All Chapters of Greenville: The Homecoming : Chapter 11 - Chapter 20

43 Chapters

X. RED

November 30, 10:00 AMYakap-yakap namin ang umiiyak na si Sofia. Nandito kami ngayon sa sementeryo at halos lahat ay umiiyak habang pinapanood na dahan-dahang ibinabaon sa lupa ang mga kabaong kung saan nakalagay ang labi ng asawa't anak ni Mayor Javier.Nasa harapan namin si Mayor, hindi siya umiiyak pero alam naming sobra rin siyang nasasaktan. He just lost his loved ones and he's also the father of Greenville. At sa nangyayari ngayon, malamang ay sobrang nahihirapan siya.Pagkatapos ng libing ay nag uwian na rin ang iba, kami naman ay sinamahan muna si Sofia sa bahay nila. Tahimik lamang siya at namamaga na ang mata dahil sa sobrang pag-iyak kanina."Sofia, everything will be alright. Okay?" sabi ni Macey. Hindi na umiiyak si Sofia pero bakas na bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya."Mahahanap din yung killer at siguradong makukuha niyo ang hustisya," sabi ko sa kaniya.
Read more

XI. THE KILLER

December 1 8:30 AMNandito kami ngayon sa student lounge at nakatambay. 9AM pa naman ang start ng klase namin kaya may 30 minutes pa kami.Napatayo ako nang makita si Sofia na naglalakad papasok."Sofia!" tawag ko sa kaniya. Napatingin din ang iba naming kaibigan sa kaniya. Ngumiti siya sa amin at kumaway.Nang makalapit siya ay agad namin siyang niyakap."Bakit hindi mo sinabi na papasok ka na pala ulit ngayon? Nasundo ka sana namin," sabi ni Macey sa kaniya."Sorry, kagabi ko lang din kasi napag-isipan. Naisip ko na pumasok nalang kaysa mag mukmok sa bahay. Hinatid naman ako ni kuya ngayon," sabi niya."Okay ka na ba?" tanong ko."Malapit na, Demi lalo na't kasama ko kayo kaya kahit papaano'y nagiging ayos ang pakiramdam ko," aniya."Oh, Sander!" nagulat ako nang sumigaw ni Jayson. Tumingin ako sa entrance ng student lou
Read more

XII. LETTERS

"M-maniwala kayo sa...akin. Wala akong k-kasalanan," nauutal na sabi ni Mang Isko. Tinignan ko siyang mabuti at punong-puno ng dugo ang damit at ang kamay niyang nanginginig.Napailing nalang ako."Demi...bata palang kayo, kilala niyo na ako. Alam niyong hindi ko magagawa ang pumatay ng tao. Tulungan niyo ako, napag-utusan lang ako."Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napag-utusan? Nino?"Sino ang lalaking 'yan, Mang Isko? At sino ang nag utos sayo?" tanong ni Brix."Hindi ko siya kilala, nakita ko nalang ang katawan niya likod ng bahay namin," sagot ni Mang Isko.Tinignan ko ang lalaki. Puno ng dugo ang mukha niya kaya hindi ko rin ito makilala. Ang dami niyang tama ng baril sa katawan."Nang makita ko siya kanina, may bigla nalang tumawag sakin, sabi niya dalhin ko daw ang katawan na 'to dito sa bahay ng mga Dela Cerna. Kapag hindi ko daw 'yon ginawa, makuk
Read more

XIII. TATTOO

Lalapit na sana si Troy sa pwesto namin ngunit agad na hinawakan ni Jayson ang braso nito at sinapak sa mukha.Muntik na itong matumba ngunit napahawak siya sa upuan kaya napigilan niya ang pagtumba niya. Ngumisi-ngisi ito habang nakatingin kay Jayson.Tinignan ko ang itsura niya. Lalong pumayat ito kumpara sa katawan niya noong huli namin siyang makita. Medyo mahaba ang magulong buhok at ang daming piercings. Mukha siyang adik. Tumawa ito at pumalakpak ng ilang beses, kasunod nito ang pagpasok ng limang lalaki na mukha ring mga adik. "Oh my God! P-paano sila nakapasok dito?" tanong ni Macey. Nagtayuan ang mga estudyante at bakas ang takot at gulat sa kanilang mga mukha. Sino ba namang hindi matatakot? Ang tatangkad nila tapos mukha pang adik. Bigla nalang nagtumbahan ang mga upuan at mesa. Kasunod nito ang pagrarambulan ng mga tao. "Brix!" napasigaw ako nang makitang nakikipag suntukan si Brix doon sa isa sa mga kasama
Read more

XIV. Like a Hawk

Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Parang pamilya na ang turing namin kay Mang Isko. He's like my lolo. And now, he's dead."Demi," napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko kung saan nakatayo si Kuya Derrick.Agad niya akong nilapitan at niyakap."Shh, stop crying."Umiling-iling lang ako.Kahapon ay kasama lang namin si Mang Isko. Akala namin okay na ang lahat matapos ng ginawa namin kahapon pero hindi pala. May balak pa pala ang killer para sa kaniya. Pero bakit siya?"Huwag mong sayangin ang mga luha mo para sa taong hindi naman natin kaano-ano."Nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Kuya."What are you saying, Kuya? Bakit ganiyan ka mag salita?""What? I'm just saying the truth," saad niya."Parang pamilya na natin si Mang Isko. He's been with us since we were kids. He's our family, okay?!" sigaw ko sa
Read more

