Sa hotel restaurant. Hawak ni Carter ang isang baso habang nakatitig sa tanawin sa labas ng bintana habang mukhang kalmado. Makalipas ang isang sandali, naririnig ang tunog ng high heels na paparating. Habang walang emosyon, ininom niya ang kanyang red wine at inilabas ang maliit na kristal na bolang dala niya. Hinawakan niya ito sa palad niya at pinaglaruan ito. “Carter.” Tapos narinig ang nakakahumaling at mahinang boses ng babae. Nang hindi man lang lumilingon, sinabi niya nang walang bahala, “Upo.” Ngumiti ang babae at umupo sa tapat ni Carter habang may masayang ngiti. “Carter, nagawa ko na ang gawain ko. Masaya ka na ba?” Nasundan ng katahimikan ang boses niya. Tapos seryosong nagsalita si Carter. “May nararamdaman ka ba para kay Jeremy?” Malamig ang tono niya. “Shirley, ako ang nagbigay sa’yo ng codename na ito. Wag mong kakalimutan kung ano ang dapat at di mo dapat gawin.” Nang marinig ang sinabi ni Carter, biglang nagbago ang ekspresyon ni Shirley. Kabado siy
Biglang huminto si Shirley sa kalagitnaan ng pag-inom niya ng wine. Ryan… Malinaw pa rin niya itong naaalala. Nakaramdam siya ng takot nang mabanggit ito ni Carter. “Carter, bakit mo biglang nabanggit si Ryan? Bukod na lang kung… kung may napansin si Eveline?” Nag-iingat na tanong ni Shirley sa takot na magalit si Carter. Nagkaroon ng ngiti sa malamig na mukha ni Carter. “Di niya ako pasasalamatan kanina sa pagligtas ng buhay niya kung nalaman niya.” Tahimik na nakahinga nang maluwag si Shirley nang marinig niya ito. “Hinuhukay niya ang sarili niyang libingan.” Puno ng panghahamak ang mata ni Carter. “Ibinaba niya ang sarili niya para sa isang babae.” “Carter, g-gagawin mo ba?” Tanong ni Shirley, habang ang mga mata niya ay puno ng takot at galak. Tumingin nang masama sa kanya si Carter. “Anong gagawin ko? Kakalimutan ko ba ang dapat kong gawin dahil sa’yo o sa ibang babae?” “...” Lumamig ang puso ni Shirley nang makita ang seryosong titig ni Carter, ngunit hindi na
”Tulungan ako?” “Hindi, hindi tulong,” Kaagad na iwinasto ni Shirley ang kanyang sarili, “Gagawin ko ang tungkulin ko. Wag kang mag-alala.” Tapos tumango si Carter at habang natutuwa, pinagmasdan niya ang bugso ng damdamin sa mukha ni Shirley bago dahan-dahang tumayo. Ang matangkad at manipis niyang katawan ay dumaan kay Shirley nang may elegante at marangal na aura. Tapos huminto siya. Kaagad na tumayo si Shirley at nakikita lamang ang likod ni Carter. “Pagkatapos ng gawaing ito, baka maisipan kong hayaan kang maging asawa ko,” Walang bahalang binulong ni Carter. Pagkatapos niyang sabihin ito, naglakad siya patungo sa pinto. Napanganga kaunti si Shirley sa gulat at natulala siya saglit. Habang tuliro, tinitigan niya ang likod ni Carter nang maglakad ito palayo. Ang hugis ng katawan nito ay nag-iwan ng malinaw at di malilimutang bakas sa kanyang mata. Kahit na pampalubag-loob lang ito at kahit na kasinungalingan lang ang binabato sa kanya nito, masaya pa rin niyang titi
Pakiramdam ni Jeremy parang nanikip ang puso niya nang marinig niya ang sagot ni Madeline. Nang walang-alinlangan, binuhat niya si Madeline. Tumawag siya ng isang cab sa tabi ng kalsada at tumungo sa pinakamalapit na ospital. Tumakbo si Jeremy hanggang sa marating niya ang pinto ng emergency room. Nang lumiwanag ang pulang ilaw, wala siyang magawa kundi ang manatili sa pasilyong walang laman habang hindi mapakali. Alam niyang walang sakit sa puso si Madeline kaya paanong bigla itong sumakit? ‘Dahil ba sa tumatakbo kami?’ ‘Di ko dapat hinila si Linnie nang ganun.’ ‘Di ko dapat ginawa yun.’ Sinimulang saktan ni Jeremy ang kanyang sarili. Biglang bumukas ang pinto ng emergency room at isang batang nars ang nagmamadaling lumabas. Gustong patigilin ni Jeremy ang nars para magtanong tungkol sa kalagayan ni Madeline, ngunit nag-aalala siya na baka makasagabal siya sa trabaho nito. Di nagtagal pag-alis ng nars, dalawang mukhang propesyonal at matandang doktor na mukhang ser
