"Nanlalambot ako, Bhy...ang hapdi ng ano ko...," nangingiwing aray ni Jing-Jing habang nakakapit siyang pisil ang braso ko at naglalakad kami pabalik sa cottage.
"Sorry talaga, Bhy ha...ang sarap mo kasi eh...," sagot kong nagtulak sa kanya para kurutin ulit ng pino ang balat ng kapit niyang braso ko.
"Tuwa ka pa, umaray na nga ko...ni-rape mo ko eh...," pinaghalong asar at inda niya.
"Sorry na nga, ikaw naman nagpasok eh...," panggatong ko pa na nangingiti-ngiti.
Hinampas hampas niya pa ulit ang braso kong nasa panig niya dahil sa sobrang inis sa akin.
"Ako pa sinisi mo, ikaw nga lang nasarapan!,"
"Oh halika, balik tayo dun para ikaw naman masarapan...," pabiro ko muling hayag sa kanya na muling naging hudyat para pagpapaluin niya ako.
"Gusto mo pa umulit, ang sakit-sakit na nga ng ano ko...,"
Masaya ako sa cute niyang reaksyon kahit halos yukod na siya lumakad dahil sa iniinda. Mahal ako ng taong ito na ni hindi niya ako makuhang sampalin. Hanggang kurot at hampas sa braso lang ang iginaganti niya kapag ganitong inis siya.
"Sorry na nga eh..."
"Sorry ka diyan," irap niya.
"Uy...umayos ka ng lakad mo at 'wag ka pahalata sa kanila...alam mo na, mas iisipin nila talaga na may ginawa tayo...," bilin ko sa kanya.
"Bahala ka...," tipong tampuhin pa.
Nang makarating kami sa cottage, agad naming isinilid sa isang reserbang supot ang lahat ng basa naming damit.
Naroon pa rin ang mga kasama namin sa pool ngunit nagkukumpulan na lang sila sa isang bahagi nito. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Nasipat kami ni Eloisa at sumenyas upang kami'y bumaba. Nagsilingon sila sa amin habang sinesenyasan.
"Tawag nila tayo...kaya mo na ba o dito ka muna?,"
"Uy sasama ako...mamaya may manghubad na naman dito sa akin...," takot na banggit ni Jing-Jing na di na rin nagpapahalata sa kinikimkim na hapdi.
Inalalayan ko siya sa pagbaba sa batuhang hagdan patungo sa pool. Ilang hakbang pa bago namin sila malapitan ay nauulinigan ko na ang paksa ng kanilang usapan.
"Nakwento na sa akin ni Jing-Jing ang tungkol sa nangyari sa kwarto n'yo kagabi...," bungad ko nang marinig kong kinukwento na ni Kat ang tungkol rito.
Napansin ko ang tinginan ni Ian at Marissa at ang pagtango ng pinsan ko na para bang isang hudyat.
"Guys, may aaminin ako sa inyo...," hiyang intro ni Marissa.
"Ayoko sanang matakot kayo pero normal na sa aking nangyayari na gabi-gabi may nanghuhubad doon sa bahay...," pag-amin ni Marissa na bumulaga sa lahat.
"Ang kwento sa akin ni Tito Hamin, ilang taon pa lang ang nakakaraan, may isang lahing katutubo raw ang naligaw sa baryo na 'to. Ignorante siya sa maraming bagay. Wala siyang batid sa kahit anong batas kundi ang nakasanayan niya sa kanilang tribo. Isang araw, nakita siyang ginahasa at pinatay ang anak ng Kapitan. Nang malaman ng Kapitan ang sinapit ng dalaga niya, hindi ito tumigil hangga't hindi niya naipaghihiganti ang anak. Nang dahil sa impluwensiya ng Kapitan, at sa galit na rin ng mamamayan sa kumalat na balita, madaling nahuli ang katutubo. Matapos magulpi ng taong bayan, ipinagapos siya ng Kapitan at pinitpit raw ng pino ang ari nito sa pamamagitan ng pagbambo. Namatay yung katutubo dahil sa dami ng pahirap na ginawa sa kanya. Nalagutan raw ito ng hininga sa mismong lupa kung saan nakatirik ang bahay namin ngayon...,"
"Anong kinalaman nito sa nangyari kagabi sa kanila?" blankong pag-iisip ni Brix.
