Tumayo si MAdeline, naalarma, at nilingon ang kanyang pinakamamahal na anak na babae na nanatiling walang alam sa nangyayari. Wala siyang panahon para harapin ang hindi imbitadong bisita na ito sa harap ng kanyang anak, pero hindi siya mapalagay na lumabas sa kwarto na iyon, at iwanan ang kanyang anak ng mag-isa. “Anong problema? Natatakot ka ba sa akin, Mrs. Whitman?” Maririnig ang panghahamak sa boses ng babae. “Huwag kang mag-alala. Narinig ko na may karamdaman na walang lunas ang inyong anak, kaya pumunta ako dito para ipakita ang aking simpatiya,” sabi ni Shirley habng naglalakad papasok, at inabot ang isang bouquet ng powder blue baby breaths kay Lillian. Gusto siyang pigilan ni Madeline, pero ayaw niyang matakot ang bata dahil sa agresibo niyang kilos. Ang magagawa lang niya ay pagmasdan si Shirley na sinusubukang maging kaibigan ng kanyang anak na si Lillian. “Lillian, ang mga bulaklak na ito ay para sa iyo. Nagustuhan mo ba? Narinig ko na paborito mo ang powder blue
Habang nagsasalita si Shirley, tinignan nito si Lillian na nakasandal sa may kama ng ospital ng may kalituhan sa mukha nito. Nilagay niya ang baby’s breath, na hawak niya, sa may tabi ng kama. Kanina lang, puno ng poot at sarkasmo ang mga mata ni Shirley. Ang kanyang mga mata ay naging malumanay habang sinusuri ang maliit na mukha ni Lillian, pagkatapos, ng may mayabang at nandidiring tingin, ay bumalik ito kay Madeline. “Eveline, alam ko na isa kang espesyal na babae. Sa sobrang espesyal mo ay hindi ka sumusuko at matibay ang iyong kalooban. Pero, alam mo rin na isa akong masamang babae. Yun ang dahilan kung bakit ko espesyal na ginawa ang lason na nasa katawan mo.” “Ano naman ngayon?” Walang pakeng tanong ni Madeline.Sumingkit ang mga magandang mata ni Shirley. “Nagkaroon ka na ng tatlong pag-atake. Pagkatapos ng tatlong pag-atake, unti unting maabot ng lason ang huling yugto nito.” Habang nagsasalita ito, huminto ito ng dalawang segundo, at humakbang ng dalawang beses pal
Hindi na maitatanggi pa ni Madeline ang bagay na ito ngayon na nagtanong na si Jeremy. “Oo, baka nga siguro.” “Hindi ka sigurado?” “Nasa… Nasa may nursing station ako kanina. Nanjan na ang bouquet sa tabi ng kama ni Lillian nung nakabalik ako.” Iniwasan ni Madeline ang tingin ni Jeremy habang nagsasalita siya. Alam niya na nagsisinungaling siya, pero kailangan niyang magsinungaling dito. Ito ay dahil sa walang siyang maisip na gagamitin para sa kanyang palusot. Kapag sinabi niya na si Shirley ang bumisita, tiyak na mamagalit si Jeremy. “Hindi kaya si Fabian?” Hula ni Jeremy. Kaagad na sinakyan ni Madeline ang hula ni Jeremy. “Si Fabian? Posible.” “Tayo lang naman ang nakakaalam na paborito ni Lillian ang powder blue na baby’s breath. Bukod kay Fabian, wala na akong iba pang maisip,” sabi ni Jeremy, habang binibigay niyav ang kanyang saloobin. Sumang-ayon si Madeline. Ganun na nga. Bukod sa kanilang mga magulang, sino pa ba ang nakakaalam sa mga gusto ng kanilang
Palaging sinasagot ni Shirley ang kanyang tawag.Binuksan ni Carter ang location application ng kanyang phone at mabilis na nahanap ang lokasyon ng phone ni Shirley. Napansin niya na ang lokasyon ng phone ni Shirley ay malapit lang s villa, pero nanatili itong hindi gumagalaw sa posisyon nito. Nang walang alinlangan, tumayo si carter at naglakad papunta sa garahe. Pagkatapos ay sumakay siya sa kanyang kotse at umalis papunta sa kanto na malapit sa manor habang sinusundan ang lokasyon ng phone ni Shirley. Bago pa man siya makarating, nakita na ni Carter mula sa malayo na bumangga ang kotse ni Shirley sa may harang, at may lumalabas na puting usok sa may makina nito. Dumilim ang mag amta ni Carter. Dali dali siyang lumabas sa kotse nito at naglakad papunta sa kotse. Sa segundong yun, wala na siyang ideya kung gaano karami ang takot at pagkabalisa ang meron siya sa kanyang puso. “Shirley!”Sumigaw si Carter sa may upuan ng dryber, nanginginig ang boses nito. Nang wala siya
