BAGAC

BAGAC

last updateHuling Na-update : 2021-07-03
By:  ArLaSan  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 Mga Ratings. 2 Rebyu
108Mga Kabanata
6.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Isang maganda at nakapang-aaya na pook ang BAGAC. Subalit sa aming paglalakbay sa ilang bahagi nito ay di sinasadyang naakit naming sumama sa aming hanay ang ilang paranormal na nilalang na siya ring naging saksi sa aming mga makamundong pagnanasa, malikot na pag-iisip, at pagtatahi-tahi ng mga pinagmulan at solusyon sa aming mga pakikipag-engkwentro sa kanila. Ako si Hardy. Tuklasin ang pusok at pakikipagsapalaran ko at ng aming mga kaibigan, kalaguyo at kapamilya laban sa mga taga-ibang dimensyon.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

Minsan na ba ninyong naitanong sa inyong sarili....Tayo nga ba ang lumilikha o pumipili ng ating kapalaran? O sadyang nakatadhana na ang bawat nagaganap sa atin? Matalino bang itanong ito sa isang tipikal na mundo o lubhang malikot lamang ang pag-iisip ko.Ganito ako sa bawat pagkakataon na magkakaroon ng pagtila sa pagkilos. Mapag-isip. Mapagtanong kasi hindi naman ako nabiyayaan ng magarbong pamumuhay at hitsurang kababaliwan ng buong mundo. Mapagtanong sa imahinasyon na kung minsa'y bunga ng gutom o di kaya'y kapaguran.Kanina lamang ay marahan kong inilatag ang aking pagal na katawan sa aking kama. At sa isang daglit lamang na pagpikit ng aking mga mata, waring inilipad ako sa dilim patungo sa kawalan....sa lugar na sinuman ay hindi alam ang kasagutan.Sa lingid na pook, sino ako rito? Sadyang madilim. Malamig. Kapareho ba ito ng aking nakagisnang mundo? Bakit wala akong mahapuhap na kahit anuman? Nakakatakot. Dinig ko ang bawat kong paghinga. Nang bigla,

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-02-04 00:09:39
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-02-03 20:57:36
1
108 Kabanata

Chapter 1

Minsan na ba ninyong naitanong sa inyong sarili....Tayo nga ba ang lumilikha o pumipili ng ating kapalaran? O sadyang nakatadhana na ang bawat nagaganap sa atin? Matalino bang itanong ito sa isang tipikal na mundo o lubhang malikot lamang ang pag-iisip ko.Ganito ako sa bawat pagkakataon na magkakaroon ng pagtila sa pagkilos. Mapag-isip. Mapagtanong kasi hindi naman ako nabiyayaan ng magarbong pamumuhay at hitsurang kababaliwan ng buong mundo. Mapagtanong sa imahinasyon na kung minsa'y bunga ng gutom o di kaya'y kapaguran. Kanina lamang ay marahan kong inilatag ang aking pagal na katawan sa aking kama. At sa isang daglit lamang na pagpikit ng aking mga mata, waring inilipad ako sa dilim patungo sa kawalan....sa lugar na sinuman ay hindi alam ang kasagutan.Sa lingid na pook, sino ako rito? Sadyang madilim. Malamig. Kapareho ba ito ng aking nakagisnang mundo? Bakit wala akong mahapuhap na kahit anuman? Nakakatakot. Dinig ko ang bawat kong paghinga. Nang bigla,
Magbasa pa

Chapter 2

Apat na magkakasunod na katok ang bumulabog sa aking pintuan at atubiling binuksan iyon agad ni Jing-Jing habang ako'y abala sa pagpupumilit na pagkasyahin sa isang camping backpack ang aming mga kailangang dalhin."Nandito na pala si Jing-Jing eh...," manghang nasambit ni Max sa kasama nang si Jing-Jing ang sumambulat sa pag-uwang ng pinto.Pinsang lalaki ko si Max. 5'5". Kayumanggi ang balat, nasa ikalabing pito na ang edad, may tamang tindig subalit namimintog ang mga pisngi. Kasama niya ang isa ko pang pinsang babae. Si Kat na bestfriend ng aking kasintahang si Jing-Jing. 5'3". Labing-walong taong gulang. Tabain naman siya, may kulot na buhok at mahilig sa mga normal na floral blouse at maong pants."Tara na, Bhy...nandito na sila...," lingang pag-aya sa akin ni Jing-Jing."Coming!," maagap kong bigkas sabay hablot sa itim na jacket na nakasampay sa sandalan ng silya. Sakbit ko na rin ang backpack habang isang maliit na sling bag lamang ang bitbit ni Jing
Magbasa pa

