All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1621 - Chapter 1630

2479 Chapters

Kabanata 1621

Tinignan ni Jeremy ang paligid at napagtanto niya na wala pang nakakapansin sa kanya. Hindi na siya nag-abala na magbalatkayo, at ang kanyang damit ay pareho lang ng pangkaraniwang suot niya. Hindi lang niya sinadya na hindi makatawag pansin ng iabng tao. Pero, ganun lang ba talaga ito kadali?Pinag-isipan muna ni Jeremy ng maigi ang bagay na ito, pagkatapos ay nilingon niya si Ada bago siya umakyat. Pinanood ni Ada si Jeremy na umakyat sa itaas at tinawagan si Carter pagkalipas ng ilang sandali. “Paakyat na si Jeremy.” Nang marinig ito ni Carter sa kabilang linya, ang kanto ng kanyang mga labi ay umarko. Tumayo siya at umalis ng study room para puntahan ang silid na pupuntahan ni Jeremy. Pero, pagkatulak niya ng pinto para makapasok, nahanap niya na walang tao sa loob nito. Wala si Madeline sa loob ng silid na ito, at alam niya iyon. Pero, kakaiba dahil wala rin si Jeremy sa loob. Kalmado niyang inilabas ang kanyang phone at tinawagan si Ada. “Nasaan si Jeremy?”Na
Read more

Kabanata 1622

Ang mga kanto ng labi ni Carter ay nanginig habang dahan dahan na naglalakad papunta sa pintuan ng silid. Narinig ni Jeremy ang papalapit na mga yabag ni Carter at hinulaan na baka napansin na siya ni Carter. “Cart.”ANg biglang paglitaw ni Madeline ay nagpahinto kay Carter na malapit nang makarating sa pinto. “Cart, tapos na ako. Pwede na ba akong bumaba para makita ang mga kamag-anak at kaibigan mo?” Tanong ni Madeline na may ngiti. Nang makita niya si Ada na nakatayo sa may loob ng study room, hindi niya mapigilan na magtaka. “Andito rin siya?” Walang emosyon na tinignan ni Carter si Ada at malumanay na ngumiti kay Madeline. “Mero pa tayong oras, kaya bumalik ka muna sa kwarto mo at magpahinga ka muna.” Nagsalubong ang kilay ni Madeline san hiya. “Pwede mo ba akong samahan? Medyo kinakabahan ako.” Tahimik na sumilip si Carter sa may pinto ng study room mula sa kanto ng kanyang mata. Pagkatapos, ngumiti ito at tumango. “Sige, sasamahan kita.” ‘Sige.” Ngumiti si Madelin
Read more

Kabanata 1623

Tinapos ni Carter ang kanyang sinasabi ng may malalim na ngiti at naglakad papunta kay Madeline habang hawak ang bolang kristal. Kaagad niyang nakuha ang atensyon ni Madeline at binigay niya ang kanyang utos. “Eveline, tignan mo ang bolang kristal. Simula sa oras na ito, mararamdaman mong kakalama ang iyong katawan. Hindi ka maaapektuhan ng kahit sinoman. Lagi mo lang iisipin na ang lalakeng pinakamamahal mo ay si Carter Gray.” Nang marinig niya ito, kaagad na nagalit si Jeremy. Tinikom niya ang kanyang kamay hanggang sa naging mga kamao ito at hinawakan ang kwelyo ng damit nib Carter. Kinuha niya ang bolang kristal mula sa kamya nito. “Carter, ganito mo ba hinipnotismo ang asawa ko? Ako ang mahal ni Eveline. SA tingin mo ba ay kaya mong lokohin ang asawa ko ng ganito habang buhay?” Mahinang sabi ni Jeremy. Ang mga ugat sa kanyang noo at likuran ng kamay ay bumubukol. Hindi na niya kayang kontrolin ang kanyang emosyon sa mga sandaling yun. Kung kaya lang niya, gusto na niya
Read more

