Home / Paranormal / BAGAC / Chapter 105

Share

Chapter 105

Author: ArLaSan
last update Last Updated: 2021-07-01 20:12:27

Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha.

Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan.

At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan.

Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin?

Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon.

Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

    Last Updated : 2021-07-02
  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

    Last Updated : 2021-07-03
  • BAGAC   Chapter 1

    Minsan na ba ninyong naitanong sa inyong sarili....Tayo nga ba ang lumilikha o pumipili ng ating kapalaran? O sadyang nakatadhana na ang bawat nagaganap sa atin? Matalino bang itanong ito sa isang tipikal na mundo o lubhang malikot lamang ang pag-iisip ko.Ganito ako sa bawat pagkakataon na magkakaroon ng pagtila sa pagkilos. Mapag-isip. Mapagtanong kasi hindi naman ako nabiyayaan ng magarbong pamumuhay at hitsurang kababaliwan ng buong mundo. Mapagtanong sa imahinasyon na kung minsa'y bunga ng gutom o di kaya'y kapaguran.Kanina lamang ay marahan kong inilatag ang aking pagal na katawan sa aking kama. At sa isang daglit lamang na pagpikit ng aking mga mata, waring inilipad ako sa dilim patungo sa kawalan....sa lugar na sinuman ay hindi alam ang kasagutan.Sa lingid na pook, sino ako rito? Sadyang madilim. Malamig. Kapareho ba ito ng aking nakagisnang mundo? Bakit wala akong mahapuhap na kahit anuman? Nakakatakot. Dinig ko ang bawat kong paghinga. Nang bigla,

    Last Updated : 2021-02-03
  • BAGAC   Chapter 2

    Apat na magkakasunod na katok ang bumulabog sa aking pintuan at atubiling binuksan iyon agad ni Jing-Jing habang ako'y abala sa pagpupumilit na pagkasyahin sa isang camping backpack ang aming mga kailangang dalhin."Nandito na pala si Jing-Jing eh...," manghang nasambit ni Max sa kasama nang si Jing-Jing ang sumambulat sa pag-uwang ng pinto.Pinsang lalaki ko si Max. 5'5". Kayumanggi ang balat, nasa ikalabing pito na ang edad, may tamang tindig subalit namimintog ang mga pisngi. Kasama niya ang isa ko pang pinsang babae. Si Kat na bestfriend ng aking kasintahang si Jing-Jing. 5'3". Labing-walong taong gulang. Tabain naman siya, may kulot na buhok at mahilig sa mga normal na floral blouse at maong pants."Tara na, Bhy...nandito na sila...," lingang pag-aya sa akin ni Jing-Jing."Coming!," maagap kong bigkas sabay hablot sa itim na jacket na nakasampay sa sandalan ng silya. Sakbit ko na rin ang backpack habang isang maliit na sling bag lamang ang bitbit ni Jing

    Last Updated : 2021-02-03
  • BAGAC   Chapter 3

    Huwebes Santo. Alas singko na ng umaga nang makalarga kami.Planado ang lakad na ito dahil bakasyon ang mga estudyante at wala rin namang pasok sa trabaho kaming mga empleyado na. Marami lamang naging aberya. Tatlong araw bago ang usapang ito, nagkatrangkaso si Max. Muntik namang hindi payagan si Ira ng kanyang mister na makasama sa pag-aakalang hindi aabot ang kanyang byenan sa pagluwas mula sa probinsya. Ang ibang pamilya naman ay pinagbabawalan sumama ang ilan sa kanila dahil sa Mahal na Araw nga iyon at dapat raw ay nagmumuni-muni kami. Pero pinalad naman na matuloy kahit na ibang sasakyan ang aming gamit.Urvan 15 seater ang aming pinangbyahe kaya't may espasyo para sa aming mga bagahe.Anaki'y napagod si Jing-Jing sa aming "naughty-good deed" kanina kaya hiniling niyang sa likod kami pumwesto upang maayos makaidlip. Sa tabing bintana sya naupo (mula sa likod) habang sa kabila ko'y si Pete at si Eloisa naman sa kabilang bintana. Nasa harap namin si Chyna, I

