Nang marinig niya ito, panandalian na nanigas ang mga mata ni Madeline. Tinitigan niya ang mga malalim na nakangiting mga mata sa kanyang harapan, at bigla, isang nakakapanginig na pakiramdam ang gumapang mula sa kanyang mga talampakan. Ang lalakeng ito ay nakita na ang kanyang pag-arte, pero kalmado pa rin ito. Nang makita niya na tahimik lang si Madeline at mukhan hindi nito itatago o dedepensahan ang sarili niya, nagkaroon ng bahid ng tuwa ang mata ni Carter. “Pwede mo bangs abihin sa akin kung kailan ito nangyari?” Marahan na tanong ni Carter, “Kailan pa nasira ang aking hipnotismo?” Binago ni Madeline ang maamo niyang ugali na meron siya kanina. Sa sandaling ito, ang kanyang mga mata ay matalas at kahit pati ang kanyang tono ay biglang nagbago at naging magaspang. “Kung ganun ay pwede mo rin bang sabihin sa akin kung ano ba ang balak mo kaya mo ginawa ito? Bakit nangongolekta ka ng impormasyon tungkol sa aking asawa at bakit mo gusto akong ihipnotismo para lang para la
"Masusunod po, Mr. Carter," mabilis na sumagot ang isa sa mga katulong at naglakad papunta sa tabi ni Madeline. Tinignan ni Madeline si Carter na kalmadong pa rin hanggang sa mga oras na yun at sa mga malalaking bodyguard na katabi niya. Wala na siyang ibang magagawa king hindi ang bumalik sa kanyang kwarto. Nang makabalik na siya, tinignan ni Madeline ang natitirang bakas ng dugo sa lapag. Nang maalala niya si Jeremy na dumudugo sa sakit kanina, sumakit ang puso niya. “Jeremy…” Ginalaw ni Madeline ang wedding ring sa palasingsingan niya. Nang maisip niya ang malamig na pakikitungo niya kay Jeremy noon, lalo siyang nahiya. Klik. Muling bumukas ang pinto. Tumingin sa taas si Madeline at nakita si Carter na hawak ang pihitan nang habang nakatayo ito sa tapat ng kwarto. “Gaganapin ang kasal bukas tulad ng inaasahan. Umaasa akong patuloy na susunod sa akin si Ms. Montgomery. Tingin ko gusto mong makitang makaalis nang ligtas ng St. Piaf si Jeremy.” Pagkatapos niyang sabih
Dahan-dahang pumasok si Carter. Nahuhulaan niyang may nangyari mula sa naiinis na mukha ni Camille. “Carter, may pagkakataon ka pang magpanggap dahil wala pa ang mga kamag-anak at kaibigan na yun dito.” Seryosong nang-udyok si Camille at tumingin kay Madeline. “Paano mo nagagawang pakasalan ang isang babaeng may asawa na? Dapat mong itigil ang kasal na ito ngayon na!”“Di ko ititigil ang kasal na ito.” Diretso ang sagot ni Carter. Natuala saglit si Camille, at hindi makapaniwala ang mukha niya. “Nababaliw ka na ba Carter? Mag-asawa pa rin kami ni Jeremy!”“Ano naman?” Walang-bahalang tanong ni Carter habang sinasalubong niya ang tumatangging titig ni Madeline. Tapos bigla siyang ngumiti. “Alam ko lang na may bisa na ang marriage certificate namin ni Eveline, at ang kasal ko sa kanya ay protektado ng marriage law sa St. Piaf.”“...”Walang masabi saglit si Camille. Ngumiti nang bahagya si Carter at tumingin kay Madeline nang seryoso. “Maghanda ka na, malapit nang magsimula ang
Tumayo siya sa tapat ng balkonahe at nanatiling di natitinag, habang ang mga mata niya ay nakatuon sa mantsa ng dugo sa sahig. Ito ang dugo mula sa sugat ni Jeremy kagabi. Habang nakatingin sa tuyong dugo, matikas at pirmi ng mga mata ni Madeline. ‘Jeremy, nagkamali ako ng hakbang. ‘Pero tingin ko hindi na ako magkakamali sa susunod kong hakbang.’Klik. Narinig mula sa likod ang tunog ng pintong bumubukas. Nakarinig si Madeline ng mga yabag na palapit sa kanya, ngunit parang hindi ito mua kay Carter. Kalmadong tumingin si Madeline at nakita niya si Ada na nakasuot ng isang magandang Lolita costume nang lumapit ito sa kanya habang mukhang arogante at mapanghamak. “Hmph.” Ngumisi si Ada. “Di ko talaga alam kung anong ganda ang mayroon ang isang babaeng may tatlong anak na tulad mo. Eveline, anong ginamit mo para pakasalan ka ni Carty? Pwede mo ba akong turuan?”Nang makita ang mapanghamak na mukha ni Ada, lalong nanghamak si Madeline. “Ms. Ada, talaga bang tanga ka, o n
