Tumatak sa kukote ko ang titig ni Mang Hamin kay Ira nang mga sandaling iyon. Bilang protective boyfriend, hindi ko nanaising tignan rin ng ganoon ang aking kasintahan. Bunga ng takot na iyon, agaran kong tinext si Jing-Jing at nag-imbento na lang ng alibi:
["Wag rw kau magshorts ha, mlmig sa ppuntahan ntn ska bka mangati kau sa mga talahib na madaanan paglakad natin...sabihan mo rin yun iba. iloveyou!"]
Wala pang isang minuto, sumagot agad si Jing-Jing:
["Mrming boys cguro dun kya ayw mo ko mgshorts no! but dnt worry Bhy, mgpants po ako, anlamig na eh. iloveyoumore muah!"]
Nakaramdam ako ng sign of relief.
Makailang saglit pa, ready na ang lahat at sabay sabay na lumabas kami mula sa bahay ni Marissa habang naihanda na rin ni Kuya Bobby ang sasakyan.
Punado ko ang panlalaki ng mata ni Mang Hamin. Para bang ngayon lang siya nakakita ng mga babaeng alta de syudad. Yung tipo niya kasi ay parang si Romy Diaz na handang gumahasa sa tingin pa lang. Tugma nga naman ang mala-igorot niyang kulot na buhok, sunog na balat at makapal na bigote. Mabuti na lang at si Marissa lang ang sasama sa amin sa van at magmomotor si Mang Salde at Mang Hamin at siyang susundan ni Kuya Bobby.
Sa buong byahe namin mula pa sa Manila, bibihira ang mga pagsasalita ni Brix. Bihira siya makipag-usap ngunit marunong naman siya makisama sa amin. Hindi rin umaalpas sa akin ang mga pagsulyap sulyap niya kay Jing-Jing kaya higit kong hindi siya pinapalayo sa akin kapag magkasama kami.
Wala pang isang oras ay natunton na namin ang aming unang patutunguhan. Ang Mount Samat.
Kilala ang lugar na ito bilang Dambana ng Kagitingan para sa ating mga namayapang bayani ng ikalawang digmaang pandaigdig. Ito ay sinasabing isang tulog na bulkan at may kataasan na 545 metro. Masasabing lubos na naalagaan ang pook na ito dahil lamang ang luntiang kulay ng kapaligiran at preskong hangin. Sa pakiwari ko, ito ang unang beses na masasabi kong napakaganda ng Pilipinas at napakamabiyaya ng Maykapal sa ating lahat.
Paglabas pa lamang namin sa van, hindi magkamaliw ang aking mga kasama sa pagkabilib sa ganda ng paligid.
"Ang ganda dito, Bhy!," ubod sayang palundag na yapos sa akin ni Jing-Jing mula sa aking likuran habang namamangha ang kanyang mga mabilog na mga mata. "Ang sarap ng hangin at ang lamig, para tayong nasa bagyo...," pagpapatuloy nito.
"Mas maganda at mas masarap ka pa rin, Bhy....," bulong ko sa kanya hanggang sa manggigil siya sa aking pisngi at muling humalik hanggang sa humabol siyang sumama kina Chyna at Ira na panay na picture taking.
"Napapasaya mo talaga siya, bro...," malumanay na boses mula sa aking likuran na mula kay Brix. Ginantihan ko siya ng malapad na ngiti at inakma niya ang pakikipagkamay.
Hindi ko tinanggihan ang alok na iyon.
"Congrats, bro...," muling pagsasalita niya na may kasamang ngiti at inulit ko lamang ang simpleng pagtanggap rito.
Namataan ito ni Jing-Jing at agad na kumaripas patungo sa amin at amba ng selfie na magkasama kaming tatlo.
Tinignan ni Jing-Jing agad ang resulta ng larawan at rumehistro ang saya sa kanyang mukha.
Luminga siya kay Brix at bumoses ng "Thank you". Tumango si Brix ng nakangiti. Nang bumaling naman sa akin ang aking kasintahan, kumapit sita ng mahigpit sa aking kanang braso at hinila na ako papunta sa matarik na hagdan na kailangang akyatin.
