“Wala namang dahilan. Gusto ko lang siyang makita, kaya nagawa ko yun.” Sumagot si Fabian na para bang sinasaad ang katotohanan. “Yung lang ang dahilan kung bakit mo gustong putulin ang ugnayan mo sa amin? Dahil lang sa gusto mo?’ “Ganun na nga,” Tugon ni Fabian na may ngiti habang sinisindihan ang kanyang sigarilyo. “Kung meron ka pang itatanong sa akin, pwede ko naman sagutin ito ngayon nang sa gayon ay hindi niyo na ako kulitin pa at tawagan sa kahit na anong paraan na alam niyo.” Malinaw na ipinapakita ng sagot ni Fabian na wala na itong balak na makipag-ugnayan sa kanila pagkatapos nito. Nagsalubong ang mga mahabang kilay ni Jeremy habang magsasalita na sana ito, pero narinig niya ang tunog ng mga pamilyar na yabag ng paa na nagmamadali sa kanyang likuran. Nilingon niya ang kanyang likuran at nakita niya si Madeline na tumatakbo papunta sa kanya na may nag-aalalang ekspresyon. Si Jeremy, na wala sa wisyo para harapin si Fabian, ay mabilis na lumingon at tumakbo pap
‘Dahilan?’Lalong lumala ang pagkalito sa mga mata ni Madeline. “Anong dahilan?” Mukhang nagdalawang-isip pa si Jeremy ng mga ilang segundo, pero bigla siyang umiling ng marahan. “Wala lang ito. Baka masyado ko lang iniisip ang bagay na to. Linnie, pag-usapan na lang muna natin ang magiging gamutan ni Lily.” Kaagad niyangh binago ang paksa ng kanilang usapan, pero nagsisimula na siyang pagdudahan ang biglang pagbabago ni Fabian. Dahil sa lalong nag-aalala si Madeline sa karamdaman ni Lillian, hindi na siya nagtanong pa. Sa mga sumunod na mga araw, sila Madeline at Jeremy ay tumakbo sa ilang mga ospital, at hindi nagtagal ay may nahanap silang lugar para kay Lillian sa isang ospital na kilala at mas bihasa sa paggamot ng leukemia. Hindi kayang nakita ni Madeline ang isang bata na pagdaanan ang ganitong katinding sakit. Inaasahan na niya nung una pa lang na mabilis na gagaling ang bata at makakapagsalita na ito, pero may mas lalala papala dito. Higit pa doon, hindi pa rin
“Hindi ba’t gusto mo nang putulin ang ugnayan mo sa amin? Bakit mo pa rin pala binibisita ang aking anak?” Tanong ni Madeline. “Fabian, pwede mo bang sabihin sa akin kung anong klase ng pag-iisip ang meron ka ngayon?” “Anong klase ng pag-iisip…” Pabulong na inulit ni Fabian. Marahan niyang tinapik ang kanyang sigarilyo gamit ang kanyang daliri. Ang dulo ng may sinding sigarilyo ay naging abo habang nahuhulog ito ng tahimik sa gilid ng kanyang paanan. “Heh.” Bigla na lang itong tumawa. Naramdaman ni Madeline na biglang nagbago ang tingin ng mga mata ni Fabian. Ang tingin nito ngayon ay napuno ng kakaibang poot.“Kapag sinabi kong iniisip ko ngayon ang maghiganti, anong masasabi mo doon?” Paghihiganti. Seryoso ang salitang iyon. Sumimangot si Madeline. “Maghihiganti ka ba sa amin nila Jeremy? Sa tingin mo ba ay responsable kami sa pagkamatay nila Yorick at Lana?” Naningkit ang mga mata ni Fabian, at may bahid ng pagkadismaya ang mga ito. “Akala ko ba magkaibigan tayo sa
Nang marinig ni Madeline na tinatanong siya ng nars, kaagad siyang bumalik sa katinuan.Naglakad siya papunta sa nars at hinawakan ang kamay nito. Nars, nasaan ang anak ko? Bakit nawawala ang anak ko?” “Nawawala?” Napakurap ang nars sa kalituhan. “Si Lillian ay natutulog sa kasunod na ward. Paano siya mawawala?” “Sa kasunod na ward?” Kaagad itong naunawaan ni Madeline at napansin na hindi pala ito ang ward ni Lillian. Tumakbo siya palabas ng ward at pumasok sa kasunod na ward.Nang makita niya si Lillian na natutulog ng mahimbing sa may kama, huminahon na din ang kumakabog na dibdib ni Madeline. “Linnie.” Pumunta sa likod ni Madeline si Jeremy at inangat ang kanyang kamay para himasin ang buhok nito.Kaagad na lumingon si Madeline paharap kay Jeremy at niyakap ito ng mahigpit. Hindi na niya mapigilan ang luha na naipon sa kanyang mga mata. Niyakap ni Jeremy si Madeline habang naaawa para dito. Pinakalma niya ito, at sinabi, “Palagi akong nasa tabi mo. Umiyak ka lang ha
