Habang maikokonsidera na isang estranghero si Fabian, ang ugali nito sa kanilang munting prinsesa ay hindi pangkaraniwan. Kung hindi, bakit nito kaagad hahanapin si Lillian pagkababa nito sa eroplano?Sa isang amusement park sa malapit. Dahil sa taglamig ng mga panahon na yun at oras ng trabaho, wala masyadong tao sa may amusement park. Kahit na matindi ang sikat ng araw, hindi ito sapat para painitin ang katawan sa malamig an panahon na ito. Nakatayo sa may harang si Fabian, pinapanood si Lillian na masayang nakasakay sa may carousel. Ang kanyang mukha at mga mata ay wala nang emosyon na tulad ng sa kanina. Naningkit ang mga mata nito, habang nakatitig sa kendi nan nasa kanyang mga kamay. Ang balot ng kendi ay kupas na, at matagal nang panis ang kendi na nasa loob nito. Katulad ng ibang mga bagay, nagbago na sila sa loob ng dalawang taon. Pero, naintindihan naman niya ito, kahit na kupas na ang balot nito at panis na ang kendi, ilan sa mga sangkap nito, katulad ng isa
Hindi magawang kontakin n Madeline si Fabian sa buong oras na yun. Hindi rin niya alam kung saan dinala ni Fabian si Lillian. Kahit na hindi mapalagay sa buong pangyayari, naniniwala pa rin hindi sasaktan ni Fabian si Lillian. “Linnie, alam ko kung saan dinala ni Fabian si Lily.” Pinadala ni Jeremy ang lokasyon ni Lillian sa phone ni Madeline. Nagulat dito si Madeline. “Nilagyan mo ba si Lillian ng isang GPS tracker?” “Ito ay gawa ng mahal nating panganay na lalake,” mukhang natutuwa si Jeremy habang sinasabi niya ito. “Kahit na bata pa si Jack, minsan ay kaya niyang mag-isip ng mas malalim kesa sa atin.” Malakas na sumang-ayon si Madeline sa bagay na ito. May mga ilang pagkakataon na kung saan nagawang sagipin ni Jeremy si Madeline mula sa gulo sa tamang oras salamat sa kanilang anak na si Jack. Pero, nang makita niya ang lokasyon ni Lillian, muli nanamang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. “Bakit nasa ospital si Lillian? Bakit dinala ni Fabian si Lily sa isang ospit
‘Ano?’Ang sagot ni Fabian, na parang kidlat sa isang maaliwalas na panahon, ay gumulat sa kanila Madeline at Jeremy. Ang bigat ng balitang ito ay parang katulad sa isang biglaang pagbagsak ng malakas na buhos ng ulan na bumasa sa kanila mula ulo hanggang paa. Dumilim ang paningin ni Madeline, na para bang ang lahat ng hangin sa kanyang katawan ay biglang hinugop palabas ng kanyang katawan. “Linnie!” Sinuportahan ni Jeremy si Madeline, na halos himatayin na. Si Madeline, na biglang tumayo mula sa kanyang kalagayan, ay tnignan si Fabian, pagkatapos ay lumingon at tumakbo papunta sa malapit na opisina ng doktor. Pati si Jeremy ay napatingin kay Fabian, pagkatapos ay mabilis na hinabol si Madeline. “Linnie, huminahon ka.” Nag-aalala siya para dito, pero kasabay nun, nag-aalala rin siya para kay Lillian. ‘Hindi, meron sigurong mali dito.‘Maayos naman ang kalagayan ni Lily buong buhay nito. Paano siya magkakaroon ng leukemia?’Hindi pa rin matanggap ni Jeremy sa kanyang p
Napalingon sila Madeline at Jeremy sa pinanggalingan ng boses at nakita si Fabian na dahan dahang naglalakad papasok ng opisina. Tinignan niya ang munting dalaga, na nakatayo sa isang gilid, kinukurap ang malinaw at mabilog na mga mata nito sa kanya. Hindi niya mapigilan na bahagyang mapasimangot. “Malinaw naman na merong leukemia si Lily,” sagot ni Fabian ng may kasiguraduhan. “Pinaalalahanan ko na kayo na ihanda ang inyong mga sarili.” “Fabian, paano o naman nalaman na may leukemia ang anak ko? Bakit mo kaagad hinanap ang anak ko pagkatapos mong makababa sa eroplano?” Tanong ni Jeremy, ng may pagdududa. “Hindi ba ako pwedeng bumalik para makita ang dati kong kaibigan ko?” Mukhang pinapalabas ni Fabian na hindi importante ang kanyang sagot. Inasar pa nga niya ang limang taong gulang na Lillian bilang isang dating kaibigan. Nilabanan ni Madeline ang sakit na nararamdaman niya habang nilingon niya si Lillian. Labis ang kanyang pag-aalala simula pa kanina nung napansin niya