Kabanata 1624

Naglakad siya papunta sa balkonahe at nakita niya si Jeremy na nilagpasan ang mga bisita. Naglalakad siya papunta sa may labasan. Hindi inaasahan ni Carter na may ganung kakayahan si Jeremy sa pagtalon. Pero, wala siyang magawa sa ngayon. Muli siyang lumingon pabalik sa kwarto at nakita niya si Madeline na natutulog pa rin. Tinignan niya ang bolang kristal na hawak niya at naglakad ng dahan dahan papunta sa kama para gisingin si Madeline. Pagkatapos minulat ni Madeline ang kanyang mga mata, sandali itong nagmukhang walang alam. Nalilito siya at hindi alam ang nangyayari sa paligid na para bang isa siyang bata. Pagkalipas ng ilang sandali, bumalik na siya sa dati. “Nakita ko si Jeremy na pumunta dito,” sinabi ni Madeline ang nilalaman ng kanyang puso. Tumango si Carter. “Nandito nga siya. Sinubukan niyang tangayin kang muli, pero naitaboy ko na siya.” Napasimangot si Madeline ng marinig niya ito. “Nakakairita talaga siya.” “Hindi ko na hahayaan na gambalain ka pa niya m
Read more

Kabanata 1625

Biglaan na lang itong nangyari na kahit si Carter ay hindi inaasahan na mangyayari ang bagay na ito. Kaagad siyang lumapit sa may kama at tinapik ang pisngi ni Madeline. “Eveline, Eveline!” Paulit ulit na sinigaw ni Carter, pero hindi kumibo si Madeline. Hindi sigurado sa kung ano ang nangyari o dahilan kung bakit hinimatay si Madeline, kaagad na tinawag ni Carter ang kanilang family doctor. Hinihintay ni Camille sila Carter at Madeline na bumaba nang biglang, narinig niya ang balita na hinimatay si Madeline. Mabilis siyang naglakad pabalik sa kwarto at nakita niya na ang doktor ay kakatapos lang na tignan si Madeline. “Anong nangyari? Paano nangyari na hinimatay na lang siya bigla?” Hindi mapakaling tanong ni Camille. Pagkatapos siyang matignan ng doktor, sumimangot ito na may namomoblemang tingin sa mukha nito. “Pagkatapos ko siyang tignan, si Miss Montgomery ay wala namang problema. Normal lang naman ang presyon ng kanyang dugo. Marahil ito ay dahil sa hypoxia na dulot
Read more

Kabanata 1626

Dumaan sa mukha ni Ada ang malamig na tingin ni Carter. “Pwede ka na ring umuwi.” “...”Tinikom ng mahigpit ni Ada ang kanyang bibig. Kahit na nagdadalawang-isip pa siya, wala na siyang ibang pagpipilian. At kaya, ang magagawa na lang niya ay magpanggap na maging isang makatwiran na tao at nag-aalalang sinabi kay Camille.“Aunty Cammy, uuwi na po ako. Masyado kang naging abala itong buong araw na ito. Pakiusap magpahinga ka ng maaga.” Kumaway si Camille. “Sige na umuwi kana.” Hindi na nangahas pa si Ada na magsalita pa at umalis na lang kaagad. “Wala pa rin ba siyang malay?” Medyo hindi natutuwa ang boses ni Camille. Tumango si Carter. “Baka masyado siyang naging tensyonado nitong mga nakaraang araw, kaya siya nagkaganito.” “Meron na ba talaga siyang tatong anak sa Jeremy na yun?” Biglang binago ni Camille ang usapan, pero kalmado pa rin si Carter. “Wala akong pakialam kung gaano karami pa ang naging anak niya.” “... W-Wala kang pakialam?” Nagulat si Camille at napa
Read more

Kabanata 1627

Kaagad na binuksan ni Madeline ang ilaw ng silid, at sa isang tingin lang, nakita niya ang dugo na umaagos palabas sa kaliwang bukong bukong ni Jeremy. May sugat siya.Mukhang malubha ang natamo niyang sugat. Tinignan ni Jeremy ang nagdudugo niyang sugat sa kanyang bukong bukong. Kahit na hindi magandang pakiramdaman, tiniis niya ang sakit para lang makabalik siya kay Madeline. “Linnie, hindi ako pwedeng manood lang habang ikakasal ka sa ibang lalake. Kailangan kitang maitakas dito ngayon.” Ang tingin ni Madeline ay sandaling nanatili sa sugatang bukong bukong ni Jeremy, pagkatapos ay tiniaas niya ang kanyang matatag at matapang na tingin. “Hindi ako aalis.” Determinado pa rin siya. “Jeremy, para sa dati nating relasyon bilang mag-asawa, bibigyan kita ng tiyansa na umalis ngayon. Mas maganda kung hindi mo ibabato ang sarili mo sa patibong na ito, naiintindihan mo ba?” Tinitigan niya ang lalong nasasaktan at nangungulilang mga mata ni Jeremy. “Umalis ka na ngayon din.”
Read more