Sa katahimikan na sumunod, nilipat ni Shirley ang kanyang tingin papunta sa kamay ni Jeremy.Nang makita niya ang bagay na hawak ni Jeremy, kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Shirley. Tumayo si Jeremy, ang kanyang matangkad at diretsong itsura ay naglabas ng isang malaking anino na bumalot kay Shirley na nasa lapag, hindi magawang tumayo. “Ang hula ko ay alam mo kung ano ang bagay na ito?” Dahan dahan na yumuko si Jeremy at dahan dahan niyang binuksan ang siringhilya sa kanyang kamay. “Ipatikim mo sa kanila ang sarili nilang gamot,” sabi ni Jeremy habang hinawakan niya ang braso ni Shirley, na hindi binibigyan si Shirley na makapanlaban, saka tinurukan ng ng anti-toxoid test reagent direkta sa ugat ni Shirley. Napasimangot si Shirley dahil sa sakit, nanlaki ang kanyang mga mata kasabay nito. Ang tanging nagawa lang niya ay manood habang madaling tinurok ni Jeremy ang malamig na likido sa kanyang ugat. At sa sandaling yun, pakiramdam niya ay para bang nanigas ang buong sely
“Shirley, kung kaya mo, pwede mong tiisin ang sakit hanggang kaya mo. Kung hindi mo na kaya, ibigay mo sa akin ang anti-toxoid reagent. Kung hindi, huwag mong isipin na makikita mo pa ang pagsikat ng araw sa buhay mong ito.”Aalis na sana siya pagkatapos niyang magsalita nang bigla siyang makarinig ng isang customized na ringtone. Tinignan niya ng masama si Shirley, na hindi na makapagsalita, saka naglakad [apunta sa isang tabi, at sinagot ang tawag.“Linnie.”Nauna siyang nagsalita, malumanay na tinawag ang pangalan ni Madeline. Ang malumanay at kaaya-ayang boses ni Madeline ay maririnig sa kabilang linya. “Jeremy, hindi ka ba pupunta ngayong gabi sa ospital? Meron ka pa bang ginagawang trabaho sa kompanya?” Sinilip ni Jeremy si Shirley, saka naglakad papunta sa pintuan ng basement. “Patapos na ako. Sandali lang at papunta na ako. Mahiga ka muna at magpahinga kung napapagod ka. Nasaan si Lily?” “Hindi pa ako pagod. Tulog na si Lily.” “Papunta na ako ngayon.” “Huwag kan
“Jeremy, bakit meron kang ganito sa bulsa mo?” Hinarap ni Madeline ang hikaw sa mukha ni Jeremy. Syempre, hindi siya nagdududa o kaya ay tinatanong ito. Pakiramdam lang niya ay kakaiba ito. Nung nakita ni Jeremy ang hikaw, naisip niya kaagad si Shirley. Ang hula niya ay nahulog ito sa kanyang bulsa nung binuhat niya si Shirley sa kanyang kotse. Hindi alam ni Jeremy kung paano maiiwasan ang tanong na ito. Hula niya ay hindi maniniwala si Madeline sa kahit na anong palusot kung bakit meron siyang piraso ng alahas ng isang babae sa kanyang bulsa.Nang makita niya na nag-aalangan si Jeremy na para bang hindi nito alam kung paano siya sasagutin, medyo nag-alala si Madeline. “Jeremy, anong nangyayari sayo? Kanino tong hikaw na ito?” Alam ni Jeremy na hindi na niya maitatago pa ang bagay na ito, at ayaw rin naman niyang magsinungaling kay Madeline. “Marahil ay galing ito kay Shirley.” Hindi na tinago pa ni Jeremy ang totoo. “Bakit nasa bulsa mo ang hikaw ni Shirley? Umalis ka
Pero, ngayon naman, nanatiling kalmado si Jeremy. Tumawa ito ng mahina, habang sinasabi, “Sinabi sa akin ni Shirley na hindi pa niya nagagwa ang anti-toxoid test reagent. Kaya kahit na nakatayo siya ngayon dito, wala rin itong kwenta.” “Kaya hindi mo siya pakakawalan kung ganun?” Unti unting nauubos ang pasensya ni Carter. “Makakaalis ka na. Huwag mo nang guluhin ang pahinga ng anak ko.” Pinalayas ni Jeremy si Carter. Tinikom ni Carter ang kanyang labi ng mahigpit. Tinignan niya si Lillian na kumukurap ang mabibilog nitong mga mata at saka tinignan si Madeline habang sinasabi, “Jeremy, huwag mo sanang pagsisisihan to.” “Ang tanging bagay na pinagsisisihan ko ay ang naghintay pa ako na umabot sa ganito ang lahat bago ko tinuruan ng leksyon ang masamang babae na iyon.” ‘Masamang babae.’Ang dalawang salita na iyon ay tumagos sa tenga ni Carter. Pakiramdam niya ay napakasakit pakinggan ng mga salitang iyon. Hindi na nagpatuloy pa si Carter sa pagtatanong kay Jeremy at lumingo