindot sa buton. Bago pa man siya makapagsalita, nilapitan na siya ng mga bodyguard. “Miss Jordan, pakiusap.” Hindi nagpakita ng takot o kahinaan si Cathy ng makita niya ang mga seryosong m
Bahagyang ngumiti si Carter habang elegante niyang inilapag ang tasang hawak niya. Nang wala nang sinabi pa, tumayo siya at umalis. Tumayo din si Cathy bilang tugon. “Carter Gray.” Tinawag niya ito, pero hindi ito pinansin ni Carter at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Naisip ni Cathy na habulin ito, pero saka niya nakita si Shirley na naglalakad at nilampasan si Carter at nilapitan siya. Nang makita niya ang magandang mukha nito, may mga alaala na lumitaw sa isipan ni Cathy. “Hindi ba’t ikaw ang kapatid na babae ni Adam?” Ngumiti si Shirley. Pagkatapos ay naglabas siya ng sigarilyo, at hinithit ito. “Adam? Akala ko ay sister-in-law na kita, pero mukhang hindi pa pala.” Kahit na alam ni Cathy kung ano ang tinutukoy ni Shirley, hindi siya nataranta. “Magkakilala ba kayo ni Carter? Bakit niyo ako dinala dito?” Hindi sinagot ni Shirley ang tanong ni Cathy. Naglabas siya uli ng isa pang sigarilyo at hinithit ito at saka nagtanong, “Ang taong mahal mo ay nagngangalang Fe
Ramdam ang lamig sa walang emosyong boses ni Shirley. Tinignan ni Adam si Shirley, at hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Cathy, at nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa pinto. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nila at muli nilang narinig ang boses ni Shirley mula sa kanilang likuran. “Adam, dinala ko siya dito nang sa gayon ay makontento na kayo sa kung anong meron kayo. Huwag niyo nang isipin na makakatapak kayo palabas ng pintuang yan.” Nang marinig niya ang mga salitang yun, kaagad itong naunawaan ni Cathy. Isa lamang siyang pain para mapapunta dito si Adam, na pupunta at hahanapin siya dito, na magdadala sa kanya sa patibong na ito. Tinikom ni Adam ang kanyang mga kamao habang lumingon siya sa kanyang likuran. Nang makita niya si Shirley na naninigarilyo na parang walang pakialam, napasimangot siya. “Shirley, nabasa mo naman na siguro ang notebook ni ama. Bakit mo pa rin ginagawa ang bagay na ito?” Naglakad si Shirley papunta kay Adam, walang buhay ang muk
“Sa tingin ko ay ganun na nga.” Sigurado si Cathy sa bagay na yun.Bigla niyang naisip na nakikita niya kay Shirley ang dati niyang sarili. Noon, kapareho niya si Shirley na gagawin ang lahat para kay Felipe ng walang alinlangan. Gagawin niya ito para kay Felipe kahit na anong mangyari. Noon, hinipnotismo pa nga niya si Jeremy para sa lalakeng yun… Pero, nakaraan na lang ang mga araw na yun. Ngayon, bukod sa matagal nang tapos ang mga araw na yun ay wala na rin pati ang lalakeng yun. Habang malalim ang kanyang iniisip, narinig niya na tumunog ang phone ni Adam. “Si Jeremy,” sabi ni Adam, habang sinesenyasan si Cathy na huwag gagawa ng ingay. Tumango si Cathy, pagkatapos ay sinagot ni Adam ang tawag. “Huwag kang mag-alala. Sinisigurado ko sayo na makakagawa ako ng panlunas para mapagaling si Eveline sa lalong madaling panahon. Masyado akong naging abala sa aking pagsasaliksik nitong mga nakaraang araw, kaya huwag kayong mag-alala kung sakaling hindi niyo ako makontak. Tat
Nung makita g guro na huminto sa paglalakad si Lillian, nagtaka ito at tiningnan ang lalakeng nasa labas ng gate. Pagkatapos ay yumuko ito at malumanay na tinanong si Lillian, “Lily, kilala mo ba ang lalakeng yun? Kung kilala mo siya, itango mo ang ulo mo. Kung hindi naman, umiling ka para malaman ko.” Pagkatapos magsalita ng guro, hindi man lang tumango o laya umiling si Lillian sa loob ng sampung segundo. Kakaiba ito para sa guro. Alam niya na kahit hindi nakakapagsalita si Lillian, nanakunawa naman ito ng mga simpleng pangungusap. Sinilip niya ang lalakeng nasa labas ng gate at binitawan ang kamay ni Lillian bago nito nilapitan ang lalake. “Sir, ano pong pangalan nila? Sabi niyo po ay kapamilya kayo ni Lily, pero mukhang hindi niya kayo kilala.” Sinabi ng guro ang kanyang saloobin. “Ang apelyido ko ay Johnson,” tugon ng lalake. Tinignan niya si Lillian, na nanatiling hindi gumagalaw, at dahan dahan na naglabas ng isang pirasong kendi mula sa kanyang bulsa. Mukhang gina
Habang maikokonsidera na isang estranghero si Fabian, ang ugali nito sa kanilang munting prinsesa ay hindi pangkaraniwan. Kung hindi, bakit nito kaagad hahanapin si Lillian pagkababa nito sa eroplano?Sa isang amusement park sa malapit. Dahil sa taglamig ng mga panahon na yun at oras ng trabaho, wala masyadong tao sa may amusement park. Kahit na matindi ang sikat ng araw, hindi ito sapat para painitin ang katawan sa malamig an panahon na ito. Nakatayo sa may harang si Fabian, pinapanood si Lillian na masayang nakasakay sa may carousel. Ang kanyang mukha at mga mata ay wala nang emosyon na tulad ng sa kanina. Naningkit ang mga mata nito, habang nakatitig sa kendi nan nasa kanyang mga kamay. Ang balot ng kendi ay kupas na, at matagal nang panis ang kendi na nasa loob nito. Katulad ng ibang mga bagay, nagbago na sila sa loob ng dalawang taon. Pero, naintindihan naman niya ito, kahit na kupas na ang balot nito at panis na ang kendi, ilan sa mga sangkap nito, katulad ng isa