Tumango ang doktor at inabot ang mga report kay Madeline. “Ms. Montgomery, ang atake mo sa puso kagabi ay nakakapagtaka. Nagsagawa kami ng ilang pagsusuri sa’yo at wala kaming nahanap na kahit anong sakit na may kinalaman sa puso. Kaya ang sakit na naramdaman mo ay walang kaugnayan sa heart disease.” Hindi sigurado si Madeline kung naunawaan niya. “Um, doc, bakit pala sumasakit ang puso ko? Atsaka, pakiramdam ko di ako makahinga sa huli.” Kumunot ang noo ng doktor sa pagtataka nang magpaliwanag ito, “Sa totoo lang Ms. Montgomery, hindi rin namin alam kung anong problema. Ayon sa report, walang problema sa katawan mo. Ang tanging nakakapagtaka ay ang blood test mo.” “Blood test?” “Tama. Mayroong isang hindi malamang component sa dugo mo, at hindi ito masuri ng hospital equipment namin. Tingin ko ang hindi kilalang component na ito ang nagdudulot ng sakit ng puso at hirap sa paghinga mo kagabi.” Mukhang malinaw ang paliwanag ng doktor, ngunit pakiramdam ni Madeline parang nak
Dinampot ni Jeremy ang mga punit na papel, ngunit napansin niyang malaki ang sira nito, kaya kailangan ng madaming oras para mabuo ang mga piraso. Ang magagawa lang niya ay ibalot sa panyo ang mga piraso. Tapos bumalik siya sa tabi ni Madeline habang nagpapanggap na walang nangyari pagkatapos niyang pumunta ng banyo. “Jeremy, ayos ka lang ba? Sinipon ka ba?” Tanong ni Madeline habang nababahala nang hawakan niya ang kamay ni Jeremy. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at nagkaugnay ang daliri nila. “Balak ko pang alagaan ka nang maigi buong buhay ko, kaya bakit ko hahayaang may mangyari?” Ngumiti siya nang marahan ngunit nagsimula siyang makaramdam na ang mga punit na papel sa bulsa niya ay mabigat sa kanyang isipan. Pagbalik ng hotel, habang naliligo si Madeline, umupo si Jeremy ng sofa at sinamantala ang pagkakataon para kaagad na ayusin ang piraso ng papel. Buti na lang hindi masyadong maliit ang piraso ng papel kaya nagawa pa rin itong ayusin ni Jeremy nang hindi
Kinuha niya ang hairdryer at tinulungan si Madeline magpatuyo ng buhok. Habang natutuwa siyang inaalagaan siya ni Jeremy, nagsimulang isipin ni Madeline ang mga nangyari nitong nakaraan, at nagtaka siya dito. Noon pa siyang kumakain at umiinom ng kapareho ng mga Gray. Kung may sadyang naglagay ng lason sa kanyang pagkain, edi sino ito? Higit pa rito, paano nito nakuha ang lason? Nag-isip si Madeline ngunit kaagad niyang binalewala ang naisip niyang ito. Sa puntong ito, hindi pa rin siya sigurado kung ano bang nangyayari sa kanya, kaya di dapat niya takutin ang sarili niya. Nang matuyo ang buhok niya, napagpasyahan ni Madeline at Jeremy na kumain bago sila magpunta ng airport. Sobrang lamig ng taglamig sa St. Piaf. Kahit nakasuot sila ng coat, hindi pa rin nila matiis ang matinding lamig ng taglamig. Mahigpit na hawak ni Jeremy ang kamay ni Madeline, kaya nararamdaman niya ang nanginginig na kamay nito. “Linnie, maghintay ka muna sa convenience store sa harap. Sasabihin
Nang makita ni Madeline si Shirley sa harapan niya, napagtanto niyang hindi nagkataong nakasalubong niya ito. Ang lahat ng ito ay sinasadya. Isang malamig na hangin ang umihip nang biglaan at kaagad naramdaman ni Madeline na giniginaw ang katawan niya. Di lang yan, nagsimula ding sumakit ang puso niya. Nang makita ni Shirley na nakasimangot si Madeline, ngumiti ito nang bahagya. “Tatawagin ko itong AXT69. Ito ang pinakabagong anti-toxoid test reagent. Nagdagdag ako ng ilang sangkap na magpapahirap sa mga tao nang higit pa sa orihinal na sangkap.” Nang sabihin niya ito, lumapit siya kay Madeline. “Tulad ngayon, nakakaramdam ka ng matinding sakit sa puso mo. Bukod sa nahihirapan kang huminga, mararamdaman mo rin na parang nakalubog sa malamig na tubig ang katawan mo. Bawat bahagi ng balat mo ay makakaramdam ng lamig na parang hinihiwa ng kutsilyo.” Pagkatapos marinig ang sinabi ni Shirley, tuluyang naunawaan ni Madeline. Hindi na niya ito kinumpirma pa. Ngayon, siguradong-s