Home / Paranormal / BAGAC / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of BAGAC: Chapter 21 - Chapter 30

108 Chapters

Chapter 21

"Salamat, Ira...," huling bigkas ni Kat bago kumalas sa kaharap at tinakpan ng dibdib gamit ang buong kanang braso niya.Hinanap ang kapatid at saka itinaas ang kanyang kaliwang kamay.Alerto si Carey sa senyas na iyon kaya mas lumapit pa siya sa pampang at sinalubong ang kanyang Ate hawak ang isang nakalapad na malaking tuwalya.Nilalamig rin si Carey ngunit kahit mabasa ang paanan niya at mataksikan ng tubig-dagat, hindi niya hahayaan ang Ate niya na nakabuyangyang ang hubad na katawan.Hindi naman naging problema sa Team B kung umahon agad si Kat. Naintindihan nila kung hindi na nito kaya ang lamig. Ang mahalaga, tumupad ito sa challenge.Inalalayan ni Carey ang kanyang Ate sa paglakad habang bitbit niya ang mga basang baro nito.Tinignan lamang ni Ira si Kat habang papalayo ito sa kanya. Nang nasa pangangalaga na ito ni Carey, pinili na niyang maglulubog sa tubig upang maiwasang ginawin.Nagkakatuwaan pa ang mga nasa tubig nang lu
Read more

Chapter 22

May isang oras ang lumipas, nakaahon na rin sina Emong, Max, at Chadie ng maayos sa tulong namin Pete. Nagtulong naman kami ni Jing-Jing maging aid sa pag-alis nila Marissa at Ian sa tubig-alat.Ilang sandali pa, naglabas ng baraha si Emong at nakatuwaan nilang maglaro ng binansagang "1,2,3 Pass".Nakadepende ang bilang ng baraha na hawak ng isang player sa bilang kung ilan silang maglalaro.Sa puntong ito, apat lamang ang players kaya hinati ni Emong sa apat ang 54 pcs. na baraha. Sa bawat player ay may hawak na 12pcs. na cards habang nakatago ang butal sa sinumang nagbalasa nito.Sa ngayon, dahil laro namin itong magpipinsan, naging observer lamang ang iba. Si Emong, Max, Carey, at Ian ang mga naglalaro. Paikot ang pwesto at nasa likod ng mga kasali ang mga usi lang.May pagkapareho ang card game na ito sa larong pares. Magsasabay-sabay kayong ilapag ang isang card n'yo patalikod na tingin mo ay hindi mo kailangan o walang kapareha sa hanay ng iyong m
Read more

Chapter 23

Tinitigan ni Chyna si Ira, warning her na 'wag makipag-inuman pero wa epek."Malamig kasi, makakabawas 'yun sa ginaw sa katawan...," pangangatwiran ni Ira at agad na nakiupo malapit sa mga matatanda.Tuloy-tuloy ang tinginan at pakiramdaman namin. May simpleng komunikasyon na nabuo sa mga titigan na iyon."Sige, tagay rin ako, 'Tay...," pakikisali ni Marissa na nakasimple ng pag-apruba ni Ian.Gusto man ni Ian makitagay kahit isa, nag-aalala siya sa sarili na baka masarapan siya sa lambanog at mawili. Alam niyang siya ang pinakamalakas sa mga lalake at kailangan siya in case may di man magandang mangyari.Tumayo naman si Emong at Max upang makisali rin sa tagayan. Ito ay upang hindi makahalata ang matatanda na may pag-aalangan kami sa lugar at sa ilan sa kanila lalo kay Mang Hamin na tahimik lamang pagdating nila.Sa bagay na ito ako proud sa aming magpipinsan, sa tinginan pa lang, nagkakabasahan na. Kung sisiyasatin mo, sa galaw lamang at d
Read more

