Nang makita ni Camille ang inis sa mukha ni Carter, kalmado siyang umupo sa sofa. "Niloko mo ba talaga si Eveline na pirmahan ang marriage certificate? Mula sa umpisa, hindi ba nagpanggap lang siya kasama mo para tulungan kang paalisin si Ada?" "Noong pinirmahan ninyo ang marriage certificate sa engagement, pumayag lang siya at pinirmahan ang certificate dahil sinabi mo na formality lang yun, tama ba?" Sa harap ng mga tanong na ito mula kay Camille, hindi makasagot si Carter. Binigay kay Camille ng kanyang katahimikan ang pinakadirektang sagot. Ngunit medyo namroblema si Camille. "Carter, noon pa ay diretso at makatwiran ka kapag kumikilos ka at kinaaayawan mo ang mga ganitong gawain, pero ngayon…" "Ginawa ko yun dahil minsan, para makumpleto ang isang layunin at gawain, kailangan ng ilang mga kakayahan." "Pero ako, hindi kakayahan ang tawag dito. Pangmamanipula at pangkukulong ito. Baka pangwawasak pa nga ito. Sisirain mo si Eveline," makatwiran siyang tinama ni Camille.
Natural na nanggaling ang salitang ito mula sa bibig ni Madeline, ngunit tumagos ito sa puso ni Jeremy. Hindi niya mapigilang maalala ang masama niyang nagawa.Mula noon pa ang tingin nito sa kanya ay ang taong pinakamamahal nito at asawa. Ngunit ayaw niyang tanggapin ang katayuan nito. Nang maisip niya ito, hindi alam ni Jeremy kung imahinasyon lang niya ito ngunit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang puso. Tapos isang pamilyar na sakit ang bumalot sa kanya. Nagsimula rin siyang mahirapang makahinga. Kaagad na napansin ni Madeline ang pagbabago sa mukha ni Jeremy. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso nito at tinanong, “Anong problema Jeremy?” Ayaw ni Jeremy na mag-alala si Madeline. Gusto niyang itago ang katotohanang napakasama ng pakiramdam niya, ngunit wala siyang lakas na magsalita dahil sa kapos niyang hininga. Nang makitang nagiging maputla si Jeremy, nagsimulang mataranta si Madeline. “Anong nangyari Jeremy? Anong nangyayari? Sabihin mo sa akin kung saan ang
Ginamit ni Jeremy ang lahat ng lakas niya para yakapin nang mahigpit si Madeline. Nabigla si Madeline. Nararamdaman niyang nanginginig ang braso ni Jeremy habang nakayakap ito sa kanya. Nanginginig din ang kamay nito at ang buong katawan nito. “Jeremy…” Nagsimulang sumakit ang puso ni Madeline. Di niya alam kung nanginginig ba ito dahil labis itong nasasaktan o masyado itong nag-aalala sa kanya. “Jeremy, kailangan kong umalis. Walang kahit sino at kahit na ano ditong makakatulong sa’yo bukod sa anti-toxoid reagent kaya kailangan kong umalis…” “Mayroong taong makakatulong sa akin…” Nanghihinang sinabi ni Jeremy. Nabigla si Madeline nang marinig niya ito. “Sino?” “Si Shirley Brown.” Ang mukha nito ay kaagad na lumitaw sa isipan ni Madeline. “Si Shirley?” Tanong niya habang hindi makapaniwala. “Oo, siya.” Hinigpitan ni Jeremy ang pagkakayakap niya dito. “Di nagtagal pagkatapos kitang bilhan gn bagong damit, nakita ko siyang nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto nati
Ayaw ni Madeline na magpaliguy-ligoy pa. Ngunit ayaw niyang malaman ni Jeremy na ang taong nakatayo sa tapat ng pinto ay si Carter. Lumapit siya kay Carter at sinara ang pinto. “Anong dahilan kung bakit mo ginagawa ito?” “Mamayang alas siyete ng gabi, maghihintay ako sa study ng Gray Manor. Sasabihin ko doon ang layunin ko.” Sumagot si Carter at muling binuksan ang palad nito. Dinampot nito ang anti-toxoid reagent at inalog ito sa harap ni Madeline. “Tingin ko wala ka namang dahilan para tanggihan ako diba? Kapag umepekto na naman ang lason na yan, higit isang daang beses yang mas malala kumpara sa inaakala mo.” Walang-dudang nabunyag ng salita ni Carter na alam na alam niya ang kalagayan ni Jeremy. Walang magawa si Madeline at sinabi, “Sige, mamayang alas siyete ng gabi, kikitain kita.” “Umaasa akong lalayuan mo si Jeremy sa abot ng makakaya mo. Wag mo na naman siyang hayaang makasunod. Para ito sa ikabubuti niyong dalawa.” Para bang pinapaalalahanan siya n Carter mula s
