Tinignan ni Shirley si Carter at hindi makapaniwala sa ginawa nito. Nakita niya itong may hawak na baril ng may malamig na ekspresyon. Ang mukha nito ay mukhang malamig, na para bang wala itong emosyon. Ang elegante at marangal na imahe nito sa harapan ng ibang tao ay bumaliktad sa mga sandaling ito. Ngayon, mukha siyang isang walang puso at malupit na duke ng gabi. Meron siyang madilim na awra na lumalabas sa katawan nito. Malinaw na gusto niyang pigilan si Jeremy na kunin si Shirley kanina lang, kaya ito nagpaputok ng baril. ‘Ginawa ba niya iyon para sa akin?’Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Shirley. Hawak ni DCarter ang baril at naglakad papunta kay Jeremy. “Walang sinuman ang makakakuha ng kahit na ano mula sa aling manor sa aking harapan. Hindi na mahalaga kung nasa Glendale tayo.” ‘Kahit na ano.’Ang paglalarawan na ito ay nagdulot sa masayang puso ni Shirley na malugmok sa kawalan. Tama. Bakit nga ba siya aalalahanin nito? Ginagamit lang siya nit
Ang huling hakbang. Biglang lumubog ang puso ni Jeremy. Nakikita niya ang mukha ni Shirley na nagpapakita ng isang tusong ekspresyon habang nagsasalita. Lalong lumapad ang ngiti ni Shirley nang makita niya ang pangamba sa mga mata ni Jeremy. “Kalimutan mo na yun, hindi ko pa sasabihin sayo ngayon ito nang sa gayon ay hindi ka mag-alala.” “Shirley!” Ubos na ang pasensya ni Jeremy. Ang malalim at singkitan nitong mga mata ay nakatitig ng masama kay Shirley na animoy mga malamig na yelo. “Wala ako sa wisyo na mag-aksaya ng oras sayo. Gusto ko ang anti-toxoid test reagent. Naiintindihan mo ba ako?” “Aray.” Hindi mapigilan ni Shirley ang nararamdaman niyang sakit. Pakiramdam niya ay mababali ang kanyang kamay anumang oras dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Jeremy. Ang kanyang mga kilay ay nagsalubong. Pagkatapos ay humagikgik ito habang nagkakaskasan ang mga ngipin, at nagpakita ito ng walang magawang ekspresyon sa kanyang mukha. “Nauunawaan ko, pero dapat mo rin mau
“Sinadya mo bang gawin ang bagay an yun? Gusto mong pakawalan ang kapatid mo, tama ba?” Malamig na tanong ni Carter, ang kaseryososhan na ipinapakita ng mga mata at kilay nito ay tumakot kay Shirley “Ako… ehm, ehem… Bakit ko siya pakakawalan?” Sinagot ni Shirley si Carter habang umuubo. “Siya ang dahilan kung bakit ako tinalikuran ng mga magulang namin noon, ang dahilan kung bakit nila ako pinadala sa ibang bansa. Hindi iyon para sa kinabukasan ko. Ang katotohanan na gusto lang nilang makahanap ng magandang pagkakataon para pagyamanin ang kanilang pinakamamahal na anak na lalake. Hmph!” Tinignan ni Shirley ang direksyon kung saan pumunta si Adam at malamig na tumawa. “Gusto ko lang makita kung gaano ba kagaling ang pinakamamahal nilang anak na lalake.”Sinabi ito ni Shirley habang nagkakaskasan ang kanyang mga ngipin. Gayun pa man, tahimik na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Tinikom niya ang kanyang mga kamao habang lumitaw sa kanyang isipan ang notebook, na naglalaman n
Napasimangot si Adam nang marinig niya ang tanong ni Jeremy. Nagsalita lamang siya pagkalipas ng mga ilang sadali. “Hindi ako sigurado kung anong sintomas ang lilitaw pagdating ng huling hakbang, pero napagtanto ko na madalas ng sumpungin si Eveline, at ang pagitan ng mga ito ay masyadong maikli. Hindi ito katulad ng naranasan mo noon.” Sumimangot din si Jeremy. “Anong ibig sabihin nito?” “Ibig sabihin lang nito ay may gusto silang marating sa loob lamang ng maikling panahon. Kapag dumating na sa huling hakbang ang lason sa katawan ni Eveline, gagamitin nila ito para pilitin ka na ipagpalit ang isang bagay na mapapakinabangan nila.” Naunawaan na kaagad ito ni Jeremy. Ang bagay na gusto niyang malaman ngayon ay ang mga sintomas na ipapakita ni Madeline.Habang nilalamon siya ng pangamba, inangat niya ang kanyang kamay para masahiin ang kanyang noo, habang gumagapang ang pagod sa kanyang puso. “Patawad,” Biglang humingi ng tawad si Adam. Sa kalituhan, inangat ni Jere
“Makikituloy ka sa amin?” Nasupresa si Cathy, pero kaagad din niyang naunawaan ang rason. “Dahil ba ito sa ayaw mo nang may mangyaring hindi inaasahan sa akin, tulad ng madukot para gamitin na pangblackmail uli, kaya gusto mo akong protektahan?” Tinignan ni Adam si Cathy ng hindi itinatanggi ang mga sinabi nito. “Ayoko nang makaranas ka pa ng kahit na anong masamang pangyayari. Kahit na may gusto pa silang gawin pa sayo uli, kahit paano naman ay nandoon ako sa tabi mo para protektahan ka.” Naantig ang kalooban ni Cathy sa mga sinabi ni Adam, pero alam nila pareho na hindi ito kapareho ng pagmamahal. …Pagkaalis nila Adam at Cathy, nanatili sa loob ng kwarto si Jeremy, binabantayan ang dalawang babae na mahalaga sa kanyang buhay. Ang isa ay ang pinakamamahal niya asawa, at ang isa pa ay ang kanyang pinakamamahal na munting prinsesa na matagal na niyang gustong protektahan. Ang dalawang ito ay napakaimportante sa kanya, pero hindi niya magawang protektahan ang mga ito.