Sa asta ni Jing-Jing, para siyang bata sa labis na lambing. Subalit maligayang maligaya ang puso ko sa ipinamamalas niyang pagmamahal sa akin sa harap ng ibang tao. Proud na proud ang pakiramdam ko. Napakaswerte ko sa babaeng ito na nasa kanya na yata ang lahat (hindi pala siya marunong magluto). Gandang tulad ng 1995 Bb. Pilipinas Beauty na si Joanne Quintas, mabait at malambing. At higit sa lahat, mahal niya ako.
Hindi ko mabilang kung ilang minuto, picture taking, at daing ng sakit ng binti paakyat ang narinig ko sa mga kasama ko bago namin narating ang tirik ng Mt. Samat. Ngunit nang madatal namin ang patag na parke sa taas nito, higit kaming natuwa sa rurok ng aming mga nasisilayan sa paligid. Para bang nasa Baguio na rin kami.
Matawa-tawa akong datnan na karamihan sa kababaihan ay nakaupo na sa pagod pero nakukuha pa ring magselfie gamit ang view bilang background nila habang ang mga kalalakihan pilit tinitignan ang taas at layo ng aming inakyat. Nasipat ko ang driver namin sa malapit sa van na kausap si Mang Salde at Mang Hamin havang humihitit sila ng sigarilyo.
Maya maya pa ay nakita kong kumaway si Ian kasama si Marissa upang palapitin kami. Tumakbo namin ang sabik na si Carey upang ayain kami:
"Punta raw tayo sa loob ng Museum...taralets!"
Madahan kong hinila patayo ang pagod nang si Jing-Jing at unti-unti kaming sumunod sa iba pa naming kasama.
"Kaibigan ni Tatay si Mayor kaya libre tayong makakapasok sa Museum,...tara na kayo....," pagmamalaki ni Marissa sa amin na ikinasaya rin ng aming bulsa.
Bago pa man kami pumasok, tinapik ako ni Emong at nagsabing sa labas na lang daw siya maghintay sa amin dahil medyo kulob ang Museum at para bang mahirap makahinga roon. Tumungo ako bilang pagsang-ayon.
Sari-saring memorabilia ang makikita sa Museum na ito. Naroon ang buong mapa ng Bataan noon at sa kasalukuyan, mga armas, sebastipol, lumang sulat, lumang bala, radyo at parte ng mga sirang kasangkapan ng ating mga ninuno.
Sa lahat ng naroroon, hindi ko mawari kung bakit nakaramdam ako ng lungkot nang makita ko ang lumang camouflage na taglay ang napadaming butas na tinagusan marahil ng ilang bala. Ang mantsang taglay nito ay malamang lamang na natuyong dugo ng sundalong nagsuot nito. Pinili kung lumayo at ayain na agad si Jing-Jing nang tingin ko'y naikot na rin namin ang lahat ng dapat makita. Pero sa akin, tila mas higit pa at naniksik sa aking dibdib ang pighati na dinanas ng ating mga bayani ng panahon ng giyera.
Itinago ko ang pakiramdam na iyon ngunit nabigla ako sa pagtabig sa akin ni Pete sabay bulong:"Huwag ka magpahalata...naramdaman mo rin, ano?," napatingin na lamang ako sa kanya. "Huwag mo damdamin at baka tumira 'yan sa'yo....hindi ko lang naramdaman, nakita ko pa...,"dugtong niya.Dalawa pang tapik sa balikat ang iniwan sa akin ni Pete bago siya ulit lumapit kay Eloisa."Bhy, tara na...akyat daw tayo sa taas ng krus...," pagtawag muli sa akin ni Jing-Jing.Tumalima ako sa bilin ni Pete at sa imbitasyon sa akin ni Jing-Jing. Pinilit kong limutan ang lungkot na pumaloob sa akin.Ang atraksyong Krus ay may taas na 302 feet. Ito ay gawa sa pinagsamang bakal at konkreto. Sa pagkakataong iyon ay naabot lamang namin ang ika-36 na palapag nito kung saan maaari naming masilip sa mga bintana ng pahalang na bahagi ng krus ang kabuuang likas yaman ng Bataan at sa kung hanggang saan pa man ang kayang abutin ng aming mga mata. Nakakalula ngunit nakakabilib an