"Mahilig sa babae ang katutubo...nasa bahay pa ang kaluluwa niya. Mabuti at wala na siyang kakayahan na manggahasa kaya ang manghubad na lang ang inuulit-ulit nito sa akin. Hindi ko naman inasahan na gagawin niya rin yun sa inyo...," pangungumpleto ni Marissa.
"OMG, ayoko na matulog dun..," takot ni Kat.
"Oo, ayoko na rin doon...," dugtong ni Carey.
"Huling gabi na natin ngayon dito, bukas bibiyahe na tayo pauwi...," usal ko.
"Eh saan naman tayo matutulog mamaya?," usisa ni Chyna.
"Magsama-sama na lang lahat tayo sa isang kwarto...," suwestyon ni Eloisa.
"NO!," madiing pagtutol ni Ira. "Paano kung magkakasama tayo lahat pero makukuha pa rin niya kaming hubaran? Ano kayong mga lalake? Sinuswerte?," paghihimay ni Ira.
Napatawa ang ilan sa amin.
Kinurot ulit ako ni Jing-Jing sa braso kaya naimpit ang aking pagtawa.
"Eh ano naman yung aninong umiikot doon sa kwarto namin?," pagsingit ni Max.
"Siya rin 'yon. Tinatakot niya ang mga lalake. Ganoon ang ginagawa niya kina Tatay kaya doon na si Tatay nakikitulog kina Tito Hamin...," paglilinaw muli ni Marissa.
"Nakita ko rin 'yon...pero hindi ko na lang siya pinansin...siya rin ang mapapagod manakot..," bahagi ni Pete.
"Kung ayaw n'yo na matulog sa bahay, may suggestion ako...," pagbibigay ideya ni Marissa.
"Sige, ano 'yun?," maagap kong tanong.
"Malapit lang kami sa dalampasigan pero hindi pa kayo nakakapunta don...doon na lang tayo magpalipas ng gabi...," pagbuo ni Marissa ng mungkahi.
"Tama!...Bonfire!," buong siglang sigaw ni Chadie.
"Nice idea!," pagkatuwa ni Ira na may kasamang pagpalakpak.
"Gusto ko rin 'yun...," pagsang-ayon ni Kat.
"Doon na ba tayo didiretso?," tanong ni Emong.
"Madadaanan pa rin natin ang bahay bago makapunta sa dalampasigan...," paglilinaw muli ni Marissa.
"Tama lang 'yun para makakuha pa tayo ng mga panapin at ilang kailangan...," linya ni Ian.
"Ipapasunod ko na lang yung ibang kailangan kina Tatay para hindi tayo gaano magtagal sa pagdaan roon...," pagtanggal alalahanin ni Marissa sa grupo.
"Okey, mukhang buo na ang plano...let's go!," hudyat ko sa kanila.
Halos alas quatro na rin nang hapon ang ayaan at pag-ahon nilang iyon.
Isang oras pa ang lumipas at handa na silang lisanin ang mala-tumok na lugar na iyon.
