Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1611 - Kabanata 1620

2479 Kabanata

Kabanata 1611

Hindi kilala ni Adam si Carter, at hindi pa niya nakikita ito.Pero, kung pagbabasehan ang poot na ipinapakita ni Jeremy, may ideya na siya sa kung ano ang nangyayari. “Sir, sino po sila? Bakit kayo pumasok ng walang pahintulot sa loob ng aking bahay?” Magalang na tanong ni Adam. Dahan dahan na pinagpagan ni Carter ang kanyang mga mangas bago ngumiti. Sainbi nito sa elegante at magalang na paraan. “Paumanhin, naparito ako para inuwi na ang aking asawa. Kanina lang, pumasok siya sa bahay na ito. Ngayon, kasama niya ang babaeng nagngangalang Cathy.” Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Carter, bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Adam. Sa kabilang banda, kanina pa masama ang tingin ni Jeremy. “Carter, meron ka bang nilagay na tracking device kay Linnie? Kung wala, paano mo nalalaman ang eksaktong kinaroroonan ni Linnie at kung ano ang ginagawa niya ngayon?” Kalmadong itinaas ni Carter ang kanyang mga mata para tignan si Jeremy. Nandoon pa rin ang makahulugan niyang ngiti.
Magbasa pa

Kabanata 1612

Mahigpit na hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Carter. Tinignan niya si Madeline na natutulog ng tahimik sa may upuan bago nilipat ang tingin kay Cathy. Dahan dahan na tumayo si Cathy at napatingin na lang sa mga mata ni Jeremy dahil sa wala siyang magawa.Dahan dahan siyang umiling. Ang kawalang lakas sa kanyang mga mata ay nagdulot kay Jeremy na makaramdam ng pagkadismaya at inis.Hindi niya ba kayang sirain ang hipnotismo?Habang buhay na bang kontrolado ni Carter si Madeline?Natuwa si Carter sa ipinakitang ekspresyon ni Cathy.Ngumiti siya. “Jeremy, walang kwenta ang pagpigil mo sa akin pwera na lang kung gusto mong matulog ng habang buhay ang babaeng pinakamamahal mo.”Pagkatapos itong sabihin ni Carter, tinignan niya ang kamay ni Jeremy na nakahawak sa kanyang braso. “Tanging ako lang ang makakatanggal ng hipnotismo, at ako lang ang makakapanumbalik sa kanya sa dati, nauunawaan mo ba?”Pagkatapos niyang sabihin ito, nagsalubong ang kilay ni Jeremy. Kailangan niyang
Magbasa pa

Kabanata 1613

“Siya yun!” Naglakad si Cathy papunta sa bintana. Madilim na ang kalangitan sa labas. Hindi na niya makita ng malinaw ang mukha ni Carter, pero medyo nakikita niya ang itsura nito. “Cathy, kilala mo ba si Carter Gray?” Naglakad si Jeremy at nagtatakang nagtanong. “Carter Gray?” Inulit ni Cathy ang pangalan na ito. Bakas ng pagkabahala at kaba ang mukha nito. “Siya nga yun kung ganun.” “Kilala mo ba siya talaga?’ “Oo, pero hindi ko alam kung kilala niya ba ako o hindi,” paliwanag ni Cathy. Naalala niya noong nag-aaral pa lang siya ng hipnotismo noong nasa ibang bansa siya. “Noong nag-aaral ako ng hipnotismo sa St. Piaf, nagpapakita sa amin si Carter bawat linggo para turuan kami ng hipnotismo.”Nung narinig ito ni Jeremy, nagulat siya. Tinignan ni Cathy ang kotse na paalis sa labas ng bintana at lumingon sa paligid para bumalik sa loob ng kanyang silid. “Noon, ang tawag namin kay Carter ay Professor Gray bilang paggalang. Sikat siya sa St. Piaf Academy. Bukod sa makisig s
Magbasa pa

