Home / All / BAGAC / Chapter 14

Share

Chapter 14

Author: ArLaSan
last update Last Updated: 2021-02-06 06:02:34

Kung sa katotohanan lang, habang nasa byahe na kami, para bang mas nanaisin naming humilata na lamang kahit sa matigas na papag, mailapat lang ang nagkukumirot naming mga katawan. Bunga ito malamang ng pagkabanat ng aming mga kasu-kasuan sa paglangoy kanina at puyat na rin dahil sa mga katatakutang naganap.

Ngunit okey na rin na kahit paano'y kumportable akong nakaupo sa byahe habang ang ulo ni Jing-Jing ay nasa balikat ko.

Tahimik ang loob ng sasakyan. Napipikit-pikit na ako nang kabigin ako ni Pete gamit ang kanyang balikat.

"Nandito siya...," mahinang boses ni Pete nang lingunin ko siya.

"Sino?," mabilis kong tanong na may kasamang kunot na noo.

Inilinga-linga ko ang aking mata upang hagilapin ang tinutukoy ni Pete nang mapuna ko ang madaliang pagbubukas niya ng zipper ng backpack na nasa kanyang paanan. Hinablot niya ang jacket niyang baon at maliksing ipinatong kay Eloisa.

Bago pa man lumapat sa balat ni Eloisa ang jacket, nahagip na ng aking mata ang isa sa mala-pakwan na dibdib ni Eloisa.

Nakuha ko na ang nais tukuyin ni Pete kaya bigla kong nilingon si Jing-Jing na direktang nakadikit ang walang saplot niyang balat sa aking braso.

Maagap ko siyang kinupkop sa aking yakap at nag-ala-tsamba sa kahit anong makukuha sa backpack ko, matakpan lamang ang katawan niya. Isang tuwalya ang nailabas ko at ikinober sa kanya.

Muli akong lumingon-lingon hanggang madagit ng mata kong mga umuusok na mga dahon sa mga puno sa tumok. Lumakas ito hanggang sa mag-apoy at tuluyang magliyab ang paligid na silay ko mula sa bintana ng van malapit sa amin ni Jing-Jing.

"Hoy, magsigising kayo!," unang sigaw ko upang maalarma sila ngunit wala itong naging apekto. Ikinabigla ko pa na maging si Pete ay nawalan na ng malay. Bumaling ako sa taga-maneho.

"Kuya Bobby, bakit tayo nakahinto? Tayo na at baka abutan pa tayo ng sunog dito!," muli kong bulyaw bunga ng pangamba ngunit wala akong nakitang nakaupo sa driver's seat.

Hindi ako maaaring maupo lamang sa ganitong sitwasyon.

Binuksan ko muli ang aking backpack ng ubod bilis at kumuha ako ng malaki-laking tshirt. Iniangat ko si Jing-Jing na nakayuko na at inuupo ko ng maayos bago suotan ng damit. Ipinalda ko naman ang kaninang tuwalya bilang takip niya pang-ibaba sabay marahan ko siyang isinandal sa pagitan ng bintana at inuupuan niya.

Tumindig ako at pinilit gisingin si Pete ngunit para bang nakainom ng sleeping pills.

Bumaling naman ako sa nasa unahan nila na si Brix ngunit para itong walang buhay.

Nanlaki ang mga mata ko paglipat ng tingin ko kina Chyna at Ira na wala ring malay at walang anumang saplot. Ganun din ang pinsan kong si Kat at Carey sa sumunod na hilera. Hindi ko naalintana ang mga katawan nila dahil sa panic.

Kinalampag ko ang pwesto ni Max, Emong at Chadie ngunit pareho lang sila ng iba.

Sinikap kong makalabas sa van upang hanapin si Kuya Bobby na siyang pinaka kailangan namin upang makalayo at makaligtas sa lugar na ito.

Nang lisanin ko ang mga kasama ko sa sasakyan, nanuot sa balat ko ang nakakapasong init sa tumok. Inikot ko ang paligid ng van ngunit walang Kuya Bobby na mamataan.

Higit na umaalab ang higanteng apoy na pumupuksa sa kagubatan. Tinakbo ko ang driver's seat at pagkaupo ko rito ay inalog ko naman si Ian sa front seat na tulog rin gaya ng katabi niyang hubad na si Marissa.

Naroon ang susi ng van, ipinihit at binuhay ko ang makina nito. Makailang beses akong bumisina upang makahingi rin ng tulong nang lumitaw sa unahan ng van ang isang malaking aso.