Kung sa katotohanan lang, habang nasa byahe na kami, para bang mas nanaisin naming humilata na lamang kahit sa matigas na papag, mailapat lang ang nagkukumirot naming mga katawan. Bunga ito malamang ng pagkabanat ng aming mga kasu-kasuan sa paglangoy kanina at puyat na rin dahil sa mga katatakutang naganap.Ngunit okey na rin na kahit paano'y kumportable akong nakaupo sa byahe habang ang ulo ni Jing-Jing ay nasa balikat ko.Tahimik ang loob ng sasakyan. Napipikit-pikit na ako nang kabigin ako ni Pete gamit ang kanyang balikat."Nandito siya...," mahinang boses ni Pete nang lingunin ko siya."Sino?," mabilis kong tanong na may kasamang kunot na noo.Inilinga-linga ko ang aking mata upang hagilapin ang tinutukoy ni Pete nang mapuna ko ang madaliang pagbubukas niya ng zipper ng backpack na nasa kanyang paanan. Hinablot niya ang jacket niyang baon at maliksing ipinatong kay Eloisa.Bago pa man lumapat sa balat ni Eloisa ang jacket, nahagip na ng aking
Iyong inaasahan kong pagbagsak sa akin ng tumagilid na van sa kumunoy, isang pagsubsob pala sa sandalan ng upuang nasa unahan ko.Nagsama-samang kaba at mabilis kong paghahabol ng hininga ang danas ko pagkamulat ng mga talukab ko. Isang bangungot na naman ang lahat."Okey ka lang, Bhy?," pag-aalala ko sa kanya na halos pareho ko ring sumubsob."Nauntog lang konti, Bhy pero okey lang...," sayod ni Jing-Jing habang pikit ang isang mata at hawak ang kanang parte ng kanyang noo.Hinalikan ko ang bahagi ng noong iyon.Kapwa nahulog sa lapag sila Pete at Eloisa dahil sa biglaang pagpreno ng sasakyan. Naalarma si Brix kaya tinulungan niya agad ang dalawa na makabalik sa upuan nila.Nang makaupo muli ang dalawa kahilera namin ni Jing-Jing, nanlaki ang mata ko nang makita kong nakaluwa ang isa sa susong mala-pakwan ni Eloisa mula sa kanyang spaghetti strap na suot. Namalas rin malamang agad nito ni Pete kaya daglit niyang ipinantakip ang kanyang jacket rit
Hindi ko alam kung tamang ideya ba na mahiwa-hiwalay kami sa pagkakataong ito. Subalit isa lang ang mahalaga sa ngayon : ang makaalis kami sa tumok na kinaroroonan ng linggatong namin."Marissa, okey lang ba na mauna ka na muna at kung sino pwede mong isabay?," mungkahi ni Ian.Pabor ako sa sinabing ito ni Ian. Sa tingin ko bilang lalake na nag-aalala sa kapakanan ng mga kasama naming babae, ito ang prayoridad namin ngayon.Hindi namin kabisado ang utak ng mga kalalakihan sa paligid ni Marissa ngunit alam naming mapapangalagaan ni Marissa ang sinumang makakasabay nito."Mang Lindo, ilan po ang kayang isakay sa traysikel n'yo?," urirat ko rito upang mapag-aralan ang paghahati-hati sa grupo."Eh mga nasa apat hanggang lima naman ang kasya, iho...," sagot ni Mang Lindo na halos kuba na sa tindig.Umisip ako pansamantala."Marissa, pasabay na lang sa'yo sina Chyna at Ira pati si Emong...," pakisuyo ko."Carey, tutal maliit ka...bak
Linga dito. Linga doon.Hagilap dito. Hagilap doon.Naiwan si Ian, Marissa, Chyna, at Ira sa tila picnic spot namin malapit sa pampang. Karamihan sa amin, pares-pares na naglakad sa pali-paligid upang kumalap ng dagdag na pandingas sa bonfire.Si Eloisa, Pete, Chadie at Max ang tumungo sa bandang hilaga na may mga halaman at mumunting mga puno. Sa bandang kaliwa sila Brix at Kat habang ang magpinsang sina Emong at Carey sa kanan patungo sa direksyon kung saan malapit ang may party at the beach.Sa aming lahat, kami ni Jing-Jing ang unang nakaranas mabasa ng mga alon ang mga paa habang sumusubok na makakuha ng mga pandingas."Bhy, nakakatakot naman 'tong alon," pangamba ni Jing-Jing habang pasipa-sipa sa daloy ng tubig. "Parang hinihila niya paa ko papunta doon sa gitna...,""Wag ka mag-alala, kapit kita...malakas lang talaga ang hatak ng tubig pabalik kasi high tide na at matataas na alon...," panubok kong pagaanin ang takot niya habang naka