“Wala namang dahilan. Gusto ko lang siyang makita, kaya nagawa ko yun.” Sumagot si Fabian na para bang sinasaad ang katotohanan. “Yung lang ang dahilan kung bakit mo gustong putulin ang ugnayan mo sa amin? Dahil lang sa gusto mo?’ “Ganun na nga,” Tugon ni Fabian na may ngiti habang sinisindihan ang kanyang sigarilyo. “Kung meron ka pang itatanong sa akin, pwede ko naman sagutin ito ngayon nang sa gayon ay hindi niyo na ako kulitin pa at tawagan sa kahit na anong paraan na alam niyo.” Malinaw na ipinapakita ng sagot ni Fabian na wala na itong balak na makipag-ugnayan sa kanila pagkatapos nito. Nagsalubong ang mga mahabang kilay ni Jeremy habang magsasalita na sana ito, pero narinig niya ang tunog ng mga pamilyar na yabag ng paa na nagmamadali sa kanyang likuran. Nilingon niya ang kanyang likuran at nakita niya si Madeline na tumatakbo papunta sa kanya na may nag-aalalang ekspresyon. Si Jeremy, na wala sa wisyo para harapin si Fabian, ay mabilis na lumingon at tumakbo pap
‘Dahilan?’Lalong lumala ang pagkalito sa mga mata ni Madeline. “Anong dahilan?” Mukhang nagdalawang-isip pa si Jeremy ng mga ilang segundo, pero bigla siyang umiling ng marahan. “Wala lang ito. Baka masyado ko lang iniisip ang bagay na to. Linnie, pag-usapan na lang muna natin ang magiging gamutan ni Lily.” Kaagad niyangh binago ang paksa ng kanilang usapan, pero nagsisimula na siyang pagdudahan ang biglang pagbabago ni Fabian. Dahil sa lalong nag-aalala si Madeline sa karamdaman ni Lillian, hindi na siya nagtanong pa. Sa mga sumunod na mga araw, sila Madeline at Jeremy ay tumakbo sa ilang mga ospital, at hindi nagtagal ay may nahanap silang lugar para kay Lillian sa isang ospital na kilala at mas bihasa sa paggamot ng leukemia. Hindi kayang nakita ni Madeline ang isang bata na pagdaanan ang ganitong katinding sakit. Inaasahan na niya nung una pa lang na mabilis na gagaling ang bata at makakapagsalita na ito, pero may mas lalala papala dito. Higit pa doon, hindi pa rin
“Hindi ba’t gusto mo nang putulin ang ugnayan mo sa amin? Bakit mo pa rin pala binibisita ang aking anak?” Tanong ni Madeline. “Fabian, pwede mo bang sabihin sa akin kung anong klase ng pag-iisip ang meron ka ngayon?” “Anong klase ng pag-iisip…” Pabulong na inulit ni Fabian. Marahan niyang tinapik ang kanyang sigarilyo gamit ang kanyang daliri. Ang dulo ng may sinding sigarilyo ay naging abo habang nahuhulog ito ng tahimik sa gilid ng kanyang paanan. “Heh.” Bigla na lang itong tumawa. Naramdaman ni Madeline na biglang nagbago ang tingin ng mga mata ni Fabian. Ang tingin nito ngayon ay napuno ng kakaibang poot.“Kapag sinabi kong iniisip ko ngayon ang maghiganti, anong masasabi mo doon?” Paghihiganti. Seryoso ang salitang iyon. Sumimangot si Madeline. “Maghihiganti ka ba sa amin nila Jeremy? Sa tingin mo ba ay responsable kami sa pagkamatay nila Yorick at Lana?” Naningkit ang mga mata ni Fabian, at may bahid ng pagkadismaya ang mga ito. “Akala ko ba magkaibigan tayo sa
Nang marinig ni Madeline na tinatanong siya ng nars, kaagad siyang bumalik sa katinuan.Naglakad siya papunta sa nars at hinawakan ang kamay nito. Nars, nasaan ang anak ko? Bakit nawawala ang anak ko?” “Nawawala?” Napakurap ang nars sa kalituhan. “Si Lillian ay natutulog sa kasunod na ward. Paano siya mawawala?” “Sa kasunod na ward?” Kaagad itong naunawaan ni Madeline at napansin na hindi pala ito ang ward ni Lillian. Tumakbo siya palabas ng ward at pumasok sa kasunod na ward.Nang makita niya si Lillian na natutulog ng mahimbing sa may kama, huminahon na din ang kumakabog na dibdib ni Madeline. “Linnie.” Pumunta sa likod ni Madeline si Jeremy at inangat ang kanyang kamay para himasin ang buhok nito.Kaagad na lumingon si Madeline paharap kay Jeremy at niyakap ito ng mahigpit. Hindi na niya mapigilan ang luha na naipon sa kanyang mga mata. Niyakap ni Jeremy si Madeline habang naaawa para dito. Pinakalma niya ito, at sinabi, “Palagi akong nasa tabi mo. Umiyak ka lang ha