All Chapters of Greenville: The Homecoming : Chapter 1 - Chapter 10

43 Chapters

PROLOGUE

Welcome back, Javier Family!  Isang malaking tarpaulin ang bumungad sa amin pagkapasok namin sa town hall. Maingay, masayang nagku-kuwentuhan ang mga bisita, at napalilibutan ng makukulay na ilaw ang buong paligid.  "Good evening, my beloved people of Greenville." Nagpalapakan ang lahat nang magsalita si Mayor Solomon Javier.  "I am so glad to see you here tonight! Alam kong pati kayo ay hindi na makapaghintay na makita ang asawa't mga anak ko," sabi niya, malapad ang ngiti. "It's been five years. Limang taon ko ring hindi nakasama ang pamilya ko, but tonight is very special dahil sa wakas ay nandito na sila, magkakasama na kami ulit." Muli kaming nagpalakpakan.
Read more

I. GREENVILLE

Demi"Bye, mom. Bye, dad." Pagkatapos kong magpaalam sa parents ko ay lumabas na ako ng bahay. Bumungad agad sakin ang masayang umaga ng Greenville. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga tao sa labas na nagtatawanan at nag-uusap. Ang ilan naman ay naghahanda para sa pagpasok nila sa kanilang mga trabaho at eskwelahan. "Magandang umaga, Demi!" I smiled when I saw Mang Isko. Payat ito, maputi na ang buhok, at kapansin-pansin na rin ang kulubot nitong balat. Isa siya sa mga kapit-bahay namin na malapit din sa pamilya namin. Minsan na siyang naging pasyente ni mommy nang maaksidente siya dati. Tinigil niya an
Read more

II. INVITATION

Nandito pa rin kami ngayon sa student lounge. Kalmado na si Sofia ngayon at dumating na rin si Mr. Francisco, ang principal ng school namin.  "Hindi mo ba talaga nakilala 'yung lalaking nakita mo sa loob ng CR?" tanong ni Mr. Francisco kay Sofia.  "Hindi po. Nakasuot po kasi siya ng maskara," sagot ni Sofia. Kumunot ang noo ni Mr. Francisco na tila ba naguguluhan din.  Nakita ko ang isang janitor na may dala-dalang trash bag kung saan nakalagay ang kahon na may nakalagay na patay na pusa.  "Hindi kaya estudyante lang din ang gumawa niyan?" tanong ni Mrs. Mariano, ang nanay ni Brix at teacher rin dito sa Greenville University.  
Read more

III. THE STRANGER'S CALL

"Sofia, we're so happy for you! Makakasama mo na si Tita Serenity pati na rin ang mga kapatid mo," masayang sabi ni Macey.Nandito kami ngayon sa cafeteria.Ngumiti si Sofia. "Ako rin. I can't wait to see them.""Bukas na daw mag-uumpisa ang preparation for the homecoming?" tanong ni Jayson."Yeah. Busy ang mga tao ni dad ngayon tapos sumabay pa 'yung nangyari kahapon," sagot ni Sofia.Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "If you need some help for the preparation, just tell us. We're gonna help you." Tinignan ko ang ibang kaibigan namin at tumango naman sila."Actually, aayain ko nga sana kayo mamaya sa Belle's Cafe para mapag-usapan sana natin nang maayos 'yung preparation. Gusto ko rin kasi tumulong kila dad," aniya."Sige ba!" saad ni Brix."Thank you, guys!"Tumango ako at nginitian siya.
Read more

IV. UNMASKED

"Okay, class dismiss." Pagkasabi ng teacher namin no'n ay nagtayuan agad ang mga kaklase ko."Saan tayo ngayon?" tanong ni Jayson."Ngayon na lang kami bibili ni Brix ng mga decorations," sagot ko. "Sofia, ano pa bang kulang?""Ise-send ko na lang sayo 'yung list," sagot niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit."Okay! Magkita-kita nalang tayo sa town hall," saad ni Macey. Sumang-ayon naman ang lahat.Lumabas na kami ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay may nakita kaming babaeng tumatakbo. Namumutla ito at mukhang takot na takot.Bigla siyang tumigil sa harapan namin."Miss, anong problema?" tanong ni Jayson."M-may lalaki sa CR!" Naiiyak na saad niya."Oh my God!" sigaw ni Macey."Hindi kaya 'yon din 'yung nakita ko?" tanong naman ni Sofia.Kumunot ang noo ko habang nakatingin do'n sa babae
Read more