"Kat, dilaan mo para luminis...," munting pasuyo ni Brix sa babae nang hindi niya alam paano lilinisin ang nagkalat na katas sa kanyang pag-aari at kamay."Ewww... ayoko nga, mamaya maamoy pa 'yan sa bibig ko...," asiwang tanggi ni Kat na palingon-lingon pa ring nagbibihis.Natawa si Kat sa reaksyon ng mukha ni Brix sa pagkatuliro kung paano lilinisin ang sarili.Tumindig siya sa pagkakaupo sa mesa at hinugot ang isang panyo sa kanyang likurang bulsa."O, eto na lang ipunas mo tapos itapon mo na...," pag-aabot ni Kat ng panyo sa kasintahan.Nangiti at nakaluwag sa pag-aalala si Brix nang kuhain niya ang iniabot ng babae. Daglit niya itong ipinunas sa mga pagitan ng kanyang mga daliri at sa kanyang pang-ibabang ulo. Nang pakiramdam niya'y malinis na ang mga ito, humagilap siya ng pagsisiliran ng pamunas.Ilang tahol ng aso ang nagpakaba sa dalawa at agad nilang nilisan ang kubo dahil sa takot.Bago makalapit sa kanilang Bonfire area, naghugas
Labis na malamig ang hangin at dahil busog na, karamihan ay ramdam ang antok at pagkabored."Sayang naman overnight natin dito kung itulog lang natin...," opinyon ni Chyna na halatang batong-bato sa sandali."Ano gagawin natin?," tanong agad ni Chadie."Magtaguan tayo!," pagbibiro ni Max."As in may matataguan tayo dito, 'no?," blankong kuwestyon ni Eloisa."Tago tayo sa buhangin..," tumatawang banat ni Pete sa katabi."Gusto mo ibaon kita sa buhangin?," pasigang sagot ni Eloisa sa jowa.Lumikha ng tawanan ang maiksing panimula na iyon."I have an idea...let's have a game!," suwestyon ni Ira."Anong game?," usisa ni Carey."Wait lang, gawa lang ako ng roulette para fair yung pagpili ng magkakakampi...," salita ni Ira habang kinukuha ang phone niya sa bag."Oo nga, ano? Sakto tig-pito per team," pagkadiskubre ni Kat sa bilang nila."Mas okey nga 'yang iroleta para no choice sa kakampi...," follow up ni Chyna.
Batid ni Ira na talo na sila ngunit bilang may pakana ng lahat. Nakaisip pa siya ng palusot."Wait! I'm eliminating myself and we still have Kat for our team...," umarya ang gulang ni Ira sa takot rin sa penalty na siya ang creator."Kasama pala yung leader?," protesta ni Brix."Oo naman, team member din ako at usapan ubusan di, ba?," eksplenasyon pa rin ni Ira para iligtas ang team niya."Proceed ka na, Jing!," mando niya pa sa leader ng Team B.No choice na si Jing-Jing. Lahat ng nakikita niya at natitirang bagay sa loob ng kanyang bag ay mayroon din sa kanyang Bff.Napapaisip na siya kung safe ba talaga na nakahubad sa dagat ngayong gabi.Humugot siya ng isang buntong hininga at saka hinugot ang isang bagay sa kanyang busluan.Pagkataas niya nito ay nanlaki ang mata ni Kat at agarang ginalugad ang loob ng kanyang bag. Nang wala siyang makita, kinapa niya ang bulsa ngunit wala ang importanteng bagay na iyon. Napatingin siya kay Brix.
"Salamat, Ira...," huling bigkas ni Kat bago kumalas sa kaharap at tinakpan ng dibdib gamit ang buong kanang braso niya.Hinanap ang kapatid at saka itinaas ang kanyang kaliwang kamay.Alerto si Carey sa senyas na iyon kaya mas lumapit pa siya sa pampang at sinalubong ang kanyang Ate hawak ang isang nakalapad na malaking tuwalya.Nilalamig rin si Carey ngunit kahit mabasa ang paanan niya at mataksikan ng tubig-dagat, hindi niya hahayaan ang Ate niya na nakabuyangyang ang hubad na katawan.Hindi naman naging problema sa Team B kung umahon agad si Kat. Naintindihan nila kung hindi na nito kaya ang lamig. Ang mahalaga, tumupad ito sa challenge.Inalalayan ni Carey ang kanyang Ate sa paglakad habang bitbit niya ang mga basang baro nito.Tinignan lamang ni Ira si Kat habang papalayo ito sa kanya. Nang nasa pangangalaga na ito ni Carey, pinili na niyang maglulubog sa tubig upang maiwasang ginawin.Nagkakatuwaan pa ang mga nasa tubig nang lu
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan
Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4
"Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi
Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji