Sa katahimikan na sumunod, nilipat ni Shirley ang kanyang tingin papunta sa kamay ni Jeremy.Nang makita niya ang bagay na hawak ni Jeremy, kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Shirley. Tumayo si Jeremy, ang kanyang matangkad at diretsong itsura ay naglabas ng isang malaking anino na bumalot kay Shirley na nasa lapag, hindi magawang tumayo. “Ang hula ko ay alam mo kung ano ang bagay na ito?” Dahan dahan na yumuko si Jeremy at dahan dahan niyang binuksan ang siringhilya sa kanyang kamay. “Ipatikim mo sa kanila ang sarili nilang gamot,” sabi ni Jeremy habang hinawakan niya ang braso ni Shirley, na hindi binibigyan si Shirley na makapanlaban, saka tinurukan ng ng anti-toxoid test reagent direkta sa ugat ni Shirley. Napasimangot si Shirley dahil sa sakit, nanlaki ang kanyang mga mata kasabay nito. Ang tanging nagawa lang niya ay manood habang madaling tinurok ni Jeremy ang malamig na likido sa kanyang ugat. At sa sandaling yun, pakiramdam niya ay para bang nanigas ang buong sely
“Shirley, kung kaya mo, pwede mong tiisin ang sakit hanggang kaya mo. Kung hindi mo na kaya, ibigay mo sa akin ang anti-toxoid reagent. Kung hindi, huwag mong isipin na makikita mo pa ang pagsikat ng araw sa buhay mong ito.”Aalis na sana siya pagkatapos niyang magsalita nang bigla siyang makarinig ng isang customized na ringtone. Tinignan niya ng masama si Shirley, na hindi na makapagsalita, saka naglakad [apunta sa isang tabi, at sinagot ang tawag.“Linnie.”Nauna siyang nagsalita, malumanay na tinawag ang pangalan ni Madeline. Ang malumanay at kaaya-ayang boses ni Madeline ay maririnig sa kabilang linya. “Jeremy, hindi ka ba pupunta ngayong gabi sa ospital? Meron ka pa bang ginagawang trabaho sa kompanya?” Sinilip ni Jeremy si Shirley, saka naglakad papunta sa pintuan ng basement. “Patapos na ako. Sandali lang at papunta na ako. Mahiga ka muna at magpahinga kung napapagod ka. Nasaan si Lily?” “Hindi pa ako pagod. Tulog na si Lily.” “Papunta na ako ngayon.” “Huwag kan
“Jeremy, bakit meron kang ganito sa bulsa mo?” Hinarap ni Madeline ang hikaw sa mukha ni Jeremy. Syempre, hindi siya nagdududa o kaya ay tinatanong ito. Pakiramdam lang niya ay kakaiba ito. Nung nakita ni Jeremy ang hikaw, naisip niya kaagad si Shirley. Ang hula niya ay nahulog ito sa kanyang bulsa nung binuhat niya si Shirley sa kanyang kotse. Hindi alam ni Jeremy kung paano maiiwasan ang tanong na ito. Hula niya ay hindi maniniwala si Madeline sa kahit na anong palusot kung bakit meron siyang piraso ng alahas ng isang babae sa kanyang bulsa.Nang makita niya na nag-aalangan si Jeremy na para bang hindi nito alam kung paano siya sasagutin, medyo nag-alala si Madeline. “Jeremy, anong nangyayari sayo? Kanino tong hikaw na ito?” Alam ni Jeremy na hindi na niya maitatago pa ang bagay na ito, at ayaw rin naman niyang magsinungaling kay Madeline. “Marahil ay galing ito kay Shirley.” Hindi na tinago pa ni Jeremy ang totoo. “Bakit nasa bulsa mo ang hikaw ni Shirley? Umalis ka
Pero, ngayon naman, nanatiling kalmado si Jeremy. Tumawa ito ng mahina, habang sinasabi, “Sinabi sa akin ni Shirley na hindi pa niya nagagwa ang anti-toxoid test reagent. Kaya kahit na nakatayo siya ngayon dito, wala rin itong kwenta.” “Kaya hindi mo siya pakakawalan kung ganun?” Unti unting nauubos ang pasensya ni Carter. “Makakaalis ka na. Huwag mo nang guluhin ang pahinga ng anak ko.” Pinalayas ni Jeremy si Carter. Tinikom ni Carter ang kanyang labi ng mahigpit. Tinignan niya si Lillian na kumukurap ang mabibilog nitong mga mata at saka tinignan si Madeline habang sinasabi, “Jeremy, huwag mo sanang pagsisisihan to.” “Ang tanging bagay na pinagsisisihan ko ay ang naghintay pa ako na umabot sa ganito ang lahat bago ko tinuruan ng leksyon ang masamang babae na iyon.” ‘Masamang babae.’Ang dalawang salita na iyon ay tumagos sa tenga ni Carter. Pakiramdam niya ay napakasakit pakinggan ng mga salitang iyon. Hindi na nagpatuloy pa si Carter sa pagtatanong kay Jeremy at lumingo