"Doon ka na maligo sa cr ng mga babae tutal tulog na tulog na sila at di man lang nila namalayan nung lumabas kami....," bilin ni Marissa sabay abot ng susi sa akin.Hindi ako tumutol dahil alam ko namang mas maayos ang paliguan roon kaysa sa palikuran sa labas na pasukin ng hangin kaya mas posibleng lamigin ako.Madahan kong sinusian ang door knob at muling inilock nang makapasok. Malumanay na humakbang ako patungo sa cr hanggang sa tagumpay akong makapasok rito at maisara ang pinto ng walang anumang ingay.Malamig ang tubig ngunit kailangan kong maligo kaysa magkasakit na nabasa na nga ng ulan ay nahayaan pa matuyuan ng damit.Nasa kalagitnaan na ako ng pagligo nang may kumatok sa pinto."Sino 'yan?," kwestyun ko habang nagmamadali ng magbanlaw."Bhy, ikaw ba 'yan? Papasok, naiihi na ako eh...," pabulong na pagmamadali ni Jing-Jing."Wait lang, Bhy...patapos na ko...,"muli kong tugon at mas binilisan ko pa ang kilos sabay hablot sa kumot n
Bagaman sementado ang kalsada sa harap ng bahay nila Marissa, hindi ito gaanong daanin ng malalaking mga sasakyan maliban sa ilang traysikel at habal-habal. Dahilan ito upang hindi mag-alangan si Kuya Bobby na igarahe ang van sa mismong bungad ng tahanan ng aming tinutuluyan.Pumwesto si Kuya Bobby gitna at si Brix sa bandang dulo ng van upang maayos silang makahiga. Sarado ang mga pinto nito maliban sa bintana nito sa pagitan ng dalawang natutulog na nakaharap tumbok sa bahay nila Marissa. Pumapasok naman ang malamig na hangin kaya hindi na pinili ng dalawa na mag-aircon at panatilihing patay ang makina ng sasakyan. Ang tanging ilaw nila ay ang poste malapit sa bahay at ang mga maningning na bituin sa tahimik na gabi.Binasag ang payapang gabi na iyon ng paulit-ulit na umaalingawngaw na tahol ng isang aso. Nabulabog sa pagkakahimbing si Brix at pakamot ulong naupo mula sa pagkakahiga. Nang malinawan ang kanyang paningin sa pagmulat, tumambad sa kanya ang nakaupo na si
"Ate...Ate...," pangungulit na kalabit ni Carey sa kanyang kabaligtaran katabi."Ano 'yun?," pikit pa rin ngunit ubod simangot na mukha ni Kat."Nadudumi ako...samahan mo ako sa cr...," may takot na pakiusap ni Carey."Ano ba 'yan, Carey? Ang lapit lang ng cr papasama ka pa...inistorbo mo pa tulog ko...," reklamo ni Kat sabay balik sa mas kumportableng paghiga.Masakit na ang tiyan ni Carey kaya natatakot man ay bumangon siya at dumirekta sa banyo. Agad niyang itinaas ang takip ng bowl at naupo roon upang ilikas ang tawag ng kalikasan.Labis ang kanyang pagtataka nang ibaba niya ang kanyang pyjama. Nasaan ang kanyang underwear?Pilit niyang iniisip kung nakapagsuot ba siya nito o hindi ngunit hindi niya lubos na mapagtanto ang posibilidad na nakaligtaan niya iyong isuot.Habang siya'y nasa trono, makailang beses siyang nakarinig ng langitngit ng kama at kung anong mumunting ingay ng gamit sa kanilang kwarto. Wari niya, may gising na s
Katawa-tawa ang imaheng mayroon sa pagmumukha ng lahat nang magtagpo sa hapag para mag-almusal. Pawang tahimik.Mga halatang puyat. May tila lihim na iringan. Mayroong may duda. Mayroong antok pa at may gutom na gutom tulad ni Emong at Kuya Bobby."Pagkatapos ng almusal, magready na kayo para maaga tayo makarating sa resort...," pagsusubok ni Marissa na buhayin ang mga dugo ng mga bisita.Walang sumagot. Umikot ang mata ni Ian sa lahat na waring nagpapakiramdaman..."Hoy!! Gising!!! Bilisan n'yo kumain nang makabyahe na tayo!," panggulat ni Ian sa lahat."Oo nga...sige..sige..bilisan natin...," napilitan kong suporta kay Ian kasabay ang palakpak na itinapat ko sa bawat nilang mukha.Tinapik pa ni Ian sa balikat ng ibang lalaki para ipaalala ang usapan. Para ngang natauhan at muling nagkaroon ng kaunting ingay sa hapag.Malamlam pa rin ang aura kahit pa nasa van na ang lahat. Wala na gaano nag-ayos tutal ay ligo naman ang pupuntahan at
