Share

Kabanata 1611

Hindi kilala ni Adam si Carter, at hindi pa niya nakikita ito.

Pero, kung pagbabasehan ang poot na ipinapakita ni Jeremy, may ideya na siya sa kung ano ang nangyayari.

“Sir, sino po sila? Bakit kayo pumasok ng walang pahintulot sa loob ng aking bahay?” Magalang na tanong ni Adam.

Dahan dahan na pinagpagan ni Carter ang kanyang mga mangas bago ngumiti. Sainbi nito sa elegante at magalang na paraan. “Paumanhin, naparito ako para inuwi na ang aking asawa. Kanina lang, pumasok siya sa bahay na ito. Ngayon, kasama niya ang babaeng nagngangalang Cathy.”

Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Carter, bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Adam. Sa kabilang banda, kanina pa masama ang tingin ni Jeremy.

“Carter, meron ka bang nilagay na tracking device kay Linnie? Kung wala, paano mo nalalaman ang eksaktong kinaroroonan ni Linnie at kung ano ang ginagawa niya ngayon?”

Kalmadong itinaas ni Carter ang kanyang mga mata para tignan si Jeremy. Nandoon pa rin ang makahulugan niyang ngiti.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status