Kabanata 1614

Ang totoo, matagal na niyang alam. Ang lalakeng naninirahan sa malalim na bahagi ng puso ni Cathy ay si Felipe. Kahit na nasaktan siya nito ng husto at walang pusong tinutukan siya ng baril sa puso nito. Ang tunay na pag-ibig ay palaging puno ng hindi mawaring mga bagay. Hindi nito alintana ang mawawala at makukuha ng bawat isa, at hindi nito mamasamain kung makuha mo ang inaasam mo o hindi. “Dahil sa nakapagdesisyon ka na na hindi muling lilingon pa at baka malapit ng magwakas ang buhay niya, kung gayon ay mas mainam na sabihin mo sa kanya ang totoo.” Nilapitan ni Jeremy si Cathy. “Magpakita ka sa kanya at personal kang magpaalam. Ang tanging magagawa mo na lang ay ang ipaalam sa kanya na may mga anak siya.” Pagkatapos itong sabihin ni Jeremy, lumingon ito at umalis. Nanatiling nakatayo si Cathy sa kanyang kinatatayuan habang wala sa kanyang sarili. Tumingala siya para tignan ang malamig na kalangitan sa gabi na puno ng mga bituin sa labas ng bintana. Kasing dilim ng inta
Magbasa pa

Kabanata 1615

Kakatapak pa lang ni Madeline sa may eroplano nang bigla siyang tumigil pagkatapos.“Linnie!”Patuloy na sinigaw ni Jeremy ang pangalan ni Madeline. “Linnie, huwag kang sumama sa kanya!” Binaba ni Carter ang kanyang tingin para pagmasdan si Madeline na katabi niya. Lumingon siya at ginamit ang kanto ng kanyang mga mata para tignan si Jeremy na tumatakbo papunta sa kanila. “Huwag mo nang aksayahin pa ang iyong oras sa mga hindi mahalagang tao. Umalis na tayo,” sabi ni Carter kay Madeline, at kasabay nun, nagmadali siya.Gusto sanang lumingon ni Madeline para tignan si Jeremy, pero nang marinig niya ang sinabi ni Carter, nagdesisyon siya na sundan si Carter sa eroplano. Nang makita ni Jeremy na hindi siya nilingon ni Madeline, pakiramdam niya ay lumubog sa kawalan ang kanyang puso. Pero, hindi pa rin siya sumuko. Nilakihan niya ang kanyang mga hakbang at hinabol sila. Pero, nang malapit na siya kay Madeline, sumara na ang pinto ng eroplano ng mahigpit at ng may malakas na tu
Magbasa pa

Kabanata 1616

“Oo, yung gwapong mama. Dinala ko kayo dito para makita niyo yung gwapong mama na yun nagayon.”“Bakit natin siya dadalawin?” Bakas pa din ang kainosentehan sa mukha ng batang lalake. Ngumiti si Cathy at hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin.Tama, bakit nga ba sila pumunta dito para bisitahin siya?Para ba hindi ito mamatay ng may pinagsisisihan?Nang maisip niya ito, pakiramdam ni Cathy ay sinaksak ang kanyang puso ng mga karayom. Sa muli, sumakit ang kanyang puso.Nang marinig ni Felipe na may bumisita sa kanya, akala niya ay si Jeremy ito. Gusto niya sanang pakiusapan si Jeremy na dalhin ang isang mensahe para sa old master, pero nung pumunta siya sa conjugal room, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. “Cathy?”Ang kanyang mga mata ay napuno ng pagkamangha. Hindi nito maitago ang supresa na umaapaw sa kanyang mga mata. Walang pakeng tinitigan ni Cathy ang lalakeng puno ng saya ang mukha. Mukha itong madungis para sa kanya, at ang mga magandang itim na mata ni
Magbasa pa

Kabanata 1617

Walang nang sinabi si Felipe. Pinanood lang niya ng tahimik ang likuran ni Cathy. Ang hugis ng katawan nito ay nagiging malabo na sa kanyang paningin dahil sa mga luha sa kanyang mga mata. ‘Cath.‘Naaalala mo pa.‘Nung sinabi mo na.‘Na ayos na to. ‘Pwede kang magpanggap na na walang alam para makapagpaalam tayo sa isa’t isa.‘Magiging mabait naman sayo si Adam, tama?‘Kahit paano, tatratuhin ka naman niya ng mas maayos kesa sa akin.’Binaba niya ang kanyang tingin at tumawa bilang paghamak sa kanyang sarili. Naunawaan niya na ang kaligayahan ay abot kamay na niya pero pinagtulakan niya palayo ang kaligayahan na ito. Habang taimtim siya, narinig ni Felipe na malumanay na sinabi ni Cathy. “Felipe, hindi na kita makikita.”‘Hindi na kita makikita.’Hindi niya pa nararamdaman kung gaano kasakit ang mga salitang iyon, pero ngayon, alam na niya. Nakatuon ang kanyang tingin kay Cathy at sinabi ng nakangiti, “Sige, hindi na kita makikita pa.” Oo, hindi na.Hindi na siya
Magbasa pa