“Sige…”Mahinang tugon ni Madeline. At sa mga sandaling yun, nakaramdam siya na may malalamig na alon na humahampas sa kanyang katawan. Pra bang nahulog siya sa isang nagyeyelong lawa na kung saan dahan-dahan siyang lumulubog. Ang nanunuot sa butong pakiramdam na iyon ay unti unting lumulunod sa kanyang mga pakiramdam. “Giniginaw ako…” Bulong ni Madeline. Mabilis na binalot ni Jeremy si Madeline ng mahigpit gamit ang kumot, at kasabay nun, tinaasan niya ang temperatura ng air conditioner. Pero, nanginginig pa rin ng malakas si Madeline. Bukod sa naaawa siya dito, walang magawa si Jeremy. Ang pakiramdam na ito ng walang kakayahan kahit na anong hilingin niya ay nagpadama sa kanya ng pagkabahala at pagkabalisa. Pinakalma ni Jeremy ang kanyang sarili at inunat ang kanyang kamay para haplusin ang pisngi ni Madeline. Pinakalma niya ito gamit ang kanyang mahinahon na boses. “Linnie, magpakatatag ka. Tatawagan ko ngayon si Adam. Malalampasan mo rin ito.” “Okay…” Kumurap ang
Sinubukan ni Adam na gumawa ng ingay para matawag ang pansin ni Jeremy habang nasa baba ito. Sinubukan din ni Cathy hampasin ang pinto habang sumisigaw. Pero, mukhang wala nang tunog na nagmula sa nangyayari sa paligid nila pagkalipas ng ilang sandali. Mukhang walang nakakarinig sa kanila. May narinig si Jeremy na ilang tunog, pero hindi niya matukoy kung saan nanggagaling ang mga ito. Alam lang niya ay may taong paulit-ulit na kumakatok. Pakiramdam niya ay parang may mali. Nang paakyat na siya, nakita niya si Carter na nasa itaas ng hagdan. “Hindi mo ba alam na hindi magandang asal ang pumunta ka sa bahay ko sa disoras ng gabi, Mr. Whitman?” Malamig ang ekspresyon ng mukha nin Carter na katulad ng isang bloke ng yelo habang walang emosyon itong bumaba mula sa itaas. “Kaninong pangalan ang tinatawag mo kanina lang? Shirley?” Nang nakita ni Jeremy na nagpapanggap si Carter na nalilito, tinitigan niya ito ng malamig. “Carter, tigilan mo na ang pagpapanggap. Parte ng buong
Tinignan ni Shirley si Carter at hindi makapaniwala sa ginawa nito. Nakita niya itong may hawak na baril ng may malamig na ekspresyon. Ang mukha nito ay mukhang malamig, na para bang wala itong emosyon. Ang elegante at marangal na imahe nito sa harapan ng ibang tao ay bumaliktad sa mga sandaling ito. Ngayon, mukha siyang isang walang puso at malupit na duke ng gabi. Meron siyang madilim na awra na lumalabas sa katawan nito. Malinaw na gusto niyang pigilan si Jeremy na kunin si Shirley kanina lang, kaya ito nagpaputok ng baril. ‘Ginawa ba niya iyon para sa akin?’Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Shirley. Hawak ni DCarter ang baril at naglakad papunta kay Jeremy. “Walang sinuman ang makakakuha ng kahit na ano mula sa aling manor sa aking harapan. Hindi na mahalaga kung nasa Glendale tayo.” ‘Kahit na ano.’Ang paglalarawan na ito ay nagdulot sa masayang puso ni Shirley na malugmok sa kawalan. Tama. Bakit nga ba siya aalalahanin nito? Ginagamit lang siya nit
Ang huling hakbang. Biglang lumubog ang puso ni Jeremy. Nakikita niya ang mukha ni Shirley na nagpapakita ng isang tusong ekspresyon habang nagsasalita. Lalong lumapad ang ngiti ni Shirley nang makita niya ang pangamba sa mga mata ni Jeremy. “Kalimutan mo na yun, hindi ko pa sasabihin sayo ngayon ito nang sa gayon ay hindi ka mag-alala.” “Shirley!” Ubos na ang pasensya ni Jeremy. Ang malalim at singkitan nitong mga mata ay nakatitig ng masama kay Shirley na animoy mga malamig na yelo. “Wala ako sa wisyo na mag-aksaya ng oras sayo. Gusto ko ang anti-toxoid test reagent. Naiintindihan mo ba ako?” “Aray.” Hindi mapigilan ni Shirley ang nararamdaman niyang sakit. Pakiramdam niya ay mababali ang kanyang kamay anumang oras dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Jeremy. Ang kanyang mga kilay ay nagsalubong. Pagkatapos ay humagikgik ito habang nagkakaskasan ang mga ngipin, at nagpakita ito ng walang magawang ekspresyon sa kanyang mukha. “Nauunawaan ko, pero dapat mo rin mau