Chapter 24

Namimilipit na ako sa pagkakakagat ni Jing-Jing habang patuloy ang kanyang panginginig nang mula sa kumpol ng inuman ay lumapit si Mang Hamin.Pumunta siya sa gilid ni Jing-Jing at inilabas ang isang botelya na tila isang mahalimuyak na ointment ang laman. Itinaktak niya iyon sa kanyang palad at saka itinaas ang damit ng irog ko hanggang sa bandang dibdib niya.Inihaplos ni Mang Hamin ang kanyang dalawang palad sa sikmura ni Jing-Jing at nagsimula itong masahihin paitaas hanggang sa ilalim ng suso nito.Nagulantang kami sa ginawa niyang iyon ngunit inaabangan namin kung lalampas pa ang kamay niya maliban sa kung saan ito kasalukuyang dumadampi.Gusto ko man magreact na medyo dumidikit ito sa ilalim ng suso ni Jing-Jing ay minabuti kong manahimik dahil sa paniniwalang makakabuti ito sa kalagayan ng kasintahan ko.Sumaboy ang amoy ng ointment habang hinahagod ito sa buong sikmura ni Jing-Jing. Iniabot niya ang botelya kay Chyna:"Pahiran mo an
Read more

Chapter 25

"Kuya Chadie, ito ba yung pinuntahan natin kanina?," puno ng pagdududa ni Max habang nakaalalay sa braso niya si Chyna."Hindi ko rin alam. Parang ibang lugar 'to eh...," paghahanap rin ni Chadie ng pagkapamilyar sa kinaroroonan."Mang Lindo, ilan po ba ang malapit na kakahuyan sa lugar na 'to?," pagbaling ni Chadie sa kasunod niyang matanda."Tatlo ang kakahuyan sa paligid ng buong dalampasigan. Subalit ito ang pinakamalapit sa puwesto natin," sagot ng matanda na may pagkakubain.Gayunman ang naging paglilinaw ni Mang Lindo, hindi pa rin makahanap ng kahit na anong anggulo na palatandaan sina Chadie at Max na magpapatunay na ito ang kaninang pinuntahan nila at hinakutan ng mga putol na mga punung-kahoy.Kumpara sa unang bisita nila rito, mas malinis ito ngayon at walang mga sangang nakagapang ang mahahakbangan. Mas lamang ang bahagi ng buhangin kaysa sa lupa. Hindi ito sing-kalat gaya nang unang punta nila.Patuloy nilang inilinga-linga ang mga d
Read more

Chapter 26

At itinumba na rin ng hindi mapigilang pagod at antok si Ian.Sa pagkakataong iyon, wala na ni isa man ang gising maliban sa isang taong kanina pa nais bumantay salakay para sa isang maitim na balak.Marahan niya munang iniangat ang kanyang ulo at pasimpleng pinakiramdaman ang mga tao sa paligid.Nang makasiguro siyang mahimbing na ang tulog ng lahat. Maingat siyang bumangon at lumapit sa hilera ng mga babae.Naiinis siya na balot na balot ito ng mga kumot dahil sa labis na lamig. Wala siyang makita na nakakatakam na laman.Hindi niya malaman kung paano niya kukunin ang pinakananasa niya.Mabuti na lang mahigpit ang yakap ko sa katawan ni Jing-Jing kaya hindi niya ito maaagaw.Inilabas niya ang kanyang patalim upang maging handa kung sakaling may pumalag.Sa mga babae roon. Dalawa na lang ang sa tingin niya ay madali niyang matatakot at mahahatak sa dilim. Si Kat o si Carey lang ang mapagpipilian niya.Muli siyang humakbang ng ma
Read more

Chapter 27

Napabalikwas kami sa umalingawngaw na sigawan mula sa magkabilang panig.Hindi namin agad naikaila ang presensiya ng dalawang aso na nasa aming bandang ulunan na bahagyang napaurong sa aming pagbangon." 'Wag kayong tatayo at 'wag n'yo titignan ang mga mata nila..." paalala ko sa mga kasama ko na magkakayapos na nahihintakutan.Hindi naman nag-aangil ang mga aso ngunit hindi maalis ang pangamba na baka bigla itong manakmal ng hindi inaasahan.Maya-maya ay ilang piraso ng bato ang pumuntirya sa pwesto na kinatatayuan ng mga asong ito.Bahagyang naitaboy ito at nagtatakbo malapit sa pampang."Okey lang ba kayo?," buong pag-aalalang bungad ni Ira sa amin nang marating niya ang aming puwesto."Salamat, Ira...," panalubong ni Jing-Jing na bati sa pagsulpot ng kaibigan."Lumayo ka diyan, Ira at baka bigla 'yan bumalik dito at makagat ka..." pangamba pa rin ni Eloisa." 'Wag kayong mag-alala...," wika ni Pete na waring walang pagkabigla
Read more