Kabanata 1618

Sa bandang huli, nagawa pa rin mahulaan ng tama ni Felipe ang katotohanan. Nakatalikod is Cathy sa kanya, at ang tono nito ay malamig. “Masyado naman malakas naman ang imahinasyon mo. Anak namin sila ni Adam. Paano ako magkakaroon ng anak sa lalakeng gusto akong patayin?” “...”“Hindi mangyayari yun.” Pagkatapos itong sabihin ni Cathy, nilabas na niya ang mga bata sa conjugal room ng hindi humihinto. Pakiramdam ni Felipe ay hinigop ang lahat ng kanyang lakas. Ang buong katawan niya ay nanghina, at mukhang nalungkot siya ng husto. Hawak ni Cathy ang mga kamay ng mga bata at nagmamadaling lumabas. Alam niya na hindi sila mahahabol ni Felipe, pero pakiramdam nya ay kapag binagalan niya, baka maabutan siya nito at malaman nito ang katotohanan. Pero, baka alam na niya ang totoo. “Aray!” Narinig niya sa kanyang tabi ang ungol ng kanyang anak na lalake dahil nasaktan ito. Biglang huminto si Cathy at napagtanto niya na natumba na pala ang kanyang anak dahil sa bilis ng kanyang
Magbasa pa

Kabanata 1619

Hindi kilala ni Jeremy kung sino ang babaeng lumitaw sa kanyang harapan, pero kaagad na umasta si Ada na para bang kilala siya nito. “Ikaw si Jeremy Whitman. Kilala kita.” Itinaas ni Ada ang kanyang matamis na ngiti. “Kamusta, ang pangalan ko ay Ada. Alam kong gusto mong hanapin si Eveline. Kaya kitang tulungan.”Pagkatapos sabihin ni Ada ang kanyang pakay kaya ito bumisita, nagduda kaagad si Jeremy. “Sino ka? Paano mo nalaman kung ano ang nangyayari? Bakit ako dapat maniwala na tutulungan mo ako?” Lalo nagging malaki ang ngiti ni ada nang marinig niya ang mga sinabi ni Jeremy. “Pwede ba akong pumasok at kausapin ka? Mukhang hindi maganda na nakatayo ako sa labas at makipag-usap sayo dito eh.” Pagkatapos niyang sabihin ito, may padaan na bisita na tumutuloy sa kabilang kwarto. Tinimbang ni Jeremy ang mga pwedeng mangyari ng mabilis bago niya binuksan ang pinto. “Pasok ka.” Ngumiti si Ada sa uwa at sinundan si Jeremy sa loob ng tinutuluyan nitong silid. Pagkatapos maka
Magbasa pa

Kabanata 1620

Pagkaalis ni Ada sa hotel, dumiretso siya kaagad sa Gray Manor. Sa loob ng study room. Tahimik na umiinom ng tsaa si Carter, at hindi na siya nagulat na makita si Ada na bumisita sa kanya. Nanginginig na lumapit si Ada habang nakatingin sa lalakeng nakaupo sa kanyang harapan. “Carty, nagawa ko na. Darating si Jeremy sa selebrasyon sa takdang oras bukas.” Tinaas ni Carter ang mahabang daliri nito at nilipat ang pahina ng hawak niyang libro sa kanyang harapan ng kalmado. “Sigurado ka bang pinaniwalaan niya ang mga sinabi mo?” Tumango si Ada. “ANg kanyang pakay ay para lang kunin si Eveline, kaya hangga’t may maliit siyang tiyansa, susubukan niyang gawin yun.” Nang marinig niya ito, sinara ni Carter ang hawak niyang libro natuwa sa kanyang narinig. Dahan dahan niyang inangat ang kanyang mga mata. “Ang dahilan kung bakit nakakapasok ka pa rin dito ay dahil sa may silbi ka pa rin. Mas mabuti kung lumugar ka at huwag mong iwawala ang iyong halaga.” Bahagyang nagbago ang e
Magbasa pa
PREV
1
...
160161162163164
...
248
DMCA.com Protection Status