Tumingin si Carter sa taong pumasok at dahan-dahang bumangon. “Anong maitutulong ko?” Magalang na tanong niya kay Camille. “Nandito ako para sabihan ka na tumigil ka na sa paghihintay. Di pupunta si Eveline,” Nagsalita si Camille at sinabi dito nang baralbal. Nanigas ang mukha ni Carter sa sagot ni Camille. Pagkatapos ang isang sandali, ngumiti siya. “Pumunta ka dito para lang tulungan siyang sabihin ito sa akin? Sige.” Ngumiti si Carter at sinabi ito. Tapos umupo siya pabalik sa upuan niya. Syempre nakikita ni Camille ang inis ni Carter. Dahan-dahan siyang lumapit sa lamesa at sinabi nang pursigido. “Carter, bukod-tangi ka na mula pa noong bata ka pa. Wag mo masyadong isipin ang iniisip ng tatay mo at maging masyadong malupit sa sarili mo para habulin ang mga bagay na ito. Mawawala ka lang sa sarili mo sa huli.” Pagkatapos marinig ni Carter ang sinabi ni Camille, nanatili siyang nakangiti. Ngunit mas nagkaroon ng ambisyon at pagnanasa sa mga mata niya. “Wag kang mag-al
“Jeremy, anong nangyari? Anong tinitignan mo?” Nang marinig ni Jeremy ang nagtatakang boses ni Madeline, mukhang biglang nahimasmasan si Jeremy. Dumaan sa screen ang mahaba at manipis niyang daliri na para bang ayaw niyang may makita si Madeline. Kaagad niyang isinara ang kanyang phone at inilagay ito sa bulsa niya. Bumangon siya at lumapit kay Madeline nang may maamong ngiti. Tapos hinawakan niya nang marahan ang balikat nito. “Linnie, anong sinabi ni Mrs. Gray sa’yo?” Nang banggitin niya ito, ngumiti si Madeline. Lumitaw din ang puyo sa pisngi nito. “Hulaan mo.” Napagpasyahan niyang pahulain ito. Tumingin si Jeremy sa ngiti ni Madeline nang hindi kumukurap. Kusa niyang itinaas ang kanyang kamay para haplusin ang pisngi nito. Ang nakakahumaling at singkit niyang mata ay puno ng lungkot. “Ang tagal na mula noong nakita kitang ngumiti nang ganito.” Suminghal siya sa lungkot. Ang pahayag na ito ay may sari-saring komplikadong emosyon. Kaagad na naunawaan ni Madeline kung
Kalmadong lumingon si Jeremy. Habang mukhang walang pakialam, hinarap niya ang babaeng naglalakad patungo sa kanya. “Ang biglang sumpong ng lason sa katawan ko ay hindi dahil sa pagkakataon, kundi planado, tama?” Direktang tanong ni Jeremy. “Hindi mo ako tinutulungan mula pa noong umpisa diba, Shirley, o dapat bang itawag ko sa’yo ay Shirley Brown?” Si Shirley, habang ang isang braso ay nakatupi at ang isa naman ay may hawak na mahabang sigarilyo, ay naglakad patungo kay Jeremy bago umihip. “Noong akala mo mamamatay ka na at napagpasyahan mong iwan si Madeline bago makipagkita sa akin, ang ‘doktor, sa eroplano—ang lahat ng ito ay talagang planado.” Lumapit si Shirley kay Jeremy habang nakangiti at huminto sa harapan nito. “Medyo naantig ako sa’yo sa totoo lang, pero mas masaya akong mag-eksperimento. Ngunit hindi ako tulad ni Adam. Hilig niyang magligtas ng tao, habang ako hilig kong… manakit ng tao.” Umamin siya habang mukhang walang bahala at lalong tumindi ang ngiti niya
”May nangyari ba Jeremy?” “Di ko alam kung paano ko ito sasabihin. Sa madaling salita, pagkatapos nating makipagkita kay Carter mamayang gabi, aalis na kaagad tayo dito.” “Oo, sige.” Pakiramdam pa rin ni Madeline may kakaiba, ngunit hindi na siya nagtanong pa. Ngunit malinaw niyang naramdamang ang palad ni Jeremy ay bahagyang lumamig. ‘Jeremy, anong kinatatakutan mo? O dahil ba ito sa lason?’ Nababahalang inisip ni Madeline. Nanatili ang pakiramdam na ito hanggang sumapit ang alas siyete. Tumawag si Camille. Sinabi niya kay Madeline na naghihintay na si Carter sa restaurant ng hotel at pwede nang pumunta doon si Madeline. Ngunit nag-iwan din ng paalala si Camille. “Sinabi ni Carter na makikipagkita lang siya sa’yo nang mag-isa, kaya sabihan mo ang asawa mo na maghintay sa ibang lugar at hindi sa restaurant, bago magbago ang isip ni Carter sa inis.” Gusto rin ni Madeline na maging maayos ang takbo nito kaya pumayag siya.Kahit na nag-aalala si Jeremy para kay Madeline,