Pamilyar siya.

Tama! Ito yung aso na nakita ko nang papunta pa lamang kami dito sa Bataan.

Sa halip na matakot ako ay para bang isang maamong tupa ang mukhang ipinamalas nito sa akin. Para bang iiyak.

Sinubukan kong paandarin ang van ngunit ayaw nitong gumana. Ilang beses kong sinubok ngunit ayaw talaga. Kapagdaka'y naramdaman kong yumanig ang sasakyan. May pagkalangitngit na tumunog at wari'y pasubsob ang bumper nito.

Binuksan ko ang pinto ng driver's seat at lumundag ako pababa. Sa kasamaang palad, bumagsak ako sa isang putikan.

Ngunit hindi ordinaryong putikan. Sa sandaling ito, kasama kong lumulubog paunti-unti ang van sa isang kumunoy.

"Saklolo!!!!," ito na lamang ang paraan ko, ang sumigaw.

Lumitaw muli ang aso malapit sa akin at umalulong na tila umiiyak. Nakakapangilabot ang alulong na iyon. Animo'y nagtatawag siya ng mga engkanto o anumang laman-lupa.

"Tulungan mo ako...," pagmamakaawa ko sa asong kasinlaki ng mga Snow Dogs.

Napatigil ang alulong nito at may tinitigan mula sa malayo. Sa paggalaw ng ilong nito ay halatang may bigla siyang naamoy. Bigla itong umangil sa tinititigang direksyon.

Mula sa kawalan ay dahan-dahang palakad na sumulpot ang isa pang asong may mas mahabang leeg at katawan ngunit pareho lamang sila ng kulay.

Galit na galit ang asong kanina'y umaalulong habang nakaangil lang ang bagong dating na aso. Kung wala lang siguro ang agwat ng kumunoy na naghihiwalay sa kanilang tinatapakan ay baka nagsagpangan na itong dalawa.

Kalat na kalat na ang apoy. Nagbabagsakan na ang ilang punong natupok nito at wala akong maiambag pa kundi hintayin ang aming katapusan.

"Sabi ko sa'yo 'wag kang aalis...," isang malamig na matandang boses ang pumaimbabaw sa hangin.

"Sino ka? Tulungan mo ako!!!!!," desperado kong hiyaw at biglang tumunog ang tatlong malakas na gong.

Halos gabaywang na ang lumulubog sa akin nang umangat na ang dulong bahagi ng van at marahang gumilid. Mas delikado ito ngayon dahil sigurado itong dadagan at magbabaon pa lalo sa akin sa ilalim ng kumunoy.

Ano pa ba ang gagawin ko kundi magpumiglas at piliting makalayo sa posibleng panganib o kamatayan ko. Pero oras ko na at hindi ko na malalabanan ang tadhanang ito.

"Oh no! No! No! No!,"

Related chapters

  • BAGAC   Chapter 15

    Iyong inaasahan kong pagbagsak sa akin ng tumagilid na van sa kumunoy, isang pagsubsob pala sa sandalan ng upuang nasa unahan ko.Nagsama-samang kaba at mabilis kong paghahabol ng hininga ang danas ko pagkamulat ng mga talukab ko. Isang bangungot na naman ang lahat."Okey ka lang, Bhy?," pag-aalala ko sa kanya na halos pareho ko ring sumubsob."Nauntog lang konti, Bhy pero okey lang...," sayod ni Jing-Jing habang pikit ang isang mata at hawak ang kanang parte ng kanyang noo.Hinalikan ko ang bahagi ng noong iyon.Kapwa nahulog sa lapag sila Pete at Eloisa dahil sa biglaang pagpreno ng sasakyan. Naalarma si Brix kaya tinulungan niya agad ang dalawa na makabalik sa upuan nila.Nang makaupo muli ang dalawa kahilera namin ni Jing-Jing, nanlaki ang mata ko nang makita kong nakaluwa ang isa sa susong mala-pakwan ni Eloisa mula sa kanyang spaghetti strap na suot. Namalas rin malamang agad nito ni Pete kaya daglit niyang ipinantakip ang kanyang jacket rit