Chapter 3

Huwebes Santo. Alas singko na ng umaga nang makalarga kami.Planado ang lakad na ito dahil bakasyon ang mga estudyante at wala rin namang pasok sa trabaho kaming mga empleyado na. Marami lamang naging aberya. Tatlong araw bago ang usapang ito, nagkatrangkaso si Max. Muntik namang hindi payagan si Ira ng kanyang mister na makasama sa pag-aakalang hindi aabot ang kanyang byenan sa pagluwas mula sa probinsya. Ang ibang pamilya naman ay pinagbabawalan sumama ang ilan sa kanila dahil sa Mahal na Araw nga iyon at dapat raw ay nagmumuni-muni kami. Pero pinalad naman na matuloy kahit na ibang sasakyan ang aming gamit.Urvan 15 seater ang aming pinangbyahe kaya't may espasyo para sa aming mga bagahe.Anaki'y napagod si Jing-Jing sa aming "naughty-good deed" kanina kaya hiniling niyang sa likod kami pumwesto upang maayos makaidlip. Sa tabing bintana sya naupo (mula sa likod) habang sa kabila ko'y si Pete at si Eloisa naman sa kabilang bintana. Nasa harap namin si Chyna, I
Magbasa pa

Chapter 4

Mahigit walong oras din ang aming paglalakbay. Sa wakas, narating rin namin ang aming destinasyon: Bagac, Bataan.Lampas katanghalian na nang matunton namin ang bahay na aming tutuluyan kaya ubod sa gutom na ang mga sikmura namin."Welcome to Bataan po!," magiliw na salubong ng isang balingkinitang babae sa amin habang diretso sa direksyon ni Ian upang yumapos. "Guys, si Marissa nga pala...girlfriend ko..," pabunyag ni Ian sa babaeng nakapulupot na sa kanya.Habang isa-isa kaming pinapakilala ni Ian sa kanyang dilag, pasimpleng nagkatinginan at nagkakangitian kaming magpipinsan.Kabisado naming babaero si Ian. May babae kahit saang teritoryo siya madako. Di naman siya sa kagwapuhan, yung tipong papunta na sa pagka-Richard Gomez sana kaya lang hindi nakarating. Ganun pa man, maappeal at maporma siya. Di rin mawawala ang pagkamahangin pero kaya ka ipaglaban ng patayan.Sa lahat ng ipinakilala sa amin ni Ian, ito ang masasabi naming malay
Magbasa pa

Chapter 5

Tumatak sa kukote ko ang titig ni Mang Hamin kay Ira nang mga sandaling iyon. Bilang protective boyfriend, hindi ko nanaising tignan rin ng ganoon ang aking kasintahan. Bunga ng takot na iyon, agaran kong tinext si Jing-Jing at nag-imbento na lang ng alibi:["Wag rw kau magshorts ha, mlmig sa ppuntahan ntn ska bka mangati kau sa mga talahib na madaanan paglakad natin...sabihan mo rin yun iba. iloveyou!"]Wala pang isang minuto, sumagot agad si Jing-Jing:["Mrming boys cguro dun kya ayw mo ko mgshorts no! but dnt worry Bhy, mgpants po ako, anlamig na eh. iloveyoumore muah!"]Nakaramdam ako ng sign of relief.Makailang saglit pa, ready na ang lahat at sabay sabay na lumabas kami mula sa bahay ni Marissa habang naihanda na rin ni Kuya Bobby ang sasakyan.Punado ko ang panlalaki ng mata ni Mang Hamin. Para bang ngayon lang siya nakakita ng mga babaeng alta de syudad. Yung tipo niya kasi ay parang si Romy Diaz na handang gumahasa sa tingin pa lang. Tug
Magbasa pa

Chapter 6

Itinago ko ang pakiramdam na iyon ngunit nabigla ako sa pagtabig sa akin ni Pete sabay bulong:"Huwag ka magpahalata...naramdaman mo rin, ano?," napatingin na lamang ako sa kanya. "Huwag mo damdamin at baka tumira 'yan sa'yo....hindi ko lang naramdaman, nakita ko pa...,"dugtong niya.Dalawa pang tapik sa balikat ang iniwan sa akin ni Pete bago siya ulit lumapit kay Eloisa."Bhy, tara na...akyat daw tayo sa taas ng krus...," pagtawag muli sa akin ni Jing-Jing.Tumalima ako sa bilin ni Pete at sa imbitasyon sa akin ni Jing-Jing. Pinilit kong limutan ang lungkot na pumaloob sa akin.Ang atraksyong Krus ay may taas na 302 feet. Ito ay gawa sa pinagsamang bakal at konkreto. Sa pagkakataong iyon ay naabot lamang namin ang ika-36 na palapag nito kung saan maaari naming masilip sa mga bintana ng pahalang na bahagi ng krus ang kabuuang likas yaman ng Bataan at sa kung hanggang saan pa man ang kayang abutin ng aming mga mata. Nakakalula ngunit nakakabilib an
Magbasa pa

