Ayaw ni Madeline na magpaliguy-ligoy pa. Ngunit ayaw niyang malaman ni Jeremy na ang taong nakatayo sa tapat ng pinto ay si Carter. Lumapit siya kay Carter at sinara ang pinto. “Anong dahilan kung bakit mo ginagawa ito?” “Mamayang alas siyete ng gabi, maghihintay ako sa study ng Gray Manor. Sasabihin ko doon ang layunin ko.” Sumagot si Carter at muling binuksan ang palad nito. Dinampot nito ang anti-toxoid reagent at inalog ito sa harap ni Madeline. “Tingin ko wala ka namang dahilan para tanggihan ako diba? Kapag umepekto na naman ang lason na yan, higit isang daang beses yang mas malala kumpara sa inaakala mo.” Walang-dudang nabunyag ng salita ni Carter na alam na alam niya ang kalagayan ni Jeremy. Walang magawa si Madeline at sinabi, “Sige, mamayang alas siyete ng gabi, kikitain kita.” “Umaasa akong lalayuan mo si Jeremy sa abot ng makakaya mo. Wag mo na naman siyang hayaang makasunod. Para ito sa ikabubuti niyong dalawa.” Para bang pinapaalalahanan siya n Carter mula s
Tumingin si Carter sa taong pumasok at dahan-dahang bumangon. “Anong maitutulong ko?” Magalang na tanong niya kay Camille. “Nandito ako para sabihan ka na tumigil ka na sa paghihintay. Di pupunta si Eveline,” Nagsalita si Camille at sinabi dito nang baralbal. Nanigas ang mukha ni Carter sa sagot ni Camille. Pagkatapos ang isang sandali, ngumiti siya. “Pumunta ka dito para lang tulungan siyang sabihin ito sa akin? Sige.” Ngumiti si Carter at sinabi ito. Tapos umupo siya pabalik sa upuan niya. Syempre nakikita ni Camille ang inis ni Carter. Dahan-dahan siyang lumapit sa lamesa at sinabi nang pursigido. “Carter, bukod-tangi ka na mula pa noong bata ka pa. Wag mo masyadong isipin ang iniisip ng tatay mo at maging masyadong malupit sa sarili mo para habulin ang mga bagay na ito. Mawawala ka lang sa sarili mo sa huli.” Pagkatapos marinig ni Carter ang sinabi ni Camille, nanatili siyang nakangiti. Ngunit mas nagkaroon ng ambisyon at pagnanasa sa mga mata niya. “Wag kang mag-al
“Jeremy, anong nangyari? Anong tinitignan mo?” Nang marinig ni Jeremy ang nagtatakang boses ni Madeline, mukhang biglang nahimasmasan si Jeremy. Dumaan sa screen ang mahaba at manipis niyang daliri na para bang ayaw niyang may makita si Madeline. Kaagad niyang isinara ang kanyang phone at inilagay ito sa bulsa niya. Bumangon siya at lumapit kay Madeline nang may maamong ngiti. Tapos hinawakan niya nang marahan ang balikat nito. “Linnie, anong sinabi ni Mrs. Gray sa’yo?” Nang banggitin niya ito, ngumiti si Madeline. Lumitaw din ang puyo sa pisngi nito. “Hulaan mo.” Napagpasyahan niyang pahulain ito. Tumingin si Jeremy sa ngiti ni Madeline nang hindi kumukurap. Kusa niyang itinaas ang kanyang kamay para haplusin ang pisngi nito. Ang nakakahumaling at singkit niyang mata ay puno ng lungkot. “Ang tagal na mula noong nakita kitang ngumiti nang ganito.” Suminghal siya sa lungkot. Ang pahayag na ito ay may sari-saring komplikadong emosyon. Kaagad na naunawaan ni Madeline kung
Kalmadong lumingon si Jeremy. Habang mukhang walang pakialam, hinarap niya ang babaeng naglalakad patungo sa kanya. “Ang biglang sumpong ng lason sa katawan ko ay hindi dahil sa pagkakataon, kundi planado, tama?” Direktang tanong ni Jeremy. “Hindi mo ako tinutulungan mula pa noong umpisa diba, Shirley, o dapat bang itawag ko sa’yo ay Shirley Brown?” Si Shirley, habang ang isang braso ay nakatupi at ang isa naman ay may hawak na mahabang sigarilyo, ay naglakad patungo kay Jeremy bago umihip. “Noong akala mo mamamatay ka na at napagpasyahan mong iwan si Madeline bago makipagkita sa akin, ang ‘doktor, sa eroplano—ang lahat ng ito ay talagang planado.” Lumapit si Shirley kay Jeremy habang nakangiti at huminto sa harapan nito. “Medyo naantig ako sa’yo sa totoo lang, pero mas masaya akong mag-eksperimento. Ngunit hindi ako tulad ni Adam. Hilig niyang magligtas ng tao, habang ako hilig kong… manakit ng tao.” Umamin siya habang mukhang walang bahala at lalong tumindi ang ngiti niya