    Last Updated : 2021-02-06
  • BAGAC   Chapter 16

    Hindi ko alam kung tamang ideya ba na mahiwa-hiwalay kami sa pagkakataong ito. Subalit isa lang ang mahalaga sa ngayon : ang makaalis kami sa tumok na kinaroroonan ng linggatong namin."Marissa, okey lang ba na mauna ka na muna at kung sino pwede mong isabay?," mungkahi ni Ian.Pabor ako sa sinabing ito ni Ian. Sa tingin ko bilang lalake na nag-aalala sa kapakanan ng mga kasama naming babae, ito ang prayoridad namin ngayon.Hindi namin kabisado ang utak ng mga kalalakihan sa paligid ni Marissa ngunit alam naming mapapangalagaan ni Marissa ang sinumang makakasabay nito."Mang Lindo, ilan po ang kayang isakay sa traysikel n'yo?," urirat ko rito upang mapag-aralan ang paghahati-hati sa grupo."Eh mga nasa apat hanggang lima naman ang kasya, iho...," sagot ni Mang Lindo na halos kuba na sa tindig.Umisip ako pansamantala."Marissa, pasabay na lang sa'yo sina Chyna at Ira pati si Emong...," pakisuyo ko."Carey, tutal maliit ka...bak

    Last Updated : 2021-02-06
  • BAGAC   Chapter 17

    Linga dito. Linga doon.Hagilap dito. Hagilap doon.Naiwan si Ian, Marissa, Chyna, at Ira sa tila picnic spot namin malapit sa pampang. Karamihan sa amin, pares-pares na naglakad sa pali-paligid upang kumalap ng dagdag na pandingas sa bonfire.Si Eloisa, Pete, Chadie at Max ang tumungo sa bandang hilaga na may mga halaman at mumunting mga puno. Sa bandang kaliwa sila Brix at Kat habang ang magpinsang sina Emong at Carey sa kanan patungo sa direksyon kung saan malapit ang may party at the beach.Sa aming lahat, kami ni Jing-Jing ang unang nakaranas mabasa ng mga alon ang mga paa habang sumusubok na makakuha ng mga pandingas."Bhy, nakakatakot naman 'tong alon," pangamba ni Jing-Jing habang pasipa-sipa sa daloy ng tubig. "Parang hinihila niya paa ko papunta doon sa gitna...,""Wag ka mag-alala, kapit kita...malakas lang talaga ang hatak ng tubig pabalik kasi high tide na at matataas na alon...," panubok kong pagaanin ang takot niya habang naka

    Last Updated : 2021-02-08
  • BAGAC   Chapter 18

    "Kat, dilaan mo para luminis...," munting pasuyo ni Brix sa babae nang hindi niya alam paano lilinisin ang nagkalat na katas sa kanyang pag-aari at kamay."Ewww... ayoko nga, mamaya maamoy pa 'yan sa bibig ko...," asiwang tanggi ni Kat na palingon-lingon pa ring nagbibihis.Natawa si Kat sa reaksyon ng mukha ni Brix sa pagkatuliro kung paano lilinisin ang sarili.Tumindig siya sa pagkakaupo sa mesa at hinugot ang isang panyo sa kanyang likurang bulsa."O, eto na lang ipunas mo tapos itapon mo na...," pag-aabot ni Kat ng panyo sa kasintahan.Nangiti at nakaluwag sa pag-aalala si Brix nang kuhain niya ang iniabot ng babae. Daglit niya itong ipinunas sa mga pagitan ng kanyang mga daliri at sa kanyang pang-ibabang ulo. Nang pakiramdam niya'y malinis na ang mga ito, humagilap siya ng pagsisiliran ng pamunas.Ilang tahol ng aso ang nagpakaba sa dalawa at agad nilang nilisan ang kubo dahil sa takot.Bago makalapit sa kanilang Bonfire area, naghugas

    Last Updated : 2021-02-08
  • BAGAC   Chapter 19

    Labis na malamig ang hangin at dahil busog na, karamihan ay ramdam ang antok at pagkabored."Sayang naman overnight natin dito kung itulog lang natin...," opinyon ni Chyna na halatang batong-bato sa sandali."Ano gagawin natin?," tanong agad ni Chadie."Magtaguan tayo!," pagbibiro ni Max."As in may matataguan tayo dito, 'no?," blankong kuwestyon ni Eloisa."Tago tayo sa buhangin..," tumatawang banat ni Pete sa katabi."Gusto mo ibaon kita sa buhangin?," pasigang sagot ni Eloisa sa jowa.Lumikha ng tawanan ang maiksing panimula na iyon."I have an idea...let's have a game!," suwestyon ni Ira."Anong game?," usisa ni Carey."Wait lang, gawa lang ako ng roulette para fair yung pagpili ng magkakakampi...," salita ni Ira habang kinukuha ang phone niya sa bag."Oo nga, ano? Sakto tig-pito per team," pagkadiskubre ni Kat sa bilang nila."Mas okey nga 'yang iroleta para no choice sa kakampi...," follow up ni Chyna.