Sa pag-aakala ko'y mananatili na lamang ako photographer ng aking mga pinsan. Mabuti natakot sila na basta magpicture lang ako ng pangit at nakaw na anggulo lang sa aking kuha.Sumaglit lamang at nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makalublob at kaunting makalangoy sa tubig.Pabilog ang korte ng pool at wala gaano sa kanila ang lumalapit sa bandang 6 feet dahil sa pagkakaalam ko, si Chyna at Ian lamang ang marunong lumangoy sa amin. Ako hanggang pagsisid lang, pahirapan pa makaahon.Masaya na sana. Ngunit nang malingat ako pataas kung saan nag-iihaw sila Ian at Marissa, nagulat ako na nagtatagayan ng gin ang tatlong matatanda na pinapangunahan ni Mang Salde. At base sa mga sulyap nila, sa mga babae naming kasama sila nakatunghay.Mahigpit na bilin ng caretaker na bawal ang ibang kulay na damit maliban sa puti at itim. Sa di ko alam na dahilan ay hindi ako gaano ineentertain ni Jing-Jing kaya di ko nasabihan na 'wag magputi ng damit. At dahil basa na ang ka
Padabog na kinuha ni Jing-Jing sa aming backpack ang mga pamalit niya, shampoo, sabon, at tuwalya.Paglinga ko sa direksyon ng aking mga kasama, halos lahat sila ay nakasenyas ng "Lagot ka!" habang mga nakatawa.Sinundan ko lamang si Jing-Jing hanggang sa makarating sa hilera ng shower booth na yari sa konkreto at bakal na pintuan. Agad siyang pumasok sa loob at isinabit ang kanyang mga dalahin."Bhy, may galit ka ba talaga sa akin?" pambasag ko sa tahimik na namamagitan sa amin.Akala ko'y magbabanlaw na siya nang muli siyang lumabas. Galit nga ang mukha at kinurot ang kanang braso ko."Ahhh...bakit?," mahinang inda ko."Nagtatanong ka pa...type mo si Ira no? Mas malaking boobs ba gusto mo?", ratatat niya na waring may tutulong luha sa sobrang inis. Tikom rin ang kanyang mga kamao.Hinimas ko ang kanyang kinurot dahil sa hapdi nito."Ano ka ba, Bhy...pa'no mo naisip 'yan?""Eh kanina mo pa siya pinupuri eh...,""
"Nanlalambot ako, Bhy...ang hapdi ng ano ko...," nangingiwing aray ni Jing-Jing habang nakakapit siyang pisil ang braso ko at naglalakad kami pabalik sa cottage."Sorry talaga, Bhy ha...ang sarap mo kasi eh...," sagot kong nagtulak sa kanya para kurutin ulit ng pino ang balat ng kapit niyang braso ko."Tuwa ka pa, umaray na nga ko...ni-rape mo ko eh...," pinaghalong asar at inda niya."Sorry na nga, ikaw naman nagpasok eh...," panggatong ko pa na nangingiti-ngiti.Hinampas hampas niya pa ulit ang braso kong nasa panig niya dahil sa sobrang inis sa akin."Ako pa sinisi mo, ikaw nga lang nasarapan!,""Oh halika, balik tayo dun para ikaw naman masarapan...," pabiro ko muling hayag sa kanya na muling naging hudyat para pagpapaluin niya ako."Gusto mo pa umulit, ang sakit-sakit na nga ng ano ko...,"Masaya ako sa cute niyang reaksyon kahit halos yukod na siya lumakad dahil sa iniinda. Mahal ako ng taong ito na ni hindi niya ako maku
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan
Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4
"Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi
Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji