Tumango ang doktor at inabot ang mga report kay Madeline. “Ms. Montgomery, ang atake mo sa puso kagabi ay nakakapagtaka. Nagsagawa kami ng ilang pagsusuri sa’yo at wala kaming nahanap na kahit anong sakit na may kinalaman sa puso. Kaya ang sakit na naramdaman mo ay walang kaugnayan sa heart disease.” Hindi sigurado si Madeline kung naunawaan niya. “Um, doc, bakit pala sumasakit ang puso ko? Atsaka, pakiramdam ko di ako makahinga sa huli.” Kumunot ang noo ng doktor sa pagtataka nang magpaliwanag ito, “Sa totoo lang Ms. Montgomery, hindi rin namin alam kung anong problema. Ayon sa report, walang problema sa katawan mo. Ang tanging nakakapagtaka ay ang blood test mo.” “Blood test?” “Tama. Mayroong isang hindi malamang component sa dugo mo, at hindi ito masuri ng hospital equipment namin. Tingin ko ang hindi kilalang component na ito ang nagdudulot ng sakit ng puso at hirap sa paghinga mo kagabi.” Mukhang malinaw ang paliwanag ng doktor, ngunit pakiramdam ni Madeline parang nak
Dinampot ni Jeremy ang mga punit na papel, ngunit napansin niyang malaki ang sira nito, kaya kailangan ng madaming oras para mabuo ang mga piraso. Ang magagawa lang niya ay ibalot sa panyo ang mga piraso. Tapos bumalik siya sa tabi ni Madeline habang nagpapanggap na walang nangyari pagkatapos niyang pumunta ng banyo. “Jeremy, ayos ka lang ba? Sinipon ka ba?” Tanong ni Madeline habang nababahala nang hawakan niya ang kamay ni Jeremy. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at nagkaugnay ang daliri nila. “Balak ko pang alagaan ka nang maigi buong buhay ko, kaya bakit ko hahayaang may mangyari?” Ngumiti siya nang marahan ngunit nagsimula siyang makaramdam na ang mga punit na papel sa bulsa niya ay mabigat sa kanyang isipan. Pagbalik ng hotel, habang naliligo si Madeline, umupo si Jeremy ng sofa at sinamantala ang pagkakataon para kaagad na ayusin ang piraso ng papel. Buti na lang hindi masyadong maliit ang piraso ng papel kaya nagawa pa rin itong ayusin ni Jeremy nang hindi
Kinuha niya ang hairdryer at tinulungan si Madeline magpatuyo ng buhok. Habang natutuwa siyang inaalagaan siya ni Jeremy, nagsimulang isipin ni Madeline ang mga nangyari nitong nakaraan, at nagtaka siya dito. Noon pa siyang kumakain at umiinom ng kapareho ng mga Gray. Kung may sadyang naglagay ng lason sa kanyang pagkain, edi sino ito? Higit pa rito, paano nito nakuha ang lason? Nag-isip si Madeline ngunit kaagad niyang binalewala ang naisip niyang ito. Sa puntong ito, hindi pa rin siya sigurado kung ano bang nangyayari sa kanya, kaya di dapat niya takutin ang sarili niya. Nang matuyo ang buhok niya, napagpasyahan ni Madeline at Jeremy na kumain bago sila magpunta ng airport. Sobrang lamig ng taglamig sa St. Piaf. Kahit nakasuot sila ng coat, hindi pa rin nila matiis ang matinding lamig ng taglamig. Mahigpit na hawak ni Jeremy ang kamay ni Madeline, kaya nararamdaman niya ang nanginginig na kamay nito. “Linnie, maghintay ka muna sa convenience store sa harap. Sasabihin
Nang makita ni Madeline si Shirley sa harapan niya, napagtanto niyang hindi nagkataong nakasalubong niya ito. Ang lahat ng ito ay sinasadya. Isang malamig na hangin ang umihip nang biglaan at kaagad naramdaman ni Madeline na giniginaw ang katawan niya. Di lang yan, nagsimula ding sumakit ang puso niya. Nang makita ni Shirley na nakasimangot si Madeline, ngumiti ito nang bahagya. “Tatawagin ko itong AXT69. Ito ang pinakabagong anti-toxoid test reagent. Nagdagdag ako ng ilang sangkap na magpapahirap sa mga tao nang higit pa sa orihinal na sangkap.” Nang sabihin niya ito, lumapit siya kay Madeline. “Tulad ngayon, nakakaramdam ka ng matinding sakit sa puso mo. Bukod sa nahihirapan kang huminga, mararamdaman mo rin na parang nakalubog sa malamig na tubig ang katawan mo. Bawat bahagi ng balat mo ay makakaramdam ng lamig na parang hinihiwa ng kutsilyo.” Pagkatapos marinig ang sinabi ni Shirley, tuluyang naunawaan ni Madeline. Hindi na niya ito kinumpirma pa. Ngayon, siguradong-s