”May nangyari ba Jeremy?” “Di ko alam kung paano ko ito sasabihin. Sa madaling salita, pagkatapos nating makipagkita kay Carter mamayang gabi, aalis na kaagad tayo dito.” “Oo, sige.” Pakiramdam pa rin ni Madeline may kakaiba, ngunit hindi na siya nagtanong pa. Ngunit malinaw niyang naramdamang ang palad ni Jeremy ay bahagyang lumamig. ‘Jeremy, anong kinatatakutan mo? O dahil ba ito sa lason?’ Nababahalang inisip ni Madeline. Nanatili ang pakiramdam na ito hanggang sumapit ang alas siyete. Tumawag si Camille. Sinabi niya kay Madeline na naghihintay na si Carter sa restaurant ng hotel at pwede nang pumunta doon si Madeline. Ngunit nag-iwan din ng paalala si Camille. “Sinabi ni Carter na makikipagkita lang siya sa’yo nang mag-isa, kaya sabihan mo ang asawa mo na maghintay sa ibang lugar at hindi sa restaurant, bago magbago ang isip ni Carter sa inis.” Gusto rin ni Madeline na maging maayos ang takbo nito kaya pumayag siya.Kahit na nag-aalala si Jeremy para kay Madeline,
Sinabi kay Madeline ng kutob niya na may mas malalim na kahulugan ang ngiti ni Carter, ngunit hindi niya mahulaan kung anong nasa isip ni Carter. Inilapag ni Madeline ang kanyang baso. Sa loob ng ilang segundo, nanatili ang tingin niya sa likido sa ilalim ng kanyang baso. “Mr. Gray, pwede na ba nating simulan ang proseso?” Alok ni Madeline. Tumango si Carter at tumingin sa lalaking naghihintay sa tabi niya. Inabutan ng lalaking mukhang abogado si Madeline ng dalawang dokumento. “Hello, Ms. Montgomery. Ako ang lawyer ni Mr. Carter. Ito ang mga divorce document para sa inyo ni Mr. Carter. Pakiusap tingnan mo ang laman, at kung walang problema, pakipirmahan ang mga document.” Kinuha ni Madeline agn dokumento at sa pagkakataong ito, binasa niya nang maigi ang bawat salita nang detalyado. Noon, nahuli siya sa patibong ni Carter dahil lang sa masyado siyang nagtiwala kay Carter. Sa pagkakataong ito, hindi niya hinayaang magpabaya siya. Nang mabasa niya nang maigi ang bawat li
Sa hotel restaurant. Hawak ni Carter ang isang baso habang nakatitig sa tanawin sa labas ng bintana habang mukhang kalmado. Makalipas ang isang sandali, naririnig ang tunog ng high heels na paparating. Habang walang emosyon, ininom niya ang kanyang red wine at inilabas ang maliit na kristal na bolang dala niya. Hinawakan niya ito sa palad niya at pinaglaruan ito. “Carter.” Tapos narinig ang nakakahumaling at mahinang boses ng babae. Nang hindi man lang lumilingon, sinabi niya nang walang bahala, “Upo.” Ngumiti ang babae at umupo sa tapat ni Carter habang may masayang ngiti. “Carter, nagawa ko na ang gawain ko. Masaya ka na ba?” Nasundan ng katahimikan ang boses niya. Tapos seryosong nagsalita si Carter. “May nararamdaman ka ba para kay Jeremy?” Malamig ang tono niya. “Shirley, ako ang nagbigay sa’yo ng codename na ito. Wag mong kakalimutan kung ano ang dapat at di mo dapat gawin.” Nang marinig ang sinabi ni Carter, biglang nagbago ang ekspresyon ni Shirley. Kabado siy
Biglang huminto si Shirley sa kalagitnaan ng pag-inom niya ng wine. Ryan… Malinaw pa rin niya itong naaalala. Nakaramdam siya ng takot nang mabanggit ito ni Carter. “Carter, bakit mo biglang nabanggit si Ryan? Bukod na lang kung… kung may napansin si Eveline?” Nag-iingat na tanong ni Shirley sa takot na magalit si Carter. Nagkaroon ng ngiti sa malamig na mukha ni Carter. “Di niya ako pasasalamatan kanina sa pagligtas ng buhay niya kung nalaman niya.” Tahimik na nakahinga nang maluwag si Shirley nang marinig niya ito. “Hinuhukay niya ang sarili niyang libingan.” Puno ng panghahamak ang mata ni Carter. “Ibinaba niya ang sarili niya para sa isang babae.” “Carter, g-gagawin mo ba?” Tanong ni Shirley, habang ang mga mata niya ay puno ng takot at galak. Tumingin nang masama sa kanya si Carter. “Anong gagawin ko? Kakalimutan ko ba ang dapat kong gawin dahil sa’yo o sa ibang babae?” “...” Lumamig ang puso ni Shirley nang makita ang seryosong titig ni Carter, ngunit hindi na