Chapter 28

Two hours after the incident, wala na ni isa pa ang dinatnan ng antok. Lahat nakikiramdam sa paligid. Bawat ingay, tunog, alon, at maging ihip ng hangin tila pagbabadya ng panganib para sa kanila.Bawat isa pinakahihintay ang pagsilip ni Haring Araw.Akala nila tapos na ang pagpaparamdam. Hindi pa pala.Idinaan ng lahat sa pagkukwentuhan ang pangamba upang malibang sa paghihintay nang isuong ni Ian ang isang munting sapatos sa nagliliyab na apoy. Ito ang munting sapatos pambatang nadampot nina Chadie, Max, Pete, at Eloisa sa unang pagdako nila sa kakahuyan.Mainam na ang talakayan ng isa't isa nang muling lumakas ang apoy kung saan itinapon ni Ian ang munting panapin sa paa. Ilang sandali pa, isang pag-iyak ng sanggol ang tumawid sa kanilang mga pandinig.Agad na nagkapit-kapit ang mga babae habang ang mga lalake ay naging aktibo sa paglinga sa paligid. Kilabot ang namahay sa kanilang mga pagkatao. Damang-dama nila ang pananayo ng kanilang mga balahibo
Read more

Chapter 29

Isang malaking tanong ang nilikha ng panyong nakapa ni Jing-Jing sa kubo kung saan kami panumandaling nagpahinga."Paanong mapupunta rito ang panyong ito?," big question talaga sa akin."Saka Bhy... hindi ito sipon di, ba?... Yucky!," pagpuna pa ng nobya ko sa kumulay at nanigas na mantsa sa tela.Kahit hindi ito ilapit sa aming ilong, alam namin kung ano ito base sa amoy at kulay ng pagkatuyo."Bhy... ganyan ba kulay at amoy ng ano n'yo pag nagsarili kayo?," seryoso ko pang tanong sa kanya.Sumimangot siya at tumingin ng masama sa akin."Ano ka ba?! Sa tingin mo magsasarili ang bff ko dito tapos ganyan karami nilabas niya?,""Eh never pa natin nabalitaan na nagka-bf 'yang pinsan ko kaya imposible...,""Wait... OMG! Hindi kaya na-rape si Kat dito kahapon pero hindi niya lang sinasabi sa atin?," panic na pagtatahi ni Jing-Jing ng kung ano-ano sa isip niya."At wala man lang tayong narinig na ingay?,""Alam mo cute
Read more

Chapter 30

"Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf!," ingay na pilit umaarok sa loob ng aking pandinig upang gisingin ang aking diwa.Pagod ang aking katawan subalit para bang ilang oras na yata ang aming byahe.Mapilit na nanggigising ang ingay at walang paggalaw ang van kaya iminulat ko na rin ang aking mga mata.Nakatigil ito ngunit wala pa kami sa Maynila. Kapwa mga tulog ang mga kasama ko. Naalala ko agad ang lagi kong napapanaginip kaya namuo agad ang kaba sa aking pagkatao.Tinignan ko ang magkabila kong katabi, si Jing-Jing at Pete. Hindi naman nakahubad ang katabi ko tulad sa bangungot ko. Medyo napanatag ako.Subalit ang aso ay patuloy sa pagtahol.Dumungaw ako sa labas ng van. Pamilyar ang lugar.Tama! Ito iyong tumok na hinintuan namin noong papunta pa lamang kami ng Bataan. Dito iyong bumaba si Ian at Kuya Bobby para umihi panumandali. At dito rin yung asong malungkot.Hinanap ko ang ingay sa labas ng van. Napatuon ang sipat ko sa ha
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status