V. DEVIL'S HOUR

"Hindi ka pa ba uuwi, Brix?" tanong ni Ate Bianca sa kapatid. Nandito pa rin kami sa town hall. Ang ibang mga tao ay nasa likod ng town hall para hanapin kung sino man ang pumatay doon sa aso. Pinakita ko rin sa kanila ang papel na napulot ko."Ihahatid ko muna si Demi," sagot ni Brix."Sige, mauuna na ako. Dadaanan ko pa si mommy sa school. Mag-ingat kayo pauwi," sabi ni Ate Bianca."Ingat, Ate Bianca," sabi ko. Hinatid namin siya sa labas ng town hall.Pagkaalis niya ay nagpaalam na rin kami sa mga kaibigan namin."Ihahatid ko na si Demi sa bahay nila. Magkita na lang ulit tayo bukas," paalam ni Brix."Uuwi na rin ako. May pupuntahan pa kasi kami ni dad," sabi naman ni Macey.Tinignan siya ni Jayson. "Ihahatid na kita sa inyo," sabi niya kay Macey."No need, babe. Padating na rin 'yung driver namin para sunduin ako," saad ni Macey.
Read more

VI. STRANGE

November 24 10:30 AMFriday na ngayon at bukas na ang pinaka inaantay na homecoming. Everyone is excited. Sa kabila ng mga hindi magagandang nangyari sa loob ng ilang araw, hindi pa rin mawala ang labis na tuwa ng mga tao para sa pagbabalik ng pamilya ni Mayor Javier. Bukod pa doon ay abala din ang lahat para sa nalalapit na pasko."Half-day lang daw tayo ngayon kaya pwede natin tapusin mamaya ang pagdedecorate sa town hall," nakangiting sabi ni Macey."Guys, thank you ulit sa tulong niyo. Siguradong matutuwa si mom 'pag nalaman ang ginawa niyong tulong," sabi ni Sofia. Nginitian namin siya."Wala 'yon, Sofia. Kahit kami ay masaya na nakatulong kami," sabi ko sa kaniya."Gusto niyo bang pumunta mamaya sa Belle's pagkagaling natin sa town hall?" masayang tanong ni Sofia.Tinignan niya kaming lahat at nagtanguan naman kami."Libre mo?" tanong ni Jayson.
Read more

VII. THE HOMECOMING

November 25, 6:30 PMHabang nagsusuklay ay biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag."Hello," sagot ko."Hello, Demi, are you ready? Papunta na ako d'yan," sabi ni Brix."Yup, patapos na rin,""Okay," Pagkatapos namin mag-usap ay binaba ko na agad ang tawag. Tinapos ko na ang pag-aayos ko at lumabas ng kwarto."Demi, gusto mo bang sumabay?" tanong ni kuya.Umiling ako, "Papunta na rin si Brix dito. Sabay na kami," sagot ko."Okay, mauuna na ako doon," sabi ni kuya."Nasaan pala sila mommy?" tanong ko."Nandoon na rin sila. Bilisan niyo dahil malapit na mag start yung event," sabi niya. Tumango nalang ako.Pagkaalis ni kuya ay bigla namang dumating si Brix."Tara na?" tanong niya."Let's go. Nauna na sila mommy do
Read more

VIII. PAYBACK TIME

Hindi pa kami nakakalayo sa town hall nang pinatigil ko kay kuya ang sasakyan."Kuya, may kukunin lang ako saglit," sabi ko sa kaniya."Demi, nagkakagulo na sa town hall. Paano kung nandun pa yung killer?!" sigaw niya.Bumuntong-hininga ako, "Kuya, saglit lang talaga."Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako sa sasakyan."Demi!"Hindi ko siya pinansin at tumakbo na ako pabalik sa town hall. Buti nalang ay nandoon pa yung mask. Agad kong kinuha iyon at tinago sa bag ko.Bumalik agad ako sa sasakyan ni kuya at pumasok."Tara na," sabi ko.***November 26, 8:00 AMMaaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Parang may umiiyak.Tama nga ako dahil pagbaba ko ay nakita ko si mommy na umiiyak."Mom, what happened?" tanong ko.
Read more

IX. PLANS

November 27, 8:00 AMAng buong tao sa Greenville ay balik sa dating nakagawian. Ngunit ngayon ay kapansin-pansin sa mukha ng bawat isa ang takot at lungkot. Ang dating tawanan ay napalitan ng katahimikan. Tila nagbalik ang Grenville sa dating sitwasyon. Five years ago, ganito rin ang Greenville at dahil din iyon sa isang killer. At nakakatakot kung mangyari ulit 'yon ngayon."Demi!" nakita ko si Mang Isko na kumakaway sakin. Nginitian niya ako. I know that he's also worried. Five years ago, nasaksihan ni Mang Isko ang mga nangyari dito sa Greenville, at alam kong nag-aalala siya na baka mangyari ulit ang mga iyon ngayon."Good morning, Mang Isko," bati ko at pilit na ngumiti."Inaantay mo si Brix?" tanong niya."Opo. Alam niyo naman pong lagi kong kasabay yun tuwing papasok," sabi ko."Ah sige, mauna na ako. Kailangan kong pumunta nang maaga sa chapel para tumu
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status