Kabanata 1628

Ang reaksyon an ito mula kay Madeline ay parang lunas sa kanyang sugat. Bigla na lang, naramdaman ni Jeremy na ayos lang na nasaktan siya. Natural niyang itinaas ang kanyang kamay, at ang malamig niyang mga daliri ay dumampi sa pisngi ni Madeline. Huminto si Madeline. Hindi sya pumalag. Sa halip, binilisan lang niya ang kanyang paggalaw para balutan ng gasa ang sugat ni Jeremy sa bukong bukong bago niya itinabi nag first aid kit. “Sumama ka sa akin.” Tumayos iya habang nagsasalita. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, madali niyang nahanap ang pinto. Naunawaan ni Jeremy kung ano ang ibig sabihin ni Madeline. Tutulungan siya nitong makatakas. Kahit na malamig at walang emosyon ang ekspresyon ni Madeline sa sandaling yun, hindi na ganun ang naiisip ni Jeremy. Nilagpasan ni Madeline ang mga lugar na kung saan madadaanan ng mga gising pa na katulong at dinala niya si Jeremy sa pintuan sa likod. “Umalis ka na.” Malamig pa rin at desidido ang ugali nito. Masunurin na tumango si J
Read more

Kabanata 1629

Nang marinig niya ito, panandalian na nanigas ang mga mata ni Madeline. Tinitigan niya ang mga malalim na nakangiting mga mata sa kanyang harapan, at bigla, isang nakakapanginig na pakiramdam ang gumapang mula sa kanyang mga talampakan. Ang lalakeng ito ay nakita na ang kanyang pag-arte, pero kalmado pa rin ito. Nang makita niya na tahimik lang si Madeline at mukhan hindi nito itatago o dedepensahan ang sarili niya, nagkaroon ng bahid ng tuwa ang mata ni Carter. “Pwede mo bangs abihin sa akin kung kailan ito nangyari?” Marahan na tanong ni Carter, “Kailan pa nasira ang aking hipnotismo?” Binago ni Madeline ang maamo niyang ugali na meron siya kanina. Sa sandaling ito, ang kanyang mga mata ay matalas at kahit pati ang kanyang tono ay biglang nagbago at naging magaspang. “Kung ganun ay pwede mo rin bang sabihin sa akin kung ano ba ang balak mo kaya mo ginawa ito? Bakit nangongolekta ka ng impormasyon tungkol sa aking asawa at bakit mo gusto akong ihipnotismo para lang para la
Read more

Kabanata 1630

"Masusunod po, Mr. Carter," mabilis na sumagot ang isa sa mga katulong at naglakad papunta sa tabi ni Madeline. Tinignan ni Madeline si Carter na kalmadong pa rin hanggang sa mga oras na yun at sa mga malalaking bodyguard na katabi niya. Wala na siyang ibang magagawa king hindi ang bumalik sa kanyang kwarto. Nang makabalik na siya, tinignan ni Madeline ang natitirang bakas ng dugo sa lapag. Nang maalala niya si Jeremy na dumudugo sa sakit kanina, sumakit ang puso niya. “Jeremy…” Ginalaw ni Madeline ang wedding ring sa palasingsingan niya. Nang maisip niya ang malamig na pakikitungo niya kay Jeremy noon, lalo siyang nahiya. Klik. Muling bumukas ang pinto. Tumingin sa taas si Madeline at nakita si Carter na hawak ang pihitan nang habang nakatayo ito sa tapat ng kwarto. “Gaganapin ang kasal bukas tulad ng inaasahan. Umaasa akong patuloy na susunod sa akin si Ms. Montgomery. Tingin ko gusto mong makitang makaalis nang ligtas ng St. Piaf si Jeremy.” Pagkatapos niyang sabih
Read more
PREV
1
...
161162163164165
...
248
DMCA.com Protection Status