    Last Updated : 2021-02-03
  • BAGAC   Chapter 4

    Mahigit walong oras din ang aming paglalakbay. Sa wakas, narating rin namin ang aming destinasyon: Bagac, Bataan.Lampas katanghalian na nang matunton namin ang bahay na aming tutuluyan kaya ubod sa gutom na ang mga sikmura namin."Welcome to Bataan po!," magiliw na salubong ng isang balingkinitang babae sa amin habang diretso sa direksyon ni Ian upang yumapos."Guys, si Marissa nga pala...girlfriend ko..," pabunyag ni Ian sa babaeng nakapulupot na sa kanya.Habang isa-isa kaming pinapakilala ni Ian sa kanyang dilag, pasimpleng nagkatinginan at nagkakangitian kaming magpipinsan.Kabisado naming babaero si Ian. May babae kahit saang teritoryo siya madako. Di naman siya sa kagwapuhan, yung tipong papunta na sa pagka-Richard Gomez sana kaya lang hindi nakarating. Ganun pa man, maappeal at maporma siya. Di rin mawawala ang pagkamahangin pero kaya ka ipaglaban ng patayan.Sa lahat ng ipinakilala sa amin ni Ian, ito ang masasabi naming malay

    Last Updated : 2021-02-03
  • BAGAC   Chapter 5

    Tumatak sa kukote ko ang titig ni Mang Hamin kay Ira nang mga sandaling iyon. Bilang protective boyfriend, hindi ko nanaising tignan rin ng ganoon ang aking kasintahan. Bunga ng takot na iyon, agaran kong tinext si Jing-Jing at nag-imbento na lang ng alibi:["Wag rw kau magshorts ha, mlmig sa ppuntahan ntn ska bka mangati kau sa mga talahib na madaanan paglakad natin...sabihan mo rin yun iba. iloveyou!"]Wala pang isang minuto, sumagot agad si Jing-Jing:["Mrming boys cguro dun kya ayw mo ko mgshorts no! but dnt worry Bhy, mgpants po ako, anlamig na eh. iloveyoumore muah!"]Nakaramdam ako ng sign of relief.Makailang saglit pa, ready na ang lahat at sabay sabay na lumabas kami mula sa bahay ni Marissa habang naihanda na rin ni Kuya Bobby ang sasakyan.Punado ko ang panlalaki ng mata ni Mang Hamin. Para bang ngayon lang siya nakakita ng mga babaeng alta de syudad. Yung tipo niya kasi ay parang si Romy Diaz na handang gumahasa sa tingin pa lang. Tug

    Last Updated : 2021-02-03
  • BAGAC   Chapter 6

    Itinago ko ang pakiramdam na iyon ngunit nabigla ako sa pagtabig sa akin ni Pete sabay bulong:"Huwag ka magpahalata...naramdaman mo rin, ano?," napatingin na lamang ako sa kanya. "Huwag mo damdamin at baka tumira 'yan sa'yo....hindi ko lang naramdaman, nakita ko pa...,"dugtong niya.Dalawa pang tapik sa balikat ang iniwan sa akin ni Pete bago siya ulit lumapit kay Eloisa."Bhy, tara na...akyat daw tayo sa taas ng krus...," pagtawag muli sa akin ni Jing-Jing.Tumalima ako sa bilin ni Pete at sa imbitasyon sa akin ni Jing-Jing. Pinilit kong limutan ang lungkot na pumaloob sa akin.Ang atraksyong Krus ay may taas na 302 feet. Ito ay gawa sa pinagsamang bakal at konkreto. Sa pagkakataong iyon ay naabot lamang namin ang ika-36 na palapag nito kung saan maaari naming masilip sa mga bintana ng pahalang na bahagi ng krus ang kabuuang likas yaman ng Bataan at sa kung hanggang saan pa man ang kayang abutin ng aming mga mata. Nakakalula ngunit nakakabilib an

    Last Updated : 2021-02-03

Latest chapter

  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

  • BAGAC   Chapter 105

    Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

  • BAGAC   Chapter 104

    Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw

  • BAGAC   Chapter 103

    Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning

  • BAGAC   Chapter 102

    Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan

  • BAGAC   Chapter 101

    Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4

  • BAGAC   Chapter 100

    "Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi

  • BAGAC   Chapter 99

    Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji

DMCA.com Protection Status