Habang nakikinig sa mga sinasabi ni Madeline at nang makita ang lakas ng loob sa mukha niya, lalong lumalim ang ngiti sa gwapong mukha ni Carter. “Lalo akong nasasabik sa susunod mong pagtatanghal dahil sa sinabi mo.” Ngumiti siya. Mukhang may galak sa mga mata niya. Magsasalita na si Madeline nang itaas niya ang mga mata niya at nakita niya si Camille na pumapasok nang mukhang malungkot. “Carter, may oras pa. Pag-isipan mo ito nang maigi.” Sinuyo siya ulit ni Camille. Ngunit pirmi si Carter. “Matagal ko na itong pinag-iisipan nang maigi simula pa lang ng umpisa. Kung hindi, di ako makakarating sa kinatatayuan ko ngayon.”“...Carter.”Tinignan ni Carter ang oras sa kanyang relo nang walang-bahala at tinawag niya ang mga katulong. Kaagad na pumasok ang mga katulong na naghihintay sa labas. “Mr. Carter.”“Tulungan niyo ang future madam na isuot ang belo niya. Malapit nang magsimula ang wedding ceremony.”“Masusunod, Mr. Carter,” Kaagad na sumagot ang mga katulong. Kalmado
Tumango ang pari sa tuwa tapos lumingon para tanungin si Madeline. “Ms. Eveline Montgomery, handa ka bang pakasalan si Mr. Carter Gray at maging asawa niya? Handa ka bang pakasalan siya at suportahan ang isa’t isa habang buhay sa sakit o kalusugan, sa hirap o ginhawa?”Alam ni Madeline na hinihintay ng lahat ang dalawang salita, ngunit alam niyang may isang taong ayaw itong marinig. “Ms. Eveline Montgomery, pakisagot ang tanong ko. Handa ka bang—”“I do not,” Desididong sumingit si Madeline sa pagsasalita ng paring inuulit ang tanong. Malinaw na narinig ang malakas niyang boses sa lugar na walang tao. Nabigla ang lahat ng nakaranig sa sagot ni Madeline. Tapos nasundan ito ng lahat ng klaseng sigaw na puno ng gulat at pagkabigla. Tulalang tumitig ang pari kay Madeline. “Ms. Eveline, pakiusap sumagot ka ulit. Handa ka bang—”“Sabi ko, I do not.”“...”Ulit, nakakabigla pakinggan ang diretsong sagot ni Madeline. Napangakuan ang madla ng isang matamis na kasal, pero bakit
Pagkatapos itong sabihin ni Madeline, ipinakita ni Carter ang isang hindi pa nakikitang gulat sa mga mata niya. Inakala niya na ito ang pinakamainam na pagbabantang gamitin sa kanya dahil dati siyang nakulog kung saan naranasan niya ang di-makataong pagtrato at pagdurusa, kaya nadala na ito. Imposibleng gugustuhin niyang bumalik sa ganitong lugar. Ngunit hindi niya inakalang sasabihin ni Madeline na talagang nang-apid siya nang kampante. Kahit na siya ang nagplano ng krimen na ito para sa kanya. Si Ada, na kasama sa madla, ay nabigla din nang makita niya ang eksenang ito. Matapos matulala, tahimik siyang tumalikod at sumalisi sa gilid. Nakita ito ng nanay ni Ada at sumunod ito sa kanya. Nang itatanong na niya kay Ada kung anong gusto niyang gawin, nakita niya ang anak niyang nilalabas ang phone nito at tinatawagan ang isang numero. “Hello, ito ba ang police station? May isusumbong ako. May isang babae dito na nag-commit ng bigmay.”Matapos magsumbong sa pulis, lumitaw
Kaagad niyang nakilala kung sinong dumating. Ang natatanging boses na ito ay nanatiling nakaukit sa alaala niya. Biglang lumingon si Ada, at ang mga mata niyang puno ng pagsisisi ay dumapo sa katawan ni Jeremy habang nadidiliman salungat ng liwanag sa labas. Nataranta siya at tumingin siya kay Carter, ngunit nanatiling di nagbabago ang mukha ni Carter, para bang inasahan na niya ang pagdating ni Jeremy. Samantala, mas sigurado si Madeline na darating ang asawa niya. Tumingin siya kay Jeremy habang puno ng lambing at pangungulila at biglang pinuno ang puso niya ng pagkapanatag. Wala na siyang pakialam kung ano pang mangyayari kasunod. Ito ang pinaghuhugutan niya ng lakas. Sa sandaling ito, kumalat ang usapan sa lugar habang ang lahat ay natulala sa paglitaw niya at nagtataka sa paglapit niya kay Madeline. “Sino yan?”“Tingin ko nakita ko na siya noon. Pamilyar ang mukha niya.”“Alam ko kung sino siya! Nakita ko siya sa internet. Siya ang young master ng number one fami