Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1631 - Kabanata 1640

2479 Kabanata

Kabanata 1631

Dahan-dahang pumasok si Carter. Nahuhulaan niyang may nangyari mula sa naiinis na mukha ni Camille. “Carter, may pagkakataon ka pang magpanggap dahil wala pa ang mga kamag-anak at kaibigan na yun dito.” Seryosong nang-udyok si Camille at tumingin kay Madeline. “Paano mo nagagawang pakasalan ang isang babaeng may asawa na? Dapat mong itigil ang kasal na ito ngayon na!”“Di ko ititigil ang kasal na ito.” Diretso ang sagot ni Carter. Natuala saglit si Camille, at hindi makapaniwala ang mukha niya. “Nababaliw ka na ba Carter? Mag-asawa pa rin kami ni Jeremy!”“Ano naman?” Walang-bahalang tanong ni Carter habang sinasalubong niya ang tumatangging titig ni Madeline. Tapos bigla siyang ngumiti. “Alam ko lang na may bisa na ang marriage certificate namin ni Eveline, at ang kasal ko sa kanya ay protektado ng marriage law sa St. Piaf.”“...”Walang masabi saglit si Camille. Ngumiti nang bahagya si Carter at tumingin kay Madeline nang seryoso. “Maghanda ka na, malapit nang magsimula ang
Magbasa pa

Kabanata 1632

Tumayo siya sa tapat ng balkonahe at nanatiling di natitinag, habang ang mga mata niya ay nakatuon sa mantsa ng dugo sa sahig. Ito ang dugo mula sa sugat ni Jeremy kagabi. Habang nakatingin sa tuyong dugo, matikas at pirmi ng mga mata ni Madeline. ‘Jeremy, nagkamali ako ng hakbang. ‘Pero tingin ko hindi na ako magkakamali sa susunod kong hakbang.’Klik. Narinig mula sa likod ang tunog ng pintong bumubukas. Nakarinig si Madeline ng mga yabag na palapit sa kanya, ngunit parang hindi ito mua kay Carter. Kalmadong tumingin si Madeline at nakita niya si Ada na nakasuot ng isang magandang Lolita costume nang lumapit ito sa kanya habang mukhang arogante at mapanghamak. “Hmph.” Ngumisi si Ada. “Di ko talaga alam kung anong ganda ang mayroon ang isang babaeng may tatlong anak na tulad mo. Eveline, anong ginamit mo para pakasalan ka ni Carty? Pwede mo ba akong turuan?”Nang makita ang mapanghamak na mukha ni Ada, lalong nanghamak si Madeline. “Ms. Ada, talaga bang tanga ka, o n
Magbasa pa

Kabanata 1633

Habang nakikinig sa mga sinasabi ni Madeline at nang makita ang lakas ng loob sa mukha niya, lalong lumalim ang ngiti sa gwapong mukha ni Carter. “Lalo akong nasasabik sa susunod mong pagtatanghal dahil sa sinabi mo.” Ngumiti siya. Mukhang may galak sa mga mata niya. Magsasalita na si Madeline nang itaas niya ang mga mata niya at nakita niya si Camille na pumapasok nang mukhang malungkot. “Carter, may oras pa. Pag-isipan mo ito nang maigi.” Sinuyo siya ulit ni Camille. Ngunit pirmi si Carter. “Matagal ko na itong pinag-iisipan nang maigi simula pa lang ng umpisa. Kung hindi, di ako makakarating sa kinatatayuan ko ngayon.”“...Carter.”Tinignan ni Carter ang oras sa kanyang relo nang walang-bahala at tinawag niya ang mga katulong. Kaagad na pumasok ang mga katulong na naghihintay sa labas. “Mr. Carter.”“Tulungan niyo ang future madam na isuot ang belo niya. Malapit nang magsimula ang wedding ceremony.”“Masusunod, Mr. Carter,” Kaagad na sumagot ang mga katulong. Kalmado
Magbasa pa