XV. Mimic

December 4, 2:00 PM"Demi, are you done?" rinig kong tanong ni Mommy sa labas ng kwarto ko.Nagsuklay lang ako ng buhok at kinuha ko na ang bag ko, "Yes, mom. Palabas na po ako."Naglakad ako patungo sa pinto ng kwarto ko at binuksan 'yon. Bumungad sakin si Mommy na nakangiti."Let's go?" tanong niya. Tumango nalang ako.Papunta kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing si Mang Isko. Pinalibing agad siya dahil wala naman na daw pupuntang pamilya niya dahil hindi na mahagilap ang mga ito. Tanging ang nag-iisang anak niya nalang ang kasama niya sa buhay.***"Si tatay...hindi siya masamang tao. Hindi niya magagawa yung mga ibinibintang sa kaniya," umiiyak na sabi ni Ate Aurelia, ang anak ni Mang Isko. "Magmula ng mamatay ang nanay ko, si tatay lang ang laging nandiyan para sakin. Siya ang nagpalaki sa akin kaya masasabi kong isa talaga siyang mabait na
Read more

XVI. It's A Yes

December 5, 6:30 PM"You look so pretty, anak," sabi ni mommy habang inaayusan ako ng buhok. "By the way, where did you get this dress?" bahagya akong nagulat sa tanong niya pero hindi ko nalang pinahalata.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a red dress - the red dress that I received from the killer. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay mommy na sa isang killer galing ang damit na 'to."Binili ko po sa mall," sagot ko nalang."Oh, okay. Susunduin ka ba ni Brix dito?" tanong niya ulit."Yes, mom. Nasan pala si Kuya Derrick?" inayos ko na yung mga dadalhin ko at nilagay sa pouch."Kakaalis lang. Pupuntahan daw niya si Bianca. Sila na ba ulit?" tanong ni mommy na para bang kinikilig pa.Nagkibit-balikat nalang ako. I looked at my wristwatch and it says it's already 6:30 PM. 7 PM ang start ng Christmas Party namin sa school.
Read more

XVII. He's Not Dead

Natapos ang party nang maayos. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o mas kakabahan pa ako dahil hindi naman nagparamdam ang killer ngayon. I checked my phone if there are some missed calls or texts from the killer but there is none.It is already 9PM. Nandito kami ngayon sa parking lot ng university. Halos lahat ng estudyante ay nandito rin."Demi!" tumingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Akira, isa sa mga kaklase namin."Bakit, Akira?" tanong ko sa kaniya."Congrats sa inyo ni Brix," ngumiti ako. "By the way, gusto niyo bang sumama? May after party pa kasi, eh."Tinignan ko si Brix na nasa tabi ko. Nagkibit-balikat lamang siya. Bigla namang lumapit sina Macey, Jayson, at Sofia."We're going. Sama na rin kayo, Dems!" sabi ni Macey.Tinignan ko si Sofia, "Sasama ka?"Tumango naman siya at tinuro si Sander na nakasandal sa sasakyan niya, "P
Read more

XVIII. The Dark Side

December 7, 2:30 PMNilapag ko sa table ang envelope na kakapadala pa lang kahapon ng killer. Nandito kami ngayon sa Belle's Cafe para muling mag-usap tungkol sa killer.Si Brix naman ay naglabas ng mga dyaryo. Luma na ang mga iyon at ang iba ay punit-punit na. Nakuha niya ito sa office ng daddy niya. Mga natirang dyaryo na naglalaman ng mga nangyari five years ago."Shocks! Ibig sabihin, pakalat-kalat lang 'yong killer doon sa party noong isang gabi?!" gulat na tanong ni Macey. Nanlalaki ang mata niya habang tinitignan ang mga litrato.Bigla namang inagaw ni Sofia 'yong isang litrato, "A-anong ibig sabihin nito? Bakit may kuha ako rito?"Uminom muna ako sa kape ko bago mag salita. "Hindi ko rin alam---""Malamang ay may masama siyang balak sayo," sabat ni Jayson."Jayson, ano ba!" sita sa kaniya ni Macey."Bakit? Nagsasabi lang naman ako
Read more

XIX. His Eyes

In a small notebook, I wrote down all the informations we gathered from the old newspapers."Ang creepy niya. Kung ang killer ngayon at ang killer dati ay iisa lang, pwedeng mangyari ulit ang mga nangyari dati." Muling kinuha ni Macey ang isang dyaryo at tinignan iyon. "Oh my God! Nai-imagine ko tuloy 'yong lalaking pinagtatataga niya. Gross!"Sumandal ako sa upuan at tinignan sila isa-isa. "Sa tingin ko ay iisa lang nga talaga sila."The white mask and the hoodie. The killer's still using those things to hide his identity. Just like what he did before. Isa pa, bigla siyang nawala dati kaya posible talagang bumalik siya."Pero bakit naman siya bumalik?" kunot-noong tanong ni Jayson.Bigla kong naalala noong minsan na tumawag 'yong killer. Tumingin muna ako kay Sofia bago mag salita."Ang sabi niya ay may kasalanan daw ang Mayor sa kaniya. Pati na rin daw ang lahat ng tao dit
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status