Chapter 7

"Doon ka na maligo sa cr ng mga babae tutal tulog na tulog na sila at di man lang nila namalayan nung lumabas kami....," bilin ni Marissa sabay abot ng susi sa akin.Hindi ako tumutol dahil alam ko namang mas maayos ang paliguan roon kaysa sa palikuran sa labas na pasukin ng hangin kaya mas posibleng lamigin ako.Madahan kong sinusian ang door knob at muling inilock nang makapasok. Malumanay na humakbang ako patungo sa cr hanggang sa tagumpay akong makapasok rito at maisara ang pinto ng walang anumang ingay.Malamig ang tubig ngunit kailangan kong maligo kaysa magkasakit na nabasa na nga ng ulan ay nahayaan pa matuyuan ng damit.Nasa kalagitnaan na ako ng pagligo nang may kumatok sa pinto."Sino 'yan?," kwestyun ko habang nagmamadali ng magbanlaw."Bhy, ikaw ba 'yan? Papasok, naiihi na ako eh...," pabulong na pagmamadali ni Jing-Jing."Wait lang, Bhy...patapos na ko...,"muli kong tugon at mas binilisan ko pa ang kilos sabay hablot sa kumot n
Magbasa pa

Chapter 8

Bagaman sementado ang kalsada sa harap ng bahay nila Marissa, hindi ito gaanong daanin ng malalaking mga sasakyan maliban sa ilang traysikel at habal-habal. Dahilan ito upang hindi mag-alangan si Kuya Bobby na igarahe ang van sa mismong bungad ng tahanan ng aming tinutuluyan.Pumwesto si Kuya Bobby gitna at si Brix sa bandang dulo ng van upang maayos silang makahiga. Sarado ang mga pinto nito maliban sa bintana nito sa pagitan ng dalawang natutulog na nakaharap tumbok sa bahay nila Marissa. Pumapasok naman ang malamig na hangin kaya hindi na pinili ng dalawa na mag-aircon at panatilihing patay ang makina ng sasakyan. Ang tanging ilaw nila ay ang poste malapit sa bahay at ang mga maningning na bituin sa tahimik na gabi.Binasag ang payapang gabi na iyon ng paulit-ulit na umaalingawngaw na tahol ng isang aso. Nabulabog sa pagkakahimbing si Brix at pakamot ulong naupo mula sa pagkakahiga. Nang malinawan ang kanyang paningin sa pagmulat, tumambad sa kanya ang nakaupo na si
Magbasa pa

Chapter 9

"Ate...Ate...," pangungulit na kalabit ni Carey sa kanyang kabaligtaran katabi."Ano 'yun?," pikit pa rin ngunit ubod simangot na mukha ni Kat."Nadudumi ako...samahan mo ako sa cr...," may takot na pakiusap ni Carey."Ano ba 'yan, Carey? Ang lapit lang ng cr papasama ka pa...inistorbo mo pa tulog ko...," reklamo ni Kat sabay balik sa mas kumportableng paghiga.Masakit na ang tiyan ni Carey kaya natatakot man ay bumangon siya at dumirekta sa banyo. Agad niyang itinaas ang takip ng bowl at naupo roon upang ilikas ang tawag ng kalikasan.Labis ang kanyang pagtataka nang ibaba niya ang kanyang pyjama. Nasaan ang kanyang underwear?Pilit niyang iniisip kung nakapagsuot ba siya nito o hindi ngunit hindi niya lubos na mapagtanto ang posibilidad na nakaligtaan niya iyong isuot.Habang siya'y nasa trono, makailang beses siyang nakarinig ng langitngit ng kama at kung anong mumunting ingay ng gamit sa kanilang kwarto. Wari niya, may gising na s
Magbasa pa

Chapter 10

Katawa-tawa ang imaheng mayroon sa pagmumukha ng lahat nang magtagpo sa hapag para mag-almusal. Pawang tahimik.Mga halatang puyat. May tila lihim na iringan. Mayroong may duda. Mayroong antok pa at may gutom na gutom tulad ni Emong at Kuya Bobby."Pagkatapos ng almusal, magready na kayo para maaga tayo makarating sa resort...," pagsusubok ni Marissa na buhayin ang mga dugo ng mga bisita.Walang sumagot. Umikot ang mata ni Ian sa lahat na waring nagpapakiramdaman..."Hoy!! Gising!!! Bilisan n'yo kumain nang makabyahe na tayo!," panggulat ni Ian sa lahat."Oo nga...sige..sige..bilisan natin...," napilitan kong suporta kay Ian kasabay ang palakpak na itinapat ko sa bawat nilang mukha.Tinapik pa ni Ian sa balikat ng ibang lalaki para ipaalala ang usapan. Para ngang natauhan at muling nagkaroon ng kaunting ingay sa hapag.Malamlam pa rin ang aura kahit pa nasa van na ang lahat. Wala na gaano nag-ayos tutal ay ligo naman ang pupuntahan at
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status