Tumayo si MAdeline, naalarma, at nilingon ang kanyang pinakamamahal na anak na babae na nanatiling walang alam sa nangyayari. Wala siyang panahon para harapin ang hindi imbitadong bisita na ito sa harap ng kanyang anak, pero hindi siya mapalagay na lumabas sa kwarto na iyon, at iwanan ang kanyang anak ng mag-isa. “Anong problema? Natatakot ka ba sa akin, Mrs. Whitman?” Maririnig ang panghahamak sa boses ng babae. “Huwag kang mag-alala. Narinig ko na may karamdaman na walang lunas ang inyong anak, kaya pumunta ako dito para ipakita ang aking simpatiya,” sabi ni Shirley habng naglalakad papasok, at inabot ang isang bouquet ng powder blue baby breaths kay Lillian. Gusto siyang pigilan ni Madeline, pero ayaw niyang matakot ang bata dahil sa agresibo niyang kilos. Ang magagawa lang niya ay pagmasdan si Shirley na sinusubukang maging kaibigan ng kanyang anak na si Lillian. “Lillian, ang mga bulaklak na ito ay para sa iyo. Nagustuhan mo ba? Narinig ko na paborito mo ang powder blue
Habang nagsasalita si Shirley, tinignan nito si Lillian na nakasandal sa may kama ng ospital ng may kalituhan sa mukha nito. Nilagay niya ang baby’s breath, na hawak niya, sa may tabi ng kama. Kanina lang, puno ng poot at sarkasmo ang mga mata ni Shirley. Ang kanyang mga mata ay naging malumanay habang sinusuri ang maliit na mukha ni Lillian, pagkatapos, ng may mayabang at nandidiring tingin, ay bumalik ito kay Madeline. “Eveline, alam ko na isa kang espesyal na babae. Sa sobrang espesyal mo ay hindi ka sumusuko at matibay ang iyong kalooban. Pero, alam mo rin na isa akong masamang babae. Yun ang dahilan kung bakit ko espesyal na ginawa ang lason na nasa katawan mo.” “Ano naman ngayon?” Walang pakeng tanong ni Madeline.Sumingkit ang mga magandang mata ni Shirley. “Nagkaroon ka na ng tatlong pag-atake. Pagkatapos ng tatlong pag-atake, unti unting maabot ng lason ang huling yugto nito.” Habang nagsasalita ito, huminto ito ng dalawang segundo, at humakbang ng dalawang beses pal
Hindi na maitatanggi pa ni Madeline ang bagay na ito ngayon na nagtanong na si Jeremy. “Oo, baka nga siguro.” “Hindi ka sigurado?” “Nasa… Nasa may nursing station ako kanina. Nanjan na ang bouquet sa tabi ng kama ni Lillian nung nakabalik ako.” Iniwasan ni Madeline ang tingin ni Jeremy habang nagsasalita siya. Alam niya na nagsisinungaling siya, pero kailangan niyang magsinungaling dito. Ito ay dahil sa walang siyang maisip na gagamitin para sa kanyang palusot. Kapag sinabi niya na si Shirley ang bumisita, tiyak na mamagalit si Jeremy. “Hindi kaya si Fabian?” Hula ni Jeremy. Kaagad na sinakyan ni Madeline ang hula ni Jeremy. “Si Fabian? Posible.” “Tayo lang naman ang nakakaalam na paborito ni Lillian ang powder blue na baby’s breath. Bukod kay Fabian, wala na akong iba pang maisip,” sabi ni Jeremy, habang binibigay niyav ang kanyang saloobin. Sumang-ayon si Madeline. Ganun na nga. Bukod sa kanilang mga magulang, sino pa ba ang nakakaalam sa mga gusto ng kanilang