Kabanata 1634

Tumango ang pari sa tuwa tapos lumingon para tanungin si Madeline. “Ms. Eveline Montgomery, handa ka bang pakasalan si Mr. Carter Gray at maging asawa niya? Handa ka bang pakasalan siya at suportahan ang isa’t isa habang buhay sa sakit o kalusugan, sa hirap o ginhawa?”Alam ni Madeline na hinihintay ng lahat ang dalawang salita, ngunit alam niyang may isang taong ayaw itong marinig. “Ms. Eveline Montgomery, pakisagot ang tanong ko. Handa ka bang—”“I do not,” Desididong sumingit si Madeline sa pagsasalita ng paring inuulit ang tanong. Malinaw na narinig ang malakas niyang boses sa lugar na walang tao. Nabigla ang lahat ng nakaranig sa sagot ni Madeline. Tapos nasundan ito ng lahat ng klaseng sigaw na puno ng gulat at pagkabigla. Tulalang tumitig ang pari kay Madeline. “Ms. Eveline, pakiusap sumagot ka ulit. Handa ka bang—”“Sabi ko, I do not.”“...”Ulit, nakakabigla pakinggan ang diretsong sagot ni Madeline. Napangakuan ang madla ng isang matamis na kasal, pero bakit
Magbasa pa

Kabanata 1635

Pagkatapos itong sabihin ni Madeline, ipinakita ni Carter ang isang hindi pa nakikitang gulat sa mga mata niya. Inakala niya na ito ang pinakamainam na pagbabantang gamitin sa kanya dahil dati siyang nakulog kung saan naranasan niya ang di-makataong pagtrato at pagdurusa, kaya nadala na ito. Imposibleng gugustuhin niyang bumalik sa ganitong lugar. Ngunit hindi niya inakalang sasabihin ni Madeline na talagang nang-apid siya nang kampante. Kahit na siya ang nagplano ng krimen na ito para sa kanya. Si Ada, na kasama sa madla, ay nabigla din nang makita niya ang eksenang ito. Matapos matulala, tahimik siyang tumalikod at sumalisi sa gilid. Nakita ito ng nanay ni Ada at sumunod ito sa kanya. Nang itatanong na niya kay Ada kung anong gusto niyang gawin, nakita niya ang anak niyang nilalabas ang phone nito at tinatawagan ang isang numero. “Hello, ito ba ang police station? May isusumbong ako. May isang babae dito na nag-commit ng bigmay.”Matapos magsumbong sa pulis, lumitaw
Magbasa pa

Kabanata 1636

Kaagad niyang nakilala kung sinong dumating. Ang natatanging boses na ito ay nanatiling nakaukit sa alaala niya. Biglang lumingon si Ada, at ang mga mata niyang puno ng pagsisisi ay dumapo sa katawan ni Jeremy habang nadidiliman salungat ng liwanag sa labas. Nataranta siya at tumingin siya kay Carter, ngunit nanatiling di nagbabago ang mukha ni Carter, para bang inasahan na niya ang pagdating ni Jeremy. Samantala, mas sigurado si Madeline na darating ang asawa niya. Tumingin siya kay Jeremy habang puno ng lambing at pangungulila at biglang pinuno ang puso niya ng pagkapanatag. Wala na siyang pakialam kung ano pang mangyayari kasunod. Ito ang pinaghuhugutan niya ng lakas. Sa sandaling ito, kumalat ang usapan sa lugar habang ang lahat ay natulala sa paglitaw niya at nagtataka sa paglapit niya kay Madeline. “Sino yan?”“Tingin ko nakita ko na siya noon. Pamilyar ang mukha niya.”“Alam ko kung sino siya! Nakita ko siya sa internet. Siya ang young master ng number one fami
Magbasa pa

Kabanata 1637

Biglang napahinto sa paglalakad si Madeline at Jeremy nang lumitaw ang mga pulis. Nakita ito ni Ada at kaagad siyang lumapit sa pulis. “Siya si Eveline Montgomery!” Sumigaw si Ada habang tinuturo si Madeline. Ilang mga pulis ang tumingin kay Madeline. “Ikaw ba si Eveline Montgomery?” Tanong ng isa sa kanila. Si Jeremy, habang nakakunot ang noo, ay kusang naglakad sa harapan ni Madeline para harangin siya. Ngunit bahagyang hinila palayo ni Madeline ang kamay ni Jeremy at marangal na lumapit sa mga pulis. “Oo, ako si Eveline Montgomery.”Sinuri ng mga pulis si Madeline. “Totoo bang may marriage contract ka sa dalawang lalaki nang sabay?”“Oo! Totoo yan!” Malakas na sinabi ni Ada. Tapos tinuro niya si Jeremy. “Ang lalaking ito ay ang asawa niya, pero pumirma siya ng isang marriage contract kasama ni Mr. Gray habang kasal pa siya sa asawa niya.”Pagkatapos itong marinig, tinignan ng mga pulis si Carter na nakatayo sa di kalayuan. Halos lahat ng nasa St. Piaf ay kilala si Carter
Magbasa pa