Lumabas ng kotse si Madeline. Hindi niya naisip na babalik siyang muli sa villa na iyon. Lalo na, ang lugar na ito ay puno ng maraming masasamang alaala.Maingat na inobserbahan ni Jeremy ang ekspresyon ni Madeline. Alam niya na ang lugar na ito ay nagbigay sa kanya ng maraming masamang alaala. Sa totoo lang, nag-aalalangan siya ng husto na dalhin siya dito. “Nasa loob siya ng basement.” Binasag ni Jeremy ang katahimikan at nauna upang buksan ang bakal na tarangkahan. Sinundan siya ni Madeline. Nang tumapak si Madeline sa loob, nakaramdam siya ng matinding pagkabalisa sa kanyang dibdib. Marahil ay dahil sa malamig ang panahon ngayon, kaya kapag umiihip ang hangin, ang lamig ay nanunuot sa kanyang balat na parang mga tinik. Hindi na kaya pang tiisin ni Madeline ang nararamdaman nyang pagkabalisa kaya sinundan niya si Jeremy sa may basement. Nung bumukas ang pintuan ng basement at pumasok ang liwanag sa loob, nakita ni Madelina ang isang tao na nakahiga sa malamig at basa
Marahil hindi naisip ni Shirley na mangyayari sa kanya ito balang araw. Nang nakita ni Madeline si Shirley sa ganitong kalagayan, natahimik siya. “Jeremy, hindi mo ba siya talaga pakakawalan?” “Ang hayaan siyang manatili dito ay ang sukdulan na ng aking limitasyon.” Nang sabihin ito ni Jeremy, hinawakan niya ang kamay ni Madelinem para maglakad sila palabas ng pinto. Kasabay nun, kinandado niya ang pinto ng guest room. Lumingon siya at hinawakan niya ang balikat ni Madeline. Pagkatapos, seryoso niyang sinabi, “Linnie, huwag mo kong alalahanin at huwag kang maaawa sa babaeng yun. Siya ang nanglason sayo at dahil sa kanya kaya natin pinagdudusahan ang sakit at naghihirap sa lason na ito. Kung hindi tayo gagaling, hindi rin niya dapat isipin na gagaling pa siya.” Nang marinig niya ang sinabi ni Jeremy, nakaramdam ng kaginhawaan si Madeline. Marahan siyang ngumiti. Ang mainit nitong palad ay hinihimas ang kabilang panig ng pisngi ni Jeremy. “Jeremy, nauunawaan ko ang ibig mong
Hindi sinagot ni Madeline si Shirley. Naglakad siya papunta sa kabinet at naglabas ng malinis na pares ng damit mula sa loob. “Satingin ko ay mahirap na tumayo sa ganyang kalagayan mo ngayon. Pwede kang maligo.” Nilapag ng dahan dahan ni Madeline ang damit sa may dulo ng kama. “Meron kang sinat. Ito ang first aid kit. Sa tingin ko naman ay alam mo kung ano ang dapat mong inumin para bumaba ang sinat mo.” Naguluhan si Shirley pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Madeline. Tinignan niya si Madeline ng may pagdududa.“Eveline, anong binabalak mo? Ginagantihan mo ba ng kabutihan ang kasamaan?” WAlang emosyon na ngumiti si Madeline. “Hindi naman ako ganun kabait o kaya ganung kabuti. Pero, pareho na tayo ng kalagayan. Lalo na, kailangan ko pa ring umasa sayo para gumaling, tama?” Pagkatapos tong sabihin ni Madeline, tinignan ni Shirley ang babae na bahagyang nakangiti at natahimik. Nakakulong na siya ngayon dito, kaya hindi niya magagawa ang anti-toxoid test reagent. Kay
Habanag lalo lang nagduda si Shirley, talagang nagugutom na siya. Hindi niya naisip na may gagawin si MAdeline sa pagkain, kaya sinimulan niyang kumain ng walang inaalala. Nang makatapos siya, napalitan na ni MAdeline ang kobrekama. “Manatili ka muna dito pansamantala.” Nilapitan ni Madeline si Shirley. “Alam ko na gusto mo si Carter, pero hindi ibig sabihin nito ay dapat lang magbulag-bulagan at sundin ang taong yun ng hindi nag-iisip.” “Heh. Eveline, tinuturuan mo ba ako kung paano ako dapat umasal?” Tumawa si Shirley at nagtanong. “Hindi mo ba naaalala na ikaw rin ay maraming nagawang katangahan para lang kay Jeremy noon?” Kalmado lang itong nginitian ni Madeline. “Noon, sobra ko siyang mahal na nawala ako sa sarili ko, pero kahit na kailan ay wala akong ginawa na labag sa aking konsensya o kaya ay nakasakit ng iba, lalo na para sa kanya.” “...”Si Shirley, na natahimik nung narinig ito, ay panandalian na hindi alam kung paano sasagutin si Madeline. Dahil sa hi