    Last Updated : 2021-02-10
  • BAGAC   Chapter 20

    Batid ni Ira na talo na sila ngunit bilang may pakana ng lahat. Nakaisip pa siya ng palusot."Wait! I'm eliminating myself and we still have Kat for our team...," umarya ang gulang ni Ira sa takot rin sa penalty na siya ang creator."Kasama pala yung leader?," protesta ni Brix."Oo naman, team member din ako at usapan ubusan di, ba?," eksplenasyon pa rin ni Ira para iligtas ang team niya."Proceed ka na, Jing!," mando niya pa sa leader ng Team B.No choice na si Jing-Jing. Lahat ng nakikita niya at natitirang bagay sa loob ng kanyang bag ay mayroon din sa kanyang Bff.Napapaisip na siya kung safe ba talaga na nakahubad sa dagat ngayong gabi.Humugot siya ng isang buntong hininga at saka hinugot ang isang bagay sa kanyang busluan.Pagkataas niya nito ay nanlaki ang mata ni Kat at agarang ginalugad ang loob ng kanyang bag. Nang wala siyang makita, kinapa niya ang bulsa ngunit wala ang importanteng bagay na iyon. Napatingin siya kay Brix.

    Last Updated : 2021-02-10
  • BAGAC   Chapter 21

    "Salamat, Ira...," huling bigkas ni Kat bago kumalas sa kaharap at tinakpan ng dibdib gamit ang buong kanang braso niya.Hinanap ang kapatid at saka itinaas ang kanyang kaliwang kamay.Alerto si Carey sa senyas na iyon kaya mas lumapit pa siya sa pampang at sinalubong ang kanyang Ate hawak ang isang nakalapad na malaking tuwalya.Nilalamig rin si Carey ngunit kahit mabasa ang paanan niya at mataksikan ng tubig-dagat, hindi niya hahayaan ang Ate niya na nakabuyangyang ang hubad na katawan.Hindi naman naging problema sa Team B kung umahon agad si Kat. Naintindihan nila kung hindi na nito kaya ang lamig. Ang mahalaga, tumupad ito sa challenge.Inalalayan ni Carey ang kanyang Ate sa paglakad habang bitbit niya ang mga basang baro nito.Tinignan lamang ni Ira si Kat habang papalayo ito sa kanya. Nang nasa pangangalaga na ito ni Carey, pinili na niyang maglulubog sa tubig upang maiwasang ginawin.Nagkakatuwaan pa ang mga nasa tubig nang lu

    Last Updated : 2021-02-11
  • BAGAC   Chapter 22

    May isang oras ang lumipas, nakaahon na rin sina Emong, Max, at Chadie ng maayos sa tulong namin Pete. Nagtulong naman kami ni Jing-Jing maging aid sa pag-alis nila Marissa at Ian sa tubig-alat.Ilang sandali pa, naglabas ng baraha si Emong at nakatuwaan nilang maglaro ng binansagang "1,2,3 Pass".Nakadepende ang bilang ng baraha na hawak ng isang player sa bilang kung ilan silang maglalaro.Sa puntong ito, apat lamang ang players kaya hinati ni Emong sa apat ang 54 pcs. na baraha. Sa bawat player ay may hawak na 12pcs. na cards habang nakatago ang butal sa sinumang nagbalasa nito.Sa ngayon, dahil laro namin itong magpipinsan, naging observer lamang ang iba. Si Emong, Max, Carey, at Ian ang mga naglalaro. Paikot ang pwesto at nasa likod ng mga kasali ang mga usi lang.May pagkapareho ang card game na ito sa larong pares. Magsasabay-sabay kayong ilapag ang isang card n'yo patalikod na tingin mo ay hindi mo kailangan o walang kapareha sa hanay ng iyong m

    Last Updated : 2021-02-12

Latest chapter

  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

  • BAGAC   Chapter 105

    Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

  • BAGAC   Chapter 104

    Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw

  • BAGAC   Chapter 103

    Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning

  • BAGAC   Chapter 102

    Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan

  • BAGAC   Chapter 101

    Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4

  • BAGAC   Chapter 100

    "Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi

  • BAGAC   Chapter 99

    Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji

DMCA.com Protection Status