Kabanata 1638

”Hiss.”Nagmadaling lumingon si Madeline at nakita niyang unti-unting namumutla ang mukha ni Jeremy. Kaagad niyang napansing nanginig nang bahagya ang kanang binti ni Jeremy nang apakan nito ang akselerator. Sumakit ang puso niya nang maisip niya ang sugat ni Jeremy. “Jeremy, ihinto mo ang kotse sa tabi ng kalsada. Ako na ang magmamaneho.”Tinignan ni Jeremy ang rear-view mirror. Matapos makumpirmang walang ibang tao, sinunod niya ang utos ni Madeline at inihinto ang kotse sa tabi ng kalsada.Pagkatapos huminto ng kotse, nagpalit ng pwesto si Madeline at Jeremy. Tapos pinaandar ni Madeline ang kotse. Hindi siya pamilyar sa daan ng St. Piaf, kaya nagpatuloy siya habang sinusundan ang kalsada hanggang makarating sila sa isang daang walang tao. Matapos masigurong walang kotseng nakasunod sa kanila, inihinto ni Madeline ang kotse. “Kumusta ka Jeremy?”Sumakit ang puso ni Madeline nang lumapit siya sa tabi ni Jeremy. Nang makita niyang dumudugo ulit ang sugat nito sa paa, kaaga
Magbasa pa

Kabanata 1639

Hinawakan nang bahagya ni Jeremy ang kamay ni Madeline at tinulak ito pabalik ng kotse. “Jeremy!”“Mauna ka na Linnie!” Seryosong sinabi ni Jeremy, “Di ko hahayang makalapit sila sa’yo.”Hindi makahinga si Madeline sa determinasyon sa mukha ni Jeremy. Pinigilan ng mga pulis at guwardiya ang mga kotse nila. Lumapit sila kay Jeremy. Ipinakita ng namumunong pulis ang work permit nila kay Jeremy. “Jeremy Whitman, labag sa batas ng St. Piaf ang ginawa mo ngayon. Ikaw at si Eveline Montgomery ay inaaresto namin sa ngalan ng batas. Lilinawin ko, kahit ano pang status mo sa Glendale, ito ay St. Piaf!”Nang matapos ang pulis sa pagsasalita, lumapit ito para lagyan ng posas si Jeremy. Binagsak ni Madeline ang pinto ng kotse at sumugod sa tabi ni Jeremy sa sandaling ito. Seryoso siyang tumingin sa mga pulis na gustong umaresto sa kanila ni Jeremy. “Ideya ko ang tumakas sa kasal. Pinilit ko si Jeremy. Hindi siya lumabag sa kahit anong batas niyo sa St. Piaf. Ako ang pumilit sa kanyang
Magbasa pa

Kabanata 1640

Kalmadong nagsalita si Jeremy at sinabi, “Ito ay si Carter Gray ng St. Piaf, isang dugong-bughaw,”“...” Nabigla ang pulis sa salitang ito. Tapos kaagad nitong itinanggi, “Anong kalokohan ang sinasabi mo? Hindi gagawin ni Mr. Gray ang bagay na ito. Sadyang kalokohan ang sinasabi mo!”Sa sandaling matapos ang pulis sa pagsasalita nang masama, bumukas ang pinto ng interrogation room at pumasok ang isang mas mukhang may karanasan na matandang pulis na nagsama ng isa pang tao. Nagpapanggap na kalmado si Jeremy habang pinapanood niya ang lalaking lumalapit sa kanya habang tumitikom ang kamao niya. Napansin ni Carter ang inis ni Jeremy at ngumiti siya. “Matagal ko nang pinaalala sa’yo na malalagay ka sa ganitong sitwasyon kapag hinamon mo ako.”Nang marinig ito, dahan-dahang lumuwag ang pagtikom ng kamao ni Jeremy. Ngumiti siya na mukhang mas masaya kumpara kay Carter. “Carter, tingin mo ba panalo ka na? Nagkakamali ka. Kung maayos ang paningin mo, makiita mo na ito mismo ang sitw
Magbasa pa
PREV
1
...
162163164165166
...
248
DMCA.com Protection Status