Kaagad niyang inalis ang kanyang coat at inilapag ito kay Madeline. Ngunit mukhang hindi umiigi ang pakiramdam ni Madeline. “Linnie, anong nangyari sa’yo? Saan ang masakit sa’yo?” “Jeremy, walang kwenta kahit gaano pa karaming coat ang ibigay mo sa kanya. Mararamdaman pa rin niya ang lamig, at mamimilipit pa rin siya ng sobra sa sakit na hindi siya makakahinga ng maayos.” Biglang itinaas ni Jeremy ang kanyang tingin. Ang malamig niyang mata ay nakatutok nang diretso kay Shirley. “Anong sinabi mo? Anong ibig-sabihin mo?” Umihip nang matagal si Shirley sa kanyang sigarilyo. “Jeremy, ang talino mo pero di mo pa rin matukoy kung anong nangyayari sa asawa mo?” Nanlaki ang mata ni Jeremy at nakita niya ang anti-toxoid test reagent sa kamay ni Shirley. “Talagang ikaw yun. Shirley Brown, anong binabalak mo?” “Wala. Gusto ko lang mag-eksperimento.” Tumawa nang bahagya si Shirley. “Para sa kapakanan mo, ituring mo na lang ito bilang regalo para sa pagsasama natin. Sa susunod maar
Malamig na nagtanong si Jeremy. Pagkatapos niyang makakuha ng sagot mula sa taong nasa kabilang linya, naglakad siya diretso sa pinto. "Hintayin mo ko. Pupunta ako diyan kaagad!" Sabi niya nang may pautos na tono pero kaagad na nagbago ang kanyang ekspresyon pagkatapos ibaba ang tawag. Tumalikod si Jeremy at malumanay na tinignan ang natutulog na si Madeline bago binuksan ang pinto para umalis. Nang makalabas siya ng hotel, napansin ni Jeremy na umuulan ng niyebe ngayon. Samantala, si Shirley, na nakasuot ng pulang coat, ay nakatayo at naninigarilyo sa ilalim ng isang puno hindi malayo sa pintuan. Nagmadaling naglakad si Jeremy. Kalmadong lumingon si Shirley nang marinig niya ang nagmamadaling mga yabag sa likuran niya. "Ang bilis mo talaga. Totoo nga na may mahalagang posisyon si Eveline sa puso mo. Pinapatunayan nito na hindi mali ang pinili kong target." Ngumiti siya at naglakas papunta kay Jeremy habang naninigarilyo. Bumagsak ang niyebe sa balikat ng kanyang pulang c
Kumuha siya ng pabango at naglagay sa buo niyang katawan bago nagmumog ng mouthwash. Nag-aalala siya na baka mag-iwan ng masamang impresyon sa mga tao sa loob ng bahay ang amoy ng sigarilyo sa kanyang katawan. Pagkatapos niyang maghanda, umupo si Shirley sa kotse nang ilang sandali bago lumabas. Mas lumakas na ang pag-ulan ng niyebe ngayon, pero hindi siya nilalamig. Uminit ang buo niyang katawan sa bilis ng tibok ng puso niya at sa kaba. Kararating niya lang sa pinto nang pinigilan siya ng bodyguard na nakabantay sa pinto nang may seryosong mukha. "Ma'am, hindi pwedeng pumasok ang kahit na sino rito. Kung wala kayong reservation o invitation card, maaari na po kayong umalis," sinabihan siya ng bodyguard na umalis. "Nandito ako para kay Mr. Carter. Sabihin mo sa kanyang na ako si Miss… Shirley." Nang sinabi niya ang huling salita, bigla niyang napansin na wala siyang karapatan na tawagin ang kanyang sarili gamit ng totoo niyang pangalan. Tinawag niya na lang ang sarili niya
Hindi siya makapaniwala na totoo ang anyo na kanyang nakikita. Mabagal niyang tinaas ang kanyang kamay para buksan ang pinto. Mas luminaw ang anyo sa kanyang mga mata kaya sigurado siya na hindi siya namamalik-mata. Sa isang iglap, uminit ang niyebe sa kanyang balikat. Marahang sinara ni Shirley ang pinto, at nang may sasabihin sana siya, biglang lumingon ang lalaking nakatayo sa harapan ng bintana. Takipsilim noon at umuulan ng niyebe kaya madilim ang kwarto, pero pakiramdam ni Shirley ay mayroong napakagandang ilaw na bumabalot sa lalaking nasa kanyang harapan. "Dahil nagtangka kang hanapin ako nang ganito, ibig sabihin ay nagtagumpay ka na, tama?" Tanong ni Carter ng may nagyeyelong tono. Naglakad siya papunta sa mesa. Pagkatapos ay kusa niyang nilapag sa mesa ang larawan na hawak niya. Diretsong naglakad si Shirley papunta sa kanya. "Tapos na. Pumayag na si Jeremy na isali ako sa ZF sa Glendale." "Hindi na masama," kusang papuri ni Carter. "Pero, kapag nakagawa ang ka